Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 56

English Version

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang


Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng
Edmonton Catholic Schools

Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng


Inyong Anak sa Paaralan

Filipino/Tagalog Version
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

Acknowledgements

We would like to acknowledge the dedication of the following individuals who assisted in the
development and production of Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na
Paaralan ng Edmonton Catholic Schools.

This handbook is adopted from “The Newcomers’ Guide to High School in Ontario”, the project of the
Settlement Workers in Schools program (SWIS) in Ontario. This handbook was developed and
produced by the Intercultural Services, Edmonton Catholic School District with funding from
Citizenship and Immigration Canada’s ISAP Project and Alberta Education’s ESL AISI Project.

Contributors: Emilie DeCorby, retired School Principal/former ESL Consultant


The late Karen deMilliano, former ESL Consultant
Kerri McLaughlin-Phillips, former Consultant, ESL- AISI Project
Mei-Min Chan, former Chinese Liaison Worker
Lidija Simcisin, Liaison Worker- Slavic Languages, Intercultural Services

Special Thanks To all teachers who made contributions to the editing of this Guide.

Design and Typeset: Lidija Simcisin, Liaison Worker - Slavic Languages, Intercultural Services

Translators: Amharic, Berhanu Demeke, Amharic Liaison Worker, Intercultural Services


Chinese Simplified – Lynnley Ng, Contracted Chinese Translator
Chinese Traditional – Lynnley Ng, Contracted Chinese Translator
French - Rachel Lecuyer, Contracted French Translator
Polish - Eva Gazzola, Contracted Polish Translator
Russian - Lesia Dariychuk, Contracted Russian Translator
Spanish - Susana Runge, former Spanish Liaison Worker
Tagalog - Evangeline Aguilar, Filipino Liaison Worker, Intercultural Services
Tigrinya - Berhanu Demeke, Tigrinya Liaison Worker, Intercultural Services
Ukrainian - Lesia Hyzha, Contracted Ukrainian Translator
Vietnamese - Mai Nguyen, Vietnamese Liaison Worker, Intercultural Services

Updated by: Evangeline Aguilar, Filipino Liaison Worker, Intercultural Services


Teresa Firth, Spanish Liaison Worker, Intercultural Services
Jiang Lin Shi, Contracted Chinese Translator
Andriy Kononeko, Contracted Russian Translator
Ribha Atioui, Contracted French Translator
Mai Nguyen, Vietnamese Liaison Worker, Intercultural Services
Lidija Simcisin, Liaison Worker- Slavic Languages, Intercultural Services

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

Table of Contents
Introduction .................................................................................................. 1

Section 1 – Starting School..........................................................................

1. Kinds of High Schools in Alberta ..................................................................... 2


2. How Catholic Schools are Unique .................................................................. 2
3. Registering for School ..................................................................................... 3
4. Reception of ELL Families/Intake Protocol ...................................................... 4
5. Intercultural Services/Liaison Workers ............................................................. 5
6. Schools Boundaries ........................................................................................ 6
7. Age Appropriate Grade Placement ................................................................. 6
8. School Orientation for New Students ................................................................ 6
9. Placing Students in Courses in the First Year .................................. ............. 7
10. Students Who are 18 Years of Age or Older ................................................... 8
11. Credits for Previous School Learning .............................................. .............. 8
12. Secondary School Graduates from Other Countries ..................... ................. 9

Section 2 – Learning English and Other Subjects 10

1. Learning English .............................................................................................. 10


2. ESL Courses .................................................................................................... 11
3. Programs of Study ............................................................................................ 12
4. How Students are Taught ................................................................................. 12
5. Flex Time in High Schools ............................................................................... 13
6. Focus Schools and Alternate Programs ............................................................ 13
7. Religious Education .......................................................................................... 13
8. Retreats ............................................................................................................ 14
9. Inclusive Education .......................................................................................... 14
10. Reporting Student Progress - Report Card ...................................................... 15
11. Individual Program Plan (IPP) Meetings ........................................................... 15
12. Homework ....................................................................................................... 15
13. Summer and Evening Programs ...................................................................... 16
14. After-School and Lunch-Time Programs ........................................................ 16
15. Computer Access ......................................................................................... 16
16. International Student Program – Students with Study Permit ........................... 17

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

Section 3 – Choosing Courses and Education Plan

1. Why an Education Plan is Important ................................................................ 19


2. How Teachers Help Students Develop a Plan ................................................ 19
3. Learning Responsibilities for School Work ....................................................... 19
4. How Parents Can Help Students Plan ............................................................ 20
5. The First Year in Canada ................................................................................. 20
6. The Alberta High School Diploma .................................................................... 21
7. Earning One Hundred Credits .......................................................................... 21
8. Alberta High School Diploma/Certificate of Achievement – Graduation
Requirements .................................................................................................. 22
9. Twenty Hours Community Involvement .................................................... 24
10. English Requirements for University and College Admission ................... 24
11. Leaving School Before Graduation – High School Completion ........................ 25
12. Different Types of High School Courses ......................................................... 25
13. Course Codes .................................................................................................. 26
14. The Course Registration Form ........................................................................ 27
15. Off-Campus Education and Work Experience Programs .................................. 27
16. After High School: Getting into Technical Institutions, Publicly Funded,
Colleges University or Private Vocational Schools .......................................... 27
a) Publicly Funded Colleges and Other Post-Secondary Institutions in Alberta ..... 27
b) University.......................................................................................................... 28
c) Apprenticeship and Industry Training................................................................ 28
d) Private Colleges Accredited to Grant Degrees ................................................. 28
17. How Students are Chosen ............................................................................... 29
18. Scholarships, Bursaries and Loans .................................................................. 29

Section 4 – School Policies and Procedures

1. Dealing with Concerns ..................................................................................... 32


2. Reporting Possible Harm to Students .............................................................. 32
3. School Council ................................................................................................. 32
4. Code of Conduct............................................................................................... 33
5. Mandatory Consequences ............................................................................... 33
6. Concerns About Another Student’s Behaviour ............................................. 34
7. The Role of Parents in Dealing with Behaviour Problems ................................ 34
8. School Attendance is Obligatory ...................................................................... 35
9. Absence from School or Classes ...................................................... .............. 35
10. If the Student Gets Sick at School ................................................................... 35
11. Allergies or Health Problems ............................................................................ 35
12. Vision and Hearing ........................................................................................... 36

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

13. Immunization ................................................................................................... 36


14. Lunch ............................................................................................................... 36
15. School Holidays ............................................................................................... 37
16. Field Trips......................................................................................................... 37
17. Cold Weather Policy ......................................................................................... 37
18. Keeping Contact Information Up-to-Date ......................................................... 37
19. Dress Code ..................................................................................................... 37
20. Alberta Student Record ................................................................................... 37
21. Alberta High School Transcript ....................................................................... 38

Section 5 – Ways That Parent Can Help

1. Talking with Your Son or Daughter .................................................................. 39


2. Seven Ways to Help Your Son or Daughter ..................................................... 40
3. Talking with the Teacher .................................................................................. 40
4. Questions to Ask the Teacher .......................................................................... 41
5. How to Contact a Teacher or School Counsellor ............................................. 41
6. Parent –Teacher Interviews ............................................................................. 41
7. Parent Connect ................................................................................................ 42
8. Confidentiality ................................................................................................... 42
9. Letters from the School .................................................................................... 42
10. If You Don’t Speak or Read English, You Can Still Help Your Son or Daughter 43
11. Helping with Homework ................................................................................... 43
12. Solving problems ............................................................................................. 44
13. Bullying and Harassment ................................................................................. 45
14. School Resource Officer (SRO) ....................................................................... 45

Helpful Links ............................................................................................... 46

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

P a n i mu la

Indeks ng mga Bahagi ng Patnubay ng


Magulang:

1. Pagsisimula ng Pag-aaral 2- 9
Ang
2. Pag-aaral ng Ingles at iba pang 10 - 17
Asignatura

3. Pagpili ng mga Kurso at 18 - 30


Plano sa Pag-aaral

4. Mga Patakaran at Pamamaraan sa 31 - 38


Paaralan
5. Mga Paraan kung papaano 39 - 45
makakatulong ang mga Magulang

mga unang taon sa Canada ay maaaring maging mahirap para sa mga baguhan. Ang mga magulang ay
abala sa paghahanap ng trabaho at pagtatatag ng bagong tahanan. Ang mga bata ay bumubuo ng mga
kaibigan at ang bawat isa ay nakikibagay sa bagong pamumuhay.
Para sa mga magulang ng mga batang nasasa mataas na paaralan, kayo ay inaasahang tutulong sa
inyong anak sa pagpili ng mga kurso sa bawa’t taon. Hindi ito madali sa dahilang may mga iba’t ibang uri
ng kurso. Ang piniling mga kurso ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa oportunidad ng mag-
aaral matapos na siya ay makapagtapos.
Ang Patnubay na ito ay nagbibigay ng pang-kalahatang impormasyon para sa mga magulang ng mga
batang nag-aaral ng Ingles. Ang mga natatanging impormasyon tungkol sa mga programa sa partikular
na mataas na paaralan na papasukan ng inyong anak ay maaaring hingiin ng diretso dito.
Ang Patnubay ay nasusulat sa labing-dalawang (12) wika: Amharik, Intsik (tradisyonal at payak na
pagkasulat), Ingles, Filipino/Tagalog, Pranse, Ruso, Espanyol, Ukrainian at Vietnamese. Ito ay isasalin
sa iba pang wika kung kinakailangan.
Ang salitang “magulang” dito ay sumasaklaw din sa mga taga-bantay, tagapag-alaga at iba pang mga
miyembro ng pamilya.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa edukasyon sa mataas na paaralan sa Alberta, tingnan:
Edmonton Catholic Schools, tingnan: www.ecsd.net.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 1
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

PATNUBAY NG MAGULANG – SEKSYON 1

Pagsisimula sa Pagpasok
Sumada ng Mga Nilalaman
Karamihan sa mga estudyante ay nagsisimulang pumasok
1. Mga Uri ng Mataas na Paaralan kaagad pagdating nila sa Canada. Ang mga pahinang ito ay
nagsasaad nang maaari ninyong malaman sa pagsisimula ng
2. Papaano Natatangi ang mga inyong anak sa pagpasok at nagmumungkahi ng mga paraan sa
Paaralang Katoliko paghahanda para sa kanilang edukasyon.

3. Pagpaparehistro sa Paaralan 1. Mga Uri ng Mataas na Paaralan sa Alberta

Ang pagpili ay isa sa mga mahahalagang prinsipyo ng


4. Pagtanggap sa Pamilya ng mga sistema ng edukasyon sa Alberta. Sa pagpili ng paaralan,
Mag-aaral ng Ingles/Protokol sa ang mga magulang at mga mag-aaral ay makakapamili mula
Pagpaparehistro/ sa malawak na hanay ng mga opsyong binayaran ng
Serbisyong Pang-kultura/ Mga publiko: Publikong Ingles, Katolikong Ingles at
5.
Manggagawang Tagapag-ugnay Prankoponeng Publiko, Hiwalay (Separate), Prankopone,
Pribado at mga Paaralang Tsarter. Sa bawat isang sistema,
ang mga lupon ng paaralan sa purok ang namamanihala ng
6. Mga Hangganan ng Paaralan mga paaralan.

7. Paglalagay sa Grado Ayon sa Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga


Edad pagpipilian sa Alberta, tingnan: Choosing a School in Alberta
o Education Options.
8. Pagbibihasa sa Paaralan para sa
Mga Bagong Dating

9. Paglalagay sa mga Estudyante


sa mga Kurso sa Unang Taon

10. Mga Estudyanteng higit sa 18


taon ang edad

11. Mga Kredito sa Pag-aaral mula


sa Pinanggalingang Paaralan

12. Mga Nagtapos sa Paaralang


Sekundarya sa ibang Bansa

2. Papaano Naiiba Ang Paaralang Katoliko

Ang mga Paaralang Katoliko ay naghahandog ng buod na programang katulad ng sa mga


Paaralang Pampubliko at ang mga estudyante ay nagtatapos din na may Diploma sa Mataas na
Paaralan ng Alberta. Subalit, ang mga Paaralang Katoliko ay natatangi sa ilang mga paraan :

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 2
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

• Lahat ng mga asignatura ay itinuturo mula sa Katolikong pananaw at ang mga


pagpapahalagang Katoliko ay bahagi ng lahat ng mga pinag-aaralan ng mga estudyante.
• Lahat ng mga estudyante ay nag-aaral ng Relihiyon bilang isang akademikong asignatura
sa bawat taon ng pasukan.
• Ang mga estudyante ay nakikibahagi sa pang-araw-araw ng pagdadasal, pagmumuni-muni
at iba pang mga gawaing nagpapalago sa kanilang Katolikong paniniwala.
Ang misyon ng Edmonton Catholic Schools ay maghandog ng Katolikong edukasyon na
nagbibigay ng inspirasyon sa mga estudyante na matuto at maghahanda sa kanila na mamuhay ng
lasap at magsilbi sa Diyos sa katauhan ng bawat isa.

SACRAMENTALITY

"God saw everything that was made, and indeed, it was very good."
(Genesis 1: 31)

All of creation is the ordinary medium of God’s outreach to the


human family. God communicates to humans…through everything
and anything of our world. Everything created is good because it is
of God. A Catholic attitude to the world affirms the world as so good
as to be sacramental. That is, it is made holy and is sacred.

3. Pagpaparehistro Para sa Paaralan

Ito ang mga kakailanganin ninyong ihanda para maiparehistro ang inyong anak sa paaralan:
1. Katunayan ng estado na imigrasyon ng estudyante – alin man sa isa sa:
• Kard ng pagiging Permanenteng Maninirahan (Permanent Resident) ng estudyante at Kard ng
Pagiging Permanenteng Maninirahan ng isa sa mga
magulang o Kumpirmasyon ng Permanenteng
Paninirahan
• Permiso ng Pagtratrabaho ng Magulang o
Permiso ng Pag-aaral kung mayroon nito
• Dokumento ng Pangangalaga sa Repudyi
(Refugee Protection Claimant Document) o Notisya
ng Desisyon para sa mga Kumbensyon Repudyi
2. Sertiipiko ng Kapanganakan
3. Sertipiko ng Binyag, kung ang estudyante ay Katoliko at kung mayroon nito
4. Katunayan ng Pag-aalaga (guardianship) – kinakailangan kung ang estudyante ay wala pang 18
taon at hindi kapisan ng magulang
5 . Katunayan ng tirahan (address) – kopya ng dokumentong galing sa bangko, bil ng koryente o
telepono o pangungupahan na may pangalan at tirahan ninyo

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 3
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

4. Pagtanggap sa mga Pamilyang ELL/Protokol sa Pagkuha ng Impormasyon


Ang pagrerehistro at pagkuha ng mga impormasyon ng mga baguhang estudyante ay ginagawa sa One
World…One Centre. Sa oras ng pagrerehistro, lahat ng mga baguhang estudyanteng ang unang wika ay
hindi Ingles ay tatasahin upang malaman ang kanilang galing at antas ng suporta para sa
pagproprograma sa ESL. Kasabay nito, tutulungan kayo ng mga Manggagawang Tagapag-ugnay sa
pagkukumpleto ng mga dokumento sa pagtanggap at bibigyan ng impormasyon tungkol sa mga ibat-
ibang mapagkukunan at suporta na maaaring makuha ng mga baguhang estudyante at ng kanilang
pamilya.
Kakailanganin ninyong punuan ang mga pormularyong pampaaralan, tulad ng:
• Pormularyo para sa Pagrerehistro ng Estudyante
• Pormularyo ng Permiso para sa Pagtatasa sa Ingles bilang Pangalawang Wika (ESL)
• Pormularyo sa Pagkuha ng Impormasyon tungkol sa Estudyante base sa koleksyon ng mga
impormasyon at nakaraang edukasyon ng inyong anak. Lahat ng mga impormasyong nakolekta ay
tutulong sa guro na planuhin ang nararapat na maging resulta ng pag-aaral para sa inyong anak.
• Mga Katanungang Nagtataya ng mga Pangangailangan ng Pamilya na magsasaad kung anong
mga impormasyon tungkol sa mga programang pang-komunidad at suporta ang interés ninyo. Ang
kakulangan ng mga impormasyon tungkol dito ay maaaring maging sagabal sa paggamit ninyo ng mga ito.
Sa ika-4 na pahina ng Pormularyo para sa Pagrerehisto ng Estudyante, kinakailangan ng mga
magulang/tagapag-alaga na basahin at isaad ang kanilang pagsang-ayon o pagpayag sa nararapat na
lugar sa mga sumusunod na kondisyon:
• Kasunduan tungkol sa Responsableng Paggamit
Ang dokumentong ito ay naglalarawan ng mga responsibilidad ng inyong anak na may kaugnayan sa
paggamit ng mga kompyuter, internet at email ng Edmonton Catholic Schools.
• Paggamit at Paglalahad ng mga Impormasyong Pang-sarili
Ang dokumentong ito ay naglalarawan kung papaano at kailan maaaring kolektahin at gamitin ng
distrito ng paaralan ang mga pansariling impormasyon ng inyong anak.
• Mga Patnubay sa Pampublikong Website ng Distrito
Ang dokumentong ito ay naglalarawan kung kailan at anong mga impormasyong pang-sarili ang
maaaring ilagay sa isang website ng Distrito.
• Pahintulot sa Pakikilahok sa Midya
Nangangailangan ang mga paaralan ng pahintulot mula sa magulang bago nila payagan ang mga
estudyanteng makilahok sa mga pagtatanghal sa paaralan. Ang pahintulot ay kinakailangan sa
dahilang sa mga pagtatanghal na ito, ang mga bagay na maaring ituring na pribado tulad ng mga
ginawa ng mga estudyante o ang mga estudyante mismo ay maaaring litratuhin, i-bidyo o i-rekord ng
mga magulang, bisita o midya. Ang mga impormasyong ito ay maaaring gamitin sa pagdiriwang ng
pagtatapos ng estudyanyte at para magbigay ng mga impormasyon tungkol sa pag-aaral sa mga
paaralang Katoliko o sa mga ginagawa ng Lupon ng mga Paaralang Katoliko (Catholic School
Board). Mangyari lamang na pag-ukulan ito ng oras na basahin at i-tsek ang lahat ng mga seksyon
na sinasang-ayunan ninyo. Kung sakaling magbago ang isip ninyo, maaari ninyong alisin ang inyong
pahintulot ano mang oras.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 4
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

• Pahintulot sa Pakikipag-ugnayan gamit ang Paraang Elektroniko


Isinasaad ng nasasa ibaba ng ika-4 na pahina na kinakailangan ng Edmonton Catholic School ang
inyong pahintulot na gamitin ang email bilang isang opsyon para maipabatid sa inyo ang mga
impormasyong pampaaralan o impormasyon mula sa distrito. Ilan sa mga pahatid na ito ay tungkol
sa mga impormasyong naghahandog (offers), mga anunsyo (advertisements) o mga promosyong
may kaugnayan sa mga gawaing pampaaralan tulad ng mga taunang aklat (yearbooks),
pagbibiyahe sa labas ng paaralan (field trips), mga programa sa pananghalian (lunch
programs), mga larawan (photos), o mga magkakaparehong gawaing pampaaralan (similar
school related activities). Kung pipiliin ninyong hindi magpahintulot dito, makakatanggap lamang
kayo ng mga mensahe tungkol sa pagpasok o mga mensaheng pangkagipitan (emergency
messages).

