Bata Bata Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Cherry Ann Z.

Baldon BSEdIII-O

Bata, Bata... Paano Ka Ginawa?


Ni: Lualhati Bautista

Mahirap maging isang ina at asawa. Wala ito sa aklat na pwede mong
pagbasehan kung anong tama o mali; kung ano ang makakatulong o hindi. Wala itong
pormula na may angkop at akmang solusyon sapagkat ‘di natin hawak ang maaaring
mangyari sa buhay sa paglipas ng mga panahon. Ang sigurado lamang ay walang ina
na hindi naghahangad na mapabuti ang kanyang mga anak at walang asawa na hindi
naghangad na ang tanging gusto’y mahalin siya ng buo kahit may pagkukulang pa.

Buod

Isang pangkaraniwang pamilya ang buhay nina Lea. Isang inang may dalawang
anak, hiwalay na sa totoong asawa at may bago ng kinakasama. At bukod ano pa ma’y
isang makabagong ina ng kasalukuyang panahon na ma’y sarling prinsipyo’t
paninindigan. Panganay na anak ni Lea si Ojie sa kanyang dating asawang si Raffy na
ngayo’y may bago ng asawa na sa katauhan ni Elenor at ang bunsong anak niya
namang si Maya ay anak niya sa kanyang bagong kinakasamang si Ding. Gayon pa
man maayos ang katayuan ng kanilang pamilya ngunit ‘di mag lao’y maraming suliranin
ang kinaharap ng bawat isa. Si Lea ay nagtratrabaho sa isang ahensya na namamahala
sa Karapatang Pantao. Doon niya nakilala ang kanyang kaopisina at naging matalik
niyang kaibigang si Johnny. Nagtapos na ang bunsong anak ni Lea na si Maya sa
kindergarten kaya naman nagkaroon ng konting salo-salo sa kanilang bahay. At si Ojie
naman ay patuloy na nag-aaral. Nang mga panahong iyon ay hiwalay na si Lea kay
Raffy kaya naman ang tumatayong ama ng dalawa ay si Ding. Sa umpisa ay naging
maayos ang pagsasama nila hanggang sa nagkakaroon ng problema at pagtatalo sina
Ding at Lea tungkol sa kanilang pagsasama at pagpapalaki sa mga anak. Minsan pa, sa
muling planong pagkikita nina Raffy at Lea ay naging madalas na dahilan nang pag-init
ng ulo ni Ding. Hindi ito inilihim ni Lea kay Ding na magkikita sila ni Raffy sapagkat wala
rin naman daw mapapala kung ililihim niya at isa pa pag-uusapan lamang nila ang
tungkol . sa anak nilang si Ojie. Pagkatapos magkita ng dalawa at muling pagbabalik
tanaw sa kanilang nakalipas ay napag-alaman ni Lea na nagdadalang-tao na ang
bagong asawa ni Raffy na si Elinor. Hanggang sa napag-usapan nilang dalawa ang
pagkikita ng mag-ama. Kinausap ni Lea si Ojie na nais siyang makita ng kanyang ama
at ikinatuwa’t ikinasabik niya ito ngunit nais ding sumama ni Maya upang makilala ang
ama ni Ojie. Pinayagan naman ito ni Lea. Ngunit sadyang mausisa ang batang si Maya
kung kaya’t minsa’y natatanong ito kung bakit dalawa ang asawa ni Lea. Nagkataon pa
ngang nagkapalit ng pirma si Lea sa kard nina Maya at Ojie dahil sa magkaibang
apelyidong gamit nito mula sa dalawang ama. Minsang pang may dadaluhang pagtitipon
si Lea at wala siyang mapag-iwanan sa dalawa dahil wala pa si Ding at nandoon pa sa
ina nito. Sa kagustuhan niyang sumama’y naisip niyang iwan sina Maya at Ojie kina
Raffy. Sa pagdating ni Ding sa bahay ay ‘di nito nadatnan ang mga bata kaya tinanong
nito si Lea kung nasaan ang mga bata. Nagalit si Ding dahil napag-alaman nitong nakila
