Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pagpapakilala sa Panauhing

Tagapagsalita
April 11, 2017
Sa ating minamahal na tagamasid pampurok, Dr. Neriza Fanuncio, sa ating masipag
na punong-guro, Dr. Edna T. Gomez, mga iginagalang na kapitan, Kapitan Rodrigo San
Juan ng Poblacion I, Kapitan Aaron Peña ng Poblacion II, Kapitan Henry Ignacio ng
Nagbalon, mga kaguro, mga magulang, at mga mag-aaral, isang mapagpalang umaga po
sa inyong lahat.
Isang malaking karangalan para sa akin ang maatasan na magpakilala sa inyo ng
ating panauhing tagapagsalita, siya po ay isang inspirasyon para sa ating mga kabataan
dahil sa kanyang mga nagawa na at narating na sa kanyang murang edad. Siya po ay anak
ng isang dating guro dito sa Paaralang Sentral ng Marilao na si Gng. Aurelia J. Naguit at
ang kanyang ama ay isa rin pong guro si G. Virginio Naguit.
Siya po ay nagtapos ng elementarya dito sa Paaralang Sentral ng Marilao taong
1993 at ng Sekondarya sa St. Paul College of Bocaue taong 1997. Noong siya ay nasa
sekondarya, nakatanggap siya ng dalawang award, Math Wizard at Meritorious Award.
Kumuha siya ng kursong Bachelor of Science in Commerce major in Banking and Finance,
college scholar po siya ng apat na taon sa Centro Escolar University, Manila. Isa siyang
Dean's Lister mula taong 1997-2001 at Meritorious Scholastic Awardee mula taong 1997-
2001.
Naging clearing processor, teller at senior teller ng United Coconut Planters Bank sa
loob ng labintatlong taon. Naging president ng Congregacion De Las Hijas De Maria De
Marilao San Miguel Archangel Parish taong 2007, 2016-Junior Chamber International (JCI)
Marilao Marilag as Board of Director for Community, 2017- Junior Chamber International
(JCI ) Marilao Marilag as Board of Director for International at kasalukuyang Junior
Assistant Manager ng Security Bank Corporation, Malinta Paso de Blas Branch.
Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita Bb. Milena
Niña Juliano Naguit.
Maikling Pananalita at Pagpapakilala kay Pangulong Boyd K. Packer

Elder Paul V. Johnson

Ng Pitumpu

Ang seminary program ay nagsimula noong 1912 sa 1 guro at 70 estudyante.


Natutuhan natin sa Aklat ni Mormon na “sa maliliit at mga karaniwang bagay ay
naisasakatuparan ang mga dakilang bagay; … at sa pamamagitan ng napakaliit na
pamamaraan ay … isinasakatuparan [ng Panginoon] ang kaligtasan ng maraming tao”
(Alma 37:6–7). Tunay ngang mga dakilang bagay ang naisakatuparan mula sa
simpleng simulaing iyon noong 1912. Halimbawa, sa gabing ito 300 beses ang dami
sa orihinal na 70 kataong iyon ang nasa Conference Center ngayon, at maliit na
bahagi lang iyan ng daan-daang libong nanonood sa brodkast na ito sa iba’t ibang
panig ng mundo.

Ang pinakamahalagang “mga dakilang bagay” na nagmula sa simpleng simulaing iyon


100 taon na ang nakaraan ay hindi ang dami ng kabilang sa programa o ang bilang ng
mga gusali at guro, kundi ang mga dakilang bagay na nangyayari sa buhay ng milyun-
milyong estudyante sa paglipas ng mga taon habang ginagawa nila ang ilang maliliit
na bagay. Maliliit na bagay gaya ng pagpasok sa klase at pag-aaral ng mga banal na
kasulatan araw-araw at kasunod niyon ay pamumuhay ng mga alituntunin ng
ebanghelyo bawat araw. Sa paggawa nila ng maliliit na bagay na ito, mga dakilang
bagay ang naisasakatuparan sa kanilang buhay. Naging mas malapit sila sa ating Ama
sa Langit at sa Kanyang Anak na si Jesucristo, at napagpala nang lubos sa maraming
paraan.

