Rosary TL

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

ANG TANDA NG KRUS

Sa ngalan ng Ama, + at ng Anak, + at ng Espiritu Santo. Amen.

ANG KREDO NG MGA APOSTOLES

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyayari sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay at ibinaon. Nanaog sa mga impiyerno;
nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyayari sa lahat. Doon magmumula't pariritong huhukom sa nangabubuhay at
nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, na may Santa Iglesya
Katolika; may kasamahan ng mga Santo, may ikawawala ng mga kasalanan; at mabubuhay na
mag uli ang nangamatay na tao, at may buhay na walang hanggan. Amen

ANG AMA NAMIN

Ama namin, Sumasalangit ka, Sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo sundin
ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit. Bigyan mo po kami ngayon ng aming kakanin sa
araw-araw at patawarin mo ang aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa nagkakasala
sa amin; at huwag mo po kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masasama.
Amen.

ANG ABA GINOONG MARIA

Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang PANGINOONG Diyos ay sumasaiyo; Bukod
kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria,
Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.

ANG LUWALHATI SA AMA

Luwalhati sa Ama, sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong una, ngayon at magkapailanman,
at magpasawalang hanggan. Amen.

PANALANGIN NG FATIMA

O Hesus ko, patawarin mo kami sa aming mga sala, iligtas mo kami sa apoy ng impiyerno.
Dalhin mo ang lahat ng kaluluwa sa langit, lalung-lalo na ang higit na nangangailangan ng iyong
awa.

O SAKRAMENTONG MAHAL (opsyonal)


O Sakramentong Mahal, na sa langit buhat; ang puri ng kinapal, iyong-iyong lahat.

PANALANGIN SA MAHAL NA BIRHEN NG MEDALYANG MILAGROSA (opsyonal)

O Mariang Ipinaglilihing Walang Kasalanang Orihinal, ipanalangin mo kaming dumudulog sa iyo.

ANG SALVE REGINA

Aba Po Santa Mariang Birhen, Ina ng Awa, ikaw ang kabuhayan at katamisan, aba pinananaligan
ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eba. Ikaw rin ang
pinagbubuntung-hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba,
pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos
yaring pagpanaw sa amin, ay ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina
ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

N: Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Diyos.

B: Nang kami'y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Kristo.

ANG LETANIA NG LORETO

Panginoon, maawa ka sa amin.

Kristo, maawa ka sa amin.

Panginoon, maawa ka sa amin.

Kristo, pakinggan mo kami.

Kristo, paka-pakinggan mo kami.

ANG TUGON: MAAWA KA SA AMIN.

Diyos Ama sa langit, Maawa ka sa amin.

Diyos Anak na tumubos sa sanglibutan,

Diyos Espiritu Santo,

Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos,

ANG TUGON: IPANALANGIN MO KAMI.

Santa Maria, ipanalangin mo kami.

Santang Ina ng Diyos,


Santang Birhen ng mga Birhen,

Ina ng Kristo,

Ina ng Santa Iglesya,

Ina ng grasya ng Diyos,

Inang kasakdal-sakdalan,

Inang walang malay sa kahalayan,

Inang 'di malapitan ng masama,

Inang kalinis-linisan,

Inang ipinaglihi na walang kasalanan,

Inang kaibig-ibig,

Inang kataka-taka,

Ina ng Laging Saklolo,

Ina ng mabuting kahatulan,

Ina ng may gawa sa lahat,

Ina ng mapag-adya,

Ina ng Awa,

Birheng kapaham-pahaman,

Birheng dapat igalang,

Birheng dapat ipagbantog,

Birheng makapangyayari,

Birheng maawain,

Birheng matibay na loob sa magaling,

Salamin ng katuwiran,

Luklukan ng karungunan,
Mula ng tuwa namin,

Sisidlan ng kabanalan,

Sisidlan ng bunyi at bantog,

Sisidlan ng bukod-tanging katimtimann Rosang bulaklak ng 'di mapuspos ng bait sa tao ang
halaga,

