Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon/Panimula

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Mga Dahilan at

Epekto ng Kakulangan sa Pinansyal ng mga Mag-aaral sa

Pambansang Mataas na Paaralan ng Del Gallego. Ano ang

problemang pinansyal? Ano ang masamang naidudulot nito?

Paano ito nakakaapekto sa bawat mamamayan? Ilan sa bawat

mag mag-aaral ang nakararanas ng kakapusan, ngunit paano

nga ba ito masosolusyonan? Paano makakatulong ang

pananaliksik na ito? Isa sa bawat indibidwal ang

nakararanas ng kakapusan, ngunit paano nga ba ito maiiwasan

ng mga mamamayan, kung ang kakarampot na kita ay kulang na

kulang pa sa kanilang kinakain sa pang araw–araw na buhay.

Maraming mag-aaral ang nakakaramdam ng masamang dulot ng ng

kakulangan sa pinansyal tulad ng pagtaas ng mga bilihin,

pamasahe, matrikula at iba pa. Ang kakulangan sa pinansyal

ay isang isyu na dapat tutukan hindi lamang ng malalaking

kompanyang unti – unting nalulugi, hindi lamang ng mga


magulang na nawawalan ng kabuhayan, kundi pati na rin ang

mga kabataan at mag-aaral na katulad namin. Ang kawalan ng

trabaho o hanapbuhay, pagsusugal, maliit na sahod,

pagkakaroon ng bisyo, hindi nakapagtapos ng pag-aaral o

hindi nakapag-aral at iba pa, ito ay ilan lamang sa dahilan

kung bakit nakakaranas ang iba sa atin ng kakulangang

pinansyal. Maaring maging epekto nito ay ang makaranas ng

gutom, magpakamatay, paggawa ng bagay na mali, pagtatrabaho

sa ibang bansa, at kadalasan paghantong sa hiwalayan ng

isang pamilya. Ano nga ba ang problemang pinansyal o

kakulangang pinansyal? Base sa aming pagkakaalam ang

kakulangan sa pinansyal ay isang suliranin ng ating lipunan

na kung saan nagdudulot ng kakapusan. Ang financial problem

ay tawag sa sitwasyon kung saan ang iyong capital at asset

(pera) ay hindi sapat para tugunan ang iyong gastusin

(expenses). Marami ang mga Pilipino ang nakararanas ng

Kakulangan sa Pinansyal. Ano ba ang mga dahilan ng

Kakulangan sa Pinansyal?

Taon-taon maraming mag-aaral ang nasa pribadong

paaralan na ang tanging dahilan ay problemang pinansyal

sapagkat tumataas ang matrikula. Isa ring dahilan kung

bakit nangyayari ang ganitong problema ay dahil rin sa

pagtaas ng bilihin sa ngayon. Ang kakulangan sa pinansyal

ang kadalasang problema na kinakaharap ng mamamayan sa loob


o labas ng bansa. Ang problemang ito’y maaaring hindi

masolusyonan ngunit maaaring makakuha ng tulong at gumawa

ng mga hakbang upang mapabuti ang iyong sitwasyon. Hindi

natin maiiwasan ang gumastos ng pera sa pang-araw-araw na

buhay pero kung magtatrabaho o di kaya’y magbabanat tayo ng

buto madali nating masosolusyonan ang ganitong suliranin.

Ang tanging layunin namin ay alamin at mabigyang

solusyon ang bawat problema ng sambayanan hindi sa paraang

materyal na bagay kundi imulat sila sa karunungan at sa

katotohanan. Napakahalagang pag-aralan ang paksang ito

sapagkat nakatuon ito sa kinakaharap ng lipunan o ng bawat

indibidwal. Maaaring ang problema ng isa’y maging problema

ng lahat ngunit sa bawat problema ay may kalakip na

solusyon.