5. Serbisyong Pangkultura/Mga Manggagawang Tagapag-ugnay

Ang tagumpay sa edukasyon ng mga imigranteng


estudyante ay nadadagdagan kung ang koneksyon sa
pagitan ng paaralan, pamilya ng estudyante at mga
komunidad ay mananatili at mapapatibay.
Ginagampanan ng Sentro ng Serbisyong Pangkultura
ang napakahalagang tungkulin para mapabilis ito.
Ang Sentro ng Serbisyong Pangkultura at ang mga
ESL Liaison Workers ay sumasalubong at
sumusuporta sa mga Mag-aaral ng Ingles (ELLs) at
kanilang pamilya sa Paaralang Katoliko ng Edmonton.
Limang Manggagawang Tagapag-ugnay (Liaison
Workers) na nasasa ilalim ng direksyon ng
Assistant Principal ng One World…One Centre ang
nagbibigay ng mga serbisyong pang-suporta sa iba’t-ibang wikang ito: Amaharik, Arabik, Croatian,
Dinka, Filipino/Tagalog, Serbian, Espanyol, Swahilli, Russian, Tigriniya, Ukrainian at Vietnamese.
Kung ang wika ninyong ginagamit ay wala sa listahang nasasa itaas, ipaalam lamang sa guro ng
inyong anak at sisiguraduhin ng paaralang mabibigyan kayo ng tagasalin (interpreter) kung
kinakailangan.
Ang mga Manggagawang Tagapag-ugnay (Liaison Workers) ay hindi lamang mga tagasalin. Sila
rin ay nagpunta sa Canada mula sa iba’t-ibang bansa at dahil dito ay mayroon ding pangsariling
kaalaman sa komunidad na kanilang kinabibilangan, sa uri ng pamumuhay na kanilang pinagmulan
at sa sistema ng edukasyon sa kanilang pinagmulang bansa. Ang Manggagawang Tagapag -ugnay
mula sa inyong komunidad ay maaaring makaunawa din ng inyong mga panganga ilangan,
pangamba at mga bagay na dapat ninyong asahan. Sila ang makapagbibigay sa inyo at sa inyong
anak ng napakaraming tulong.
Gagawin ng mga Manggagawang Tagapag-ugnay (Liaison Workers) na:
• bigyan kayo ng impormasyon tungkol sa sistema ng paaralan sa Alberta, mga pamamaraan
at mga pangyayari sa paaralan, ganon din ng pangkalahatang impormasyon tungkol sa
buhay at kultura ng Canada.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 5
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

• bigyan ang mga guro at kawani ng paaralan ng mga impormasyon tungkol sa sistema ng
edukasyon sa inyong bansa, kultura nito, at mga bagay na inyong dapat asahan at inyong
mga pangangailangan,
• magbigay ng serbisyo sa pagsasalin sa wika para sa inyo kung kinakailangan ninyong
makipag-ugnayan sa paaralan at iba pang kawani ng paaralan na may kaugnayan sa pag-
aaral ng inyong anak sa panahon ng pagpapalista, mga panayam ng guro at magulang, mga
pagpapakita sa mga paaralan at ibat-ibang mga Sesyon para mga Magulang na ginaganap
sa One World…One Centre at iba pang mga pagtatanghal pampaaralan.
• pagsasalin sa wika ng mga dokumento, report kard, rekord ng bakuna, liham, liham na
nagbabalita at iba pang mga bagay na hinihingi ng paaralan,
• iugnay kayo sa mga iba’t-ibang ahensyang lokal at pang-komunidad na may kinalaman sa
paninirahan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyo ng mga Liaison Workers, tawagan
lamang ang (780) 944-2001. Kung nahihirapan kayong makipag-usap sa Ingles, mag-iwan lamang
ng mensahe sa inyong sariling wika.

6. Mga Hangganan ng Paaralan (School Boundaries)


Karaniwan, ang inyong tirahan ang magsasabi kung saan ang
magiging paaralann ng estudyante. Ang bawat isang paaralan ay
mayroong mga kalye at tirahan na nasasakop ng paaralang iyon.
Ang mga estudyante ay maaaring pumasok sa paaralang nasasa
labas ng kanilang sona kung ang programang inihahandog sa
paaralang iyon ay mas aakma para sa estudyante. Tinatanggap
muna ng mga paaralang ito ang mga estudyanteng mula sa lugar
na kanilang kinasasakupan at kung mayroon pang lugar, saka
nila tatanggapin ang mga estudyante na nakatira sa labas ng
lugar na nasasakop nito.
Para matagpuan ang paaralan sa inyong lugar, punuan ang
hinihiling na impormasyon sa sumusunod na link: Locate a
School. Para sa mga karagdagang impormasyon tunkol sa mga programa sa Edmonton Catholic High
Schools, tingnan: Guide to Schools.

7. Paglalagay sa Grado ayon sa Edad

Kapag ang mga estudyante ay nagparehistro sa paaralan, ang paglalagay sa kanila sa grado ay base
sa kanilang edad, hindi sa kung anong grado ang tinapos nila sa bansang kanilang pinagmulan. Ang
patakaran ng Edmonton Catholic School District ay: Paglalagay sa Grado ayon sa Edad na may
pagtuturong nararapat sa grado.

8. Pagbibihasa sa Paaralan Para sa mga Bagong Estudyante

Sa pagsisimula ng taunang pasukan, ang mga mataas na paaralan ay karaniwang nagkakaroon ng mga
araw ng pagbibihasa (orientation) sa loob ng linggo bago magsimula ang unang araw ng klase. Sa

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 6
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

panahong iyon, nagbibigay ang paaralan ng isang paglilibot para sa mga bagong estudyante, ituturo ang
kanilang mga silid-aralan, ipakikilala sa mga kawani ng paaralan at sasabihin ang mga mahahalagang
kautusan at regulasyon ng paaralan. Kasabay nito, maaari din kayong bigyan ng mga sumusunod:
• Mga aklat - Sa Canada, hindi ninyo kinakailangang bumili ng mga aklat para sa inyong anak.
Ibibigay ang mga ito sa estudyante sa paaralan. Ang mga aklat ay pag-aari ng paaralan at
dapat ay isauli sa magandang kondisyon. Kinakailangan ninyong bayaran ang mga
napinsalang aklat.

• Mga Manwal ng Estudyante/ Adyendang Pampaaralan – Ang mga manwal na ito ay


naglalarawan ng mga programa, kautusan, patakaran, mga mahahalagang petsa at iba pang
impormasyon. Ito ay idinisenyo rin para pagtalaan ng mga estudyante ng mga gawaing bahay
at iplano ang kanilang mga gawain. Ilan sa mga paaralan ay sumisingil ng bayad para sa mga
manwal.

• ID Kard ng mga Estudyante – Kukuhanan ng larawan ang estudyante at bibigyan ng ID kard


ang bawat estudyante sa mga paaralan. Para sa seguridad, ang mga ID kard ng estudyante
ay dapat dalahin palagi. Ito ay ipakikita para makagamit ng mga aklat at kagamitan mula sa
Learning Resource Centre, para sa lahat ng mga transaksyong dadaan sa Business
Administration Office at sa pagkuha ng pangkatapusang pagsusulit (sa paaralan at diploma).

• Lagayang may susi (Lockers) – Ang mga estudyante ay bibigyan ng lagayang may susi
para lagyan ng kanilang mga gamit at damit. Ito ay pag-aari ng paaralan at karaniwan ay
nililinis sa pagtatapos ng yugto o semestre. Ang lagayang may susi ay hindi dapat gamiting
taguan ng mga mahahalagang gamit at ang paaralan ay hindi mananagot sa mga kasiraan o
nawawala sa mga nakalagay doon. Karaniwan, ang paaralan ay nagbebenta ng mga susi na
nais nilang gamitin ng mga estudyante.
• Iskedyul at mga Piryod ng Estudyante – Ang bawat isang estudyante ay bibigyan ng
pangsariling iskedyul ng mga klase sa pagsisimula ng bawat taunang pasukan o semestre.
Maaaring magkaroon ng ibat-ibang kaeskwela sa bawat klase. Pinaghahati-hati ng mga
paaralan ang araw sa mga bloke na tinatawag na piryod. Depende sa paaralan, ang isang
piryod ay maaaring tumagal ng mula 40 hanggang 90 minuto.
• Impormasyon tungkol sa Mga Gamit sa Paaralan – Ipaliliwanag ng mga guro kung anong
mga gamit ang kakailanganin para sa bawat kurso. Para sa maraming asignatura, ang mga
estudyante ay mangangailangan ng isang notebook o binder. Ilan sa mga kailangang gamit
ay papel na may linya, lapis at pluma.
Ang mga mag-aaral ng Ingles na maaaring dumating sa paaralang dapat nilang pasukan sa loob ng taon
ay bibigyan ng mga kaparehong serbisyo.

9. Paglalagay sa mga Estudyante sa mga Kurso sa Unang Taon

Kapag nagsimula nang pumasok ang mga baguhang estudyante, kakausapin sila ng kawani ng paaralan
tungkol sa nakaraan nilang pag-aaral, kanilang mga hilig at mga layunin matapos na sila ay
makapagtapos. Tutulungan sila ngayon ng kawani ng paaralan na pumili ng mga tamang kurso.
Isasaalang-alang ng paaralan:

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 7
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

• ang pagkakapare-pareho ng napag-aralan na at kung ano


ang inaasahang matututuhan ng estudyante sa Mataas ng
Paaralan sa Alberta
• ang mga kakayahan, abilidad at hilig ng estudyante
• mga report kard at iba pang mga dokumento na ibinibigay
ninyo na nagsasabi kung ano ang natutuhan ng
estudyante noong nakaraan
• mga resulta ng mga pagtatasa sa matematika at wika,
kung mayroon nito
• bilang ng taon na ang estudyante ay nasasa paaralan
• edad ng estudyante.
Ilalagay ng paaralan ang estudyante sa iba’t-ibang mga kurso. Pagkatapos maipakita ng estudyante ang
kanyang nalalaman at maaaring gawin, maaari siyang ilipat ng paaralan sa ibang kalalagayan kung
kinakailangan. Sa pagtatapos ng taon, karaniwan sa buwan ng Marso, ang mga estudyante ay pumipili
ng mga kurso para sa susunod na taon ng pasukan. Ang mga impormasyong makukuha ninyo mula sa
mga report kard, mga panayam ng magulang at guro at mga pakikipag-talakayan sa inyong anak ay
tutulong sa inyo at sa kanila na pumili ng mga kurso.
Mahalaga na kayo ay magkatulungan para makabuo ng plano sa pag-aaral para sa inyong anak.
Maisisigurado ng pagplaplano na makukuha ng inyong anak ang mga rekisitos para sa kinabukasang
ninanais ninyo at ng inyong anak (unibersidad, kolehiyong pang-komunidad, pag-aaprentis o diretsong
pagtratrabaho). Matutulungan kayo ng mga guro at kawani ng paaralan.

10. Mga Estudyante na 18 Taong Gulang o Mas Matanda Pa

Ang mga estudyante na 18 taong gulang o mas matanda pa ay mga adulto ayon sa batas. Ito ay
nangangahulugan na ang impormasyon tungkol sa gawain sa paaralan ay ibinibigay sa estudyante, hindi
sa mga magulang. Upang ang mga magulang ay makatanggap ng impormasyon mula sa paaralan tulad
ng report kard o tawag sa telepono mula sa guro, kinakailangan ng mga estudyanteng lumagda sa
pormularyo ng pahintulot sa opisina ng paaralan.

11. Mga Kredit Para sa Nakaraang Pag-aaral

Ang sistema ng pag-aaral ay nababase sa mga kredit. Nakakakuha ang mga estudyante ng mga kredit
sa bawat isang kurso na kanilang matagumpay na natapos at nararapat na sila ay makakuha ng isang
daang (100) kredit para makapagtapos. Ang ibang kurso ay sapilitan at nararapat kuhanin, habang ang
iba naman ay maaring kuhanin o maaari ding hindi. Ang mga estudyante na baguhan sa Canada ay
maaaring mabigyan ng ilang kredit para sa nakaraan nilang pag-aaral sa kanilang bansa kung
makapagbibigay sila sa paaralan ng kopya ng kanilang report kard o transkrip. Mangyari lamang na
tandaan na ang mga pagkakaiba sa sistema ng pag-aaral sa mga paaralan ay maaaring
makapagpahirap sa paaralang makapagbigay ng maraming kredit para sa nakaraan nilang pag-aaral.
Karaniwan, naghihintay ang paaralan para matiyak kung ilang kredit and maibibigay para sa mga
nakaraang pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon sila ng pagkakataon na maipakita kung ano ang
nalalaman nila. Para sa karagdagang impormasyon, makipag-usap lamang sa tagapayo ng paaralan.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 8
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

• Dalahin ang mga report kard, mga libro at iba pang impormasyon na
Mga Mungkahi
makakatulong sa paaralan para malaman kung ano na ang napag-aralan ng
inyong anak.
• Tulungan ang inyong anak na maghandang makipagtalakayan sa guro kung
ano ang kanyang napag-aralan na, at kung ano ang kanyang mga plano
kapag nakatapos.
• Tumawag sa gurong tagapayo ng paaralan o miyembro ng kawani kung may
iba pang katanungan.

12 . Mga Nagtapos sa Paaralang Sekondaryo Mula sa Iba’t - ibang Bansa

Ilan sa mga estudyanteng nagtapos na sa paaralang


sekondaryo sa kanilang bansa ang maaaring magnais na
ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa Canada. Ang Cardinal
Collins Academic Centre ay naghahandog ng mga programa
para sa mga estudyanteng baguhan sa Canada na nasasa
ika 4 at 5 taon na sa mataas na paaralan. Inihahandog sa
mga estudyante ang pang-buong araw na klase sa ESL, mga
karagdagang kurso para makumpleto ang mga rekisitos sa
mataas na paaralan o para ipagpatuloy ang kanilang pag-
aaral para matanggap sa mga institusyon pagkatapos ng
kanilang pag-aaral sa mataas na paaralan. Ang mga
serbisyong pang-edukasyon ay maaaring ibigay sa maraming paraan – sa loob ng klase, ayon sa bilis ng
estudyante at sa pamamag-itan ng internet.
Para sa karagdagang impormasyon, tingnan: Cardinal Collins High School Academic Centre

Mga Mungkahi • Kausapin ang gurong tagapayo para malaman, humigit-kumulang, kung ilang
Suggestions kredit ang maaaring makuha ng inyong anak mula sa natapos niyang pag-aaral at
kung anong mga kurso pa ang dapat niyang kuhanin para makapagtapos at
makakuha ng Diploma sa Mataas na Paaralan sa Alberta.
• Tingnan kung ang nakaraang pag-aaral ng estudyante ay makakatulong sa kanya
para siya ay matanggap sa kolehiyong pang-komunidad o mga programang pang
unibersidad at kung ito ay naghahandog ng suporta sa ESL.
• Ang estudyante na makakapasok sa mga instituusyon pagkatapos ng pag-aaral sa
mataas na paaralan ay maaaring kumpletuhin ang mga rekisitos sa pagsusulit sa
TOEFL.
HOSPITALITY
“Whoever welcomes me welcomes not me but the one who sent me”.
(Mark 9:37)

Being Catholic entails an abiding love for all people with commitment to
their welfare, to rights and justice. The Catholic community is inclusive of
diversed peoples and perspectives are free of discrimination and
sectarianism and welcomes all peoples especially those most in need.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 9
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

MGA SALITANG PAMPAARALAN

• Patnugot ng Paaralan – isang opisina sa rehiyon na namamahala sa isang grupo ng


mga paaralan.
• Lupon ng Katiwala– mga opisyales na ibinoto na responsable sa pag-aaral ng mga
estudyante sa purok pampaaralan.
• Superintendente ng Paaralan – responsable sa pamamanihala sa ilang bilang ng
paaralan sa isang komunidad.
• Kapelyan (Chaplain) – isang miyembro ng kawani ng paaralan na tumutulong sa
mga estudyante sa kanilang mga pangsarili at suliraning pang-kaluluwa.
• Pulis ng Paaralan – programang nagbubuo ng tiwala at pagkakaunawaan sa mga
komunidad ng batas at mga estudyante.
• Pagkakumpidensyal – tumutukoy sa paniniwalang ang mga guro ay hindi
magbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa mga ginawa ng estudyante o
sitwasyon sa pamilya sa iba pang mga magulang o miyembro ng komunidad.
• Paglalagay sa Grado Naayon sa Tamang Edad – paglalagay sa grado naaayon sa
edad ng estudyante, hindi sa grado na tinapos sa bansang pinagmulan.
• Pagtataya – paraang tumitiyak sa kakayahan ng isang estudyante. Marami sa mga
patnugot ng paaralan ang nangangailangan na tayahin ang kakayahan ng mga
estudyante sa matematika at Ingles bago sila magsimula sa Mataas na Paaralan.
• Mga kredit – Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng mga kredit kapag natapos
nilang maluwalhati ang isang asignatura o kurso. Karamiihan sa mga asignatura ay
mayroong kredit at kinakailangan ang 100 kredit para makapagtapos na may
diploma.
• Mga Kredit mula sa Nakaraang Pag-aaral – Ang mga estudyanteng baguhan sa
Canada ay maaaring mabigyan ng mga kredit para sa nakaraan nilang pag-aaral sa
kanilang bansang pinag-mulan (kung sila ay makapagpapakita ng pruweba ng
kanilang pagkapag-aral. E.g. Report kard o transkrip).

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 10
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

PATNUBAY NG MAGULANG – IKA-2 SEKSYON

Pag-aaral ng Ingles at Iba Pang Mga Asignatura


Sumada ng Mga Nilalaman
Sa kanilang unang mga linggo at buwan,
1. Pag-aaral ng Ingles karamihan sa mga bagong dating na
estudyante ay may dalawang bagay na tunay
2. Mga Kurso sa ESL na pinagkakahirapan: masanay sa isang
naiibang sistema ng pag-aaral at pag-aaral ng
3. Mga Programa sa Pag-aaral Ingles. Ito ay maaaring maging mapanghamon.
Ipinapaliwanag ng seksyong ito kung papaano
4. Papaano Tinuturuan ang mga Estudyante tinuturuan ang mga estudyante ng Ingles at iba
pang mga asignatura. Inilalarawan nito ang ilan
5. Mga Oras na Maaring Ipagpalit (Flex time) sa sa mga posibleng pagkakaiba sa mga paraan
Mataas na Paaralan ng pagtuturo nito at nagbibigay ng mga
6. Mga Paaralang may Pokus at Alternatibong mungkahi para sa mga magulang para
Programa tulungan ang kanilang anak.