Sa video na kapapanood lang natin, nakita nating kabilang ang ina ni Pangulong
Henry B. Eyring sa pinakaunang klase sa seminary 100 taon na ang nakakaraan.
Napakagandang kaugnayan nito! Kung makikita natin kahit paano ang iba’t ibang
pagkakaugnay sa mga nagdaang panahon, mas mapahahalagahan natin ang
napakaraming bagay na “ang kamay ng Panginoon ang siyang gumawa” (Job 12:9).
Ang isa pang may napakagandang kaugnayan sa seminary program ay ang ating
tagapagsalita ngayon, si Pangulong Boyd K. Packer. Magsasalita ako nang kaunti
tungkol kay Pangulong Packer at pagkatapos ay babanggitin ko ang ilang kaugnayan
niya sa seminary.

Si Pangulong Boyd K. Packer ay isinilang noong Setyembre 10, 1924, sa Brigham City,
Utah. Naglingkod siya bilang piloto sa Pacific Theater noong World War II.
Pagkatapos ng digmaan, pinakasalan niya si Donna Edith Smith noong 1947.
Nagkaroon sila ng 10 anak, 60 mga apo, at 78 apo-sa-tuhod.

Bilang bahagi ng kanyang paghahanda, nagtapos si Pangulong Packer ng bachelor’s


at master’s degree sa Utah State University at doctorate sa Brigham Young
University.

Si Pangulong Packer ay sinang-ayunan bilang General Authority noong 1961 sa edad


na 37 at inordenan bilang miyembro ng Korum ng Labindalawang Apostol noong
Abril 1970 sa edad na 45. Siya ang Gumanap na Pangulo ng Korum na iyan simula
Hunyo 1994 at itinalaga bilang Pangulo ng Korum ng Labindalawa noong Pebrero 3,
2008.

Binanggit ko na si Pangulong Packer ay may kaugnayan sa seminary. Siya ay naging


estudyante ng seminary sa Brigham City, ang pangalawang seminary na itinatag sa
Simbahan.

Noong si Pangulong Packer ay naglilingkod pa sa military sa Pacific, natapos ang


digmaan, at kinailangan niyang magpasiya kung ano ang gagawin niya sa buhay. Sa
isang maliit na isla sa Pacific niya ginawa ang desisyon—nagpasiya siyang maging
guro. Siya ay naging guro sa seminary. Nagsimula siyang magturo noong 1949 sa
mismong seminary na dinaluhan niya bilang estudyante at kasama niyang nagturo si
Able S. Rich, na isa sa mga unang guro ng seminary sa Simbahan—na natanggap
doon noong kasisimula pa lang ng unang seminary 100 taon na ang nakakaraan.

Si Pangulong Packer ay may malawak na karanasan sa pagtuturo sa mga Indian at


pinamunuan ang pagtatatag ng seminary system sa mga estudyanteng Indian. Siya
rin ang nagpasimula ng klase tungkol sa Aklat ni Mormon bilang kurso sa seminary.
Pagkatapos ng ilang taong pagtuturo, naging supervisor siya ng seminary program ng
Simbahan. Matapos siyang matawag bilang General Authority, naglingkod siya nang
34 na taon sa Church Board of Education at sa Executive Committee ng lupong iyon.

Bawat isa sa atin ay napagpala dahil sa pasiya niyang maging guro, desisyong ginawa
niya maraming taon na ang lumipas sa isang maliit na isla. Ang kakayahan niyang
magturo ng ebanghelyo ni Jesucristo ay nagpala hindi lamang sa kanyang mga
estudyante sa seminary kundi pati sa ating lahat sa iba’t ibang panig ng mundo na
nakapakinig sa kanyang pagtuturo. Mas nauunawaan natin ang ebanghelyo dahil sa
kanya, at mas nagiging masigasig tayong ipamuhay iyon. Mahal niya ang mga
estudyanteng tinuruan niya sa seminary noon, at mahal niya ang lahat ng kabataan
ng Simbahan ngayon. Pagkakataon natin ngayon na mapakinggan ang isa sa
pinakamahuhusay na guro sa dispensasyong ito, si Pangulong Boyd K. Packer.

