Karamihan ng awiting Pilipino ay tungkol sa pag-ibig ng mga magkasintahan, dahil kalidad ng mga Pilipino ang pagiging romantiko. Pero sa aking pananaw ang mga pinaka mahalagang mensahe na makukuha natin sa ating mga awitin ay hindi galing sa mga awiting romantiko na pang magkasintahan, kungdi sa pag-ibig ng pamilya, sa pag-ibig para sa Diyos, sa pag-ibig para sa bansa, at sa pag-ibig para sa kababayan. Ang mga paborito kong awitin na tungkol sa pamilya ay “Ugoy ng Duyan” at higit pa dito ay ang “Anak” na kinanta ni Freddie Aguilar at sumikat sa buong mundo. Dito sa awiting “Anak”, mararamdaman talaga ang personalidad ng mga Pilipino lalo at higit sa pagmamahal ng magulang sa pamilya at namumukod-tanging pagmamahal sa anak. Ang dahan-dahan na pag- awit ng mga salita at ang detalyado na mga titik ay pinapakita ang kahalagahan ng pamilya sa kulturang Pilipino, mas lalo na ang paggalang para sa mga magulang. Marami sa mga awiting tungkol sa pamilya ay tungkol mismo sa mga magulang at sa mga pagsasakripisiyo na kanilang dinadaanan para sa kanilang mga anak. Isa ito sa mga kakaibang kultura ng Pilipino— pinahahalagahan natin at hindi natin nakakalimutan ang mga ginawa ng ating mga magulang sa pagpapalaki sa atin. Sa pagtanda ng ating nanay at tatay, imbes na iwanan at ibali-wala sila sa “Old People’s Home,” katulad ng kaugalian dito sa Amerika, tayo mismo ang nag-aasikaso sa kanila, katulad ng kanilang ginawa para sa atin noong bata pa tayo. Ito ang isang kalidad ng mga Pilipino na sana hindi mawala kahit na dahan-dahan tayong naiimpluwensiya ng mga Amerikano. Marami akong gustong awit ni Freddie Aguilar, pero ang isa ko pang paborito ay “Habang May Buhay.” Sa awit niyang ito, matututunan at talagang mararamdaman ang paghihirap sa Pilipinas. Binibigyan niya ng pag-asa ang kanyang kababayan, at pinaaalala na lahat tayo ay sama-sama sa kahirapan, at bilang isang bansa na karamihan ay Katoliko, hindi tayo pababayaan ng Diyos. Itong pag-iisip na kaya nating lagpasan ang kahit ano mang pagtutol sa buhay dahil andyan and Diyos at ang kapwang Pilipino ay ang kalidad na nagpapalakas sa atin bilang Pilipino, at tumutulong sa ating maging masaya at magpasalamat sa pinaka maliliit na biyaya sa buhay. Sa wakas, ang “Isang Dugo, Isang Lahi, Isang Musika” ng Philippine Madrigal Singers ay ang modernong awit na tungkol sa mga problema ng Pilipinas ngayon. Nakikita ko ang kantang ito bilang isang akto ng mapayapang aktibismo, na sumasamo ng pagkakaisa sa mga Pilipino, na matagal ng nasa gera sa isa’t isa. Ang bansang mahirap na dahil sa mahinang ekonomiya at gubyerno ay mas naghihirap pa dahil sa pag-aaway ng mga Muslim sa timog at ng mga Kristyano sa norte. Sa awitin ng Philippine Madrigal Singers, pinapaalala nila na Muslim man o Kristyano, lahat tayo ay may dugong Pilipino. Bago pa dumating ang ibang kultura at relihiyon para impluwensiyahin ang ating katauhan, lahat tayo ay Pilipino na. Sa kanilang estilo ng pagkakanta ng maraming mang-aawit ang isang awitin, pinapakita and pagkakaisa na gusto nilang makita sa kanilang kababayan.