Torre in David,

Torre na garing,

Bahay na ginto,

Kaban ng tipan,

Pinto sa langit,

Talang maliwanag,

Tala ng Ebanghelisasyon,

Mapagpagaling sa mga maysakit,

Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan,

Mapang-aliw sa nangagdadalamhati,

Mapag-ampon sa mga kristiyano,

Hari ng mga anghel,

Hari ng mga patriarka,

Hari ng mga propeta,

Hari ng mga apostol,

Hari ng mga martir,

Hari ng mga confesor,

Hari ng mga Birhen,

Hari ng lahat ng mga santo,


Haring ipinaglihi na 'di nagmana ng salang orihinal,

Haring iniakyat sa langit,

Hari ng kasantu-santosang Rosaryo,

Hari ng kapayapaan.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Patawarin mo po kami,


Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Paka-pakinggan mo po kami,


Panginoon.

Kordero ng Diyos na nakawawala ng kasalanan ng sanlibutan. Maawa ka sa amin.

N: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos.

B: Nang kami ay maging dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

MANALANGIN TAYO

O Diyos, na ang kaisa-isa mong Anak, sa pamamagitan ng kanyang buhay, pagkamatay, at


pagkabuhay na mag-uli ay ipinagtamo sa amin ang gantimpalang buhay na walang hanggan,
ipagkaloob mo, isinasamo namin na sa pagninilay-nilay nitong mga misteryo ng kabanal-
banalang Rosaryo ng Pinagpalang Birhen Maria, matularan namin ang kanilang nilalaman , at
makamtan namin ang kanilang ipinangangako. Alang-alang kay Kristong aming Panginoon.
Amen.

ANG ALALAHANIN MO

Alalahanin mo, oh lubhang mahabaging Birheng Maria, na kailan ma'y di narinig na may
dumulog na sa iyo'y nagpapaampon, na lumuluhog na iyong tulungan o hinihingi ang iyong
pamamagitan, na iyong pinabayaan.Dala ng pag-asang ito, ako'y dumudulog sa iyo. O Birhen ng
mga birhen at aking ina, narito ako sa iyong harapan na makasalanan at namimighati. O ina ng
verbong nagkatawang tao, huwag mo nawang siphayuin ang aking pagsamo ngunit dinggin mo
nawa sa iyong kaawaan. Amen.

ANG PANALANGIN PARA KAY SAN MIGUEL

San Miguel Arkanghel, ampunin mo kami sa labanan at maging bantay ka nawa namin sa
kalupitan at sa mga silo ng demonyo. Sugpuin nawa siya ng Diyos, na ipinagmamakaawa namin
sa iyo, at ikaw, Prinsipe ng mga Hukbo sa Langit, sa kapangyarihan ng Diyos, ibulid mo sa
kailaliman ng impiyerno, si Satanas at ang lahat ng malulupit na espiritu, na gumagala sa
sanlibutan at nagpapahamak sa mga kaluluwa.

Siya Nawa.

Alang-alang sa mga layunin ng ating mahal na Santo Papa ay manalangin ng 1 Ama Namin, 1
Aba Ginoong Maria at 1 Luwalhati sa Ama.

MGA MISTERYO SA TUWA (Lunes at Sabado)

1. Ang Pagbabalita ng Anghel sa Mahal na Birhen (Lc 1:28)

2. Ang Pagdalaw ng Birheng Maria kay Sta. Isabel (Lc 1:41-42)

3. Ang Pagsilang sa Daigdig ng Panginoong Jesukristo (Lc 2:7)

4. Ang Paghahandog kay Jesus sa Templo (Lc 2:22-23)

5. Ang Pagkatagpo kay Jesus sa Templo ng Jerusalem (Lc 2:46)

MGA MISTERYO NG LIWANAG (Huwebes)