Raffy pala ang dalawa. Muling nagtalo at nagkasagutan ang dalawa. Makalipas ang mga
araw nabalitaan ni Lea na hindi na pumapasok si Ojie sa eskwelahan kaya naman
nagtaka ito kung bakit samantalang wala naman ito sa bahay nila. Hindi namamalayan
ni Lea na napapariwara na pala si Ojie dahil natagpuan niya ito sa isang billiards
compound. Agad niya itong sinugod at tinanong kung bakit hindi na pumapasok. Hindi
siya kinibo ni Ojie hanggang sa pagdating ng bahay. Nang biglang nagkasagutan ang
mag-ina. Sinisisi ni Ojie ang kanyang ina sa kawalan nito ng ama. Nandoon din si Maya
na matamang nakikinig at umiiyak na din. Nang makaraan pa ang mga araw,
napabalitang naaksidente sina Maya at Ojie dahil sa may tumawag sa kanyang opisina
at sinabing nasa ospital ang dalawa. Dali- daling nagtungo si Lea sa sinabing ospital at
sa kanyang pagdating ay nadatnan niya ang ama ng dalawang bata na halatang may
tensyong nagaganap sa pagitan ng dalawa. Parehong sinisisi nina Raffy at Ding si Lea
sa pagkaaksidente ng dalawa. Na ito pala’y napababayaan na raw ang dalawa dahil sa
pagtatrabaho nito kaya pati ang pagpapalaki sa mga anak ay hindi niya na nagagawa.
Hindi nakayanan ni Lea ang kanyang narinig dahil sa pinagtutulungan na siya ng dalawa
kaya’t dali-dali siyang nagtungo ng bahay na luhaan. May tumawag sa telepono, at
sinagot ito ng mura ni Lea sa pag-aakalang si Ding ito ngunit ito pala’y si Johnny.
Nagkayayaan ang dalawa’t nagkita. Sa kagustuhan ni Lea na may mangyari sa kanilang
dalawa ay pinagbigyan ito ni Johnny. Hanggang sa isang araw ay pumunta ang asawa
ni Johnny sa kanila na ikinagulat ni Lea sa pag-aakalang sinabi nito ang nangyari sa
kanila ngunit ibinalita lamang nito na hindi pa umuuwi ang kanyang asawa. Nasangkot
kasi si Johnny sa pagbubulgar ng mga baho nga matataas na opisyal sa lipunan.
Tinawagan ni Lea si Sister at ibinalita rito ang naganap. Sinabihan siya nitong itago ang
mga video files at iba pang mahahalagang papeles na maaaring dahilan din upang
isunod ang kanyang pamilya. Dumaan at lumipas ang mga araw. Dumating ang pasko
ngunit wala pa rin si Ding hanggang sa isang araw ay sinabi ni Ding na nakabuntis siya.
Sa kabilang dako, nais kunin ni Raffy si Ojie upang isama sa Estados Unidos ngunit
sinabi ni Lea na ang kanyang anak ang magdedesisyon kung gusto nitong sumama.
Ngunit natakot si Lea sa katotohanang kukunin sa kanya ang dalawa niyang anak ng
mga ama nito. Gayon pa man ay hindi ito naging dahilan upang higpitan niya ang
kanyang mga anak. Sa halip sinabi nito sa kanyang mga anak na kung saka-sakali
hahayaan niya itong mamili kung kanino gustong sumama. Sa pagdaan at muling
paglipas ng mga araw ay nanatili sa pangangalaga ni Lea sina Ojie at Maya. Nagpatuloy
ang pamumuhay ng mag-iina at naging maayos ang kanilang pagsasama. Sa huli,
dumalo si Lea sa isang recognition bilang isang panauhing pandangal. Nagbigay si Lea
ng talumpati patungkol sa kung paano umiiral at kung gaano kabilis ang buhay ng tao.
Na madali raw magkaroon ng anak, pero ang mahirap ay kung paano mo sila palalakihin
bilang isang disente at makataong mamamayan. At sa huli’y sinabi niyang hindi wakas
ang pagtatapos sa paaralan dahil ito pa lamang ang simula ng panibagong buhay na
tatahakin ng isang tao.