Pagpalain nawa tayo ng Panginoon habang pinakikinggan at dinarama sa ating puso


ang kanyang mensahe. Sa pangalan ni Jesucristo, amen.

Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal na si G. Nico


Duma Gutierrez, Batch ‘2007
ni Dennis Lacsam
NICO DUMA GUTIERREZ
Taun-taon, isang tradisyon na sa mga guro ng paaralan ang paghahanap at
pagpili ng isang matagumpay at natatanging indibidwal na magbibigay ng isang
masalamisim na pananalita at inspirasyon sa lahat ng mga mag-aaral na nagsikhay sa
pag-aaral sa loob ng apat na taon.
Ngayon, sa Ikalawang Taunang Araw ng Pagtatapos sa Junior High School, sa
temang“Sabay-sabay na Hakbang Tungo sa Maunlad na Kinabukasan.”patutunayan ng
ating pinagpipitaganang panauhing pandangal na ang angking talino, sipag, at
determinasyon sa buhay na kinambalan ng magandang edukasyon ang tunay na kaagapay
ng isang tao upang matamo niya ang isang maningning na kinabukasan.
Likas na tubong San Pablo at panganay na anak ni TEODORICO
GUTIERREZ na isang guro at ESTHER DUMA-GUTIERREZ na dating Overseas
Filipino Worker sa America, ang ating panauhin ay maluwalhating nakapagtapos ng
elementarya noong 2003 sa Paarang Sentral, Lunsod ng San Pablo.

Kaakibat ang angking talino na pinanday noong elementarya, itinuloy niya ang
kanyang pag-aaral ng sekundarya sa paaralang pinaglilingkuran at lubos na itinatangi
ng kanyang amang guro, ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.

Sa loob ng apat na taong pamamalagi rito kung saan kabilang siya


sapinakamataas ng seksyon, katulad nang nakasanayan sa simula pa lamang ng
pag-aaral noong elementarya, masikhay niyang isinaisip, isinapuso at isinagawa ang
pagpapahalaga sa edukasyon sa paniniwalang ito talaga ang magdadala sa kanya sa
rurok ng tagumpay pagdating ng panahon.

Sa pamamagitan nang pakikisangkot sa iba’t gawaing pampaaralan, pinayabong


niya hindi lamang ang kanyang isip maging ang kanyang buong pagkatao. Bukod sa
palagiang pagsali at pagkapanalo sa iba’t ibang kumpetisyon tulad ng Regional Social
Studies Quiz Bee noong 2006 , MTAP Challenge, Pagbigkas ng Tula, Talumpatian,
Isahang Tinig, Poster-Islogan at marami pang iba ay naging bahagi rin siya ng iba’t
ibang samahan at organisayon ng mga mag-aaral tulad ng Math Club, Filipino
Club, Science Club, English Club at Supreme Student Government.

Sa gabay ng ama na noo’y coach ng basketball sa paaralan at


kilalangprofessional referee sa buong lunsod, naging parte rin siya ng school’s
basketball varsity na nakikipagtunggali sa mga kumpetisyon sa labas ng eskwelahan
tulad Division Athletic Meet at APEX Inter-School Unity Games. Kaakibat pa rin ng
kanyang kaalaman sa larong ito at iba pang larong pampalakasan ay naging bahagi rin
siya ng Patnugutan ng The Candor, ang opisyal na pahayagan sa Ingles
bilang Sportswriter at nagging kinatawan ng paaralan sa Sportswriting Category sa
Division at Regional Schools Press Conferences.