Kaligirang Pangkasaysayan

Nakapaloob sa pag-aaral na ito ang usapin tungkol sa

Kakulangan sa Pinansyal ng mga Mag-aaral sa Pambansang

Mataas na Paaralan ng Del Gallego. Ayon kay Donita Rose na

isang aktres na nakaranas ng problemang pinansyal, umabot

siya sa punto na parang nais niya nang sumuko dahil sa

bigat ng problema. Iyak lang siya ng iyak habang sinabayan

niya ng pagdarasal. Ngunit naging mabilis ang pagsagot ng


Panginoon sa kanyang mga dasal. Bigla siyang nabigyan ng

proyekto, ang pelikulang “Seven Sundays.” Sinabi ni Donita

na ito ang kanyang movie comeback matapos ang labing apat

(14) na taon. Kanya niyang napatunayan na magtiwala lamang

sa Diyos at maging positibo sa buhay. Si Donita ay isang

magandang halimbawa sa problemang pinansyal na kanyang

napag tagumpayan.
Balangkas Teyoritikal

Teoryang Behaviorist

Teyorya ng Teoryang Pang-


Pananalapi ekonomiks

Mga Dahilan at
Epekto ng
Kakulangan sa
Pinansyal ng
mga Mag-aaral
sa Pambansang
Mataas na
Paaralan ng Del
Gallego

Teorya ng Ekonomiyang
Krisis

Pigura 1. Balangkas Teoritikal


Teoryang Behaviorist

Maraming mga mag-aaral ang umaasa sa mga pautang

upang makuha ang mga ito sa pamamagitan ng kolehiyo.

Gayunpaman, kung minsan ang mga mag-aaral ay humiram ng

masyadong maraming pera habang nasa paaralan. Ang sobrang

utang ng pera ay humantong sa utang na dapat bayaran ng mga

mag-aaral pagkatapos ng graduation na naghihintay sa iba

pang mga layunin sa pananalapi. Gamit ang tamang pang-

edukasyon na suporta tungkol sa pamumuhay nang nakapag-

iisa, maaaring mabawasan ng mga mag-aaral ang kanilang

pagkakataong makamit ang di-kailangang utang mula sa mga

pautang pang-edukasyon. Karaniwang matututunan ng mga

kabataan ang kanilang mga kakayahan mula sa mga magulang at

guro bilang mga bata. Gayunpaman, ang mga magulang ay

madalas na hindi pansinin ang pagtuturo ng mga kasanayan sa

pananalapi, tulad ng pagbabadyet at pamumuhunan, habang ang

kanilang mga anak ay naninirahan pa rin sa bahay. Sa

halip, ang mga bata ay napipilitang matuto kung paano

haharapin ang kanilang pera kapag pumapasok sa kolehiyo at

kung minsan ay nagkakamali sila na magdudulot sa kanila ng

ilang taon ng pagbabayad ng mga pautang. Sinusuri ng pag-

aaral na ito kung anong uri ng mga kakulangan sA pinansyal

ang nakaharap ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pag-alam

kung anong mga problema ang nakatagpo ng mga estudyante,


posible para sa mga tagapagturo na mag-alok ng kurso na

nagtuturo sa mga kasanayan sa pananalapi na kinakailangan

upang mapaglabanan ang mga problemang ito. Ang mga kalahok

ay hiniling na ipahiwatig kung anong pinansyal na edukasyon

ang magiging interesado sa kung inaalok. Halos lahat ng mga

estudyante ay nagpahayag ng interes sa pag-aaral tungkol sa

pamamahala ng pananalapi.

Teyoryang Pananalapi

Ibig sabihin nito na ang buong propesyon ng

pananalapi ay nagkaroon ng isang napakalaking halaga ng mga

bagong Panteoryang developments sa medyo maikling panahon.

