Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TRAYA,CLINT N.

LCC BAIS CITY


HUMSS !! A

KAIBIGAN?
Sanaysay di-pormal

Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng salitang kaibigan? Para sa akin maraming ibig sabihin ng kaibigan, kaibigan

sa kasiyahan lang or sa gimmick lang, kaibigan kapag may kailangan lang sayo, kaibigan lang sa tsismisan, kaibigan lang

na may makakasama at makaka-usap, kaibigan lang siya kapag may nakukuha sayo. Yan lang ang mga halimbawa ng

salitang kaibigan. Sa tingin ninyo ba masasabi mo na agad na kaibigan kapag bago palang kayo magka-kilala?.Para sa akin

ang tunay na kaibigan ay ang taong nasa likuran mo sa oras ng kagipitan, taong mahihingahan mo sa oras na may

problema ka at feeling depress ka, at siya ang taong magpapalakas ng iyong loob at susuporta sa iyo kahit sa anong

bagay. Yun ang matatawag kong tunay na kaibigan, yung tanggap ka kahit ano ka at kahit ano meron ka, yung kahit

anong mangyari nandiyan siya sa likod mo, siya rin yung taong hindi mag-aatubiling magsasabi sayo kung tama ba o mali

na ang ginagawa mo , taong tutulong sayo na hindi mag-hihintay na ano mang kapalit, taong maiiyakan mo, taong

masasabihan mo ng kahit anong sekreto mo, taong I maitetreasured mo habang ika'y nabubuhay, at kahit anong pag-

subok ang dumating sayo nandiyan siya hindi ka niya iiwan. Kapag ganyan ang taong kaibigan mo masasabi mo na siya

ang tunay mong kaibigan.

Naaalala ko tulo'y ang isa kong kaibigan, siya ang kaisa-isang tao na naging kaibigan ko nung time na down na down

ako siya yung taong nasa likuran ko nag-papalakas ng aking loob, taong nagtuturo sa akin, taong tumutulong sa akin sa

aking kagipitan, taong itinuring akong parang isang kapatid hindi lang isang kaibigan, masyadong malalim ang aming

pinag-samahan bilang mag-kaibigan, kapag nag-kakasakit ako siya ang nag-aalaga sa akin siya ang taong itinuring kong

para kong isang kapatid na babae, sa kanya ko naramdaman ang pag-aalaga ng isang nakakatandang kapatid na babae,

napakabait niyang tao hindi lang sa kaibigan niya kundi pati na rin sa kanyang pamilya .marami ring mga pag-subok din

ang dumating sa aming buhay, at maraming pagsubok din ang dumating sa aming dalawa bilang pag-kakaibigan, siya ang

iniodolo ko sa isang kaibigan dahil siya ang taong tumutulong na hindi nag-hihintay ng anumang kapalit, Masaya siya na

nakakatulong sa ibang tao at sa kanyang mga pamilya, siya ang taong kahit wala siya basta maibigay niya sa kanyang

kaibigan at sa kanyang pamilya ay Masaya na siya, siya ang taong may napaka simpleng personalidad.

Sampung taon na rin ang nakakalipas na kami'y magkahiwalay at malayo sa isa't isa", subalit ang aming pag-hihiwalay

ay hindi naging hadlang para maputol ang aming pag-kakaibigan, marami naring unos ang dumating sa kanyang buhay

pero nanatili pa rin siyang matatag at lumalaban para sa kanyang pamilya. Matagal tagal na ring panahon na kami'y
malayo sa isa't isa katulad ng sabi ko hindi naging hadlang ang aming pag-hihiwalay hanggang ngayun ay nariyan pa rin

siya na nag-aalala sa akin, nagpapalakas ng aking loob, at gumagawa ng paraan upang kami'y makapag-usap. Binabalik

ko naman ang mga kabutihan na ibinigay niya sa akin, nagtutulungan kami, at nandito pa rin kami nagsasabi ng mga

pangyayari sa aming buhay.

At dahil na rin sa sobrang hirap sa ating bansa umalis siya, nag-trabaho bilang care giver sa Cyprus, na kahit

masakit sa kanyang kalooban na mag-alaga ng ibang tao kesa mag-alaga sa kanyang sariling ina ay tinitiis niya yun,

nakikipag sapalaran siya upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya at mga kapatid, napakabait niyang

tao walang katulad, nagsasakrispisyo, lumalaban, nag-titiis na malayo sa kanyang pamilya para lang mabigyan ng

magandang buhay ang kanyang pamilya, kung iisipin mo napakahirap ng kanyang sitwasyun nasa bahay lang nag-aalaga

ng 2 matanda at malayo sila sa kabihasnan, kaya ang ginagawa ko lahat ng sinusulat ko ay ipinapadala ko sa kanya upang

maibsan ng kahit konti ang kanyang kalungkutan, kapag siya'y tumatawag puro nalang pag-hingi ng pasensya ang iyong

maririnig, pasensya na dahil bihira siya makatawag , at humihingi siya ng pasensya dahil hindi daw niya mabayaran ang

mga tulong ko sa kanya, isa lang ang sinasabi ko sa kanya wala siya dapat ihingi ng pasensya dahil binabalik ko lang ang

mga kabutihan na ginawa niya sa akin, at isa pa ang pag-kakaibigan ay hindi nag-bibilangan kung ano at mag-kano

naitulong mo sa kanya.

Para sa akin sa panahon ngayun napakahirap na makahanap ng totoong tao na maitretreasured mo habang ika'y

nabubuhay, totoong kaibigan mo na nandiyan sa tabi mo sa hirap o ginhawa, sa lungkot at saya, at naaalala ko pa ang

kantang " kung tayo'y matanda na sana'y di tayo mag-bago" nakakatuwa kasi para naman kaming 2 taong nag-iibigan

dahil yan ang lagi niya kinakanta at sabi niya sa akin pagmarinig ko raw yang kanta na yan ay para ko na rin siya kasama.

Munti ko lang hiling na kahit nasa malayo na siya sana'y lagi siyang patnubayan ng poong may kapal, lagi siyang maging

matatag. Kaya ang aming pag-kakaibigan ay hindi mawawala habang ako'y nabubuhay.
Reporma sa lupa
(LAND REFORM)

Ang reporma sa lupa (repormang agraryo din, bagaman ito ay may mas malawak na kahulugan) ay kinakasangkutan

ng mga pagbabago sa batas, alituntunin, o kalakaran hinggil sa pagmamay-ari ng lupa.[1] Maaring binubuo ang

reporma sa lupa ng muling pamamahagi ng mga ari-arian na sinisimulan o sinusuportahan ng pamahalaan. Sa

pangkalahatan, ang ari-arian na binabahagi muli ay mga lupaing pansaka. Samakatuwid, ang reporma sa lupa ay

maaring tumukoy sa paglipat ng pagmamay-ari mula sa mas may makapangyarihan sa di-gaanong makapangyarihan o

walang kapangyarihan, katulad ng mula sa maliit na mga mayayaman (o marangal) na may-ari na may malawak na

lupain (halimbawa, mga asyenda, mga malaking rantso, o mga lupang gamit sa negosyong sakahan) patungo sa

kanya-kanyang pagmamay-ari ng mga manggagawa ng mga lupaing iyon.[2]Ang mga ganoong paglipat ng mga

pagmamay-ari ay maaring mayroon o walang kabayaran; maaring iba-iba ang kabayaran katulad ng katibayan ng

halaga ng kabayaran o kabayaran mismo ng buong halaga ng lupa.[3]

You might also like