Pagsusuri

a. Tauhan

 Lea

 Makabagong ina
 Mapagmahal, maalaga, maunawain sa asawa’t anak
 Dating asawa ni Raffy at kinakasama ngayon ni Ding
 Mabuting kaibigan ni Johnny
 Mapaglingkod sa kapwa
 LAPAD

 Maya
 Bunsong babaeng anak ni Lea kay Ding
 Bibo’t palatanong na bata
 Totoo at batang matanda kung mag-isip
 LAPAD
 Ojie
 Panganay na anak na lalaki ni Lea kay Raffy
 Nawala sa tamang landas
 LAPAD
 Ding
 Bagong kinakasama ni Lea
 Seloso at malapit sa ina niya
 Madalas kasagutan ni Lea
 BILOG

 Raffy
 Dati at unang asawa ni Lea na minahal talaga niya
 Kasalukuyang asawa ni Elinor
 LAPAD

Johnny
 Kaopisina at matalik na kaibigan ni Lea
 LAPAD

b. Panahon

Kasalukuyan

c. Wika

Filipino
Kolokyal, Lalawiganin, Pambansa

Konklusyon

Masuwerte ka’t kahit hindi buo ang iyong pamilya ay napalaki ka nang maayos
at tama ng iyong ina na nasilbi mong ilaw at gabay mula pa sa pagkabata’t tuluyan
mong pagkamulat sa buhay. Bilang isang anak dapat nating pahalagahan ang ating mga
magulang lalo na ang ating mga ina sapagkat tanging ina lamang ang lubos na
nakakaunawa sa pagbabago ng kanilang mga anak. Mula pa man bago tayo iluwal sa
mundo ay lubos nang ikinasisiya ng isang ina ang maisilang tayo kaya’t hindi kuwestiyon
kung gaano kalawak ang saklaw ng pagmamahal nila sa atin dahil higit sa ano pa man
tanging ina lamang ang makapagbibigay ng malawak na pagkaunawa kahit sila man ay
iyong nasasaktan. Ika nga na muli’t muli nating sinasambit “Mother knows best!”
Sapagkat walang hinangad ang isang ina kundi ang mabigyan nang maayos na
pamumuhay at magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.

Katanungan

1. Ano ang implikasyon ng nobela sa buhay mo o sa reyalidad na buhay ng


tao?

Bilang isang anak huwag nating kuwestiyunin ang pagkukulang ng ating mga
magulang sa halip ay suklian natin sila ng pagmamahal at pagpapasalamat sa lahat ng
pagsasakripisyo’t walang sawang pag-aaruga. Iparamdam lalo na sa ating mga ina na
kahit hindi buo’t perpekto ang inyong pamilya ay kailanman ma’y hindi siya nagkulang
dahil lahat ginawa niya upang matugunan ang lahat ng iyong pangangailangan hindi
man sa materyal na paraan.

2. Saan umiikot ang pangyayari sa nobela?

Tumatalakay ito sa mga suliraning kinasasangkutan ng pamilya lalo na sa


pagiging ina’t asawa.

3. Ano ang aral na iyong napulot?

Hindi nangangahulugan na kapag ang isang pamilya ay hindi buo ay


hindi na magiging maayos ang takbo ng iyong buhay at ng iyong mga anak. Isang
magandang halimbawa si Lea ng isang inang matatag na, may prinsipyo’t
pinaninindigan sa buhay. Isa rin po sa magagandang aral na natutunan ko ay
hindi lang dapat umiikot ang buhay mo bilang isang asawa’t ina lang. Kailangan
na bigyan mo rin ang iyong sarili ng panahon upang lumaki, mamulat at makita
ang mundo. Sapagkat ang pagharap sa tunay na buhay ay masaya kung alam
mo ang mga pagbabago sa iyong kapaligiran na magiging daan upang iyo itong
maintindihan.

You might also like