Ang mga guro, mag-aaral, at negosyante ay patuloy na

ipinakilala sa mga bagong modelo at mga resulta ng

empirical nito sa nakalipas na mga taon at patuloy ang

sumikat. Nagsisimula bilang higit sa isang mapaglarawan,

institusyonal na larangan ng pag-aaral, ang pinansyal ay

mabilis na nagpapalit sa isang agham na puno ng mga

teyoretikal na pagtulak. Ang pananalapi ngayon ay bilang

panteorya bilang disiplina nito ay ang mabilis na pagbabago

sa pananalapi ay nagkaroon ng malalim na implikasyon para

sa edukasyon sa negosyo. Tulad ng malawak at mahigpit na

panteorya ang mga pagpapaunlad sa nakalipas na nakaraan ay

naging mahirap na pagtuturo sa pagtuturo sa mga silid-


aralan sa kolehiyo. Ang pananalapi ay isa sa mga pinaka-

quantified at theorized disciplines sa kurikulum ng

negosyo. Ang pabago-bago at komplikadong katangian ng

pananalapi ay nangangailangan ng tuloy-tuloy na pag-unlad

ng mga bagong teorya. Tulad ng intelektwal na paglago sa

pananalapi ay patuloy sa anyo ng mas sopistikadong

teoritikal na mga katanungan, ang hamon ng pagtuturo ang

mga teorya sa pananalapi ay lalong lumalaki. Gayunpaman,

ang pananalapi ay medyo kakaiba sa mga tuntunin ng

pagsusulatan sa pagitan ng teorya at katibayan. Habang

tinuturuan namin ang mga mag-aaral na gumawa ng mga

independiyenteng kritikal na pagsusuri sa mga nakikipagtalo

na mga punto ng mga pagtingin, marami ang mga teorya sa

pananalapi sa kanilang yugto ng pag-unlad at sa gayon ay

lubos silang pinagtatalunan at napapailalim sa

pagsisiyasat. Ang poses na ito ang pinakaunang problema sa

isang magtuturo sa pananalapi.

Teyoryang Pang-ekonomiks

Magpapatuloy sa mabilis na paglaki ang populasyon kung

hindi ito makokontrol. Samantala, ang produksyon ng pagkain

ay mabagal at hindi makasasabay sa mabilis na paglaki ng

populasyon.
Ang mga teyoryang ito ay makatutulong sa paghubog ng

isang kabataan ng kanyang kaalaman. Ito ay ilan lamang sa

impormasyon na aming nakalap at makakatulong sa ilang mag-

aaral.

Teyorya ng Ekonomiyang Krisis

Mayroong uri ng pang-ekonomiyang krisis tulad ng: banking

crisis, panics, frictions ng credit, market freezes, at mga

krisis sa pera. Ang hanay na ito ay nagpapahiwatig na ang

mga tampok mula sa mga ganitong uri ng krisis ay nasa

trabaho at nakikipag-ugnayan sa isa't isa upang malaman ang

mga kaganapan sa mga nakaraang ilang taon. Mula sa malawak

na pagrepaso sa panitikan sa mga isyung ito, malinaw na ang

pinakamalaking hamon ng mga policy makers at ekonomista ay

ang pagbubuo ng mga integrative na mga modelo na mas

mahusay na naglalarawan sa kontemporaryong ekonomiya.


Balangkas Konseptwal

MGA DAHILAN AT EPEKTO NG KAKULANGANG PINANSYAL SA

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALAN NG DEL GALLEGO,

CAMARINES SUR

INPUT r
PROCESS OUTPUT

 Dahilan  Paghahanda  Epekto

 Malikhaing

pagsasanay

 Pagtataya

 Pagsurbey

Pigura 2. Balangkas Koseptwal


Ang konseptong ito ay nabuo bunga ng isang magandang

panukala mula sa isang mabuting kaibigan. Hindi kami

nagdalawang isip na pagtuonan ng pansin ang paksang

sapagkat ito ay pangkasalukyang suliranin ng bawat mag-

aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Del Gallego at

alam naming maraming matatalakay mula sa isyung ito.