7. Edukasyong Pang-relihiyon

8. Mga Ritrit

9. Pag-aaral na Magkakasama

10. Pag-uulat sa Pag-unlad ng Estudyante

11. Pang-isahang Plano ng Programa (IPP)

12. Gawaing Bahay

13. Mga Programa sa Gabi at Panahon ng Tag-init

14. Paggamit ng Kompyuter

15. Mga Programa sa Oras ng Pananghalian at


Pagkatapos ng Klase
16. Mga Estudyante mula sa Ibang Bansa – Mga
Estudyanteng may Permiso sa Pag-aaral

1. Pag-aaral ng Ingles
Ang mga tao ay natututo ng Ingles (o bagong wika) sa iba’t-ibang bilis, kahit dalawang bata sa isang
pamilya. Karaniwan, ang mga estudyante ay mas mabilis matutong magsalita ng Ingles kaysa sa

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 11
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

magbasa at magsulat. Ang karamihan ay natututong magsalita


ng Ingles sa pang-araw-araw na pamumuhay sa loob ng isa o
mga dalawang taon. Subalit, maaari ring tumagal sila ng lima
hanggang pitong taon – o mahigit pa – para makabasa,
makasulat at makaunawa ng mahihirap na mga asignatura sa
antas ng galing ng kanilang mga kaklaseng ang salita ay Ingles.
Nang sila ay dumating sa Canada, karamihan sa mga
estudyante ay nakakabasa at nakakasulat sa kanilang unang
wika subalit may limitadong kakayahan sa Ingles. Ang mga
kurso sa Ingles bilang Pangalawang Wika (English as a Second Language) ay tumutulong sa mga
estudyanteng ito na makahabol sa kanilang mga kaklaseng ang wika ay Ingles.
Subalit, ilang mga mag-aaral ang maaaring nawalan ng pagkakataong pumasok at hindi natuto ng
panimulang kautusan sa pagbabasa at pagsusulat. Ang mga estudyanteng ito ay makakatanggap ng
karagdagang tulong sa pagtuturo.
Para sa karagdagang impormasyon sa pag-aaral ng Ingles, tingnan: Learning English as a New
Language.
May maraming paraan para matulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak na matuto ng Ingles:

Mga Mungkahi • Himukin ang inyong anak na sumali sa mga gawaing pang-grupo kung saan siya ay
magsasalita ng Ingles. Ang oras ng pananghalian at mga gawain pagkatapos ng
klase tulad ng paglalaro, mga klab at mga programa sa musika ay nagbibigay sa
mga estudyante ng pagkakataong masanay ang kanilang Ingles at magkaroon ng
mga bagong kaibigan.
• Kausapin ang guro sa ESL tungkol sa kung ano ang inyong magagawa sa bahay
para matulungan ang inyong anak na matuto ng Ingles.
• Ipagpatuloy ang pagtulong sa inyong anak na mapalago ang kanyang kakayahan
sa unang wika. Ang matibay na pundasyon sa kanilang unang wika ay tumutulong
sa mga estudyante na matuto rin ng Ingles.
• Kumuha ng mga pahayagang pang-komunidad sa inyong wika at magkasamang
talakayin ang mga kwento doon.
• Pumunta sa mga pagdiriwang ng komunidad kung saan ay ginagamit ang inyong
wika. Ipalista ang inyong anak sa programa ng mga Wika ng Iba’t-ibang Bansa
(International Languages program) sa inyong wika, kung ito ay inihahandog. Ilan
sa mga aklatang pampubliko ay may mga aklat sa iba’t-ibang wika. Para sa
karagdagang impormasyon, bisitahin: www.epl.ca - World Languages.
• Sikaping isali ang inyong anak sa mga gawaing pang-panahon ng Tag-init kung
saan siya ay magsasalita ng Ingles. Tuklasin ang Lists of Summer Programs for
ELLs ng One World…One Centre na inaapdeyt taon-taon.
• Himukin ang estudyante na makibahagi sa mga talakayan sa klase. Ito ay maaaring
mahirap at nakakalito sa una, subali’t ito ay makakatulong na mapabilis ang
kanyang pagkatuto.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 12
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

2. Mga Kurso sa ESL

Ang mga estudyante na nag-aaral ng Ingles bilang


bagong wika ay maaaring kumuha ng mga kurso sa
ESL at mga Kursong Lokal na Binuo (Locally
Developed Courses) bukod sa mga kursong regular.
Ang programa sa ESL ay inihahandog sa bawat
paaralan ngunit nagkakaiba-iba ang mga ito sa bawat
paaralan. Ilalagay sila sa mga klase na kasama ang
kanilang mga kaeskwelang ang salita ay Ingles,
depende sa kursong pinili; subalit, base sa kanilang
kakayahan sa wika at karanasan sa akademik,
maaari silang magkaroon ng mga rekisitos na may
nakatakdang oras (timetabled rerquirerments).
Ilan sa mga mag-aaral ng Ingles na may kahinaan o limitadong karanasan sa pag-aaral ay maaaring
magkaroon ng kinanlungang pagtuturo (sheltered instruction) sa bahagi ng araw at inilalagay sa mga
kursong karapat-dapat sa grado kung kinakailangan.
Ang isang paaralan ay maaaring maghandog ng hanggang 5 libel ng ESL, bawat isa sa magkakaibang
libel ng kakayahan.
Ang mga paaralan ay naghahandog ng mga kurso na espesyal na idinisenyo para sa mga estudyante sa ESL
sa larangan ng Sining sa Wikang Ingles (English Language Arts), Agham (Science), Matematika (Math) o
Araling Pang-lipunan (Social Studies). Ang mga kursong ito ay itinalaga para tulungan ang mga estudyanteng
makapaghanda sa wika para sa mga kinakailangan ng kurikulum ng mataas na paaralan sa Alberta.

Course Code Course Name Intended ESL Level Credits

1513/2513 Expository English 15/25 ESL Levels 1-3 5


1212/2212 ESL Canadian Studies 15/25 ESL Levels 1-3 5
1350 ESL Introduction to Mathematics 15 ESL Levels 1-3 5
1213 ESL Introduction to Science 15 ESL Levels 1-3 5

Ang mga estudyante na matagumpay na nakakumpleto ng kurso sa ESL ay maaaring magkaroon ng


hanggang 5 kredit.

3. Mga Programa sa Pag-aaral

Sa Aberta, lahat ng paaralang pinondohan ng publiko ay sumusunod sa kurikulum na isinasaad sa Mga


Programa ng Pag-aaral. Inilalarawan nila kung ano ang inaasahang dapat malaman at gawin ng mga
estudyante sa bawat asignatura sa katapusan ng kurso. Ang kurikulum ay ginawa para tulungan ang
mga estudyante na marating ang kani-kanilang mga kakayahan at makabuo ng magandang
kinabukasan para sa kanilang mga sarili, sa kanilang mga pamilya at sa kanilang mga komunidad.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 13
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

Ang Alberta Education ay naglilimbag ng mga dokumento ng kurikulum sa bawat isang asignatura.
Ginagamit ng mga guro ang mga dokumento ng kurikulum para pagplanuhan ang mga ituturo. Ang mga
dokumento ay nakapaskil sa: Programs of Study. Para malaman kung ano ang inaasahang matututuhan
ng mga estudyante sa bawat isang grado, kasama ng mga kuro-kuro at mga paksa, tingnan ang
Curriculum Handbooks for Parents sa: My Child's Learning - High School. Ang mga dokumentong iyon
ay naglalaman ng mga impormasyon para sa mga magulang tungkol sa mga asignatura, programa at
mga kursong maaaring makuha sa mga paaralan sa Alberta. Ang mga ito ay binabago taon-taon kung
may mga pagbabago sa kurikulum.
Nababatid ng mga guro na ang mga mag-aaral ng Ingles ay natututo ng Ingles at sinisikap nilang itama
ang mga programa sa libel ng kanilang kakayahan sa wikang Ingles.

4. Papaano Tinuturuan ang mga Estudyante

Ang mga guro ay gumagamit ng maraming mga paraan para tulungan ang mga estudyante na matuto sa
klase: mga panayam, mga talakayan, mga lektura, diskusyon, mga sesyong tanungan at sagutan, mga
gawain sa pananaliksik, mga pagbibiyaheng pang-edukasyon, mga proyekto at itinakdang gawaing
kasama ang ibang mga estudyante. Ilan sa mga paraang ito ay maaaring hindi pangkaraniwan sa mga
estudyanteng bagong dating.
Ang mga guro ay maaari ding magbigay sa mga estudyante ng mga problemang tatalakayin at
hahanapan ng kasagutan imbes na mga katotohanang sasauluhin. Sa bawat asignatura, ang mga
estudyante ay hinihimok na matuto ng masusing pag-iisip. Ito ay nangangahulugan na natututo silang
mag-desisyon kung ano ang totoo at ano ang hindi. Sila ay natututong magpaliwanag, magsuri at
magtantiya ng impormasyon. Natututo rin sila ng masusing pag-iisip, magtanong, gumawa ng mga kuro-
kuro at magsabi ng kanilang mga niloloob sa buong klase.
Ang mga estudyante ay inaasahang makibahagi sa mga talakayan sa klase, magsalita sa harap ng
buong klase o sa mga grupo ng ibang mga estudyante. Halimbawa, sa matematika, ang isang
estudyante ay maaaring tanungin kung papaano niya nakuha ang isang kasagutan.
Tayo ay nakatira sa komunidad ng mundo. Ang mga guro ay nagplaplano ng mga gawain sa pag-aaral
para tulungan ang mga estudyante na pahalagahan ang mga karanasan at kontribusyon ng mga tao sa
lahat ng mga kultura at mga pinag-mulan.

Mga Mungkahi • Kausapin ang inyong anak tungkol sa mga pagkakaiba sa istilo ng pagtuturo at
mga pamamaraan sa pag-itan ng mga paaralan sa Alberta at sa kanilang
bansa. Ipaliwanag na maaaring magtagalan sila bago makaakma dito.
• Himukin ang inyong anak na makipag-usap sa mga guro at sabihin ang
kanyang kalagayan. Ipakikita nito sa guro na gustong-gusto niyang matuto.
Sabihin sa inyong anak na nararapat lamang na humingi siya ng tulong mula sa
kanyang mga guro. Inaasahang ang mga estudyante ay magtatanong kung
hindi nila nauunawaan ang isang bagay o nangangailangan sila ng tulong.
• Himukin ang inyong anak na sabihin sa inyo ang kanyang mga kuro-kuro at
ipaliwanag ang mga ito. Ito ay mabuting pagsasanay para sa mga talakayan sa
silid-aralan at mga nasusulat na itinakdang gawain.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 14
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

• Tingnan ang tungkol sa mga gawain matapos ang klase katulad ng mga laro,
mga klab at mga programa sa musika. Karaniwan ang mga ito ay bukas para sa
lahat ng mga estudyante at pinamumunuan ng isang guro. Ang mga programa
pagkatapos ng klase ay magandang paraan para ang mga estudyante ay
makapagsanay ng kanilang Ingles.

5. Mga Oras na Maaaring Gamitin sa Ibang Gawain (Flex Time) sa Mataas na Paaralan

Lahat ng mga Mataas na Paaralan ay maghahandog ng pagkakataong gamitin ang oras sa ibang mga
gawain kung kinakailangan. Ang mga oras na ito ay bahagi ng isang araw. Ang programang ito ay
naghahandog ng karagdagang pagtuturo para sa mga estudyante. Ang pagtuturong ito ay idinisenyo
para mapunuan ang pangangailangan ng bawat isang estudyante, akma para sa pantulong at
pinayamang pag-aaral.

6. Mga Paaralang may Pokus at Alternatibong Programa sa Edmonton Catholic Schools

Lahat ng mga estudyanteng pumapasok sa Edmonton Catholic Schoools ay may mapapagpiliang mga
programa na may pokus. Kasama dito ang Pinabilis na Programa sa Matematika at Agham,
(Accelerated Math at Science Programs) mga Progrramang Pang-akademik at Kolehiyo (Academic and
College Programs), Mga Programa sa Lengwaheng Pang-mundo (International Languages Programs),
mga Programang pang-International Baccalaureate at marami pang iba. Tinatanggap ng mga iba’t-ibang
opsyon ng mga programang ito ang malawak na pagkakaiba’t-iba ng mga kalakasan at interes sa loob
ng magkakaibang grupo ng biniyayaan at matatalinong mga estudyante.
Para sa marami pang impormasyon tungkol sa mga paaralang may pokus at alternatibong programa,
maaari ninyong tingnan sa: Focus Schools and Alternate Programs.

7. Edukasyong Pang-Relihiyon

Lahat ng mga estudyante ay kinakailangang pumili ng


isang kurso sa relihiyon kada taon o matagumpay na
makakumpleto ng tatlong kurso bago magtapos.
Tinutulungan ng edukasyong pangrelihiyon ang mga
estudyante na palaguin ang pagkilala sa mga
prinsipyo ng simbahan at kung papaano gagamitin
ang mga ito sa kanilang pang-araw-araw na
pamumuhay. Tinutulungan din ng mga ito ang mga
estudyante na palaguin ang mga kaugalian at
pagpapahalagang itinatatag sa Katolisismo at pinalalago ang responsibilidad na panlipunan, pagkabuo-
buo ng sangkatauhan at kagalingan na pang-kalahatan.
Ang programa sa edukasyong pang-Relihiyon sa Mataas na Paaralan ay ginawa para ituro bilang
Relihiyon 15, 25, 35 at inihahandog sa ika 10, 11, at 12 grado. Ang mga kredit na makukuha mula sa
mga kurso sa mga Relihiyosong pag-aaral ay maaaring gamitin tungo sa pagkakaroon ng Diploma sa
Mataas na Paaralan o sa isang Sertipiko ng Pagkakamit.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 15
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

8. Mga Ritrit

Ang ritrit ay isang mahalagang gawain sa pag-aaral na bahagi


ng Programa sa Edukasyong Pang- relihiyon. Ginagawa ito sa
lugar na malayo sa paaralan, karaniwan sa isang buong araw ng
klase. Sa ilang pagkakataon, mayroong mga programang
tumatagal hanggang gabi.
Tinutulungan ng mga ritrit ang mga estudyante na palalimin ang
kanilang pang-unawa at pangako sa kanilang Katolikong
paniniwala. Halimbawa, ang mga estudyante ay maaaring
sumama sa mga gawaing pang-kawanggawa ng isang
komunidad.
Ang paaralan ay nangangailangan ng isang nasusulat na pahintulot mula sa mga magulang para sa mga
estudyante na wala pang 18 taon para makasali sa isang ritrit. Ang inyong anak ay magdadala ng isang
sulat para inyong lagdaan. Pipirmahan ninyo ito at ibabalik sa lalong madaling panahon.

9. Magkakasamang Pag-aaral

Ang mga programa sa Sama-samang Pag-aaral ay nagbibigay ng ekstrang suporta para sa mga
estudyante na may malaking problemang matuto o espesyal na mga pangangailangan sa komunidad ng
mga paaralan. May ilang mga estudyante ang nangangailangan ng panandaliang tulong at ang iba
naman ay mayroong masalimuot na pangangailangan sa kalusugan at pag-aaral.
Ang mga estudyante ay maaaring mangailangan ng tulong dahil sa problemang pang-katawan, pang-
isipan, pang-damdamin, pang-asal, pagsasalita, wika, paningin o pandinig o di kaya ay malubhang
problema sa pakikisalamuha sa ibang tao. Ang modelo ay ibinase sa pagsasama-sama na may libel ng
suportang pang silid-aralan/paaralan, mga espesyal na klaseng isinama sa rigular na pag-aaral o
paglalagay sa mga espesyal na programa ng distrito. Ang pagpro-programa sa paaralan sa komunidad
ang itinuturing na unang opsyon.
Ang kakulangan sa mga kasanayan sa wikang Ingles ay hindi isang indikasyon ng pangangailangan ng
sama-samang pag-aaral. Subalit kung ang inyong anak ay nahihirapang mag-aral o makisalamuha sa
ibang estudyante, ito ay maaaring senyales ng pagkakaroon ng malaking kahirapan na matuto.
Paminsan-minsan, ang mga problema ay isang normal na bahagi ng pakikibagay sa isang bagong wika
at paaralan. Ang mga impormasyon tungkol sa kakayahan ng estudyante sa pag-aaral ng akademik o sa
kanyang sariling wika, tulad ng nakaraang report kard, ay malimit na tumutulong sa mga gurong
malaman ang mga pinagmumulan ng paghihirap ng estudyante.
Kung kayo ay nababahala na ang inyong anak ay may malubhang problema sa pag-aaral, kausapin ang
guro niya. Ang guro ay mayroong ibat-ibang hindi pormal na paraan para tayahin ang inyong anak. Kung
kinakailangan, kayo o ang guro ay maaaring makiusap para sa isang pormal na pagtataya para sa
inyong anak.
Ang paaralan ay kinakailangang sumunod sa mga pamamaraan ng Sama-samang Pag-aaral para
mataya at malaman kung ang inyong anak ay nararapat na tumanggap ng suporta para sa Espesyal na
Edukasyon. Kayo ay hihingian na magbigay ng nasusulat na pahaintulot na nagsasaad ng inyong

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 16
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

pagpayag para mataya ang inyong anak. Kayo ay oobligahing dumalo sa mga pagsangguning
pagpupulong na may kaugnayan sa proseso ng pagtataya. Ang mga kwalipikadong kawani na
gumagawa ng pagtataya ang magpapaliwanag ng mga resulta sa mga magulang, guro at iba pa na may
kinalaman sa programa ng estudyante. Sila ay gagawa ng mga rekomendasyon sa pagplaplano ng
programa. Kung kinakailangan ninyo ang tulong sa pagsasalin sa wika para sa mga pagtataya, mangyari
lamang na kontakin ang One World…One Centre sa (780) 944 2001 at makipagusap sa isang
Manggagawang Tagapag-ugnay (Liaison Wotrker) na nagsasalitia ng inyong unang wika.
Isang Pang-isahan Plano ng Programa (Individual Program Plans (IPP) ang bubuuin at ipatutupad para
sa bawat isang estudyanteng malalaman na mayroong espesyal na pangangailangan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pag-aaral ng mga estudyante na may espesyal na
pangangailangan at sama-samang pag-aaral, tingnan: Inclusive Education, Diverse Learners.

10. Pag-uulat sa Pag-unlad ng Estudyante – Report Kard

Habang kinukumpleto ng mga estudyante ang kanilang mga gawain, tinataya ng mga guro ang kanilang
mga ginagawa at itinatala ang kanilang mga marka. Ang pag-unlad ng mga estudyante ay nirerepaso
pagkaka-5 linggo para siguraduhing ang mga estudyante ay umuunlad sa kanilang pag-aaral.
Ang mga pangalan ng kurso at mga grado para sa mga estudyante sa mataas na paaralan ay itinatala sa
PowerSchool Parent Portal . Mai-tse-tsek ng mga magulang/tagapag-alaga ano mang oras nais nilang
makita kung papaano umuunlad ang kanilang anak at hindi na kinakailangan pang maghintay hanggang
matapos ang yugto (term). Karamihan sa mga paaralan ay hindi nag-iimprinta ng mga report kard sa
mataas na paaralan dahil inaasahan na nila na susubaybayan ng mga magulang ang sistema ng pag-
uulat. Para makakuha ng user name at password para sa inyong anak, mangyari lamang i-tsek sa
tanggapan ng paaralan ng inyong anak.

11. Mga Pagpupulong Tungkol sa Pang-isahang Plano sa Programa

Lahat ng mga estudyante na nalamang may mga espesyal na pangangailangan, na ang isa sa mga ito
ay ang pag-aaral ng pangalawang wika, ay nangangailangan ng isang Pang-isahang Plano sa Programa
(IPP). Ang planong ito ay sumada ng mga layunin, hangarin, estratehiya at mga pagtanggap na may
layuning paunlarin ang pag-aaral ng estudyante. Ang mga magulang ng mga Mag-aaral ng Ingles ay
hinihimok na maging aktibo sa proseso ng IPP. Ang pangkasalukuyang pagrerepaso at pagbabago ay
mga mahahalagang bahagi ng proseso ng IPP. Ang mga pagpupulong na ito ay mga pagkakataon para
sa mga magulang na talakayin ang pagproprograma sa kanilang anak at tingnan ang mga posibleng
pagbabago. Sa mga pagpupulong, ang mga magulang ay papipirmahin sa IPP report at sila ay bibigyan
ng kopya.
12. Gawaing Bahay

Ang gawaing bahay ay isang mabuting paraan kung papaano makikita ng mga magulang ang mga
nangyayari sa kanilang anak sa paaralan. Dapat ninyong asahan na ang estudyante ay mayroong
gawaing bahay halos gabi-gabi. Ang dami ng gawaing bahay ay nababase sa grado.
Ang mga estudyante ay nangangailangan ng pinakamababa ang isang oras para sa paggawa ng
gawaing bahay. Sa ika-12 grado, maaasahan nilang magkakaroon sila hanggang dalawang oras ng

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 17
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

gawaing bahay gabi-gabi. Lahat ng estudyante ay inaasahang magbabasa gabi-gabi. Ang guro ng inyong
anak ang makapag-papaliwanag kung ano ang mga gawaing bahay na inaasahan nilang dapat magawa.
Para makakuha ng tulong sa inyong gawaing bahay sa pamamag-itan ng multi-media na
mapapagkunan, tingnan: LearnAlberta.ca.

Walang Gawaing Bahay?