1. Ang Pagbibinyag kay Kristo (Mc 1:10)

2. Ang Kasalan sa Cana (Jn 2:11)

3. Ang Pagpapahayag ng Paghahari ng Diyos (Mc 1:15)

4. Ang Pagbabagong Anyo ni Kristo (Mt 17:2)

5. Ang Pagtatatag ng Eukaristiya (Lc 22:19)

MGA MISTERYO NG HAPIS (Martes at Biyernes)

1. Ang Paghihirap ng Panginoon sa Halamanan ng Getsemane (Lc 22:44-45)

2. Ang Paghampas kay Jesus na Nagagapos sa Haliging Bato (Jn 19:1)


3. Ang Pagpuputong ng Koronang Tinik kay Jesus (Mt 27:28-29)

4. Ang Pagpasan ng Krus (Jn 19:17)

5. Ang Pagkapako at Pagkamatay ni Jesus sa Krus (Lc 23:46)

MGA MISTERYO NG LUWALHATI (Miyerkules at Linggô)

1. Ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Jesukristo (Mc 16:6)

2. Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoong Jesukristo (Mc 16:19)

3. Ang Pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostol (Gw 2:4)

4. Ang Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birhen (Pa 12:1)

5. Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen (Jdt 15:9-11)

ANG ANGELUS

V: Binati ng Anghel ng Diyos si Santa Maria.

R: At naglihi siya lalang ng Espirito Santo

(Pagkatapos ay manalangin ng 1 Aba Ginoong Maria)

V: Narito ang alipin ng Panginoon

R: Ganapin sa akin ayon sa Wika Mo

(Pagkatapos ay manalangin ng 1 Aba Ginoong Maria)

V: At ang Verbo ay nagkatawang tao,


R: At nakipamayan sa atin.

(Pagkatapos ay manalangin ng 1 Aba Ginoong Maria)

V: Ipanalangin mo kami, O Sanntang Ina ng Diyos,

R: Nang kami’y maging dapat magkamit ng mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

Manalangin tayo:

Panginoong aming Diyos, kasihan Mo nawa ang aming mga kaluluwa ng Iyong Mahal na grasya
at yayamang dahilan sa pamamalita ng Anghel ay nakilala namin ang Pagkakatawang Tao ni
Hesukristong Anak Mo, pakundangan sa Mahal Niyang pagpapakasakit at pagkamatay sa krus
ay papakinabangin Mo kami ng kanyang pagkabuhay na mag-uli sa kaluwalhatian sa Langit.
Alang-alang kay Hesukristong Panginoon namin. Amen.

(Pagkatapos nama'y dasalin ng 3 ulit ang Luwalhati sa Amâ. )

ANG REGINA CAELI

V. O Reyna ng Langit, magalak ka. Aleluya!

R. Sapagkat ang minarapat mong dalhin sa iyong sinapupunan. Aleluya!

V. Ay nabuhay na mag-uli na gaya ng kanyang sinabi. Aleluya!

R. Ipanalangin mo kami sa Diyos, Aleluya.

V. Matuwa ka at magalak, O Birheng Maria, Aleluya!

R. Sapagkat tunay na muling nabuhay ang Panginoon. Aleluya!

Manalangin Tayo:
O Diyos, na sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ng iyong Anak na si Jesukristong Panginoon
namin, ay minarapat mong paligayahin ang mundo. Hinihiling namin sa iyo na alang-alang sa
Birheng Maria na kanyang Ina ay makamtan namin ang kaligayahan sa buhay na walang
hanggan. Sa pamamagitan din ni Kristong Panginoon namin. Amen.

(Manalangin ng 1 Luwalhati sa Ama pagkatapos)

MGA AWITIN PARA SA MAHAL NA BIRHEN MARIA

STELLA MARIS

Kung itong aming paglalayag

Inabot ng pagkabagabag

Nawa'y mabanaagan ka

Hinirang na tala ng umaga

Kahit alon man ng pangamba

Di alintana sapagkat naro'n ka

Ni unos ng pighati

At kadiliman ng gabi

KORO:

Maria sa puso ninuman

Ika'y tala ng kalangitan

Ningning mo ay walang pagmamaliw

Inang sinta, Inang ginigiliw


Tanglawan kami aming ina

Sa kalangitan naming pita

Nawa'y maging hantungang

Pinakamimithing kaharian (KORO)

MARIA REYNA NG PILIPINAS

refrain

O Maria Reyna ng Pilipinas

Pinagbubukalan ng buhay na sagana

Sa paglalakbay ika’y aming patnubay

Si Kristo na anak mo sa ami’y ibinigay.

