Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

NANG MINSA’Y UMULAN

ni: Marc Christian P. Fernandez

Minsan n’ung umulan ng napakalakas, biglang nagulat ang aking diwa. Nabalot ng kaba at takot
ang aking damdamin na sabay sa mga hagupit at lakas ng hangin pati sa hampas ng mga nagsasayawang
puno sa paligid. Dahil kapag dumating na naman ang daluyong, heto na naman, ang panibagong
pagsubok.

Leptospirosis… Daga, dumi, baha, isa lang naman ito sa mga problema at salot sa ating bansa.
Kaya ‘di maipagkakaila, maraming tao ang inis na inis sa problemang kinakaharap ng mahal nating
lupang sinilangan. Ngunit, ano nga ba ang Leptospirosis?

Ang Leptospirosis ay isang sakit na galing sa bacteria na kung tatawagin ay ‘Leptospira’ na


karaniwang nanggagaling sa ihi ng mga pesteng daga. Ito ay umaapekto sa mga tao at mga hayop. Sa
mga tao, ang sakit na ito ay nagdudulot ng napakaraming sintomas at minsa’y napagkakamalang ibang
sakit subalit sa hindi nila alam, Leptodpirosis nap ala ito. Minsan rin, ang mga natatamaan ng sakit na
ito’y walang sintomas na naidudulot. Ang mas nakakatakot rito, kapag hindi naagapan ang pasyenteng
may sakit nito, haharapin niya ang sandamakmak na sakit tulad ng sakit sa bato, meningitis at marami pa
na minsa’y nagdudulot ng kamatayan.

Karaniwan sa Pilipinas, ang leptospirosis ay nakukuha sa baha na naihian nga mga hayop
karaniwa’y daga. Dahil sa palagiang pagbaha ditto sa ating bansa, lumalaganap ng mabilis ang sakit na
ito. Sa katunayan, ayon sa DOH, nakapagtala sila ng humigit-kumulang 1030 na kaso ng mga Pinoy na
nagkaroon ng sakit na leptospirosis na sa 99 ng mga ito ay namatay sa taon na ito. Naitala rin noong
2017 na ang mga kaso na nagkaroon ng sakit na ito sa Pinas ay 2,495 katao na mas mataas pa ng 49
porsiyento sa 2016 na 1673 katao ang nagkaroon ng Leptospirosis.

Maraming sintomas ang naidudulot ng sakit na ito. Ayon sa WHO, ang mga sintomas ay
nagsisimula lima hanggang labing-apat na araw pagkatapos naimpeksyon ng bacteria na Leptospira.
Maaari rin itong lumitaw sa anumang oras mula dalawa hanggang tatlumpung araw. Ang mga sintomas
nito ay tulad ng mataas na lagnat, sakit sa kasu-kasuan, sakit sa ulo, pamumula ng mga mata,
panginginig, pagsusuka, pagtatae, at rashes. Kapag ito ay hindi agad naagapan, magdudulot ito ng mga
malulubhang sintomas tulad ng paninilaw ng balat at ng mga mata na dulot ng kidney failure, pagkaitim
ng dumi, malubhang pagsakit ng ulo, panghihina ng atay, Meningitis, at marami pang iba. Kaya kung
nakararanas na ng mga nasabing sintomas, puntahan na agad ang pinakamalapit na doctor upang
mabilisang maagapan ang sakit at upang hindi na rin ito magdulot ng kamatayan.

May mga gamot sa sakit na ito na binibigay ng mga doctor tulad ng antibiotics, subalit mas
mabuti sa nakararami ang pag-iwas. Paano nga ba ito maiiwasan?

Unang-una, huwag lumangoy at sumulong sa mga kontaminadong tubig lalong lalo na ang tubig-
baha dahil hindi natin alam kung umiihi ang mga daga rito o pinamumugaran ito ng mga bacteria na
nagdudulot ng sakit na Leptospirosis, lagging magsuot ng mga “safety gears” kapag lulusong sa baha
tulad ng gloves, bota at iba pa at kung sakali man ay malalim ang baha, sumakay ng Bangka kapag aalis
ng bahay, alisin ang mga kontaminadong tubig sa kapaligiran kung maaari, at kontrolin ang pagdami ng
mga daga sa kapaligiran sa paggamit ng mga lason, traps at marami pa.

Nakakatakot ang sakit tulad nito, pag- iwas lamang ang solusyon halos sa mga problemang
kinakaharap natin tulad ng sakit na Leptospirosis. Dahil doon, namulat ang aking diwa nang ako’y
nabigyan ng kaalaman, ang takot ko’y napalitan ng kaligayahan at panibagong pag-asa. Wala nang
gigimbal pa sa aking damdamin at hindi na sa sukdulan ang aking aabutin, dahil nang minsa’y umulan,
kaisipan ko’y nabuksan, Leptospirosis, maiiwasan.

SANGGUNIAN (isinalin sa Filipino): https://www.rappler.com/newsbreak/iq/206220-things-to-know-


leptospirosis

https://www.cdc.gov/leptospirosis/index.html

https://www.doh.gov.ph/Health-Advisory/Leptospirosis

You might also like