Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buod ng Sinag sa Karimlan

Sa isang pagamutan ng pambansang bilangguan sa Muntinlupa ay makikita ang apat na lalaking may
kanya-kanyang karamdaman. Isa sa nasa pagamutan na iyon si Bok. Si Bok ay dalawampu't siyam na
taong gulang na labas masok na lamang sa bilangguan. Si Doming na nagkaroon ng kasintahan na
maganda ay inagaw ng kanyang kaibigan. Si Mang Ernan naman na isang manunulat, isa ring propesor sa
isang unibersidad sa maynilaat nagging kasapirin sa iba't ibang samahan. Siya ay apatnapu't limang
taong gulang at nakapangasawa sa isa sa mga magaling tumugtog ng piyano. Sa tagal nilang nagsama ay
hindi sila pinalad magkaroon ng anak. Isa sa kanyang kasamahan sa bilangguan ay si Tony. Si Tony ang
pinakabatang bilanggo sa bilibid na may angking talino. Bata pa lang si Tony nang iwan sya ng kanyang
ama. Tanging ina lang at kapatid niya ang kanyang kasama. Si Tony ay nakapagtapos sa elementary at
nagging balediktoryan. Dahil sa kahirapan natuto siyang magnakaw at mandukot. Kaya't iyon ang naging
dahilan kung bakit kinamumuhian niya ang kanayang ama at itinuring na patay na ito. Sa loob ng
bilangguan ay doon rin niya nakilala ang isang pari, si Padre Abene. Si Padre Abena ang gusting
umampon kay Tony at gusto rin niyang pag-aralin ito. Hindi lang si Padre Abena ang gusting tumulong
kay Tony maging si Mang Ernan na kasama niya rin sa bilibid.

Nagkakasayahan sila sa isang panig ng bilangguan. Isang tanod ang dumating at sinabing may dalaw si
Tony. Hindi niyang inaasahang may dadalaw sa kanya sa mahabang panahon inisp niya na imposible ito.
Ngunit hindi inaasahang ang dadalaw pala sa kanya ay ang kanyang ama. Nang magkaharap ang mag-
ama, ang kanyang ama ay hindi niya ito tinanggap. Sinabi niya walang kapatawaran ang pag-iwan at
pagpalit nito sa babae ng kanilang pamilya.

Nalaman nila Padre Abena, mang Ernan, iba pang kasamahan at isang nars na Bb. Reyas ang ginawa ni
Tony sa kanyang ama. Pinangaralan nila si Tony kung gaano kahalaga ang isang ama. Nang dumalaw muli
ang kanyang ama, pinatawad na niya ito at maging ang kanyang ina ay tuluyang gumaling at napatawad
pa rin ang asawa. Muling nabuo ang kanilang pamilya.

Repleksyon :

Nalaman ko na kahit mahirap magpatawad ay mapapatawad at mapapatawad ang isang tao lalong
lalo na kapag mahal mo ito at may pagsasama kayo o kaya naman dahil magkadugo kayo.Tulad sa
akdang ito napatawad ni tony ang kanyang ama kahit na matagal silang iniwan nito , at pinabayaan.
Sa kuwentong ito, si Tony ay isang binatang bilanggo na nakaranas ng hindi magagandang pangyayari sa
kanyang buhay at nakagawa ng mabigat na kasalanan na nauwi sa kanyang pagkakabilanggo.

Sa kabila ng mga pagsubok, ang pagkilos pananalita at paniniwala niya ay nagdulot ng malaking
pagbabago sa kanyang buhay dahil unti-unting tumuwid ang kanyang magulong mundo.

Read more on Brainly.ph - https://brainly.ph/question/456115#readmor

You might also like