• Itanong sa inyong anak kung ano ang ginawa niya sa paaralan.
Mga Mungkahi
• Kausapin ang guro kung malimit ay walang gawaing bahay.
• Himukin ang inyong anak na repasuhin kung ano ang napag-aralan sa
nakaraang ilang araw at pagplanohan ang mga darating pang gawain at
pagsusulit
• Siguraduhing ang inyong anak ay nagbabasa sa Ingles o sa unang wika gabi-gabi.

13. Mga Programa sa Pagtatapos ng Linggo, Pang-gabi at pang-Panahon ng Tag-init

Karamihan sa mga lupon ng paaralan ay naghahandog ng mga kursong pang tag-init at pang-gabi. Ang
mga ito ay para sa mga estudyante na hindi matagumpay sa loob ng taon o nagpapalit sa pag-itan ng
ibat-ibang uri ng mga programa. Ang klase sa panahon ng tag-init ay karaniwang nagsisimula sa buwan
ng Hulyo. Ang Edmonton Catholic Summer School ay naghahandog ng dalawang uri ng oportunidad sa
pag-aaral: Summer High School na nangyayari sa loob ng klase at Summer High School na nakabase sa
bilis ng pag-aaral ng estudyante (self-paced). I-tsek sa guro o Learning Coach kung ang mga
programang Pang-tag-init at pang-gabi ay inihahandog sa ECSD o bisitahin: www.ecsd.net/Summer
School, Part-Time Alternative Self-Paced School (PASS).

14. Mga Programa Pagkatapos ng Eskwela at sa Oras ng Pananghalian

Bawat isang paaralang sekundaryo ay mayroong mga gawain pagkatapos ng eskwela o sa oras ng
pananghalian tulad ng mga isport, konsehong pang-estudyante, mga klab at mga programa sa musika.
Karaniwan, ang mga programang ito ay bukas para sa lahat ng mga estudyante at pinamumunuan ng
isang guro.
Ang mga programang ito ay isang napakabuting paraan para sa mga bagong dating na estudyante na
makipag-kaibigan at magsanay sa kanilang Ingles. Karaniwan, ang mga programa ay ginagawa isang
araw sa isang linggo sa loob ng isang oras pagkatapos ng eskwela o sa oras ng pananghalian. Para sa
karagdagang impormasyon, kausapin ang guro sa ESL o ang gurong -tagapayo ng paaralan.

15. Paggamit ng Kompyuter

Ang paggamit ng kompyuter ay isang mahalagang bahagi ng pagpasok sa mataas na paaralan. Lahat
ng mga paaralan ay mayroong mga kompyuter (karaniwan sa kompyuter lab) na maaaring gamitin ng
mga estudyante sa araw, bago magsimula at pagkatapos ng eskwela.
Ang mga aklatang pampubliko at mga senter na pang-komunidad ay may mga kompyuter na maaaring
gamitin ng libre. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa lokasyon at mga serbisyo na
inihahandog ng Edmonton Public Library, tingnan: Computers at EPL.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic Schools 18
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

SPIRITUALITY
You shall be holy, for I the Lord your God am holy." (Leviticus 19: 2)
Catholic spirituality is rooted in the life of the Trinity and is lived
"according to the Spirit". Spirituality has to do with the way Catholics
live their beliefs. Spirituality consists in letting God be present in each
moment of the day, becoming attuned to God's presence in the ups and
downs of life. Prayer and a commitment to the moral and ethical values
of the gospel provide to opening to God’s presence.

16. Mga Estudyante mula sa Ibang Bansa – Mga Estudyanteng may Pahintulot Mag-aral

Ang mga estudyanteng mula sa ibang bansa na nagbabayad para makapag-aral sa Paaralang
Sekondaryo ay tinatawag na mga Estudyanteng Internasyonal o mga estudyanteng ipinanganak sa
ibang bansa na nagbabayad ng matrikula. Ang mga magulang na hindi kasama ng mga estudyante ay
nararapat na magtalaga ng opisyal na tagapag-alaga na nakatira sa komunidad na kinaroroonan ng
paaralan. Ang tagapag-alaga ay inaasahang gagampanan ang mga responsibilidad na ginagawa ng
mga magulang ng estudyante.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa programa ng mga estudyanteng mula sa ibang bansa at
mga pagbabayaran, mangyari lamang kontakin: Edmonton Catholic School District International Program
at 780-944-2001 o bisitahin: www.ecsd.net/International Student Program.

MGA SALITANG PAMPAARALAN

• Mga Mag-aaral ng Ingles (ELLs) –ay ginagamit para sa mga estudyanteng nagsasalita
ng maraming wika at/o nagsasalita ng kaunting Ingles ngunit hindi pa talagang magaling
magsalita nito.
• Mga kurso sa ESL –mga karagdagang kurso para sa mga estudyante na nag-aaral ng
Ingles bilang isang bagong wika.
• Report Kard – ang opisyal na sumada ng pag-unlad ng isang estudyante sa paaralan.
Isinulat ng guro sa bawat asignatura, ito ay para repasuhin ng magulang at estudyante.
• Pang-isahang Plano ng Programa (Individual Program Plans (IPP) – isang sumada ng
mga layunin, hangarin, estratehiya at mga pagtanggap para mapabuti ang pag-aaral ng
estudyante.
• Diploma sa Mataas na Paaralan sa Alberta – ang sertipikong iginagawad sa mga
estudyante na nagtapos sa mataas na paaralan na mayroong 100 kredit.
• Sama-samang Pag-aaral - natatanging mga programa na inihahandog para sa mga
estudyanteng may mga espesyal na pangangailangan.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 19
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

PATNUBAY SA MAGULANG – IKA-3 SEKSYON


Pagpili ng mga Kurso at Plano sa Pag-aaral
Sumada ng mga Nilalaman

1. Bakit Mahalaga ang Plano sa Pag-aaral a) Mga Kolehiyong Pinondohan ng


Publiko
2. Papaano tumutulong ang mga Guro sa mga
Estudyanteng Makabuo ng isang Plano b) Unibersidad
3. Mga Responsibilidad na dapat matutuhan
c) Pag-aaprentis at Pagsasanay sa
para sa mga Gawaing Pampaaralan Industriya
4. Papaano Matutulungan ng mga Magulang
ang mga Estudyanteng Mag-Plano d) Mga Kolehiyong Pribado na Binigyan
ng Kapangyarihang Maggawad ng mga
5. Ang Unang Taon sa Canada Digri

6. Ang Diploma ng Mataas na Paaralan sa 17. Papaano Pinipili ang mga Estudyante
Alberta
18. Iskolarsip, Bursari at Mga Pangu-ngut
7. Pagkakaroon ng 100 Kredit Pa ngutang
8. Diploma sa Mataas na Paaralan sa Alberta-
Ang seksyong ito ay nagbibigay sa inyo ng
Sertipiko ng Pagkakamit – Mga Rekisitos sa
Pagtatapos pangkalahatang impormasyon na mag-papaalwan
sa inyo sa pagtulong sa inyong anak na makapiling
9. Dalawampung Oras na Pakikipag-ugnayan sa mabuti ng mga kurso. Iminumungkahi nito na,
Komunidad magkasama, kayo ay bubuo ng isang plano sa pag-
10. Mga Rekisitos sa Ingles Para sa Unibersidad aaral na tutulong sa inyo sa pagpili ng mga kurso.
at para Matanggap sa Kolehiyo
11. Paglisan sa Paaralan bago Magtapos –
Programang Pang-Outreach
12. Ibat-ibang Uri ng Mga Kurso sa Mataas na
Paaralan
13. Mga Kodigo ng Kurso

14. Pormularyo sa Pagpaparehistro sa mga


Kurso
15. Pag-aaral sa labas ng Kampus at mga
Programa sa Kasanayan sa Pagtratrabaho
16. Pagkatapos sa Mataas na Paaralan:
Pagpasok sa mga Institusyon Para sa mga
Nakatapos sa Mataas na Paaralan (Post-
secondary) sa Alberta

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 20
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

1. Bakit Mahalaga ang Plano sa Pag-aaral

Kinakailangan ninyong tulungan ang inyong anak na bumuo ng plano sa pag-aaral dahil maraming mga
uri ng kurso na pagpipilian. Ang ilan ay magdadala ng diretso sa pagtratrabaho, ang iba ay sa
unibersidad o kolehiyo at ang iba ay magdadala sa pag-aaprentis. Para sa ilang mga kurso sa
unibersidad o kolehiyo, ang mga estudyante ay kinakailangang kumuha ng partikular na kurso sa
paaralang sekundaryo. Ang plano ay tutulong sa inyo at sa inyong anak na makapili ng mga kursong
aangkop sa kanyang mga hilig, abilidad at ambisyon.
Pagkatapos ng gradwesyon, ang mga estudyante ay maaaring magtrabaho, o magtrabaho ng ilang taon
at pagkatapos ay bumalik uli sa pag-aaral. Ang mga estudyante ay maaaring pumasok ng diretso sa
unibersidad, kolehiyo o isang programa ng pagsasanay. Ang isang plano ay tumutulong sa mga
estudyante na makapili ng mga kursong kinakailangan para marating nila ang kanilang mga adhikain at
isisigurado nito na maibibigay nila ang mga kinakailangan sa pagpasok sa kolehiyo, unibersidad, pag-
aaprentis o iba pang mga kinakailangan sa mga programa ng pagsasanay.
Kalimitan, ang plano ay nagbabago habang ang mga estudyante ay nasasa paaralan. Ito ay nagpapakita
ng mga bagong hilig, kasanayan at abilidad. Ang mga guro at tagapayo ay maaaring makapagsabi sa
inyo tungkol sa maraming mga karera at mga oportunidad sa pag-aaral at pagsasanay.
Ang isang plano ay napakahalaga para sa mga estudyante na nag-aaral din ng Ingles. Ang mga plano
nila ay kinakailangang magsama ng paraan para mapalago ang kanilang kakayahan sa pagbasa,
pagsulat at pagsasalita ng Ingles, bukod pa sa iba pang mga kurso na kinakailangan nilang kuhanin para
marating nila ang kanilang mga adhikain.

2. Papaano Tumutulong Ang Mga Guro sa Mga Estudyante sa Pagbuo ng Plano

Lahat ng mga estudyante ay kumukuha ng kursong


CALM (Career and Life Management) karaniwan sa
ika -10 o 11 grado. Sa kursong ito, ginigiyahan ng guro
ang mga estudyante sa pamamag-itan ng pagplaplano
para tulungan silang mag-isip tungkol sa kanilang mga
plano para sa hinaharap. Ang mga guro ay hindi pipili
ng mga kurso para sa mga estudyante o magsasabi
kung ano ang dapat nilang gawin pagkatapos ng
gradwesyon. Subalit, ang mga guro ay tutulong sa
kanila na gumawa ng mga desisyon para marating nila
ang kanilang mga adhikain.
Isa sa mga benepisyo ng paraang ito ay iyong mga estudyante ay nagsisimulang maging responsable sa
kanilang mga desisyon at nagkakaroon ng tiwala sa sarili. Ang mga estudyanteng natututo ng ganitong
mga kasanayan ay mas lalong handa para sa pag-aaprentis, unibersidad o kolehiyo kung saan sila ay
tuluyang responsable sa kanilang mga ginagawa. Subalit kung wala ang pakikibahagi ng kanilang mga
magulang, paminsan-minsan, ang mga estudyante ay nakakagawa ng masasamang desisyon at
nagkakaroon ng limitadong pagkakataon matapos ang gradwesyon.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 21
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

3. Natututuhan ang Responsibilidad para sa Gawaing Pampaaralan

Ang mga estudyante sa Mataas na Paaralan ay mga batang adulto at sa nalolooban ng ilan pang taon
ay gagawa na ng kanilang mga desisyon, magsisimula nang magtrabaho at gagawa na ng mga
responsibilidad na ginagawa ng mga taong adulto.
Ang mga guro ay tumutulong sa mga estudyante sa paghahanda sa kinabukasan nila sa pamamagitan
ng pagbibigay sa kanila ng mga pagkakataong matutuhan ang disiplinang pang-sarili at tumanggap ng
responsibilidad para sa mga gawaing pampaaralan at gawaing bahay. Halimbawa, ang mga estudyante
ay inaasahang gagawa ng kanilang gawaing bahay ngunit ang mga guro ay hindi palagiang nag-
iinspeksyon ng mga notebook para makita kung ang mga ito ay natapos na. Habang ang mga
estudyante ay umuusad sa loob ng mga grado, inaasahan ng mga gurong sila ay mas lalong
magkakaroon ng tiwala sa kanilang sarili.
Ang mga estudyante na natututo ng mga kasanayang ito ay mas lalong nagiging handa para sa
unibersidad, kolehiyong pang-komunidad at iba pang mga programa kung saan ay sila ay tuluyang
responsable sa kanilang sariling gawain.

4. Papaano Makakatulong Ang Mga Magulang sa mga Estudyante sa Pagplaplano


Ang mga magulang ay maaari ding pumatnubay sa mga estudyante sa panahon ng pagplaplano. Naririto
ang ilang mga bagay na magkasama ninyong magagawa para bumuo ng isang plano:

Mga Mungkahi • Talakayin ang mga hilig, abilidad at plano pagkatapos ng gradwesyon. Itanong
ang tungkol sa uri ng mga karera kung saan siya ay magiging interesado.
Huwag mag-ala-ala kung ang mga plano ay pabago-bago. Iyon ay normal na
bahagi ng proseso sa pamimili.
• Repasuhin ang mga kursong kinakailangan ngayon para sa kanilang mga
plano sa karera, at kung anong pag-aaral o pagsasanay ang kailangan
pagkatapos ng gradwesyon. Ang tagapayo ay makakatulong.
• Pag-isipan ang mga gawain pagkatapos ng klase o sa oras ng pananghalian.
Makakatulong ang mga ito sa inyong anak na matuklasan ang tunay nilang mga
hilig at matutuhan ang tungkol sa ibang mga karera. Ito ay maganda ring lugar
para makipag-kaibigan at magsanay ng Ingles.
• Dumalo sa mga pagdiriwang na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa karera
sa paaralan para malaman ang tungkol sa iba’t-ibang mga opsyon dito.
• Isipin kung anong mga kurso at mga gawain pagkatapos ng klase ang
tumutulong sa mga estudyante na matuto ng Ingles (pagbabasa, pagsusulat at
pagsasalita) at makibagay sa paaralan sa lalong madaling panahon. Piliin ang
mga kursong nagbibigay diin sa pagsasalita sa klase. Sa drama, halimbawa,
ang mga estudyante ay natututo kung papaano magsalita ng kumportable sa
grupo ng mga tao.
• Kumunsulta sa tagapayo ng paaralan. Kalimitan ang mga magulang ay
nakikipag-usap sa tagapayo tungkol sa karera at plano sa pag-aaral ng mga
estudyante.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 22
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

• Talakayin ang mga report kard at mga puna ng guro sa mga panayam ng
magulang at guro (parent-teacher interviews).
• Makipag-usap sa iba pang mga magulang at estudyante tungkol sa kanilang mga
plano at tungkol sa mga oportunidad sa karera pagkatapos ng gradwesyon.
Tingnan ang mga web site na may impormasyon sa karera, tulad ng: Simplify the path to success.
Maaari ninyong makuha ang listahan ng mga institusyon pagkatapos ng sekundaryong pag-aaral, pati
mga kolehiyo, sa web site ng Alberta Learning Finding Your Path.

Ranji’s Plan
Ranji is 15 and in her second year in Canada. She studied English in her home
country for two years and is taking ESL level 3 in high school. Although her spoken
English is getting better, she finds writing difficult. Ranji loves Math and Science and
with her parents has chosen academic courses in those subjects and an applied
course in History. She is planning to go to university to study Engineering. Ranji plans
to take an extra year to complete high school so she can concentrate on fewer
courses and improve her English writing skills. To boost her English-speaking skills,
she joined the after-school drama club and is volunteering on the weekend at the
community centre.

5. Ang UnangTaon sa Canada

Sa unang taon, maaaring maging mahirap para magplano sa kinabukasan. Maraming mga estudyante
ang nangangailangan ng panahon para makiakma at isipin kung ano ang gagawin. Sa unang taon,
makakakuha kayo ng maraming mahahalagang impormasyon.
a) Ang mga estudyante ay magkakaroon ng mas mabuting pananaw sa mga programa at mga
kurso na sila ay magiging interesado. Ang mga magulang ay makakakuha rin ng
impormasyon mula sa mga guro tungkol sa kakayahan ng estudyante sa pagbasa, pagsulat
at pagsasalita ng Ingles at kung papaano siya umuunlad sa iba pang mga kurso at
nakikiakma sa buhay-eskwela.
b) Magkakaroon din kayo ng pagkakataong makipag-usap sa ibang mga magulang tungkol sa
pagpili ng mga kurso at oportunidad pagkatapos ng gradwesyon.

c) Titiyakin ng paaralan kung ilang mga kredit ang ibibigay sa estudyante para sa mga
nakaraang pinag-aralan.

6. Ang Diploma sa Mataas na Paaralan ng Alberta

Ang mga estudyanteng nagtatapos sa paaralang sekundaryo na may 100 kredit ay nakakatanggap ng
Alberta High School Diploma. Ang diploma ay karaniwang isa sa ilang mga rekisitos sa susunod na pag-
aaral o pagsasanay. Ang pag-aaprentis, mga programa sa kolehiyo sa komunidad at unibersidad, ay
may kanya-kanyang rekisitos sa pagtanggap. Makipag-usap sa tagapayo ng paaralan para sa
karagdagang impormasyon.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 23
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

7. Pagkakaroon ng 100 Kredit

a) Ang sistema ng paaralang sekundaryo ay nababase sa pagkakaroon ng mga kredit. Isang daang
(100) kredit ang kinakailangan para makapagtapos na mayroong diploma sa mataas na paaralan.
Karamihan sa mga kurso ay mayroong 3 o 5 kredit. Ang isang kredit ay katumbas ng 25 oras na
pagtuturo. Ang isang estudyante ay nagkakaroon ng kredit kapag nakatapos ng isang kurso na
may markang 50% o higit pa dito.

b) Sa 100 kredit na kinakailangan ng isang estudyante para magkaroon ng diploma, tinatayang 50


kredit ang makukuha sa mga kurso sa mga buod na asignatura na kinakailangan nilang makuha:
Sining sa Wikang English (English language arts, matematika (mathematics), agham (science),
araling panlipunan (social studies), edukasyong pisikal (physical education) at career and life
management (CALM). Ang mga estudyante ay pipili ng karagdagang mga buod at/o mga kursong
opsyonal na kainakailangan para makuha ang natitira pang mga kredit.

c) Ang mga estudyante na malwallhating nakakumpleto ng kurso sa ESL ay nagkakaroon ng


hanggang 5 kredit. Ang kanilang mga abilidad sa Ingles ang magtatantya kung anong mga kurso
bukod sa ESL ang kanilang kukuhanin.
d) Kahit na ang tamang karga ay 40 kredit kada taon at maaaring kumpletuhin ng mga estudyante
ang sekundaryong pag-aaral sa loob ng tatlong taon, maraming mga estudyante ang
nagkakaroon ng 1 taon o semestreng ekstra. Pinapayagan ng paraang ito na sila ay kumuha ng
ilan lamang kurso kada taon at masiyasat ang kanilang interes sa iba pang mga asignatura sa
paaralan. Ang ilang mga estudyante ay kumukuha ng mas maraming kurso kaysa sa
kinakailangan. Maaaring ipagpatuloy ng mga estudyante ang regular na pag-aaral sa mataas na
paaralan hanggang sa sila ay maging 20 taong gulang pagsapit ng Setyembre 1.

e) Sa ilang mga sitwasyon, ang isang estudyante ay maaaring payagang palitan ang isang
sapilitang kurso (compulsory course) sa isa pa ring sapilitang kurso. Halimbawa, ang isang
estudyante ay maaaring kumuha ng karagdagang kredit sa Ingles imbes na isang kredit sa
Pranse. Sa ganitong sitwasyon, ang isang estudyante ay maaaring makapagpalit ng hanggang 3
sapilitang kredit (compulsory credit).

