Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
Annex B. Morada Street Brgy. Uno, Lipa City

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

I. KASANAYANG PAGKATUTO
Sa pagtatapos ng 60 minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nauunawaan ang maikling kwento ng Tsina na pinamagatang “NIYEBENG ITIM”.
b. Nailalahad ang sariling opinyon at pagkaunawa ayon sa kwentong tinalakay.
c. Nakakalahok sa isang malaya at masiglang talakayan.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Niyebeng Itim
Maikling kwento – Tsina
ni Liu Heng

Sanggunian: Internet, Panitikang Asyano ; Modyul ng Mag-aaral sa Filipino


Pahina 133-141

Mga Kagamitan: pantulong na biswal, pisara, yeso, telebisyon, laptop

III. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG – AARAL
A. Panimulang Gawain
1. Pagdarasal
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
4. Pagtatala ng liban

B. Pagganyak

Bago tayo tumungo sa paksang ating


pagtatalakayan, may inihanda akong
isang aktibidad na susukat sa inyong
mga kaalaman at kakayahan. Ang
gawaing ito ay pinamagatang “ITUSOK
MO SA AKIN, DALI!” Pipili lamang ako
ng limang (5) representante na
magsasagawa ng gawaing ito. Bawat
napili ay kailangang hanapin at buuin
ang nawawalang parte ng aking
kaibigan kung saan nakapaloob ang
paksang ating pagtatalakayan ngayong
araw. Ang bawat parte ng kanyang
katawan ay nakasilid sa mga sakong
kulay itim.

Nauunawaan niyo ba?


Opo. Nauunawaan po namin.
Kung gayon, maaari na nating simulan.
(Pagsasagawa ng gawain)
Mahusay! Palakpakan naman natin
ang mga nakilahok sa ating gawain.

Ngayon, nabuo niyo na ang aking


kaibigan, ano ang mapapansin ninyo
sa kanya?
 Ang napansin ko po sa inyong
kaibigan ay maitim at mataba.
 Napansin ko po na ang inyong
kaibigan ay isang taong niyebe.
Mahusay!

Sa inyong palagay, saan kaya gawa


ang aking kaibigan?
 Sa niyebe po.
Tama!

Anong uri kaya siya ng niyebe?


 Siya po ay isang Niyebeng itim.
Mahusay! Sa inyong palagay, tungkol
saan ang ating pagtatalakayan
ngayong araw?
 Ang pagtatalakayan po natin
ngayong araw ay tungkol sa
“Niyebeng itim”.
C. Paglalahad

Mahusay! Ang pagtatalakayan natin


ngayong araw ay tungkol sa maikling
kwento ng Tsina na pinamagatang
“NIYEBENG ITIM”. May inihanda
akong isang video presentation upang
mailahad sa inyo kung ano nga ba ang
nilalaman ng kwentong ito.

Ngunit bago ito, ano muna ang


kinakailangang gawin bago manood ng
isang video?
 Tahimik na manood.
 Unawain ang kwentong
pinapanood.
Ngayon, batid kong handa na ang
lahat.
(Panonood ng mga mag-aaral)
Upang lubos ninyong maunawaan,
may ilan akong mga katanungan na
inihanda para sa inyo.
D. Pagtatalakay sa Aralin

1. Sino ang pangunahing tauhan sa


video na inyong napanood?
 Si Li Huiquan po ang pangunahing
tauhan sa kwento.
Mahusay!

2. Paano ninyo ilalarawan ang


pangunahing tauhan sa video?
 Si Li Huiquan ay dating bilanggo.
Base po sa aking napanood, ang
pangunahing tauhan na si Li
Huiquan ay isang masipag na tao
sapagkat nagtitinda siya ng damit
gamit ang sasakyang may tatlong
gulong.
 Mailalarawan ko ang pangunahing
tauhan bilang isang matatag na tao.

