Professional Documents
Culture Documents
Talambuhay Ni Severino Reyes
Talambuhay Ni Severino Reyes
Talambuhay Ni Severino Reyes
Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita niyang ang Moro-moro
at komedyang itinatanghal ay walang buti at kapakinabangang idinudulot sa mga
manunuod. Sinikap ni Don Binoy (palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang
dulang Tagalog. Naging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin ang Moro-
moro ang nakitang pagtanggap ng mga manunuod ng sarsuela sa unang pagtatarighal
ng sarsuelang Salamin ng Pag-ibig ni Roman Reyes; Mga Karaniwang
Ugali ni Ambrosio de Guzman; Damit ni San Dimas ni Roman Dimayuga; Despues de
Dios, El Dinero ni Hermogenes Ilagan. Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksiyon ng
mga manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran
Compana de Zarsuela Tagala na siyang inaasahang magtataguyod sa pagtatanghalang
mga sarsuela. Pagkatapos nga ng pagtatanghal ng Walang Sugat ay sunud-sunod
nang itinanghal ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng
iba. Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa pagbabagong
bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang palitan ng sarsuela ang Moro-
moro na dating kinalokohan ng mga manunuod.
Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes ay Walang Sugat, Huling
Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong Dakila, RIP, Ang Kalupi at iba pa.
Ang RIP ay isang sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa
pagkamatay nito.