Kung ang isang estudyante ay hindi nakapasa sa isang kurso, uulitin niyang muli ang kurso habang
kumukuha ng ibang mga asignatura sa susunod na grado.

8. Diploma sa Mataas na Paaralan sa Alberta/Sertipiko ng Pagkakamit - Mga Rekisitos sa


Pagtatapos

Ang tsart na ito ay naglalarawan ng mga kumbinasyon ng kurso na nararapat kuhanin ng estudyante
para makapagtapos at makakuha ng Diploma sa Mataas na Paaralan. Ipaliliwanag ng inyong paaralan
ang mga kurso sa relihiyon na nararapat na makumpleto rin ng estudyante.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 24
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

DIPLOMA SA MATAAS NA PAARALAN SA ALBERTA: MGA REKISITOS SA PAGTATAPOS (INGLES)


Ang mga rekisitos na nakasaad sa tsart na ito ay ang pinakakakaunting (minimum) rekisitos para ang isang
estudyante ay makakuha ng Diploma sa Mataas na Paaralan sa Alberta. Ang mga rekisitos para makapasok
sa mga institusyon pagkatapos ng gradwesyon sa mataas na paaralan (high school) at mga
pagtratrabahuhan ay maaaring mangailangan ng karagdagan o mga natatanging (specific) kurso.
100 KREDIT kasama ang mga sumusunod:
SINING SA WIKANG INGLES – LIBEL 30 (ENGLISH LANGUAGE ARTS – 30 LEVEL)
(Sining sa Wikang Ingles 30-1 or 30-2)
ARALING PANGLIPUNAN – LIBEL 30 (SOCIAL STUDIES – 30 LEVEL)
(Araling Panglipunan 30-1 or 30-2)
MATEMATIKA – LIBEL 20 (MATHEMATICS – 20 LEVEL)
(Matematika 20-1, Matematika 20-2 o Matematika 20-3)
AGHAM – LIBEL 20 (SCIENCE – 20 LEVEL)
(Agham 20,Agham 24, Biyolohiya 20, Chemistry 20 or Physics 20)
EDUKASYONG PISIKAL 10 (3 KREDIT) (PHYSICAL EDUCATION) 
PAMAMAHALA NG KARERA AT BUHAY (CAREER AND LIFE MANAGEMENT – CALM) (3 KREDIT)
10 KREDIT SA ALIN MANG KUMBINASYON MULA SA:
• Mga Kurso sa Karera at Pag-aaral ng Teknolohiya (Career & Technology Studies) (CTS) courses
• Mga Kurso sa Sining na Pino (Fine Arts courses)
• Mga Kurso sa Pangalawang Wika (Second Languages Courses)
• Edukasyong Pisikal 20 at/o 30 (Physical Education 20 and/or 30)
• Mga Kurso sa Karunungan at Pagtratrabaho (Knowledge and Employability)
• Mga Kurso sa Nakarehistrong Programa sa Pag-aaprentis (Registered Apprenticeship Program)
• Mga kurso sa CTS, sining na pino, pangalawang wika na lokal na binuo/kinuha at inautorisahan o
mga kurso sa Kaalaman at Pagtratrabaho 
10 KREDIT SA ALIN MAN SA MGA 30 LIBEL NA KURSO
(BUKOD PA SA 30-LIBEL SA SINING SA WIKANG INGLES)
ISANG 30-LIBEL NA KURSO SA ARALING PANGLIPUNAN AYON SA TINUKOY SA ITAAS) 
Ang mga kursong ito ay maaaring magsama ng:
• Mga 30-libel na kurso na lokal na binuo/nakuha at inautorisahan
• Mataas (advanced) na libel (serye 3000) sa mga kurso sa mga Pag-aaral sa Karera at Teknolohiya
• Mga 30-libel na kurso sa Karanasan sa Pagtratrabaho (Work Experience) 
• Mga 30-libel na kurso sa Karunungan at Pagkakatrabaho (Knowledge and Employability)
• Mga 30-libel na kurso sa Nakarehistrong Programa sa Pag-aaprentis (Registered Apprenticeship Program)
• Mga 30-libel na kurso sa Green Certificate Specialization
• Mga Espesyal na Proyekto 30

 Ang rekisitos ng agham – Science 20 o 24, Biology 20, Chemistry 20 o Physics 20 ay maaari ding makuha sa pamamag-itan
ng kumbinasyon ng Science 14 at Science 10 na may 10 kredit
 Ang Science 20 ay makukuha sa Ingles lamang.
 Tingnan ang impormasyon sa iksemsiyon sa rekisitos sa edukasyong pisikal ng Guide of Education, pg. 65

 Tingnan ang impormasyon sa iksemsiyon sa rekisitos sa CALM ng Guide of Education, pg. 51


 Ang mga estudyante ay maaaring magkaroon ng kahit anong biliang ng kredit sa pag-aaral ng ikalawang wika, ngunit
hanggang 25 lamang kredit sa wika ang maaaring gamitin para makuha ang 100 kredit na kinakailangan para sa Alberta High
School Diploma.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 25
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

 Isinamang Programa sa Pagtratrabaho (Integrated Occupational Program (IOP) mga kurso sa pagtratrabaho ay maaaring
gamitin imbes na mga kurso sa Karunungan at Pagkakatrabaho (Knowledge and Employability) para mapunan ang rekisitos
na ito
 Ang mga kursong 30-libel sa Sining sa Wikang Ingles (English Language Arts) at sa Araling Panlipunan (Social Studies) mula
sa ibang linya ng kurso ay hindi maaaring magamit para makuha ang rekisito para sa kursong may 30 libel.
 Ang mga estudyante ay maaaring makakuha ng 30 kredit mula sa Karanasasan sa Pagtratrabaho (Work Experience) ngunit
15 kredit lamang ang maaaring magamit para sa Alberta High School Diploma. 

Maaaring matapos ng mga estudyante ang mataas na paaralang senyor (senior high school) na may
Sertipiko ng Pagkakamit (Certificate of Achievement) o Sertipiko ng Pagtatapos sa Mataas na Paaralan
(Certificate of High School Achievement) naaayon sa mga rekisitos na nakalahad sa tsart na nasasa
ibaba.

MGA REKISITOS PARA SA SERTIPIKO SA PAGTATAPOS SA MATAAS NA PAARALAN (INGLES)

Ang mga rekisitos na nakasaad sa tsart na ito ang mga pinakamababang rekisitos para ang isang estudyante
ay makakuha ng Sertipiko ng Pagtatapos sa Mataas na Paaralan (Certificate of High Schoo l Achievement).
80 KREDIT kasama ang mga sumusunod:
SINING SA WIKANG INGLES (ENGLISH LANGUAGE ARTS) 20-2 O 30-4
MATEMATIKA (MATHEMATICS) 10-3 O 20-4
AGHAM (SCIENCE) 14 O 20-4
ARALING PANGLIPUNAN (SOCIAL STUDIES) 10-2 O 20-4
EDUKASYONG PISIKAL (PHYSICAL EDUCATION) 10 (3 KREDITS) 
PAMAMAHALA SA KARERA AT BUHAY (CAREER AND LIFE MANAGEMENT) (3 KREDIT) 
5 KREDIT SA
• 30-libel na kurso sa Karunungan at Pagkakatrabaho (Knowledge and Employability) o
• 30-libel na kurso sa mga Pag-aaral sa Karera at Teknolohiya (Career and Technology Studies (CTS) o
• 30-libel na kursong lokal na binuo, nakuha at inautorisahan na may pokus sa pagtratrabaho

at 5 KREDIT SA
• 30-libel na kurso sa Knowledge and Employability Workplace Practicum, o
• 30-libel na kurso sa Karanasan sa Trabaho (Work Experience), o
• 30-libel na kurso sa Green Certificate, o
• Mga Proyektong Espesyal ( Special Projects) 30
O
5 KREDIT SA
• 30-libel na kurso sa Nakarehistrong Programa sa Pag-aaprentis (Registered Apprenticeship Program (RAP) Course 

 Para makatanggap ng Sertipiko ng Pagkakamit sa Mataas na Paaralan, ang mga estudyante ay nararapat na
maluwalhating makakumpleto ng hindi bababa sa isang kursong akademik sa Knowledge and Employability,
 Tingnan ang impormasyon sa exemption from the physical education requirement, ng Guide of Education, pg. 65
 Tingnan ang impormasyon sa exemption from the CALM requirement, ng Guide of Education, pg. 51
 Sangguniin ang Off-campus Education - Work Experience para sa karagdagang impormasyon.
 Sangguniin ang website ng Alberta Education para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Green Certificate Program.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 26
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

Ang mga estudyante sa mga programang Prankopon (Francophone) ay nararapat komunsulta sa


Alberta High School Diploma Requirements (Francophone). Mangyari lamang tingnan: Guide de
l'éducation.
Ang mga matatandang estudyante ay nararapat komunsulta sa seksyon ng Mature Students ng Guide of
Education ECS to Grade 12, pg. 82 para sa mga karapat-dapat na rekisitos.
Ang mga estudyante ay responsible para sa pag-tse-tsek ng estado ng kanilang kredit para
maisiguradong ang mga kinakailangang kurso at kredit ay matatapos.

9. Dalawampung Oras ng Pakikisangkot sa Komunidad

Bukod sa 100 kredit, lahat ng mga estudyante ay dapat makakumpleto ng hindi bababa sa
dalawampung (20) oras ng pakikisangkot sa komunidad (o serbisyong pang-Kristiyano) bago ang
gradwesyon.
Sa mga paaralang Katoliko, ito ay tumutulong sa mga estudyante na magkaroon ng responsibilidad para
sa kanilang komunidad at magpakita ng mga pagpapahalagang Kristiyano (Christian values). Ang
dalawampung oras ay maaaring makuha anumang oras sa paaralang sekundaryo ngunit ang mga ito ay
dapat ginagawa sa labas ng klase.
Ang paggawa ng kasunduan para sa dalawampung oras ay responsibilidad ng mga estudyante at mga
magulang. Ang tagapayo ng paaralan ang magpapaliwanag kung papaano magkakaroon ng tamang uri
ng serbisyong pang-komunidad at kung papaano ito isusumite para masang-ayunan.

10. Ingles na Kinakailangan para Matanggap sa Unibersidad at Kolehiyo


Nangangailangan ang mga unibersidad at ilang mga kolehiyo na ang mga estudyanteng nasasa Canada
na wala pang tatlong taon na kumuha ng pagsusulit sa Ingles sa TOEFL (Test of English as a Foreign
Language) o isang kaparehong pagsusulit sa wika (IELTS, CELPIP). Karamihan sa mga programa sa
unibersidad ay nangangailangan din na ang mga estudyante ay kumuha ng mga tiyak na kurso sa Ingles
sa paaralang sekondaryo bago sila matanggap. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang mga
kinakailangan para makapasok sa bawat unibersidad o kolehiyong pang-komunidad.
Ilan sa mga unibersidad at mga kolehiyong pang-komunidad ang naghahandog ng mga programang
pang-suporta para sa mga estudyante ng ESL. Para sa karagdagang impormasyon, tingnan ang web
site ng bawat isang kolehiyo o unibersidad.

RATIONALITY
"Know how you ought to answer everyone."
(Colossians 4: 6)

Throughout Catholic history, reason has played an important role in


the search for truth. The critical and speculative powers of reason
allow for an active and open stance in relation to the truth. Catholics
seek truth rationally and critically as well as through appreciation and
respect. Rationality encourages faith to seek understanding.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 27
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

11. Paglisan sa Paaralan Bago ang Gradwesyon – H i g h S c h o o l C o m p l e t i o n


Ang pagtatapos sa mataas na paaralan ay isang mahalagang bagay para sa mga kabataan para
magkaroon ng magandang kinabukasan para sa kanilang mga sarili, kanilang mga pamilya at mga
komunidad. Subalit, ilan sa mga estudyante ang tumitigil sa pag-aaral sa pansariling kadahilanan o mga
problema sa pag-uugali. Ang Alberta High School Completion Framework ay tumutugon para mabigyan ng
solusyon ang mga hamon na hinaharap ng mga estudyante para makatapos sa mataas na paaralan at
tumutulong na maisiguro na ang lahat ng mga estudyante ay nabibigyan ng pagkakataon na umunlad.
Mangyari lamang bisitahin ang Cardinal Collins High School Academic Centre para malaman ang mga
opsyon para sa pagtatapos sa mataas na paaralan na inihahandog sa mga estudyante ng Edmonton
Catholic Schools.

12. Mga Iba’t-ibang Uri ng Kurso sa Mataas na Paaralan


Ilang mga estudyante na baguhan sa Canada ang
maaaring mahirapang magdesisyon kung alin sa mga
kurso ang kukuhanin. Ang kakayahan nila sa Ingles ay
lumalago at nangangailangan sila ng panahon para
malaman ang kanilang mga hilig at plano sa karera.
Mahalaga sa kanila na piliin ang mga kurso kung saan ay
maaari nilang mapanatiling bukas ang kanilang mga
opsyon, kung maaari, at maaari ding maisakatuparan ang
mga ito. Ang guro sa ESL at ang tagapayo ng paaralan
ang makakatulong sa inyo at sa inyong anak na
makagawa ng tamang pagpili.
Sa paggawa ng plano, kinakailangang isipin ng mga magulang at estudyante ang iba’t-ibang uri ng mga
kurso. Natututo ang mga estudyante ng iba’t-ibang bagay sa bawat isang kurso o programa. Lahat ay
tumutungo sa pagkakaroon ng diploma ngunit ang pagpili ng mga kurso ay makakaapekto ng malaki sa
mga oportunidad ng estudyante pagkatapos ng gradwesyon.
Ang mga Mataas na Paaralan sa Alberta ay naghahandog ng maraming iba’t-ibang mga pagpipilian:
• mga kursong akademiko para matanggap sa unibersidad.
• mga kurso sa pag-aaral sa karera at teknolohiya para mapalawak ang karanasan sa pag-aaral
• Rehistradong Programa sa Pag-aaprentis para sa mga estudyante na may edad na 15 taon
o mas matanda, kung saan ay may bahagi ng oras na sila ay nasasa paaralan at nasasa
industriya bilang rehistradong aprentis sa isa sa mga piniling trabaho sa Alberta
• mga kurso sa pag-aaral sa labas ng kampus para sa mga estudyante na nais ang espesyal
na pagsasanay sa pagnenegosyo o karanasan sa pagtratrabaho
• mga kurso sa sining na pino para sa mga estudyante na may espesyal na hilig sa musika,
sining o drama
• mga kurso sa Kaalaman at Pagkakatrabaho (Knowledge and Employability) para sa mga
estudyante na nagnanais na pabutihin ang kanilang galing sa akademika at pagtratrabaho at
matagumpay na makabalik sa mga oportunidad sa pagtratrabaho at sa patuloy na pag-aaral
at pagsasanay.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 28
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

Ang mga programa ay nagkakaibat-iba sa distrito at paaralan. Nararapat na isipin ng mga magulang at
mga estudyante ang pang-hinaharap na plano sa karera at pag-aaral ng estudyante sa pagpili ng mga
kurso. Ang mga tagapayo ng paaralan ay makakatulong sa bagay na ito.
Ang edukasyong sekundaryo pagkatapos ng mataas na paaralan (mga kolehiyo, mga unibersidad, mga
institusyong teknikal at paaralang nagtuturo ng mga trabaho) ay responsibilidad ng Ministri ng
Edukasyon at Teknolohiya.
Ang mga sumusunod ay ilang mga puntos na dapat isaalang-alang kapag nagplaplano para sa
programa para sa mataas na paaralang sinyor.
• Ilan sa mga buod na kurso ay ginawa para sa iba’t-ibang mga layunin at maaaring makuha sa
dalawa o higit pang libel ng kahirapan (levels of difficulty).
• Karaniwan, kinakailangang kumpletuhin ang mga kurso sa isang pagkakasunod-sunod, kaya
dapat tiyakin ng mga estudyante kung aling mga kurso ang nais nilang pagtapusan, bago
kuhanin sa huli ang mga pangunahing rekisitos (prerequisites).
• Dapat siguraduhin ng mga estudyante na piliin nila ang mga kursong opsyonal na
makakatulong sa kanilang mga plano sa karera, e.g. mga kinakailangan pagkatapos ng
sekundaryong pag-aaral, pagtratrabaho, at/o darating pang pag-aaral.

1 3 . Mga Kodigo ng Kurso


Sa mga dokumento sa paaralan, kada kurso ay may kodigo na
nagsasaad ng pangalan, libel ng grado at uri.
Ang mga kurso sa bawat isang kategoriya ay nakalista sa
pinagsunod-sunod na ayos ng bilang ng mga kodigo ng
kurso. Ang mga pangunahing kursong rekisito (prerequisite)
ay ipinakikita sa pamamag-itan ng nakaayos na linya sa loob
ng pahina, o linyang simbolo na ginamit para ituro ang isang
paunang rekisito na nagtutuloy sa mahigit na isang kurso.
Ang mga kredit sa kurso ay ipinakikita sa saklong
(parenthesis).
Halimbawa: Sining sa Wikang Ingles (English Language Arts)
Grade 10 Grade 11 Grade 12
English Language Arts

ELA1105 English Language Arts 10-1 .........(5) ELA2105 English Language Arts 20-1 .........(5) ELA3105
English Language Arts 30-1........... (5)
ELA1104 English Language Arts 10-2 .........(5) ELA2104 English Language Arts 20-2 .........(5) ELA3104
English Language Arts 30-2........... (5)
ESL1120 English as a Second - Language 10–Level 1.. No credits 
ESL1121 English as a Second
Language 10–Level 2 ............ (5) 
ESL1122 English as a Second

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 29
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

Language 10–Level 3 ............ (5) 


ESL1123 English as a Second
Language 10–Level 4 ............ (5) 
ESL1125 English as a Second - Language 10–Level 5 .. No credits 
Ang mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga kodigo ng kurso ay maaaring makita sa:
Provincially Authorized Senior High School Courses and Codes.

14. Ang Pormularyo sa Pagpaparehistro sa Kurso


Sa Marso, ang mga estudyante at kanilang mga magulang ay pumipili ng mga kurso para sa susunod na
taon ng pasukan. Ang mga pagpili ay ginagawa sa pormularyo na tinatawag na Pormularyo sa
Pagpaparehistro (Registration Form). Ang pormularyo ay nararapat na lagdaan ng estudyante at isang
magulang (kung ang estudyante ay wala pang 18 taon). Ang lagda ng magulang ay nagsasaad ng
inyong pagsang-ayon sa mga kursong napili.

