Grade 8 Test Paper INSET

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

LURAY II NATIONAL HIGH SCHOOL

LURAY II, TOLEDO CITY


S.Y. 2017-2018

Semi-Finals Test
Araling Panlipunan 8
Panuto: Basahin mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga pagpipilian.Letra lamang ng
wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.
1. Sino ang lumagda sa Proclamation of Neutrality?
a. George Clemenceau c. Viltorio Orlando
b. Lloyd George d. Woodrow Wilson
2. Anong bansa ang kaalyado ng France at Russia sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Great Britain c. Spain
b. Norway d. Switzerland
3. Kailan sumiklab ang Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Hunyo 28, 1914 c. Hulyo 28, 1914
b. Hunyo 28, 1915 d. Hulyo 28, 1915
4. Alin sa pagpipilian, naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig?
a. Ang Digmaan sa Balkan c. Ang Digmaan sa Karagatan
b. Ang Digmaan sa Kanluran d. Ang Digmaan sa Silangan
5. Ito ay isang paraan ng pag-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng pambansang kapangyarihan at pag-unlad ng mga
bansa sa Europa.
a. Imperyalismo c. Militarismo
b. Liberalismo d. Nasyonalismo
6. Ito ay isang ideolohiya at uri ng pamahalaan na nagbigay ng pantay na karapatan at kalayaan anuman ang kinabibilangang lahi,
kasarian, o relihiyon.
a. Demokrasya c. Liberalismo
b. Kapitalismo d. Sosyalismo
7. Alin sa pinagpipilian na bansa ang naging kabahagi sa alyansang Triple Entente?
a. Alemanya c. Inglatera
b. Estados Unidos d. Rusya
8. Ang sumusunod ay mga sanhi ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig, maliban sa _________.
a. maigting na damdaming makabayan c. pagkaroon ng patagong alyansa
b. pagpamamayagpag ng militarismo d. pagpapalawak ng kapangyarihang monarkiya
9. Ito ang alyansang binubuo ng Austria, Hungary at Germany.
a. Alyansa c. Militarisasyon
b. Great Britain d. Triple Alliance
10. Ano ang tawag sa paghihimasok ng mga makapangyarihang bansa sa mahihinang bansa?
a. Imperyalismo c. Kolonyalismo
b. Kapitalismo d. Nasyonalismo
11. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig, maliban sa_______:
a. Pagtatag ng nagkakaisang bansa. c. Pagpapalakas ng hukbong militar sa bansa.
b. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente d. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa.
12. Ang kasunduan ng mga bansa na nagbigay hudyat sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig.
a. League of Nation c. Treaty of Versailles
b. Treaty of Paris d. United Nations
13. Ano ang tawag sa pagkakampihan ng mga bansa?
a. alyansa c. pangkatan
b. Labor Union d.samahan
14. Ang paghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa ay tinatawag na _____?
a. Alyansa c. Militarismo
b. Kumonismo d. Nasyonalismo
15. Ano ang tawag sa pagmamahal ng bayan?
a. Alyansa c. Kumonismo
b. Imperyalismo d. Nasyonalismo
16. Bansang kaalyado ng Russia at France ay_______?
a. Allied Power c. Germany
b. Cuba d. Great Britain
17. Ano ang organisyasyon ng mga bansa pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig?
a. ASEAN c. United Nation Organization
b. League of Nation d. World Trade Organization
18. Ang sigalot ng Estados Unidos at USSR sa larangan ng ideolohiya ay tinagurian sa kasaysayan na:
a. Cold War c. Space Revolution
b. Ruso- American War d. World War III
19. Sa pagwawakas ng WWII ay nagbunsod sa paglitaw ng dalawang makapangyarihang bansa; USSR at Estados Unidos. Sa
anong ideolohiya nakikibaka ang Estados Unidos?
a. Conservatism c. Liberalism
b. Fascism d. Socialism
20. Ang mga bansa sa Europa ang nakakaranas sa epekto ng matinding sigalot sa pagtutunggali ng dalawang ideolohiya:
Sosyalismo at demokrasya, kaya tinatawag ang pangyayaring ito na _______.
a. Cultural Revolution of Europe c. Iron Curtain of Europe
b. Great Schism of Europe d. Wall of Europe
21. Ang cold war ay labanan ng magkatunggaling ideolohiya na ipinapalaganap ng dalawang makapangyarihang bansa sa
kapanahunang ito. Anong mga bansa ang idiniin dito?
a. Almanya at Pransya c. Hapon at China
b. Estados Unidos at U.S.S.R. d. U.S.S.R. at Inglatera
22. Ano ang tawag sa mga bansang yumakap sa ideolohiyang ipinapalagananp ng Union of Soviet Socialist Republic?
a. Allies c. Protectorate
b. Confederate d. Satellite
23. Sa pagsumpo ng impluwensya ng U.S.S.R. sa Asya ay nagbuhos ng suporta ang Estados Unidos sa mga piling estado sa
larangan ng pinansyal at teknikal na aspeto upang mahadlangan ang paglaganap sa iba pang bansang Asyoano. Sa anong teorya
itonapaloob?
a. Assimilation Theory c. Ethno-Centric Theory
b. Domino theory d. Reconciliation Theory
24. Ano ang tawag sa mga taong ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europe?
a. Creole c. Mulatto
b. Meztizo d. Zambo
25. Ito ay isang pandaigdigang bangko na nagbibigay ng tulong-pananalapi at teknikal sa mga bansang umuunlad para sa mga
