Wika at Gramatika Panghihikayat

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Wika at Gramatika, Filipino - Grade 7

Mga Salitang Ginagamit sa Panghihikayat

Layunin

 Pagkatapos ng araling ito, dapat na nagagamit mo ang wasto at angkop na wikang Filipino sa pagsasagawa ng isang
makatotohanan at mapanghikayat na proyektong panturismo.

Mga Salitang Ginagamit sa Panghihikayat

 May mga pagkakataong nakababasa tayo ng mga tekstong nanghihikayat. Kasabay nito ay nakikilala rin natin ang mga
salita o pangungusap na nakatutulong sa panghihikayat.

 Pangatnig ang tawag sa mga kataga o salitang gamit sa pag-uugnay ng isang salita sa kapwa salita, parirala sa kapwa
parirala, at sugnay sa kapwa sugnay.

May Iba’t ibang Uri ng Pangatnig na Ginagamit sa Panghihikayat:

 Pagbibigay-sanhi o dahilan

 Pagbibigay-layunin

 Pagbibigay-konklusyon

 Pagsalungat

 Pagpapatotoo

 Pagbibigay-Sanhi/Dahilan

Pinag-uugnay nito ang mga lipon ng salita upang magbigay-katuwiran. Ginagamit dito ang pangatnig na dahil sa, sapagkat,
palibhasa, kasi, at mangyari.

Halimbawa:

Maraming turista ang pumupunta sa Boracay dahil sa mala-kristal nitong buhangin.

Paliwanag:

Ang pangungusap ay nagbibigay ng dahilan kung bakit maraming turista ang pumupunta sa Boracay.

 Pagbibigay-Layunin

Nagsasaad ito ng hangarin o naisin. Kabilang dito ang pangatnig na upang, sa ganoon/gayon, nang, at para sa.

Halimbawa:
Upang makahikayat ng mga turista, nagsulong ang pamahalaan ng mga programa nito sa turismo.

Paliwanag:

Ang pangungusap ay nagsasaad ng layunin kung bakit nagsusulong ang pamahalaan ng mga programa sa turismo.

 Pagbibigay-Kongklusyon

Nagsasaad ito ng panghuling pananaw o opinyon. Kabilang dito ang pangatnig na samakatuwid, kung kaya, kaya, kung gayon,
at anupa’t.

Halimbawa:

Samakatuwid, ang pagsulong ng pamahalaan sa mga programa nito sa turismo ay makahihikayat ng mga turista at
negosyanteng dayuhan na pumunta at magtayo ng kanilang negosyo sa Pilipinas.

Paliwanag:

Ang pangungusap ay nagsasaad ng panghuling pananaw ukol sa isinusulong na programa ng pamahalaan para sa turismo.

 Pagsalungat

Nagsasaad ito ng pag-iiba, pagkontra o pagtutol. Kabilang dito ang mga pangatnig na pero, ngunit, sa halip, datapwa’t, at
subalit.

Halimbawa:

Gumaganda na sana ang ekonomiya ng bansa subalit ang pagtaas ng krimen ay nakaaapekto sa panghihikayat ng mga turista.

Paliwanag:

Gumaganda raw ang ekonomiya ngunit isang banta rito ang pagtaas ng krimen, kung kaya't ginamit ang pangatnig na subalit
upang matutulan ang naunang mensahe.

 Pagpapatotoo

Nagsasaad ito ng pagpapatunay. Kabilang dito ang mga pangatnig na sa totoo lang at sa katunayan.

Halimbawa:

Sa katunayan, tumaas ang bilang ng mga turista sa bansa at patunay rito ang 1.27 milyong dayuhang turista na naitala sa
unang buwan ng 2013.

Paliwanag:
Pinatunayan ng pangungusap ang mensaheng nais ilahad sa pamamagitan ng patunay na datos at pangatnig na sa katunayan.

 Pagbibigay-Kondisyon

Nagsasaad ito ng kondisyon o pasubali. Kabilang dito ang mga pangatnig na kapag, kung, sakaling, sandaling, at basta.

Halimbawa:

Kung masusolusyonan ang grabeng trapik sa Metro Manila, maraming turista ang darayo sa ating bansa.

Paliwanag:

Binibigyang pag-asa ang lahat na maaari pa ring dumami ang mga turista sa bansa.

Maliban pa sa mga pangatnig ay gumagamit din tayo ng ilang pang-abay upang makapanghikayat. Pang-abay ang tawag sa
bahagi ng pananalita na nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay. May dalawang uri ng pang-abay na
ginagamit sa panghihikayat, ang panang-ayon (tunay, talaga, opo, oo, sadyang, at totoo) at pananggi (hindi, at ayaw).

Buod

Gumagamit ng mga pangatnig at pang-abay upang tayo ay makapanghikayat. Sa pamamagitan ng mga pangatnig ay nagagawa
natin na magbigay sanhi, magbigay-layunin, magbigay-konklusyon, sumalungat at magpapatotoo. Sa pamamagitan naman ng
mga pang-abay ay nagagawa nating tumanggi at sumang-ayon.

You might also like