15. Pag-aaral sa Labas ng Kampus – Mga Programa sa Pagsasanay sa Trabaho


Isinasama ng Pag-aaral sa labas ng Kampus ang mga
kurso sa Kasanayan sa Pagtratrabaho, Rehistradong
Programa sa Pag-aaprentis (RAP) at iba pang pag-aaral sa
lugar ng trabaho tulad ng pagtuturo (mentoring) (pang-
isahang kontak sa pag-itan ng mga estudyante at
negosyante, trabaho o mga taong propesyonal) at mga
pagbibiyahe sa labas ng paaralan. Sa mga programang ito,
ang mga estudyante ay nasasa lugar ng trabaho sa buong
araw o parte ng klase na may relasyon sa kanilang mga
adhikain sa karera. Ang mga estudyante ay nagkakaroon
ng mga kredit habang sila ay nakakakuha ng karanasang
pang-tunay na buhay sa pagtratrabaho.
Programa sa Pagsasanay sa Trabaho: Work Experience 15, 25 at 35 ay nagpapahintulot sa mga
estudyante na tuklasin ang mga opsyon sa karera at pinalalago ang kakayahan sa isa o mahigit pa sa
isang linya ng trabaho. Maaari silang magkaroon mula 3 hanggang 10 kredit para sa bawat kurso ng
karanasan sa pagtratrabaho na matagumpay na nakumpleto.
Rehistradong Programa sa Pag-aaprentis (Registered Apprenticeship Program-RAP): Inilalagay ng
paaralan ang estudyante sa isang trabaho sa mga bahagi ng araw ng klase. Hinahayaan ng RAP ang
mga estudyante na mahasa ang kanilang mga kasanayan at alam sa mga sitwasyong pang -tunay na
buhay. Halimbawa, ang isang estudyante na mahilig magtrabaho bilang isang elektrisista ay maaaring
tumigil ng ilang kalahating araw sa isang linggo sa isang pagawaan ng mga di koryenteng gamit (eletrical shop).
Ang mga estudyante ay nagsisimulang mag-aprentis sa isang trabaho habang sila ay nasasa mataas na
paaralan. Ang mga estudyanteng ito ay nagkakaroon ng mas maraming mga kredit para kumpletuhin
ang diploma nila sa mataas na paaralan, habang nagsisimula sila ng kanilang pagsasanay sa pag-
aaprentis.
I-tsek sa guro ng inyong anak o tagapayo ng paaralan ang tungkol sa mga programang maaaring
makuha sa paaralan.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 30
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

16. Pagkatapos sa Mataas na Paaralan: Pagpasok sa mga Institusyong Pang Kolehiyo

Ang tagapayo ng paaralan ay makakapagbigay sa inyo ng mga impormasyon tungkol sa kung ano ang
kinakailangan para makapasok sa bawat isa sa mga programang ito. Marami pang mga mahahalagang
mapagkukunan tungkol sa pagplaplano ng karera sa: Simplify the path to success o Career Planning
Resources.

a) Mga Institusyong Pinondohan ng Publiko

Mayrooong 26 na institusyon sa Alberta para doon sa mga nakatapos na ng mataas na paaralan sa


Alberta na naghahandog ng mga pagpapaunlald sa akademika,(academic upgrading), paghahanda sa
pagtratrabaho, mga programa sa pag-aaprentis, sertipiko, diploma, oportunidad para sa pagtatapos ng
digri (sa pamamagitan ng pakikipagtambalan sa mga publikong unibersidad). Pinaggrupo-grupo sila sa
anim na uri ng institusyon. Ang mga tiyak na impormasyon tungkol sa mga programa pagkatapos ng
sekundaryong pag-aaral, mga bayad sa pagtira sa isang institusyon, oportunidad para sa mga isport o
iba pa, tingnan lamang sa: Schools, Universities and Colleges located in the City of Edmonton.
Para sa karamihan sa mga programang pang-kolehiyo, ang estudyante ay dapat magkaroon ng Diploma
sa Mataas na Paaralan sa Alberta. Ang pagtanggap sa ilang mga programa ay napakahirap. Kung ang
espasyo ay limitado ang mga estudyante ay maaaring mangailangan ng matataas na mga marka para
makapasok dito.

b) Unibersidad

Ang lahat ng mga unibersidad ay


naghahandog ng mga programang pang-
digri para sa hindi pa mga nagradweyt,
kahit mayroong ilan na naghahandog din
ng mga programang pang tatlong-taon
lamang. Maraming mga unibersidad ang
naghahandog ng mga programa pagka-
gradweyt na nagtutuloy sa mga digring
Master at Pagdo-doktoreyt. Karamihan sa
mga programang pang-unibersidad ay
may mga natatanging rekisitos para sa pagtanggap kahit ang pinakamababang rekisito sa pag-aaplay
para matanggap ay kumbinasyon ng 5 kursong akademiko sa Grade 12 lamang. Kung ang lugar ay
limitado, inuuna ng karamihan sa mga unibersidad ang mga estudyanteng may mga matataas na marka
at iba pang mga kakayahan.
Maaari ninyong makita kung aling mga kurso ang kinakilangan para sa mga natatanging programa na
pang unibersidad at ang mga markang kinakailangan sa INFO sa: Admission Requirements.

c) Pag-aaprentis at Pagsasanay sa Industriya

Ang mga programa sa pag-aaprentis ay nagibibgay ng buong oras na pagsasanay sa pagtratrabaho


para sa mga tao na natututo nang husto sa pagsasagawa ng kanilang mga natututuhan. Binibigyan ng

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 31
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

pagsasanay na ito ang mga estudyante ng daan para sa pagkakaroon ng magandang trabaho at sweldo
na nangangailangan ng mataas na kakayahan, pagpapasiya at paglikha. Ang mga aprentis ay
binabayaran habang sila ay nagkakaroon ng karanasan sa pagtratrabaho at ang sweldo nila ay
tumataas naaayon sa kanilang mga kakayahan. Mga 90% ng pagsasanay sa pag-aaprentis ang
ibinibigay ng mga pinagtratrabahuhan, mga 10% ay pagtuturo ng mga teoriya sa loob ng kwarto,
karaniwan ay sa isang kolehiyo sa komunidad o iba pang inaprobahang organisasyon sa pagsasanay.
Para sa iba pang mga impormasyon sa pag-aaprentis, tingnan: www.tradesecrets.com.
Kung ang inyong anak ay nakatapos na ng
mataas na paaralan ngunit nais pang
matuto ng mga kasanayan na kinakailangan
sa pagtratrabaho o magandang katayuan sa
pag-aaral pagkatapos ng mataas na
paaralan, o mga estudyanteng nasasa ika
11 o 12 grado na nais na magkaroon ng
kakayahan at kasanayan sa mga teknikal o
pagtratrabaho, ang Career Skills Centre na
matatagpuan sa St. Joseph High School
ang tamang lugar para sa kanya. Para sa
marami pang mga impormasyon tungkol sa
mga programang maaaring makuha o para
magparehistro sa programa, tumawag sa 780-426-2010 o bisitahin: Career Skills Centre.

d) Mga Pribadong Kolehiyo na Pinahintulutang Magbigay ng mga Digri

Ang Alberta ay mayroong mga pitong pribadong kolehiyo na hinirang na magbigay ng digring akademika
na ka-libel ng sa unibersidad. Nirerepaso ng The Campus Alberta Quality Council (CAQC) ang lahat ng
mga panukala para sa mga bagong programang pang-digri mula sa mga pribado at publikong institusyon
para siguraduhing sila ay may mataas na kalidad bago sila aprobahan. Gumagawa rin ang konseho ng
panahunang pagtatasa ng mga aprobadong programang pang-digri para masigurong ang pamantayan ng
kalidad ay nananatili. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga pribadong kolehiyo sa Alberta,
tingnan: Other Institutions with Approved Degrees.
Mayroong mahigit sa 140 pribadong institusyon sa
pagsasanay sa Alberta na naghahandog ng mga
lisensyadong programa. Ang mga institusyong ito ay
naghahandog ng mga pagsasanay na bokesyonal
na idinisenyo para magbigay sa mga nagtapos ng
isang trabahong makapagbibigay sa tao ng isang
ikabubuhay. Ang listahan ng mga institusyong ito at
mga programa nila ay maaaring makita sa Alberta
Learning Information Service – EDInfo website.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 32
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

17. Papaano Pinipili ang mga Estudyante


Ang unibersidad, kolehiyo sa komunidad at mga
programa sa pagsasanay ay mayroong itinalagang mga
rekisitos sa kurso para matanggap ang mga estudyante.
Kung ang espasyo ay limitado, ang mga estudyante na
may mas mataas na mga marka at iba pang mga
katangian ang unang tinatanggap. Para sa ilang mga
programa sa unibersidad, ang mga estudyante ay dapat
magkaroon ng marka mula sa 85 hanggang 90 % sa
mataas na paaralan, para sa iba pang mga programa sa
unibersidad, 65 hanggang 70% ay maaaring tama na.
Ang mga unibersidad ay tumitingin, unang-una, sa mga
marka sa ika-12 grado. Sa ika-12 grado, kung ang isang
estudyante ay hindi nakapasa sa kurso, ito ay i-rerekord sa kanyang transkrip. Maraming mga
unibersidad at kolehiyo sa komunidad ang naghahandog ng tulong sa mga estudyanteng nag-aaral ng
Ingles. Ang mga tiyak na impormasyon ay nakalista sa kani-kanilang mga web sites.
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pag-aaplay at sa mga markang kinakailangan para
matanggap sa mga Paaralan sa Alberta para sa mga nagtapos na sa Mataan sa Paaralan, tingnan:
Admission Requirements.

18. Mga Iskolarsip, Mga Bursaryo at Pag-utang

Ilang mga estudyante ang nagbabayad para sa gastos sa unibersidad, kolehiyo sa komunidad o
pagsasanay na may espesyal na iskolarsip, bursaris, mga pagkakaloob at mga pag-utang. Ang tagapayo
ng paaralan ay mayroong mga impormasyon tungkol sa kung sino ang makakapag-aplay at papaano ito
gagawin, ngunit responsibilidad ng mga estudyante at kanilang mga magulang na mag-aplay para sa
tulong na ito. Makabubuting isabay ang pag-aaplay para sa mga ito habang nag-aaplay ng pagpasok sa
unibersidad o kolehiyo. Ang mga pag-utang ng estudyante ay maaaring makuha sa gobyernong
panlalawagan at pederal.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga iskolarsip na panlalawigan at iskolarsip mula sa
distrito, tingnan: Scholarships, Bursaries, and Awards o www.alis.alberta.ca - Loans and Grants.

TRADITION
“We must pay greater attention to what we have heard, so that we do not drift
away from it. (Hebrews 2:1)

Tradition is foundational to the formation of the Catholic community.


Tradition means holding on to the life of the community, being open to
the continuing action of the Holy Spirit and paying homage to the God
who acts in the history of a people. The focus of tradition is clarified by a
vision of the future in Christ.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 33
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

•MGA SALITANG PAMPAARALAN

• Mga Kursong Akademik – mga kurso sa ika-10 at 12 grado na nagpapatuloy sa unibersidad, kolehiyo
sa komunidad, pag-aaprentis, pagsasanay o diretso sa pagtratrabaho.
• Mga Kursong Aplayd – mga kurso sa ika-10 at 12 grado na nagtutuloy sa kolehiyo sa komunidad, pag-
aaprentis, pagsasanay o diretso sa pagtratrabaho.
• Mga Kurso sa Sining at drama – mga kursong may kredit na nagtuturo ng pangkalahatang kasanayan
at alam tulad ng sining, musika at drama.
• Mga Kurso sa Kaalaman at Pagkakatrabaho – ginawa para sa mga estudyante na mabuting natuto sa
mga karanasan na nag-aakma ng mga kinakailangang kakayahan sa larangan ng pagtratrabaho.
• Paunang rekisito – tumutukoy sa isang natatanging kurso o asignatura na dapat kumpletuhin bago
makakuha ng ibang kurso sa susunod na grado.
• Mga Rekisito para sa Pagtanggap – paglalararawan ng mga kinakailangan para makapasok sa
unibersidad, kolehiyo sa komunidad o isang programa sa pagsasanay.
• Mga Kinakailangan sa Gradwesyon – isang paglalarawan kung ano ang kinakailangan ng isang
estudyante para matagumpay na makumpleto at magkaroon ng Diploma sa Mataas na Paaralan sa
Alberta.
• Patutunguhan ng Karera – serye ng mga hakbang na dapat gawin para makapasok sa isang partikular
na karera o trabaho.
• Mga Kredit – ang mga estudyante ay nagkakaroon ng mga kredit kung matagumpay nilang nakumpleto
ang isang asignatura o kurso. Karamihan sa mga asignatura ay nagbibigay ng tatlo o limang mga kredit.
Ilan sa mga kredit ay sapilitan at ang iba ay opsyonal.
• Pag-aaral sa Labas ng Kampus – isang programa na naglalagay sa isang estudyante sa isang trabaho
sa ilang bahagi ng araw para sanayin ang kanyang kakayahan at kaalaman sa mga sitwasyong pang-
tunay na buhay.
• Pag-aaprentis – isang programa sa pagsasanay para sa mga taong nagnanais na magtrabaho sa isang
pinagsanayang trabaho at natututo sa paggawa nito. Ang pag-aaprentis ay nagbibigay ng karanasang
pang-tunay na buhay at pagsasanay para sa mga estudyante habang pumapasok at/o pagkatapos na
sila ay makagradweyt.
• Mga Pag-aaral sa Karera at Teknolohiya – naghahanda sa mga estudyante para sa paghahanap ng
trabaho o muling pag-aaral.
• Pag-aaral sa labas ng paaralan – isang programang naglalagay sa estudyante sa isang trabaho sa
ilang bahagi ng araw para ang mga estudyante ay makapag-ensayo ng kanilang kasanayan at kaalaman
sa mga sitwasyong pang tunay na buhay.
• Pag-aaprentis – isang programa ng pagsasanay para sa mga taong nais na gumawa sa mga trabahong
pinagsanayan at natututo habang ginagawa ito. Ang pag-aaprentis ay nagbibigay ng karanasang pang
tunay na buhay at pagsasanay para sa mga estudyante habang nag-aaral o pagkatapos na sila ay
makagradweyt.
• Mga Kredit – ang mga estudyante ay nakakakuha ng mga kredit kung matagumpay nilang nakumpleto
ang pag-aaral o kurso. Karamihan sa mga kurso ay nagbibigay ng tatlo o limang krredit. Ang ilan sa mga
kredit ay sapilitan at ang iba naman ay opsyonal.
• Transkrip –ang opisyal na rekord ng pag-aaral ng isang estudyante, mga kurso at marka. Ito ay
ipinadadala sa mga kolehiyong pang-komunidad, unibersidad at mga programa sa pagsasanay kung
nag-aaplay na makapasok sa mga programang ito.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 34
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

PATNUBAY SA MAGULANG – IKA-4 SEKSYON

Mga Patakaran at Pamamaraan sa Paaralan


Mga Nilalaman

1. Pagtalakay sa mga Pagkabahala 20. Rekord ng Estudyante sa Alberta

2. Pag-uulat ng mga Posibleng Pinsala sa mga 21. Ang Transkrip ng Estudyante sa Alberta
Estudyante

3. Konsehong Tagapayo ng Paaralan Ang Seksyong ito ay magbibigay sa inyo at sa


inyong anak ng magandang ideya kung
4. Kodigo ng Pag-uugali papaano ang buhay sa paaralan.
5. Sapilitang Konsekwensya Hinihingi ng mga batas sa Alberta na
magkaroon ang lahat ng paaralan ng mga
6. Mga Pagkabahala Tungkol sa Pag-uugali ng
patakaran at pamamaraan sa pangangalaga
Ibang Estudyante
sa mga estudyante at tulungan silang
7. Ang Tungkulin ng mga Magulang sa magtagumpay sa paaralan. Ilan sa mga
Pagtalakay sa Mga Problema sa Pag-uugali patakaran ay itinalaga ng bawat paaralan, ilan
ng mga lupon ng paaralan at ang ilan ay
8. Ang Pagpasok sa Paaralan ay Sapilitan itinalaga ng Alberta Education.
9. Pagliban sa Paaralan o Klase

10. Kung ang Estudyante ay Magkasakit sa


Paaralan

11. Mga Taluhiyang o mga Problema sa


Kalusugan

12. Paningin at Pandinig

13. Imunisasyon

14. Pananghalian

15. Mga Araw na Pangilin ng Paaralan

16. Mga Pagbibiyaheng Pang-Edukasyon

17. Patakaran sa Malamig na Panahon

18. Pagpapanatiling nasasa kasalukuyuan ang


mga impormasyon ng Kontak

19. Kodigo ng Pananamit

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 35
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

1. Pagharap sa Mga Pagkabahala


Kung kayo ay mayroong mga ikinababahala tungkol sa kung ang inyong anak ay tinatrato ng
makatarungan, mahalagang kayo ay makipag-usap sa kawani ng paaralan. Karaniwan, ang unang
hakbang ay ang pakikipag-usap sa kinauukulang guro, bago ang punong-guro o pangalawang punong-
guro. Kung ang problema ay hindi nalutas, kontakin ang School Operation Services sa (780-441-6000)
at humingi ng tulong.
Marami pang impormasyon tungkol sa protokol sa hindi pagkakaunawaan ng magulang at paaralan at
ang mga patakaran ay maaaring makita sa: Dealing with Conflict Management, Addressing Parent
Concerns.

2. Pag-uulat ng Posibleng Pinsala sa mga Estudyante


Kung ang isang miyembro ng kawani ng paaralan ay may nakikitang mga senyas na ang isang tao ay
maaaring nang-aabuso, nagmamaltrato o nagpapabaya sa isang estudyante o kung ang isang
estudyante ay nagsasabing may nangyayaring masama sa kanya, hinihingi ng batas na ipaalam ng guro
ang mga ito sa organisasyon sa komunidad na responsable sa pangangalaga sa mga bata (tinatawag na
Alberta Children’s Services).
Para sa iba pang mga impormasyon, tingnan: Edmonton Police Service - Family Protection o bisitahin
ang site ng Alberta Government’s Abuse & Bullying.

3. Konseho ng Paaralan

Lahat ng paaralan ay mayroong isang grupo ng mga magulang na tagapayo, miyembro ng komunidad,
kinatawan ng parokya at kawani ng paaralan na tinatawag na Konseho ng Paaralan (School Council).
Tinatalakay ng Konseho ang mga patakaran at mga plano ng paaralan sa Punong Guro. Kalimitan, ang
mga pagpupulong ay bukas para sa mga magulang at sila ay hinihimok na dumalo sa mga pagpupulong
at makibahagi sa talakayan. Lahat ng mga magulang ay maaaring maging miyembro ng Konseho ng
Paaralan.
Mga Mungkahi • Sabihin sa opisina ng paaralan na ibigay sa inyo ang pangalan at numero ng
telepono ng pinuno na isa ring magulang sa nasabing paaralan. Kontakin ang
pangulo ng Konseho ng Paaralan para talakayin ang inyong kagustuhang
makilahok sa Konseho.
• Dumalo sa mga pagpupulong ng konseho ng paaralan para malaman ang mga
ginagawa nito, magtanong, gumawa ng mga mungkahi o magbigay ng inyong
mga kuro-kuro tungkol sa mga bagay na kinagigiliwan ninyo tungkol sa paaralan.
• Kausapin ang pinuno ng Konseho ng Paaralan o mga miyembro tungkol sa kung
papaano kayo makakatulong sa mga kawani ng paaralan at mga magulang na
malaman ang tungkol sa inyong komunidad at mga pangangailangan ng mga
estudyante na bagong dating.
• Lumikha ng network ng mga magulang upang maipaalam sa iba pang mga
magulang ang tungkol sa mga pangyayari sa paaralan at para salubungin ang
mga pamilyang bagong dating.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 36
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

4. Kodigo ng Pag-uugali (Code of Conduct)


Hindi pahihintulutan ng paaralan ang pang-aabuso, pananakot, diskriminasyon, pagbabanta, paggamit
ng mga nakakasakit na pananalita at mga kilos o anumang uri ng pisikal na dahas. Mayroon itong
Kodigo ng Pag-uugali at humihimok sa pag-iwas sa mga problema at matahimik na paglutas ng mga ito.
Ang paaralan ay may mga batas na tumutulong sa mga estudyante na sumunod sa Kodigo sa Pag-
uugali. Ang mga batas ay ipinaliliwanag sa mga estudyate at karaniwan ay nakapaskil sa paaralan o
nakalimbag sa manwal ng paaralan.
Ang sino mang sumasali sa aktibidad ng paaralan (mga estudyante, mga magulang o mga tapag-alaga,
mga boluntir, mga guro o ibang kawani ng paaralan) ay inaasahang susunod sa Kodigo ng Pag-uugali.