Ano ang magagawa ng kakulangang pinansyal? Ang tanging

magagawa nito’y makakasira ng isang hangarin ng isang mag-

aaral. Hindi mo masasabing madaling maiiwasan ang ganitong

suliranin dahil sa bawat araw ay may indibidwal na

nakararanas nito. Dahil na rin hirap ng buhay napipilitan

na lamang g mga mag-aaral na magtrabaho kaysa mag-aral para

naman daw maiwasan nila ang kakulangang pinansyal at para

na rin sa kanilang pamilya dahilan para ang estudyante ay

huminto. Nakakalungkot isipin na lumiliit na ang populasyon

ng paaralan dahil sa kakulangang pinansyal.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang dahilan at

epekto kung bakit nakararanas ang bawat mag-aaral ng

Kakulangan sa Pinansyal sa Pambansang Mataas na Paaralan ng

Del Gallego.
1. Ano ang mga demograpikong impormasyon ng mga

kalahok na maaaring dahilan ng kanilang kakulangan sa

pinansyal?

2. Ano ang dahilan kung bakit sila nakararanas ng

Kakulangan sa Pinansyal?

3. Ano ang nagiging epekto ng kakulangan sa Pinansyal

sa kanilang pang araw-araw na buhay?

4. Ano ang maaring maging solusyon upang maiwasan ang

kakulangan sa pinansyal?

Haypotesis

Ang demograpikong impormasyon na maaaring dahilan ng

mga kalahok kung bakit sila nakararanas ng kakulangan sa

pinansyal ay maaaring walang sapat na trabaho ang kanilang

mga magulang, marami silang magkakapatid, kulang ang

suweldo ng kanilang mga magulang, at marami pang iba.

Maaaring nangyayari ito dahil hindi tamang pamamahala sa

pera, hindi nila iniisip kung ano ang mas karapat-dapat na

unang bilhin. Hindi rin iniisip ang mga mahahalagang bagay

na mas kailangan sa pang araw-araw bago bumili ng iba. Ang

kakapusan ay maaaring magkaroon ng masamang epekto sa isang

pamilya. Ito ay maaaring magdulot ng pag-aaway sa loob ng

isang pamilya, pagkakaroon ng hindi magandang pagsasama


dahil sa kakulangan sa pinansyal. At ang higit na

maaapektuhan dito ay ang kanilang mga anak na nag-aaral pa

at mga maliliit pa lang dahil sa kakapusang ito maaaring

hindi makapag-aral ng maayos ang isang bata, maaari rin

itong maging dahilan kung bakit siya nakakaranas ng

pambubulas, pagbaba ng marka dahilan sa mga proyekto at mga

takdang-aralin na kailangan ng paggamit ng pera, pagiging

huli sa klase dahil kinakailangan munang magtinda ng mga

ibat-ibang uri ng paninda na maaaring maidagdag sa pangkain

at pang baon. ang problema sa pinansyal na ito ay maaaring

masulosyunan sa pamamagitan ng paghanap ng maganda at

stable na trabaho, pagiging desidido sa anong mang trabaho

o pagkakakitaan na maaaring maidagdag sa kanilang pang

gastos sa araw-araw. Pagtitipid ay isa rin sa nararapat na

gawin upang hindi makaranas ng kakulangan sa pinansyal,

pagpili ng mas kinakailangan na kagamitan sa bahay upang

makatipid o pagbili ng gamit na mas mahalaga o mas

makakatulong sa pang araw-araw na gawain.

Kahalagahan ng pag-aaral

Napakahalagang pag-aralan ang kakulangang pinansyal

sapagkat nalalaman natin ang epekto’t mga dahilan kung

bakit nakararanas ng ganitong sitwasyon ang lipunan.

Mahalagang maisakaturapan ang problemang ito. Nakatuon ito


hindi lamang sa isa kundi sa pangkalahatang problema ng

isang komunidad, bayan, tahanan, paaralan at iba pa.

Guro. Magiging daan ito upang maging kawili-wili at

mas epektibo ang pagtuturo ng mga guro sa kanilang mag-

aaral.

Mag-aaral. Mahalaga na malaman ng bawat mag-aaral ang

patungkol sa kung paano makakaiwas sa kakulangang pinansyal

at kung paano ito maisasakatuparan.

