Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

EDITORYAL - Marami pang walang muwang sa HIV-AIDS

SA kabila na marami nang namatay dahil sa pagkahawa sa HIV-AIDS, marami pa ring Pilipino ang walang
kamuwang-muwang sa sakit na ito. Marami pa ring walang nalalaman kung paano naililipat at kung
paano maiiwasan. Sa bagong report ng Department of Health, 46 ang namatay noong nakaraang taon
dahil sa sakit at may 650 na bagong kaso na kanilang tinututukan. Pinakamataas umano ang kaso ng HIV
sa Metro Manila (38%), na sinundan ng Calabarzon (15%), Central Luzon (10%), Davao Region (8%) at
Central Visayas (7%).

Ang pagtaas ng kaso ng HIV-AIDS sa bansa ay taliwas naman sa report ng Joint United Nations
Programme on HIV and AIDS (UNAIDS) noong nakaraang Disyembre 2015 na bumaba raw ang kaso ng
mga nagkakaroon ng HIV-AIDS sa buong mundo. Ayon sa UNAIDS, bumaba ng 35 percent ang mga
nagka-HIV-AIDS infection mula nang tumaas ito noong 2000. Bumaba rin ngayong taon ng 42 percent
ang mga namatay dahil sa nasabing sakit mula nang tumaas ang bilang noong 2004.

Nakababahala ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga nagkaka-HIV-AIDS sa bansa. Sa report noong
Disyembre 2015, sinabi ng DOH na mayroong 6,555 kaso mula Enero hanggang Oktubre. At sa loob
lamang ng dalawang buwan ay nadagdagan na agad ito.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga nagpa-positive sa HIV-AIDS ay mga kalalakihang
nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki. Ayon sa DOH, hindi sila gumagamit ng protection gaya ng condom ang
mga nagtatalik. Sumunod na nagpopositibo sa HIV-AIDS ay ang mga drug user kung saan nag-iinject sila
ng droga gamit ang iisang heringgilya dahilan para sila magkahawahan.

Isang dahilan kung bakit may mga nahahawa pa rin sa kabila ng mga programa at babala ng DOH ay dahil
sa kawalan ng kaalaman sa sakit na HIV-AIDS. Sa kabila na marami nang namatay, salat pa rin sila sa
kaalaman.

Nararapat pang paigtingin pa ng DOH ang kanilang kampanya laban sa AIDS. Sa puspusang pagbibigay ng
impormasyon sa mamamayan maiiwasan ang sakit. Gamitin ang social media para maipabatid ang HIV-
AIDS at kung paano ito maiiwasan.

Balisa ang Department of Health (DoH) sa patuloy na pagdami ng kaso ng Human Immunodeficiency
Virus at Aquired Immunodeficiency Syndrome (HIV-AIDS) infection sa bansa.

Sinabi ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial na 29 na kaso ng HIV-AIDS ang kanilang naitatala araw-
araw, at karamihan ay kabataan.

Karamihan sa mga may-sakit ay nasa pagitan ng 15 at 24 taong gulang, mas mababa sa dating 30-40
taong gulang.

Pinakamarami pa ring kaso ay mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki, na pumalo sa 82 porsiyento.

“It’s men having sex with men…About 82 percent (of cases),” sabi ni Ubial.
Naniniwala rin ang kalihim na dapat na magkaroon ng cultural change sa Pilipinas sa pagtalakay sa sex at
sexual orientation upang malunasan ang problema.

Plano ng DoH na mamahagi ng libreng condom sa mga high school student simula sa susunod na school
year upang maproteksiyunan sila sa sakit, ngunit umaani naman ang plano ng batikos, dahil mistula
umanong hinihikayat pa ng pamahalaan ang mga kabataan na makipagtalik.

Batay sa HIV/AIDS &ART Registry of the Philippines (HARP) ng DoH, nitong Nobyembre ay nakapagtala
sila ng 785 bagong HIV/AIDS infection.

Kabilang dito ang isang anim na taong gulang na bata, limang buntis at 21 nasawi sa sakit.

Lumilitaw na sa nasabing bilang ay 89 porsiyento o 672 kaso ang asymptomatic pa nang maiulat habang
86 ang full blown AIDS cases na.

Ang 96% o 727 ay lalaki at 31 ay babae.

Ang anim na taong gulang ay nahawa sa kanyang ina, 220 ang nasa 15-24 taong gulang, 396 ang nasa
pagitan ng 25-34 taong gulang, at 18 ang nasa 50 taong gulang pataas.

Tatlo sa limang buntis na may HIV/AIDS ay mula sa Metro Manila, isa sa Region 7, at isa ang sa CARAGA
Region.

Ang 732 kaso ay nahawa dahil sa pakikipagtalik, 25 ang nagkasakit dahil sa paggamit ng karayom sa mga
kapwa drug users, at isa ang mother to child transmission o nahawa sa kanyang ina.

Pinakaraming naitalang kaso ng sakit sa National Capital Region (NCR), na may 301, sumunod ang Region
4A (108), Region 3 (73), Region 7 (72), at Region 11 (47). (Mary Ann Santiago)

You might also like