Mga Mungkahi • Sabihin sa inyong anak na kabisaduhin ang mga batas ng paaralan.
• Paalalahanan siya na mayroong mga malulubhang konsekwensya sa pakikipag-
away o iba pang masamang pag-uugali.
• Sabihin sa mga guro at sa tagapayo o sa tagapamahala na gusto ninyong
malaman kung mayroon silang dapat ikabahala tungkol sa pag-uugali ng inyong
anak.
• Humingi ng kopya ng Kodigo ng Pag-uugali ng Paaralan.
• Kausapin ang mga guro o tagapamahala ng paaralan kung kayo ay mayroong
mga pagkabahala tungkol sa Kodigo ng Pag-uugali o sa mga batas ng paaralan.

5. Mga Sapilitang Konsekwensya

Gagamitin ng mga paaralan ang mga sapilitang konsekwensya kung ang mga estudyante ay gumawa ng
hindi kanais-nais na pag-uugali. Ang mga konsekwensyang ito ay tumutukoy sa mga nasusulat at
sinasabing babala, mga pagdiditini, suspensyon at pagpapatalsik sa paaralan. Halimbawa, kung ang
isang estudyante ay nang-asulto ng ibang estudyante, ang sapilitang konsekwensya ay suspensyon at
ang Punong-Guro ay dapat tumawag ng pulis.
Ang Punong Guro ang nagpapasiya sa haba ng suspensyon. Ipatatawag ang mga magulang kung ang
isang estudyante ay nasuspinde at ipaaalam na mabuti sa kanila at ibibigay ang lahat ng pagkakataon
para sila ay makibahagi sa proseso ng pagpapatalsik.

Mga Pag-uugali na Maaaring Humantong sa Suspensyon o Pagpapatalsik at Pagkikisangkot ng Pulis

• Pakikipag-away • Asultong pisikal na nagdudulot ng sakit sa


• Pagbabanta katawan
• Pagmumura sa guro • Bandalismo
• Pamimigay at Pagtitinda ng Droga at armas • Pang-aasulto sa kasarian
• Pagnanakaw • Pagbibigay ng alak sa mga menor de edad.
• Paggamit ng armas na nakakasakit o • Pagkakaroon ng alkohol
pagbabanta ng malubhang purwesyo
Para sa karagdagang impormasyong tungkol sa suspension at pagpapatalsilk, i-tsek ang Administrative
Policy 110 sa Student Suspension and Expulsion.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 37
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

Katha mula sa mga Patakaran at Kautusan, ECSD/ School Conduct


Mga Kahulugan:
Ang pananakot ay nangyayari kung ginagamitan ng isang tao ng hindi kanais-nais na salita o pag-uugali
ang kanyang kapwa dahil sa kanyang lahi, paniniwala sa relihiyon, kulay, kasarian, sakit pang-katawan
at pang-isipan, edad, ninuno o lugar ng pinag-mulan. Ang hindi kinakailangang kontak sa katawan, mga
panghihingi, pagbibiro o insulto ay mga pananakot kung ang mga ito ay malubhang nakakaapekto sa
kapaligiran ng pag-aaral.
Ang sandata ayon sa pagpapakahulugan ng Criminal Code ng Canada ay tumnutukoy sa ano mang
bagay na ginagamit bilang isang sandata o ano mang bagay na ginagamit ng isang tao o pinag-
aakalaang gamitin bilang sandata para makasakit.

6. Mga Pagkabahala Tungkol sa Pag-uugali ng Ibang Estudyante


Kung nararamdaman ng mga estudyante na sila ay hindi pinakikitunguhan ng isang estudyante sa
paraang hindi naaayon sa Kodigo ng Pag-uugali, nararapat nila itong ipaalam sa guro. Hindi nila ito
dapat lutasin na wala ang guro. Halimbawa, ang isang estudyante na sinuntok ng kapwa estudyante ay
dapat umiwas at lumayo sa halip na lumaban. Kinakailangang ipaalam kaagad ng estudyante ang pang-
aasulto sa guro.

Ang Kwento ni Nadia


Sa pasilyo ng paaralan sa pag-itan ng oras ng klase, si Nadia ay binangga-bangga ng
paulit-ulit ng mga lalaki. Kahit hindi siya nasaktan, naramdaman niyang siya ay inaabala
nila at gusto niyang tigilan siya ng mga ito. Sinabihan niya ang mga ito, pero hindi sila
huminto, kaya humingi siya ng payo sa guro sa ESL. Binalaan ng guro ang mga lalaki
na huminto na at kung hindi, sila ay didisiplinahin. Tumigil ang mga lalaki at kahit na
narinig niyang ang mga ito ay nagalit sa kanya, ipinakita niya sa kanilang naninindigan
siya sa kanyang sarili.

7. Ang Tungkulin ng Mga Magulang sa Paglutas sa mga Problema sa Pag-uugali

Ilan sa mga pagbabago sa pag-uugali ng isang estudyante ay


maaaring isang normal na bahagi ng pakikiakma sa bagong
paaralan, wika at bansa. Kung ang guro ay nababahala
tungkol sa pag-uugali o pakikitungo niya sa ibang mga
estudyante, maaaring kontakin ang mga magulang.
Ipaliliwanag ng guro kung ano ang ginagawa ng paaralan
para matulungan ang estudyante at maaari ding
magmungkahi ng mga bagay na dapat gawin sa bahay. Sa
pagtutulungan ng mga magulang at guro, makakapagbigay
sila ng malinaw na mensahe tungkol sa kung ano ang
nararapat na pag-uugali sa paaralan.
Kung kayo ay may ikinababahala, huwag mag-atubiling makipag-usap sa guro o sa gurong tagapayo.
Ang mga mahahalgang impormasyon tungkol sa mga iba’t-ibang usapan tungkol sa kaligtasan at
kabutihan ng inyong anak ay makikita sa: Partners with Parents - Wellness and Safety Information Series.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 38
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

8. Ang Pagpasok sa Paaralan ay Sapilitan

Isinasaad ng batas na lahat ng mga estudyante sa pag-itan ng edad na 6 hanggang 17 na taon ay


nararapat na pumasok. Kung ang isang estudyante ay hindi pumasok sa loob ng mahabang panahon,
iimbestigahan ng lupon ng paaralan ang mga dahilan sa hindi pagkapasok at idadawit ang iba pang mga
nakakaalam dito. Ang matagal na hindi pagpasok ay maaaring maglagay sa pag-aaral ng estudyante sa
peligro. Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa Attendance Board, tingnan: Attendance Board.
Kung ang estudyante ay mawawala sa paaralan sa loob ng mahabang panahon, nararapat itong ipaalam
ng mga magulang sa guro habang maaga. Minsan ang guro ay maaaring magmungkahi ng mga aralin
para sa estudyante habang siya ay wala sa paaralan.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagpasok, tingnan ang Guide to Education, School Act
pg.10: The Education Act.

9. Pagliban sa Paaralan o sa Klase

Ang mga estudyante ay inaasahang papasok araw-araw at darating sa paaralan bago magsimula ang
klase. Ang mga guro ay mayroong talaan ng mga estudyante na lumiliban at iniuulat ang mga ito sa
opisina ng paaralan. Kung ang inyong anak ay liliban, tumawag sa paaralan bago magsimula ang klase.
Karamihan sa mga paaralan ay may mga makina para sa mensahe para itala ang mga pagliban.
Tumawag sa paaralan sa mga araw ng hindi pagpasok. Kung mag-aayaw ng mensahe, magsalita nang
mahinahon.
Ang ibang paaralan ay gumagamit ng mensaheng naka-rekord para
tawagan ang mga magulang. Kung kayo ay wala sa bahay at walang
makinang maaaring pag-iwanan ng mensahe, maaaring hindi ninyo Halimbawa ng mensahe sa
makuha ito. Bukod sa mga tawag sa telepono, maraming mga telepono:
paaralan ang nangangailangan ng isang sulat na nilagdaan ng mga
Ito ay si (sabihin ang
magulang kapag ang estudyante ay bumalik sa klase.
pangalan). Ang aking anak
Ang mga estudyante ay lubhang pinagbabawalang lumiban sa klase (pangalan ng anak) ay may
para magbakasyon sa loob ng taon ng pasukan. Sa mga hindi sakit ngayong araw na ito.
maiiwasang pagkakataon na ito ay kinakailangan, nararapat na ito Ang guro niya ay (sabihin
ay ipagbigay alam kaagad ng mga estudyante at magulang sa ang pangalan ng guro).
paaralan at kumpletuhin ang nararapat na pormularyo. Ang
estudyante ay responsible sa pagkumpleto ng mga aralin na hindi
niya napag-aralan.

10. Kung ang Estudyante ay Magkasakit sa Paaralan

Kung ang estudyante ay nagkasakit o nagkaroon ng aksidente habang nasasa paaralan, ang mga
magulang ay tatawagan sa numero ng telepono na nasa talaan ng paaralan. Kung ang magulang ay
hindi makontak, ang taong maaring kontakin sa oras ng kagipitan na nakasulat sa rehistro nang ipatala
ninyo ang inyong anak ang siyang tatawagan.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 39
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

11. Mga Taluhiyang at mga Problema sa Kalusugan

Sabihin sa paaralan kung ang inyong anak ay may mga problema sa kalusugan o mga taluhiyang. Kung
kinakailangan ng estudyante na uminom ng gamot habang nasasa paaralan, ang manggagamot ng
pamilya ay maaaring sumulat sa isang pormularyo.

Mga Mungkahi Tumawag sa paaralan kung:


• Ang inyong anak ay hindi makakapasok dahil sa kung anumang dahilan
• Nagpalit kayo ng numero ng telepono o tirahan
• Mayroon kayong katanungan, pagkabahala o mungkahi

12. Paningin at Pandinig

Ang mga problema sa paningin at pandinig ay nakakapagpahirap sa mga estudyante na matuto. Hindi
lahat sa maraming mag-aaral ang nakakakita at nakakarinig na katulad ng iba. Ang paningin at pandinig
ay maaaring magbago habang ang mga bata ay lumalaki. Dahil dito, ang regular na pagpapasuri ay
napakahalaga para sa mga estudyante.
Mga Mungkahi • Ipasuri ang mata ng bata kada dalawa o tatlong taon. Binabayaran ng
Alberta Health and Wellness ang gastos para sa taunang pagbisita sa mga
doktor sa mata hanggang sa edad na 18.
• Himukin ang inyong anak na magsuot ng salamin, mga kontak lenses o
hearing aids, kung kinakailangan. Kung aayaw ng bata, makipagpulong sa
gurong tagapayo, o isa sa kanyang mga guro para tulungan ang batang
maging komportable.
• Makipag-usap sa doktor tungkol sa pagsusuri sa pandinig ng bata.
Para sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyong ibinibigay ng Alberta Child Health
Benefit Program, tingnan: Alberta Child Health Benefit Program.

13. Pagpapabakuna
Bigyan ang paaralan ng rekord ng bakuna ng inyong anak mula sa inyong bansa. Makakapagbigay ang
mga paaralan ng mga pagsasalin sa wika ng dokumentong ito kung kinakailangan. Ang inyong anak ay
dapat mabakunahan naaayon sa iskedyul ng pagbabakuna sa Alberta.
Para sa karagdagang impormasyon, kontakin ang klinika ng Capital Health sa inyong komunidad o
bisitahin ang website: Immunization.

14. Pananghalian
Ang mga estudyante ay may patlang na oras sa kalagitnaan ng araw para sa pananghalian. Ang oras ay
maaaring magkakaiba sa mga paaralan. Karamihan sa mga estudyante ay nagdadala ng pananghalian
sa paaralan. Ngunit maraming mga paaralan ang may mga kapeteriya kung saan ang kumpletong
almusal at pananghalian ay maaaring makuha.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 40
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

15. Mga Araw na Walang Pasok


Ang pasukan ay karaniwang nagsisimula sa unang Martes
makaraan ang Araw ng mga Manggagawa (Labour Day) sa
Setyembre hanggang sa katapusan ng Hunyo. Mayroon ding
bakasyon sa panahon ng Pasko sa pagtatapos ng Disyembre
at bakasyon para sa Tag-tunaw sa pagtatapos ng Marso. Sa
simula ng pasukan, ang mga estudyante ay bibigyan ng tiyak
na mga petsa. Ang mga paaralan ay sarado din sa mga araw
ng pangilin at sa mga araw na hindi ipinagtuturo.

16. Mga Pagbibiyahe sa Labas ng Paaralan

Ang paaralan ay nangangailangan ng nasusulat na pahintulot mula sa mga magulang ng mga


estudyanteng wala pang 18 taong gulang para makasali sa isang pagbibiyahe sa labas ng paaralan (field
trip). Ang inyong anak ay mag-uuwi ng sulat para lagdaan ninyo. Pirmahan lamang ninyo ito sa lalong
madaling panahon. Para sa ilang mga pagbibiyahe, maaaring may bayad ang mga ito.

17. Patakaran sa Malamig na Panahon


Sa panahon ng taglamig, sa pagkakataong may malakas na bagyo ng niyebe (snow) ang mga biyahe ng
bus ay maaaring mahuli o makansela. Kapag may masamang panahon, makinig sa radyo o mga
anunsyo sa telebisyon para sa mga patalastas tungkol sa pagkansela sa mga serbisyo ng bus.

18. Pagpapanatiling Nasa Kasalukuyan ang mga Impormasyon Tungkol sa Kontak

Noong inirehistro ninyo ang inyong anak sa paaralan, inilista ninyo ang inyong tirahan at numero ng
telepono sa trabaho tulad din ng pangalan at numero ng inyong kaibigan o miyembro ng pamilya na
maaaring kontakin sa oras ng kagipitan. Ginagamit ng mga guro ang mga numerong ito para tawagan
kayo tungkol sa mga isyu sa paaralan o sa oras ng kagipitan. Kung may mga pagbabago sa mga
numerong ibinigay, sabihan lamang ang paaralan.

19. Kodigo ng Pananamit (Dress Code)


Lahat ng mga paaralan ay mayroong kodigo ng pananamit. Sa oras ng pagpaparehistro, ang bawat isang
estudyante ay bibigyan ng impormasyon tungkol sa kodigo ng pananamit. Ang mahalagang impormasyong
ito ay maaaring makita sa mga Manwal ng Estudyante. Karaniwan, ipinakikiusap ng lahat ng mga paaralan
na ang mga estudyante ay gumamit ng nararapat na kasuotan sa kaparaanang nagpapakita ng paggalang
at kahinhinan, at nararapat sa isang kapaligiran ng Katolikong pag-aaral.
Ang mga estudyante ay maaaring papagsuotin ng mga syorts na pang-dyim sa mga klase ng edukasyong
pisikal. Bawat paaralan ay may mga magkakahiwalay na kwartong bihisan para sa mga lalaki at babae.

20. Rekord ng Estudyante sa Alberta


Habang ang mga estudyante ay nag-aaral, ang kanilang mga report kard, rekord ng mga kurso at iba
pang mga dokumento sa pag-aaral ay nakatago sa rekord ng estudyante. Binabasa ng mga guro ang
mga dokumento sa rekord ng estudyante para malaman ang tungkol sa kanila at para pag-planuhan ang
mga ituturo. Ang rekord ng estudyante ay may pagkakumpidensyal ngunit maaari itong hingin ng mga

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 41
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

magulang para makita nila ito. Marami pang mga impormasyon at ang pormularyo sa Student Records &
Information – Request and Authorization ay maaaring makita sa: Student Records and Information.
Kung ang mga estudyante ay lumipat sa ibang mga paaralan sa Alberta, ang mga rekord ng estudyante
ay ipadadala sa bagong paaralan kapag ang mga ito ay hiningi.

21. Transkrip sa Mataas na Paaralan ng Alberta


Ang opisyal na rekord ng pag-aaral ng estudyante sa paaralang sekundaryo ay tinatawag na Transkrip
ng Estudyante sa Alberta (Alberta Student Transcript). Ito ay ginagamit ng mga kolehiyo sa komunidad
at mga unibersidad para matiyak kung nakuha ng inyong anak ang mga kinakailangan para siya ay
matanggap. Kung ang isang estudyante ay lumipat ng mga paaralan, ang transkrip ay ipinadadala sa
bagong paaralan para makita ng mga guro kung ano ang mga napag-aralan na ng estudyante at para i-
rekord ang mga pag-unlad na mangyayari.
Maaari ninyong makita ang marami pang mga impormasyon tungkol sa Transkrip sa Mataas na Paaralan
sa: High School Transcripts.
Makakakita ang mga magulang ng impormasyon tungkol sa mga kurso, patakaran at pamamaraan sa
pamamagitan ng pagtingin sa:

Mga Mungkahi • Manwal ng paaralan (adyenda ng paaralan)


• Website ng paaralan
• Website ng lupon ng paaralan (school board) at mga materyales na
nakalimbag

MGA SALITANG PAMPAARALAN

• Kodigo ng Pag-uugali - ang paglalarawan ng pag-uugali na inaasahan mula sa mga


estudyante.
• Pag-iimpid – pagpigil o pagpapatigil sa paaralan pagkatapos ng klase; isang magaang
resulta ng hindi kanais-nais na pag-uugali.
• Pagpapatalsik – permanenteng pagpapatalsik ng isang estudyante sa paaralan.
Istriktong pinangangasiwaan ng mga kautusan ng lalawigan, hinihingian nito ang isang
estudyante ng pagkumpromiso (pagpayag sa ilang mga bagay) bago siya muling
pabalikin sa paaralan.
• Suspensyon – patakarang pansamantalang nag-aalis sa isang estudyante sa lahat ng
kanyang mga klase sa ilang araw o linggo (pinakamataas na ang 21 araw). Sa ibang mga
kaso, ang suspensyon ay pwersahan at ito ay malubhang resulta ng hindi kanais-nais na
pag-uugali.
• Mga Sapilitang Konsekwensya – mga hakbang na, ayon sa batas, ay dapat mangyari –
karaniwang tugon sa hindi kanainais na pag-uugali ng isang estudyante.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 42
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

PATNUBAY NG MAGULANG – SEKSYON 5

Mga Paraan Para Makatulong ang mga Magulang


Sumada ng Mga Nilalaman

1. Pakikipag-usap sa Inyong Anak Ang seksyong ito ay naglalarawan ng mga paraan


kung papaano makakatulong ang mga magulang sa
2. Pitong Mga Paraan para Matulungan ang kanilang mga anak na maging matagumpay sa pag-
aaral. Nagbibigay ito ng mga mungkahi kung papaano
Inyong Anak
pag-uusapan ang tungkol sa paaralan, pagkontak sa
mga guro, pagbatid sa mga gawaing bahay at
3. Pakikipag-usap sa Guro
pagtulong sa paglutas sa mga problema.

4. Mga Katanungan sa Guro

5. Paano Kumontak sa isang Guro o Tagapayo

6. Mga Panayam ng Magulang at Guro

7. Power School Parent Portal

8. Pagiging Kumpidensyal (Confidentiality)

9. Mga liham mula sa Paaralan

10. Kung Kayo ay hindi nagsasalita o nagbabasa


ng Ingles, makakatulong pa rin kayo sa Inyong anak

11. Pagtulong sa mga Gawaing Bahay

12. Paglutas ng mga Problema

13. Pang-aapi at Pananakot

14. Taga-pamayapa ng Paaralan (School Resource Officer)

1. Pakikipag-usap sa Inyong Anak

Ang malimit na pakikipagtalakayan sa inyong anak tungkol sa paaralan ay tumutulong sa inyo na


malaman ang mga bagay-bagay na nangyayari sa paaralan at naghahandog ng pagkakataon na
makapagbigay kayo ng payo at suporta. Ang pakikipagtalakayan ay tumutulong sa inyo na malaman
kung ang inyong anak ay nahihirapan at kung kinakailangan na ang guro o ang tagapayo ay kontakin.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 43
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

Kalimitan, mahirap para sa mga kabataan ang lisanin ang kanilang mga kaibigan at kamag-anak para
lumipat sa ibang bansa. Normal para sa kanilang makaramdam ng halong pagkagalak, galit at
kalungkutan habang sila ay nakikiakmang tumira sa isang bagong kultura.
Maaari ding maging napakahirap para sa kanilang makiakma sa isang bagong paaralan. Maaari nilang
maramdaman na kinakailangan nilang magdamit o kumilos sa isang paraang sila’y matatanggap ng
ibang kabataan, kung saan ang mga ito ay naiiba para sa kanila. Ito ang panahon kung kailan ang
mga magulang ay maaaring tumulong kahit sa pagkikipag-usap lamang tungkol sa pakikiakma sa
isang bagong pamumuhay at pagbibigay ng payo.

