Tinig NG Pandiwa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tinig ng Pandiwa

May dalawang tinig ang pandiwa:

1. Tukuyan o Tahasan
Nasa tinig na tukuyan o tahasan ang tinig ng pandiwa kung ang paksa o simuno ang gumagawa ng kilos sa
pangumgusap.

Halimbawa:

Lumalangoy ang butanding nang dahan-dahan.

Ang mga mangingisda ay nanghuhuli ng butanding.

2. Balintiyak
Nasa balintiyak ang tinig ng pandiwa kung hindi ang paksa o simuno ang gumagawa ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:

Pinupuntahan ng mga turista ang Donsol.

Inaalagaan ngayon ng mga mangingisda ang mga butanding.

Pagsuri ng Pangungusap

A. Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang paksa o simuno ang gumagawa ng kilos ng pandiwa at ekis (˟)
naman kung hindi.
____ 1. Ipinakilala ni Dr. Andrew Smith ang butanding sa mga tao noong 1829.
____ 2. Nagsulat si Dr. Smith ng detalyadong paglalarawan ng nasabing nilalang noong 1849.
____ 3. Kinikilala ng mga Vietnamese ang mga butanding bilang sagradiong isda.
____ 4. Tinatawag nilang “Ca-Ong” ang butanding at kinikilalang diyos o anito.
____ 5. Si Edward Perceval Wright ay nag-aral din ng tungkol sa mga butanding noong 1868.
____ 6. Nakatuklas siya ng butanding na umaabot sa 21 metro ang laki.
____ 7. Gumawa din siya ng pagsusuri sa mga babae at lalaking butanding.
____ 8. Nakatigil lamang sa isang lugar ang butanding kapag kumakain.
____ 9. Hinihigop ng butanding ang tubig kung saan naroon ang mga dilis at alamang na kanyang pagkain.
____ 10. Ang tubig ay lumalabas sa bibig ng butanding matapos salain ng mga hasang nito.

B. Suriin kung tukuyan o balintiyak ang tinig ng pandiwang may guhit sa pangungusap. Kulayan ng dilaw ang
kahon kung tukuyan at berde kung balintiyak.
1. Ipinagdiriwang ng mga mamamayan ng Donsol, Sorsogon ang taunang Pista ng Butanding tuwing unang
Linggo ng Abril.
2. Mula Enero hanggang Mayo ay dumadagsa ang mga butanding sa mga dagat ng Sorsogon.
3. Ang kagawaran ng Turismo at ang local na pamahalaan ay nag-utos na pahalagahan ang mga higanteng
isda na ito.
4. Hanggang ngayo’y pinag-aaralan ng mga siyentista ang paraan ng pamumuhay ng mga butanding.
5. Ayon sa kanilang pag-aaral, namumuhay nang mag-isa ang mga butanding.
6. Nagkukumpol lamang ang mga butanding kung ang isang lugar ay sadyang sagana sa pagkain.
7. Ang butanding ay nangnganak ng umaabot sa 300 munting butanding.
8. Nagsisimula sila bilang mga itlog at iniluluwal na lamang bilang isda.
9. Minsan ay tumitihaya ang mga butanding sa kanilang paglangoy.
10. Nag-aalis ng mga parasitong nakadikit sa katawan ng butanding ang mga maninisid.

You might also like