(Pagkakaroon ng talakayan)

3. Ilarawan ang tagpuan sa kuwento?


Sa iyong palagay, anong panahon
naganap ito?
 Naganap po ito bago magpasko at
pagkatapos ng bagong taon.

(Iba’t-ibang kasagutan ng mag-aaral)

Mahusay!

(Pagkakaroon ng talakayan)

4. Ano ang tema ng kwentong inyong


napanood?  Ang tema po ng kwentong
ipinanood niyo sa amin ay ang
pagiging matatag sa lahat ng
problemang kinakaharap.
 Sa akin pong palagay, ang tema po
ng kwentong ito ay tungkol sa
pagbabagong buhay ng isang tao.

(Iba’t-ibang kasagutan ng mag-aaral)

Magaling! Ang kwentong ito nang Tsina


ang maaaring maging pundasyon, na lahat
ng tao ay maaaring magbago. Kahit yung
mga taong dating nakulong o nalulong sa
masamang bisyo ay maaaring maging
mabuti ulit. Tandaan lamang natin na ang
pagbabago ay nasa ating mga kamay at
nakadepende sa atin kung paano
gagamitin sa tama ang buhay na
ipinahiram sa atin ng Panginoon.
Nauunawaan ba?
 Opo. Nauunawaan po namin.

5. Pansinin naman natin ang pamagat


ng kwento. Bakit kaya siya
pinamagatang “Niyebeng itim”?
 Sa akin pong palagay, kaya po siya
“Niyebeng Itim” dahil ang niyebeng
kulay itim ay sumisimbolo sa mga
problema at pagsubok na dumating
sa buhay ng pangunahing tauhan.

(Iba pang kasagutan ng mga mag-


aaral)
Mahusay! Marahil kaya kulay itim ang mga
taong niyebe dahil hinulma ng mga
problema at mga pagsubok si Li Huiquan.
Bagamat, kulay itim ang nakikita natin,
nagtatago naman sa loob nito ang kulay
puti na sumisimbolo sa kalinisan at
katatagan ng loob.

Nauunawaan ba?
 Opo Ma’am.

Sino ang mga may katanungan?


 Wala po.

Kung gayon,, batid kong naunawaan na


ninyo ang kwentong ating pinanood at
tinalakay. Upang masubok kung lubos nga
kayong natuto, magkakaroon ulit tayo ng
isang pangkatang gawain.

E. Paglalapat

Ang klase ay papangkatin ko sa limang


grupo. Ito ang magiging unang pangkat,
ikalawa, ikatlo, ika-apat at ikalimang
pangkat. May hinango akong kataga sa
kwento ng Niyebeng Itim.

Kailangang bigyan ng paliwanag o


palawakin ng bawat pangkat ang mga
katagang ito sa pamamagitan ng mga
nakaatang na gawain.

Handa na ba ang lahat?


 Opo Ma’am.
“Tiyaga ang susi para sa isang buhay na
matatag. Kahit sa pinakamalalang
panahon, walang ibubunga ang mawalan
ng pag-asa. Mas mabuting maghintay
kaysa umayaw, dahil walang makaaalam
kung kailan kakatok ang oportunidad..
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay
malas ka, hindi ba? “

Pangkat 1:
Gumawa ng maikling dula-dulaan.

Pangkat 2:
Lumikha ng awitin.

Pangkat 3:
Bumuo ng isang tula.

Pangkat 4 at 5:
Gumuhit at bigyang paliwanag ang
iginuhit.