programang pangkaunlaran.
a. International Monetary Fund c. World Bank
b. Organization of American States b. World Trade Organization
26. Ito ay isang organisasyong pandaigdig na itinatag upang mapamahalaan at magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-
internasyunal.
a. International Monetary Fund c. World Bank
b. Organization of American States d. World Trade Organization
27. Ito ay isang organisayong internasyunal na pinagkatiwalaang mamahala sa pandaigdigang sistemasa pananalapi sa
pamamagitan ng pagmasid sa mga halaga ng palitan at balance ng mga kabayaran, gayon din ang pag-alok ng teknikal at
pinansyal na tulong kapag hiningi.
a. International Monetary Fund c. World Bank
b. Organization of American States d. World Trade Organization
28. Ito ay isang samahan na ang layunin ay makamit ang kapayapaan at hustisya, itaguyod ang pagkakaisa ng mga estadong
kasapi, patatagin ang kanilang pagtutulungan, pangalagaan ang kanilang awtonomiya, ang kanilang teritoryo, at ang kanilang
kalayaan.
a. International Monetary Fund c. Organization of Islamic Cooperation
b. Organization of American States d. World Trade Organization
29. Ito ay samahan ng mga bansang Muslim na naglalayong siguruhin at protektahan ang interes mula sa pamamagitan ng
pagsusulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.
a. International Monetary Fund c. Organization of Islamic Cooperation
b. Organization of American States d. World Trade Organization
30. Bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon ng Treaty of Versailles?
a. Ginawang mandated territory ang lahat ng kolonya ng Germany.
b. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reperasyon.
C. Dahil ito ay kasunduang nabuo lamang ng samahang Triple Entente.
d. Naniniwala si Hitler na labis na naapi ang Germany sa mga probisyong nakasaad dito.
31. Ang Cold War ay digmaan ng nagtutunggaling ideolohiya ng dalawang makapangyarihang bansa o super power. Ano ang
dalawang makapangyarihang bansa ang nakaranas nito matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a. United States at Union of Soviet Socialist Republic
b. United States of France
c. Germany at Union of Soviet Socialist Republic
d. Germany at France
32. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito, “Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa
impluwensyang dayuhan”?
a. Napapanatili ang kultura ng isang bansa
b. Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya
c. Ang kulturang dayuhan ang pinahahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang
d. Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba`t ibang impluwensya.
33. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat o dahilan sa pagsisimula ng Unag Digmaang Pandaigdig?
a. Pagpaslang kay Archduke Francis Ferdinand ng Austria sa Sarajevo
b. Pagpapakamatay ni Adolf Hitler matapos sumalakay ang Allied Powers
c. Pagpapalakas ng labing-apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
d. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europe tulad ng Germany, Austria, Hungary, Russia at Ottoman.
34. Isang bagong daigdig ang umusbong pagkalipas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin ang hindi kabilang sa mga
pangyayari pagkatapos ng digmaan?
a. Nagkaroon ng World War III
b. Naitatag ang United Nations
c. Nawala ang Fascism at Nazism
d. Nagkarooon sa daigdig ng labanan ng ideolohiya
35. Alin sa sumusunod ang nagtakda ng pagiging kaanib ng UN?
a. Mga bansang nanalo sa digmaan
b. Bansang may kakayahang magbigay ng taunang butaw
c. Anumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa kalayaan
d. Mga bansang naapektuhan ng Una at Ikalwang Digmaang Pandaigdig
36. Sa pag-usbong ng hidwaan ng U.S.S.R. at Estados Unidos, nagkaroong ng paligsahang pangkalawakan ang mga bansang ito.
Alin sa sumusunod ay mabuting implikasyon nito?
a. Naging malawak ang kaalaman ng tao sa sansinukob.
b. Natatantya ang kilos pampanahon dahil sa space station.
c. Simulain sa pagsilang ng makabagong teknolohiya sa komunikasyon.
d. Lahat ng pinagpipilian.
37. Ang pagsulong ni Gorbacher ng patakarang glasnost at perestroika ay hudyat sa pagbagsak ng U.S.S.R. Ang sumusunod ay
mabuting epekto nito MALIBAN sa:
a. Pagkalusaw sa posibilidad ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig.
b. Pagkilala sa kahalagahan ng kapayapaan at katarungang panlipunan.
c. Panggatong ng malalim na hidwaan na humantong sa sibil na digmaan.
d. Pagkakaroon ng pagkakakilanlan ng mga nasyong kasapi na gustong magsasarili.
38. Batay sa mga mahalagang pangyayari bunsod ng Cold War, ihanay ito ayon sa pagkasunod-sunod.
1. Cuban Crisis 3. Vietnam and Korean War 4. Pagsibol ng People’s Republic of China
2. Iron Curtain of Europe 5. Pagkawatak-watak ng Serbia

a. 1,2,3,4,5 b. 2,4,3,1,5 c. 5,3,2,1,4 d. 4,3,5,2,1

Para sa bilang 39-41.


