Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Body (Pananaliksik)

Ang pagkakaroon ng teknolohiya ay isang malaking kaganapan na


nakapagpabago sa paraan ng ating pamumuhay. Maraming maidudulot ito sa
atin. May mga mabuting epekto ang teknolohiya sa ekonomiya. Isa ng
halimbawa ay napabilis ang mga gawain natin. Hindi na ito katulad ng dati
manu-mano lang ang paggawa. At isa ring halimbawa ng mabuting epekto ng
teknolohiya ay ang mabilis na komunikasyon at mabilis ding pagkalap ng
impormasyon. Ang teknolohiya ay marami ng naitulong sa atin ngunit may
kalakip itong masamang epekto. Ang pagaabuso ng mga tao sa teknolohiya ay
sadyang nakakabahala. Maraming magbabago, maari ding may mawala. Sa
pagaabuso ay maaring ding may masira. Isa na ring halimbawa ng masamang
epekto ng teknolohiya ay ang nagiging kaisipan ng mga millennial
people. Dahil nga sa teknolohiya ay napapabilis ang Gawain natin kaya ang
isip ng tao ay umaasa na lang sa teknolohiya. Nagiging mainipin dahil sanay
na sila na mabilis ang gawain. Madaming magagandang dulit at hindi agandang
dukot ang teknolohiya pero habang patagal ng patagal ang panahon ay dapat
matuto tayobg balansehin ang pag gamit nito.

Mabuting Naidudulot Ng
Teknolohiya
Ang Teknolohiya ay isa sa pinakaimportanteng mapag-kukuhaan ng
impormasyon ng mga magaaral sa panahon ngayon sa pamamagitan ng
cellphone , laptop , computer , at projectors. at sa pamamagitan ng pagsearch
ay makikita mo na ang hinahanap mong impormasyon hindi katulad noon na
kailangan pa ng mga libro upang mahanap ang mga kailangang impormasyon.
sa madaling sabi ang teknolohiya ay nakatutulong sa atin dahil napapabilis nito
ang iba’t ibang gawain ng tao sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Isang mahalagang bahagi ang teknolohiya upang mas maayos na maipakita ang
mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Marami ng imbentong teknolohiya
simula pa noong mga nakalipas na siglo. Halimbawa na lamang nito ay ang
kompyuter kung saan ay maari kang mag suri , mag siyasat at mag saliksik ng
mga bagay na ninanais mong nalaman o kinakailangan sa eskwelahan. Ngunit
sa makabagong panahon ngayon, ang pinakamalawak at
pangunahing instrumento na ginagamit sa edukasyon ay ang mga kompyuter
na maaring maka-access ng internet. Ang Internet ay mas lalong mahalaga
dahil kung walang internet ay di mo magagamit ang kahalagahan ng kaalaman
o di ka makakapag siyasat ng iyong hinahanap. Mas epektibong naibabahagi
ng mga estudyante ang kanilang leksyon nang dahil sa internet.
Ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga
estudyante. Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas
maayos na maipakita ang mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ang
kahalagahan namn ng prodyektor ay natutulungan ang mga guro na maipakita
ang biswal na larawan ng kanilang itinuturo at makita ang mga halimbawa ng
kanilang inaaral ng sa ganon ay madaling maiintindihan at mauunawaan ang
kanilang paksa.
May ibang klase rin ng teknolohiya ang ginagamit sa loob ng klase depende sa
kung anong signatura o paksa ang kanilang pinag-aaralan , kagaya lamang ng
kalkulator. Ang kalkulator ay bahagi din ng makabagong teknolohiya upang
mapadali ang adisyon , pagbabawas , pagmumultiplikasyon , pag-hahati o sa
madaling salita ay pagbibilang.
Ang lahat ng mga nabanggit na makakabagong teknolohiya ay ginawa para sa
ipapadali ng buhay ng tao lalong lalo sa mga estudyante. Hindi ito ginawa para
makagawa o magbunga ng kasamaan. Maaring may masamang epekto ito sa
kabataan ngunit kung ang paggamit ng mga teknolohiyang ito ay may
kasamang disiplina , maari itong maiwasan.
Masamang Naidudulot Ng
Teknolohiya
Sa kabila ng mga pakinabang na ito, may mga bagay na hindi maiiwasan
at nakakaabala sa pag-aaral. Ang popularidad ng Facebook at iba pang social
networking sites ay nagiging bahagi na ng buhay ng isang mag-aaral o
estudyante. Ang oras sa pag-aaral kung gabi ay nauubos sa pagfe-Facebook.
Nagiging dahilan din ito upang mawala sa focus sa pag-aaral. Umaasa na
lamang sila sa mga impormasyon sa internet at kadalasan ay “copy paste” na
lamang ang ginagawa na nagdudulot ng pagiging tamad ng mga mag-aaral o
mga estudyante. Nagiging limitado na lamang ang kakayahang intelektwal ng
mga mag-aaral sa ganitong paraan. Sa oras ng klase ay hindi na nakikinig sa
guro dahil mas inuuna ang pagtext. Minsan, nauubos ang pera sa paglalaro ng
online games sa internet café.

@copyrighted to the true owners

You might also like