Pamantayan sa Pangkatang-Gawain :

Pangkat 1 :
Mensahe ng dula-dulaan-----3
Kahusayan sa pagganap-----3
Kahandaan----------------------2
Kooperasyon--------------------2
------
10
Pangkat 2 :
Nilalaman ng awit-----------3
Kahusayan sa pag-awit-----3
Kahandaan--------------------2
Kooperasyon-----------------2
------
10
Pangkat 3 :
Masining na paglikha--------3
Kahusayan sa pagbigkas----3
Kahandaan--------------------2
Kooperasyon ---------------2
------
10
Pangkat 4 at 5:
Kaugnayan ng ginuhit------3
Nilalaman ng Slogan-------3
Kahandaan ------------------2
Kooperasyon-----------------2
------
10

Binibigyan ko lamang ng limang minuto


ang bawat pangkat upang makapagplano
ng kanilang gagawin.
(Pagpaplano o brainstorming ng bawat
pangkat)
(Pagsasagawa ng presentasyon)
(Ang guro ay magbibigay ng puna at
puntos sa bawat pangkat)

Naunawaan ba ninyo nang lubos ang


kwentong ating tinalakay?
 Opo.

Ngayon, may isa ulit akong katanungan sa


inyo?

F. Paglalahat

Paano nagbago ang katauhan ng


pangunahing tauhan sa kwento?
 Para sa akin, nagbago ang
katauhan niya dahil tinulungan nya
ang kanyang sarili gumawa ng
mabuti.
 Hindi nya pinakinggan ang sinasabi
ng ibang tao tungkol sa kanya.

(Iba’t-ibang kasagutan ng mga mga-


aaral)

Mahusay!

G. Pagpapahalaga
Kung ikaw si Li Huiquan, gagawin mo
rin ba ang ginawa niya? Ipaliwanag.
(Iba’t-ibang kasagutan ng mga mag-
aaral)

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung sino
ang inilalarawan ng bawat pahayag. Piliin ang sagot sa talaan sa ibaba.

Li Huiquan Liu Heng


Tiya Luo Tiyo Li Herman Li
*Luo Xiaofen

1. Siya ang may-akda ng “Niyebeng Itim”.


2. Isang matabang mama na tumulong kay Li Huiquan na makakuha ng lisensiya sa
pagtitinda.
3. Kababata ni Li Huiquan at pinag-aalalayan niya ng kanyang pagmamahal.
4. Isang dating bilanggo na nagbabagong buhay. Nakaranas siya ng mga pagsubok sa
buhay na buong tapang niyang hinarap.
5. Siya ay kapatid ng ina ni Li Huiquan. Tinulungan niya ang kanyang pamangkin na
makapagsimula ng negosyo.

Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa kwentong tinalakay. Ilagay ang bilang


1-5 patlang.

_____ (6) Tinulungan ni Hepeng Li/Tiyo Li si Li Huiquan na makakuha ng permit dahil


winika niya kay Li Huiquan na ito’y kinakalinga ng pamahalaan.
_____ (7) Paparating na ang bisperas ng bagong taon nang nagpakuha ng litrato si Li
Huiquan sa Red Palace Photo Studio.
_____ (8) Si Li Huiquan ay dating bilanggo.
_____ (9) Naisipan ni Li Huiquan na magtinda na lamang ng mga damit gamit ang
kanyang sasakyang may tatlong gulong. Pagkalao’y pumunta sila sa Malacanang
upang kumuha ng permit para sa pagtitinda ngunit nakabunggo niya si Hepeng Li.
_____ (10) Nagtiyaga si Li Huiquan sa pagtitinda ng damit haggang sa naging maalwan
na ang kanyang buhay.

Susi sa Pagwawasto:
1. Liu Heng
2. Tiyo Li
3. Luo Xiafen
4. Li Hiuquan
5. Tiya Luo
6. 4
7. 1
8. 2
9. 3
10. 5

V. TAKDANG ARALIN

Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa mga pagsubok sa inyong buhay at paano


niyo ito nalampasan. Isulat ito sa isang buong papel.
INIHANDA NINA:

MANDOCDOC, LOVELYN
Gurong Nagsasanay

AMPELOQUIO, SHANE
Miyembro

PAGSUGIRAN, JONATHAN T.
Miyembro

ROBLES, PRINCE DEX


Miyembro

VERGARA, CLESTER
Miyembro

IWINASTO NI:

MILDRED P. NUEZCA
Gurong Tagapayo

You might also like