Ika’y galak ng Ama luwalhati ng yong bayan

Pag-ibig ng Diyos sa yo’y nanahanan

Tanging ilaw mo sa buhay ay kanyang kalooban

Ikaw ay dalisay Ina ng buhay. (ref)

Sa kadiliman ina ikaw ang aming tala

Ningning sa gabi sayo’y nagpapala

Pagod at hirap uhaw at kawalang pagnanasa


Ikaw ang pag-asa ina ng buhay. (ref)

MARIA, TALA NG KARAGATAN

Sa ‘ming paglalakbay dito sa lupa

Ikaw ang aming gabay na tala

Na umaakay kapag kami ay

Sa tamang landas nahiwalay.

Sa ‘ming paglalayag sa kadiliman,

Sa buhay na punong panganib, pangamba,

Ikaw ang tala sa karagatan,

Liwanag mo'y tanglaw sa twitwina.

Ika'y tala sa umaga,

Hudyat ang araw ng pagligtas.

Santa Maria, mahal naming Ina,

Ipanalangin mo kami sa Diyos Ama,

Upang si Kristo, aming hantungan,

Sa dulo ng landas matagpuan.

Santa Maria, (Ave) mahal naming Ina, (Ave)

Ipanalangin mo kami (Ave) sa Diyos Ama, (Maria)


Upang si Kristo, (Ave, Ave) aming hantungan, (Ave Maria)

Sa dulo ng landas matagpuan. (Matagpuan.)

Sa dulo ng landas matagpuan.

INANG MINAMAHAL

Inang minamahal, si Hesus sa iyo isinilang. Inang sinisinta, ang Diyos sa’yo nagpala. Inang
minamahal, kay Hesus kami’y ‘yong ialay. Ilaan sa Kanyang Kaharian, upang Diyos ay
maparangalan. Ilaan sa kanyang Kaharian, upang kapwa’y mapaglingkuran.

Inang minamahal, si Hesus aming mananakop. Inang sinisinta ng lahat mong mga anak; nawa’y
ilawan mo ang landas naming tatahakin, kaligtasan namin at pag asa, tulong ng iyong
panalangin. Sa harap ng aming kamatayan, O Ina kami’y ‘yong aliwain

Inang minamahal, kalingain kami’t turuan; na matularan ka, sa iyong laging paglingap. Buksan
aming kamay sa ‘ming kapwang baon sa hirap: sa kanyang kalayaan ay buhay, maialay ang
pagsisikap. At higit kung ito’y kailangan, katawa’t buhay man itaya.

INANG SAKDAL LINIS

Inang sakdal linis Kami ay ihingi Sa Diyos Ama namin; Awang minimithi.

Ave, Ave, Ave Maria;

Ave, Ave, Ave Maria.

Bayang tinubua'y ipinagdarasal at kapayapaan nitong sanlibutan.

Ave, Ave, Ave Maria;


Ave, Ave, Ave Maria.

ANG PUSO KO'Y NAGPUPURI

Ang puso ko'y nagpupuri

Nagpupuri sa Panginoon

Nagagalak ang aking espiritu

Sa 'king Tagapagligtas

Sapagkat nilingap Niya

Kababaan ng Kanyang alipin

Mapalad ang pangalan ko

Sa lahat ng mga bansa

(Chorus)

Sapagkat gumawa ang Poon

Ng mga dakilang bagay

Banal sa lupa't langit

Ang pangalan ng Panginoon

(Chorus)

Luwalhati sa Ama
Sa Anak at sa Espiritu Santo

Kapara noong unang-una

Ngayon at magpakailanman

You might also like