Dahil sa ipinamalas na galing at sipag sa pag-aaral, akademiko o ko-kurikular


man, nagtapos siya bilang FIRST HONORABLE MENTION noong Marso 2007 bukod
pa sa pagkakamit ng iba’t ibang parangal tulad STI Wizard Award at Best in English.

Bagamat nangarap na maging isang inhinyero noong umpisa, nanaig ang


kagustuhan niyang maging isang kilalang CPA balang araw kayat ipinagpatuloy niya
ang pag-aaral ng kolehiyo sa Laguna College kung saan kumuha siya ng
kursong Bachelor of Science in Accountancy.
Baon ang kumpyansa sa sarili mula sa mga gurong pumanday at luminang ng
kanyang personalidad noong hayskul, ipinamalas niya sa paaralang ito ang galing,
pagsisikhay, disiplina at determinasyon sa pag-aaral upang bigyang-dangal hindi lang
ang sarili maging ang pamilya at mga paaralang pinagkakautangan niya ng utang na
loob.
Sa pagiging kinatawan ng nasabing paaralan sa mga panrehiyong at
pampaaralang paligsahan tulad ng First On-line Accounting Quiz sa Lucena
(3rd Place), Accounting Quiz sa De La Salle Lipa (Participant), 2nd Punong Bayan &
Araullo Cup Auditing Theory and Problem Quiz (Participant), 2010 Accounting Wizard
Challenge (Participant), PPL Cup ng Lyceum of the Philippines, Laguna College
Accounting Quiz Bowl kung saan nagwagi siya ng magkasunod na taon (First Place -
2010, 3rd Place 2012) at 2008 Team Basic Accounting Challenge (1st Place)
pinatunayan niyang hindi pahuhuli ang isang katulad niya na nagtapos ng pag-aaral sa
isang public high school. Dahil sa galing at kasipangang ito, ginawaran siya ng paaralan
ng GASTPE Scholarship na ipinagkakaloob sa mga mag-aaral na nakakakuha ng
mataas na marka.

Noong 2011, nagtapos siya ng Bachelor of Science in


Accountancybilang Cum Laude at agad ding naging ganap na Certified Public
Accountant (CPA) nang maipasa niya ang professional board examination nito noong
Oktubre ng taon ring iyon.

Matapos maging isang lisensyadong CPA, noong 2011-2012, agad siyang


nagtrabaho bilang Accounts Payable Finance Analyst sa San Miguel Yamamura
Packaging Corporation sa Canlubang.
Taong 2013, lumipat siya sa Bayer Business Services Philippines, Inc.kung
saan nagtrabaho siya bilang Process Expert. Bilang isa sa mga resident accountants
ng nasabing kumpanya, hinawakan niya ang mga Accounts Payable nito sa mga
bansang Indonesia, Vietnam, USA at Philippines sa magkakaibang taon.

Kaakibat ng kanyang propesyon, ang ating marangal na bisita ay dumalo rin sa


napakaraming training-seminar na patuloy na nagpapaunlad ng kanyang pagkatao para
sa napiling propesyon. Bukod pa rito, siya ay miyembro rin ng Philippine Institute of
Certified Public Accountants (PICPA) at External Committee Member ng Junior
Philippine Institute of Accountants (JPIA).

Mga kaibigan, nais ko pong ipakilala sa inyo, ang isang dating mag-aaral ng Col.
Lauro D. Dizon na simula’t sapul ay kinabanaagan na kakaibang galing, sipag, talento at
determinasyon sa pag-aaral na siyang puhunan n’ya ngayon kung bakit n’ya tinatamasa
ang isang magandang buhay at pangalan.

Ipinagkakapuri ko pong ipakilala sa inyo ang mabunyi nating panauhing pandangal.


Sabay’sabay tayong tumayo at palakpakan ang magiting na binata,Certified Public
Accountant, G. NICO DUMA GUTIERREZ

You might also like