Mga Mungkahi • Pag-usapan palagi ang tungkol sa paaralan. Huwag nang hintayin pang
magkaproblema.
• Magtanong kung ano ang mga nangyayari sa paaralan. Himukin ang inyong
anak na magkwento tungkol sa paaralan. Pakinggan kung ano ang
magagandang nangyayari at kung alin ang mahirap.
• Kapag sama-sama ang pamilya, pag-usapan kung papaano makikibagay sa
bagong kultura. Ipaliwanag na normal lang na sila ay matakot habang
gumagawa ng mga malalaking pagbabago sa kanilang buhay.
• Pag-usapan ang mga sitwasyong dati ay may kahirapan ngunit ngayon ay
maalwan na. Ipagbunyi ang mga maliliit na tagumpay tulad ng pagkumpleto ng
unang dalawang buwan sa Canada.
• Kilalanin ang mga kaibigan ng inyong anak at gawing kaaya-aya ang inyong
lugar para sa kanila.
• Himukin ang inyong anak na sabihin at ipaliwanag sa inyo ang kanilang mga
niloloob. Ito ay isang mabuting pagsasanay para sa mga talakayan sa eskwela
at sa mga nasusulat na gawain.

2. Pitong Mga Paraan na Matutulungan Ninyo Ang Inyong Anak

1. Dumalo sa mga panayam ng magulang at guro.

2. Gumawa ng plano at talakayin ang pagpili ng mga kurso.

3. Kausapin palagi ang inyong anak tungkol sa paaralan.

4. Dumalo sa mga selebrasyon sa paaralan.

5. Bigyan ang estudyante ng isang magandang lugar sa bahay


para gumawa ng mga gawaing bahay.

6. Tulungan ang inyong anak na isaayos ang oras niya sa


paggawa ng mga gawaing bahay.

7. Kontakin ang paaralan kung kayo ay may mga katanungan o pagkabahala.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 44
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

3. Pakikipag-usap sa Guro

Kapag ang mga magulang at guro ay nag-uusap, naririnig ng mga magulang kung ano ang
inaasahan ng mga guro mula sa mga estudyante at kung papaano sila makakapagbigay ng suporta
sa bahay. Ang magandang komunikasyon ay tumutulong sa mga guro na makilalang mabuti ang
mga estudyante para magawa nilang maging mas maalwan ang pagdating nila sa isang bagong
paaralan. Sa mga matataas na paaralan sa Alberta ang mga magulang ay inaasahan na makilahok
sa pag-aaral ng kanilang anak at makipag-usap sa guro kung sila ay may mga katanungan o
pagkabahala.

4. Mga Katanungan Para sa Guro

Naririto ang ilang mga katanungan na karaniwan ay itinatanong ng mga magulang sa guro:
• Ano-ano ang mga lakas at kahinaan ng estudyante sa Ingles?
• Gaano kahaba ang oras na dapat iukol ng estudyante sa paggawa ng mga gawaing bahay?
• Ang estudyante ba ay nagpapakita ng mga espesyal na hilig?
• Papaano nakikisama ang estudyante sa ibang mga estudyante?
• Papaano ko matutulungan ang estudyante sa bahay?
• Ano-anong mga kurso ang dapat isipin ng estudyante para sa susunod na taon?

5. Papaano Kokontakin ang Guro o Tagapayo ng Paaralan

Ang mga guro at tagapayo ng paaralan ay sanay na makatanggap ng mga tawag mula sa mga
magulang.
• Tawagan ang opisina ng paaralan at mag-ayaw ng mensahe para sa guro o
Mga Mungkahi
tagapayo ng paaralan. Ibigay ang inyong pangalan at numero ng telepono,
pangalan ng inyong anak at ang magandang oras na kayo ay matawagan nila.
• Itanong kung ang paaralan ay makakapagibigay ng taga-salin sa wika, kung kayo
ay nangangailangan, para tulungan kayong makipag-usap sa guro o tagapayo ng
paaralan o kontakin ang ESL Liaison Worker para matulungan kayong maisa-ayos
ang oras sa pagpupulong.
• Maaari ding kontakin ng magulang ang mga tagapamahala ng paaralan.
Humanness

And being found in human form, he humbles himself."


(Philippians 2: 8)
God affirms the essential goodness of the human condition in becoming
human in Jesus. A Catholic attitude towards the human condition is
decidedly positive and compassionate. Catholics embrace their
humanness as a gift, celebrate the essential goodness of being human,
take delight in the enjoyment of human living, tolerate human
imperfections, and are merciful in the face of human sinfulness.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 45
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

6. Mga Panayam ng Guro at Magulang (Parent-Teacher Interviews)

Ang panayam ay isang pag-uusap sa pag-itan ng


magulang at bawat guro tungkol sa kung ano ang mga
nangyayari sa estudyante sa paaralan. Ang panayam
ay tumatagal na 5 hanggang 10 minuto at karaniwan
ay ginagawa sa loob ng kwarto, dyim o kapeteriya.
Marami sa mga paaralan ay makakapagbigay ng mga
tagasalin sa wika kung ang mga ito ay hihilingin ng
maaga o maaari ding kontakin ang Intercultural
Services, One World…One Centre at hilingin ang
serbisyo ng isang Manggagawang Tagapg-ugnay
(Liaison Worker) na makakapagsalin sa inyong unang
wika. Ang mga panayam ay ginagawa sa mga
panahon ng taglagas (Fall) at tagtunaw (Spring). Sa
panayam, tatalakayin ng guro ang report kard at kung papaano ginawa ang marka. Maaari ding
talakayin ng guro kung papaano niya tinutulungan ang estudyante at kung papaano ninyo siya
matutulungan sa bahay.
Sa panayam, paminsan-minsan ay maaaring mapagkasunduan ng mga magulang at mga guro na
magkita o mag-usap uli sa telepono. Manatiling nakikipag-kontak kahit walang problema. Sabihin sa
mga guro na ninanais ninyong matawagan nila kayo kung sila ay may mga pagkabahala o kung ang
inyong anak ay may nagawang espesyal na bagay.

7. PowerSchool Parent Portal

Ang PowerSchool Parent Portal ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan ng bahay at paaralan na


nakabase sa web sa pamamag-itan ng internet. Pinahihintulutan ng programang ito ang mga magulang
na makapasok sa website ng Power School at makita ang mga itinakdang gawain (assignments), mga
impormasyon tungkol sa marka, pagpasok, mga puna ng guro at mga impormasyong demograpiko.
Maaaring maging madali ang pakikipag-ugnayan ng mga magulang sa guro sa pamamag-itan ng e-mail
o pagtanggap ng awtomatik na notisya ng mga paglibang hindi pinayagan, mga gawaing hindi
naiisumite o mga hulog na marka. Maaari ding gawin ang pagbabayad ng mga bayarin sa paaralan sa
pamamagitan ng internet.
Maaari lamang makita ng mga magulang ang mga impormasyon tungkol sa kanilang estudyante doon
sa website ng Power School matapos na sila ay makapagparehistro sa paaralan at makatanggap ng
user ID at password. Dagdag pa dito, para maipanatili ang integridad ng mga data ng estudyante,
itinatago ng paggamit ng Power School ang mga impormasyon ng estudyante sa isang sistemang “basa
lamang” (“read only”) nang sa gayon ay ang mga impormasyon ay hindi maaaring mapalitan.
Dagdag pa dito, para mapapanatili ang integridad ng mga data, itinatago ng aplikasyon ng PowerSchool
ang mga impormasyon ng estudyante sa isang sistemang “babasahin lamang” (“read only”) nang sa
gayon ang mga ito ay hindi maaaring mapalitan. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin: Parent
Tools and Links.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 46
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

8. Pagiging Kumpidensyal

Lahat ng mga pakikipag-usap sa mga kawani ng paaralan ay kumpidensyal. Kapag wala kayong
pahintulot, hindi magbabahagi ang kawani ng paaralan ng mga impormasyon tungkol sa inyong anak,
gawain sa paaralan, o sitwasyon ng pamilya sa hindi kawani, iba pang mga magulang o mga miyembro
ng komunidad.

9. Mga Liham mula sa Paaralan

Kalimitan, ang paaralan ay nagpapadala sa mga estudyante ng mga impormasyon sa bahay, tulad
ng sulat na nagbabalita (newsletters), mga pormularyo sa pagpapahintulot (permission forms) para
sa mga pagbibiyahe sa labas ng paaralan at iba pang mga mensahe. Nararapat na siguraduhin ng
mga magulang na nakikita nila ang bawat isang mensahe.
• Ipaala-ala sa inyong anak na kinakailangan ninyong makita ang mga impormasyong
pampaaralan.

• Magkaroon ng isang espesyal na lugar sa inyong bahay para sa mga impormasyong


pampaaralan.
• Ipaskil sa inyong bahay ang mga importanteng impormasyon mula sa paaralan.
• Isauli ang mga pormularyo sa lalong madaling panahon.
• Kontakin ang kawani ng tanggapan ng paaralan, ang guro o ang tagapayo ng
paaralan kung kayo ay maroong katanungan.

10. Kung hindi man kayo Nagsasalita o Nagbabasa ng Ingles, Matutulungan pa rin ninyo
Ang Inyong Anak

• Kasama ang estudyante, bumuo ng isang plano para mag-aral ng Ingles, pinipili ang
mga kurso at para pagkatapos ng gradwesyon
• Kausapin ang estudyante tungkol sa kung ano ang natututuhan niya sa unang wika.
Maging isang interesadong nakikinig.
• Himukin ang inyong anak na palagiang magbasa sa Ingles at sa unang wika.
• Makipag-usap sa paaralan gamit ang tagasalin sa wika o Mangagawang Tagapag-ugnay
(Liason Worker).

11. Pagtulong Sa Mga Gawaing Bahay

• Maglagay ng isang lugar na aralan, na may magandang liwanag, malayo sa


telebisyon o iba pang mga makakaabala. Magbigay ng mga pluma, mga lapis, mga
pambura, papel at diksyunaryo.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 47
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

• Magkaroon ng palagiang oras sa paggagawa ng mga gawaing bahay at tulungan ang


inyong anak sa pagplaplano sa kanyang pag-aaral.
• Isipin na maaaring ang paggawa ng mga gawaing bahay na may kasamang ibang
estudyante ay makakatulong. Nakakabuti sa ilang mga estudyante ang may
kasamang kaibigan sa kanilang pag-aaral. Sa ilang mga araling itinakda, ang mga
estudyante ay inaasahang mag-aaral ng sama-sama.
• Tanungin ang inyong anak tungkol sa kanilang gawaing bahay at talakayin ang mga
ito kapag natapos na, sa Ingles o sa inyong sariling wika.
• Maging mapanghimuk kung ang gawain ay mahirap at palagiang purihin siya sa mga
ginagawang ikapag-tatagumpay niya. Ang papuri mula sa magulang ay isang
magandang motibo.
• Kontakin ang guro kung ang gawaing bahay ay napakahirap, napakatagal o
napakadali.
• Himukin ang inyong anak sa sumali sa mga klab ng pang-gawaing bahay (homework
club) sa inyong paaralan o komunidad, kung meron nito.
• Palagiang makisali sa mga usapang pang-akademik sa inyong sariling wika.

12. Paglutas sa mga Problema


Kung ang inyong anak ay nahihirapan sa isang kurso, o
Tulungan ang Estudyante na Sikaping
kung kayo ay may pagkabahala o mungkahi, kausapin Lutasin ang mga Problema
ninyo ang guro. Kung nais ninyong malaman kung ano
ang nangyayari sa pag-aaral ng inyong anak sa Makakatulong ang mga magulang sa
karamihan ng kanyang mga asignatura, maaari kayong kanilang anak sa pamamag-itan ng:
makiusap sa tagapayo ng paaralan na makipag-usap sa  Paghimuk sa kanyang makipag-usap
ilang guro para sa inyo. sa guro o tagapayo tungkol sa
problema.
Kung ang estudyante ay nagkakaroon ng mga
suliranin sa ibang mga estudyante, makipag-usap sa  Pagtulong sa kanyang magsanay sa
tagapayo ng paaralan o sa Pangalawang Punong- pagpapaliwanag ng problema
guro.  Pagpapaala-ala sa kanya na ang
Pinagsisikapan ng paaralan na matutuhan ng mga pakikipag-away sa paaralan o
pagsasabi ng masasamang salita ay
estudyante na lutasin ang kanilang sariling mga
hindi lulutas ng mga problema.
problema ngunit may mga pagkakataong ang mga
magulang at guro ay dapat makilahok. Naririto ang  Pagsisiguro sa kanya na kayo ay
ilang mga paraan sa paglutas ng mga problema. makikilahok kung ang problema ay
hindi nalutas.
• Magtanong para maunawaan ninyo kung ano ang
nangyayari.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 48
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

• Ipaliwanag sa guro o sa tagagayo ng paaralan kung ano ang sinabi ng inyong anak sa inyo.
• Pakinggan ang pananaw ng guro o tagapayo ng paaralan. Halimbawa, itanong kung ano ang
gagawin ng guro sa paaralan at kung ito ay maaaring gawain sa bahay.
• Kasama ang guro, gumawa ng plano para makakuha ang inyong anak ng magkaparehong payo
mula sa inyong dalawa.
• Magkasundong muling mag-usap para malaman
kung umeepekto ang solusyon.
• Kung ang problema ay hindi nalutas, kausapin ang
isa sa mga Punong-guro ng Distrito o Katiwala ng
Paaralan. Ang opisina ng paaralan ay may numero
ng telepono nila.
• Kung ang problema ay hindi malutas ng Prinsipal,
kontakin ang School Operation Services (780-441-
6000) at itanong kung maaari ninyong makausap ang
Prinsipal ng Distrito.
• Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa hindi
pagkakaunawaan ng magulang at paaralan tingnan:
Dealing with Conflict Management.

13. Panunupil o Pananakot

Kung kayo ay nagsususpetsang ang inyong anak ay


sinusupil o tinatakot ng ibang estudyante, magtanong
kung ano ang nangyayari sa paaralan.
May mga estudyanteng natatakot na sila ay
paghigantihan ng manunupil kung ito ay ipaaalam nila sa
paaralan. Makipag-usap sa kawani ng paaralan kung
papaano nila sisiguraduhing ang inyong anak ay wala sa
peligro. Lahat ng mga paaralan ay may mga patakaran
laban sa panunupil at pananakot at nais nilang malaman
kung ang isang estudyante ay sinusupil o tinatakot, kahit
ito ay nangyayari sa labas ng paaralan.
Maraming mga impormasyon tungkol sa mga
mapapagkunan at suportang ibinibigay sa mga estudyante
at kawani ng Edmonton Catholic Schools ay maaaring
makita sa: A Safe, Caring, and Nurturing Learning
Environment.
Para malaman at maiwasan ang panunupil at maipanatili ang malusog at kagalang-galang na mga
relasyon sa komunidad ng inyong paaralan, tingnan: Bully Free Alberta, Bullying Prevention.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 49
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

1 4 . Mga Opisyal na Tagapangalaga sa Paaralan ( School Resource Officers (SRO)

Ang natatanging tambalan sa pag-itan ng Edmonton Police Services, Edmonton Public and Edmonton
Catholic School Boards ay lumilikha ng pagkakaroon ng pulis sa nalolooban ng mga mataas na
paaralan sa Edmonton. Ang kauna-unahang gawain ng School Resource Officer ay para tulungan ang
namamanihala ng paaralan na siguraduhin ang isang “ligtas at nangangalagang lugar ng pag-aaral”
para sa mga estudyante at kawani, na binabalanse ang pagpapairal na may pag-iwas at pakikialam.
Alamin ang pangalan ng pulis at kung saan siya matatagpuan sa inyong paaralan. Para sa
karagdagang impormasyon tungkol sa programang ito, mangyari lamang tingnan sa: School Resource
Officers (SROs)

COMMUNITY
In one Spirit we were abaptized into one body."
(1 Corinthians 12:13)
Catholics approach God together and commit to living as a
community, a people of God in the world. The Catholic community,
which extends over time and space, finds its life source in the
traditional belief that the church represents the mystical Body of
Christ. The Catholic community serves the common good of society
by integrating faith and culture, thereby transforming society.

MGA SALITANG PAMPAARALAN

• Pang-aapi at Pananakot (Bullying and Harassment) – kung ang isang tao o grupo ay
nagpipilit na pigilan o saktan ang iba.
• Power School Parent Portal – isang sistemang nababase sa web na nag-uugnay sa mga
magulang at paaralan na makipagtutulungan sa pamamag-itan ng internet.
• Interbyu ng Magulang-Guro – mga pagpupulong sa pag-itan ng mga magulang at guro
tungkol sa mga nangyayari sa estudyante sa paaralan. Karaniwan, ang mga interbyu ay
nagaganap sa panahon ng tag-lagas (fall) at tag-sibol (spring) ngunit ito ay maaaring
isagawa ano mang oras. Karamihan sa mga paaralan ay nagbibigay ng mga tagasalin sa
wika kung ito ay hihingin bago magpulong.
• School Resource Officers (SRO) – Mga Pulis sa Paaralan -Programa kung saan ang
opisyal na Pulis ay bumubuo ng tiwala at pagkakaunawaan sa pag-itan ng batas at mga
komunidad ng estudyante.

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 50
B a g u h a n s a C a n a d a ?
Mga Impormasyon at Mungkahi para sa Ikapagtatagumpay Ng Inyong
Anak sa Paaralan

Helpful Links

Kung kayo ay bagong imigrante, maaari kayong mangailangan ng suporta sa paninirahan sa Alberta.
May mga iba’t-ibang ahensya sa paninirahan na tumutulong mapunan ang mga pangangailangan ng
mga bagong dating dito sa ating probinsya. Nakalista sa ibaba nito ang mga ahensya na maaaring
makapagbigay sa inyo ng mga impormasyon tungkol sa komunidad, kalusugan, mga serbisyong pang-
lipunan at mga serbisyong mula sa gobyerno at mga ahensyang nagbibigay tulong sa mga bagong dating.
Ang mga Manggagawang Tagapag-ugnay (Liaison workers) ng Intercultural Services ay palaging
handa para tulungan kayong makipag-ugnayan sa mga ahensyang lokal at mga ahensya ng gobyerno
at komunidad. Sa pamamagitan ng marami nilang taong karanasan sa pagtulong sa mga bagong
dating, nakabuo sila ng mga manwal na maggigiya sa inyo sa pag-aaral sa Edmonton Catholic Schools
ganon din sa inyong bagong pamumuhay dito sa Canada. Maaari ninyo itong makita sa www.ecsd.net
sa ilalim ng One World…One Centre - Intercultural Services..
Government of Alberta and the City of Immigrant Serving Agencies in Edmonton
Edmonton Links for Newcomers

Immigration, Refugee and Citizenship Canada (IRCC) Catholic Social Services


Immigrating to Alberta Edmonton Mennonite Centre for Newcomers
Edmonton Immigrant Service Association - EISA
Welcome to Alberta - Information for Newcomers
ASSIST Community Services Centre
City of Edmonton - New Resident Programs Welcome Centre for Immigrants

ONE WORLD…ONE CENTRE


Intercultural Services – Liaison Workers
12050 – 95A Street
Edmonton, AB T5G 1R7
Phone: 780-944-2001

Isang Patnubay Para sa Mga Baguhang Mag-aaral sa Mataas na Paaralan ng Edmonton Catholic 51

You might also like