Mga Pagpipilian:

A. Ang pahayag A ay TAMA habang ang B ay MALI


B. Ang pahayag B ay TAMA habang ang A ay MALI
C. Lahat ng pahayag ay TAMA
D. Lahat ng pahayag ay MALI

39. A. Ang Neo- Kolonyalismo ang pagpapamayagpag ng mga multi-nasyonal na korporasyon.


B. Ang mga nangungunang kapitalista sa bansa ay napapabilang sa Third World Countries.
40. A. Ang pagkalat ng imported goods mula sa mga mayayamang bansa ay mabuting senyales ng globalisasyon.
B. Naging tagapagpuna ng hilaw na materyales at lakas paggawa ang Third World Countries sa mga nangungunang
Kapitalistang mga bansa sa daigdig.
41. A. Ang globalisasyon ay naging daan sa pakikipag-ugnayan ng mga bansa.
B. Hangarin ng globalisasyon ang pagkakaroon ng malayang kalakalan ng mga bansang pumapanig dito.

42. Ang mga bangkong pandaigdigan ay nailikha na may mga itinataguyod na layunin. Ano ang pagkakaiba sa layunin ng Wrld
Bank at International Monetary Fund?
a. World Bank – pagsulong sa ekonomiya ng Third World Countries
IMF – pagtaguyod na maka bangon ang mga napinsalang mga bansa ng WWII.
b. WB – nagtaguyod na makabangon ang mga napinsalang mga bansa ng WWII
IMF - pagsulong sa ekonomiya ng Third World Countries
c. WB – Pagtulong ng mga Bangko Sentral ng daigdig na mapanatili ang katatagan
IMF – pagkaloob ng tulong-pinansyal sa mga pang-imprastraktura na proyekto ng mga bansa sa mundo
d. WB - pagkaloob ng tulong-pinansyal sa mga pang-imprastraktura na proyekto ng mga bansa sa mundo
IMF - Pagtulong ng mga Bangko Sentral ng daigdig na mapanatili ang katatagan

43. Ang sumusunod ay mabuting epekto ng mga samahang panrehiyon, MALIBAN sa:
a. maging mas madali ang paglalakbay ng mga mamamayan dahil sa kooperasyong panrehiyon.
b. mas maging masigla ang larangan ng kalakalan at cultural exchange
c. mas mapaigting ang seguridad panrehiyon laban sa hamon ng terorismo.
d. pagkalusaw ng pagkakakilanlang dahil nakatuon sa kabutihang panrehiyon kaysa panloob na pagtulong.

44. Anong kongklusyon ang mahihinuha mo sa pahayag na “ Ang Kasunduan sa Versailles ang nagsilbing binhi ng World War II”?
a. Pabor sa lahat ng bansang sangkot ang mga probisyon ng kasunduan sa Versailles.
b. Ang kasunduan sa Versailles sa pagitan ng Allies at Germany ang opisyal na nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.
c. Ang mga probisyon ng kasunduan ng Versailles ang nagtulak sa Germany upang maghimagsik sa mga arkitekto nito.
d. Naging mahina ang League of Nations na isa sa mga probisyon ng kasunduan upang mapanatili ang kapayapaan ng mga bansa.

45. Paano nakaapekto ang Unang Digmaang Pandaigdig sa mga sangkot na bansa?
a. Napukaw ang damdaming nasyonalismo.
b. Naganap ang kapayapaan sa mga bansa.
c. Militar ang nangingibabaw sa sibilyan.
d. Lahat ng nabanggit.

46. Unawaing mabuti ang nilalaman ng mga pahayag. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
Pahayag I: Ang United Nations ay naging matagumpay na pigilan ang pagsiklab ng digmaag pandaigdig dahil ito ay naging
pandaigdigang forum upang pag-uusapan ang sigalot ng mga bansa.
Pahayag II: Nabigo ang UN na magpatupad ng mga resolusyon ukol sa pang-aabuso ng Israel sa karapatang pantao ng mga
Palestinian.
Ano ang ipinahihiwatig ng mga pahayag ?
a. tama ang pahayag I at Mali ang pahayag II
b. mali ang pahayag I at tama ang pahayag II
c. parehong tama ang pahayag I at II
d. parehong mali ang pahayag I at II

47. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang:`` Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil
sa impluwensyang dayuhan``?
a. ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang
b. pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya
c. napapanatili ang kultura ng isang bansa
d. nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba`t ibang impluwensiya

48. Nasa ibaba ang mga bagay na maaring maranasan ng mga mamamayang naninirahan sa United States at Pilinas, alin ang
hindi kabilang?
a. military ang nangingibabaw sa sibilyan
b. may kalayaan sa pananampalatay
c. may karapatang makaboto
d. lahat ng mga mamamayan ay may karapatan sa edukasyon

You might also like