Mamamayan. Mahalaga ito sa mga mamamayan upang

maiwasan ang epekto ng kakulangang pinansyal o mabago man

lang ang kanilang lifestyle o pag-uugali at kung paano

magbadyet ng pera.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa kalagayan o

sitwasyon ng mga mag-aaral sa Pambansang Mataas na Paaralan

ng Del Gallego, sa ika-sampung baitang na nakararanas ng

kakulangang pinansyal. Kami’y walang piniling estado ng

buhay, kasarian o kahit ano pa man. Kaya’t sisikapin namin

na huwag malayo ang isyung ito sa aming napiling paksa

sapagkat naniniwala kami na kaya naming maipahayag ang isyung

ito na kinakaharap ng bawat isa na nakakaapekto sa aspeto ng


mga mag-aaral. Napili namin ang ika-sampung baitang dahil

mas nararamdaman namin na sila ay nababagay sa aming paksa

sapagkat nahihinog na ang kanilang kaalaman para malaman kung

ano ba ng kakulangang pinansyal. Kaya lamang sila nakakasapit

nito’y dahil na rin sa pagtaas ng bilihin, pagtaas ng

matrikula, pagbili ng mga kinakailangan para sa kanilang

proyekto sa bawat aralin, kawalan ng disiplina sa sarili kung

paano makatitipid, kakulangan ng pasahod, pagtaas ng pamasahe

at iba pa… ngunit ang kahihinatnan nito’y maaring magkaroon

ng depresyon ang isang indibidwal na sanhi ng kakulangang

pinansyal.

Depenisyon ng Terminolohiya
X. Bibliyograpiya

Goldstein, Itay & Razin, Assaf (2013) Theories of Financial

Crises

https://free.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.economist

.com

Jimesther. (2009) Suliranin ng Estudyante

https://free.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fjimesther.blo

gspot.com%2F2009%2F03%2Fsuliranin-ng-isang-estudyante.

Obina Ralph (2013) Donita Rose Inaming Dumaranas sa

Problemang Pinansyal

https://free.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.dwiz882am.

com
KABANATA II
KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Kaugnay na pag-aaral

Layunin ng pananalisik na ito na alamin ang kaugnay na

pag-aaral sa pamamagitan ng kanilang koro-koro o opinyon

patungkol sa kakulangang pinansyal.

Ayon kina Charles at Russel kailangan daw na maging

mapanuri sa ating mga gusto at kailangan. Sa hirap ng

buhay, dapat nating pagtuunan ng pansin ang mga kailangan

hindi ang mga gusto natin. Sikapin natin na walang

maibagsak upang hindi makadagdag sa babayaran ng ating mga

magulang sa susunod na bayaran, at upang hindi masayang ang

kanilang pagod at hirap, mapagpaaral lamang tayo.

Kinakailangan nating suklian ng pagsisipag ang tinitiis

nilang hirap para sa atin. Kung may masama tayong gawi sa

pag-aaral katulad ng paghingi ng sobrang pera sa dapat

bayaran sa eskwelahan, o di kaya’y pagdadahilan ng mga

proyekto kahit wala naman, makahingi lang ng pera. Dapat sa

mura nating isip ay matuto tayo sa pagpapahalaga ng pera,

lalo na’t hindi tayo ang naghihirap sa ating pag-aaral.


Ayon kay Jan D. Andersen pinatutunayan ng mga tanyag

na karunungan na ang mga problema sa pera ay isang

pangunahing dahilan ng paghihiwalay.

Ayon naman kay Eleonnie Mark Marthen ang ilang mga

mag-aaral ay hindi pa matagal upang hawakan ang pananalapi

at sila ay nagbayad ng sobra. Mahina ang pinansiyal na

pamamahala kapag ang mga estudyante ay walang disiplina sa

kanilang pagbabadyet at paggastos ng pera. Ang ilang

estudyante ay gustong bumili ng mga bagay na hindi

isinasaalang-alang ang mga presyo.

Ayon naman kay Robin McDaniel Maraming estudyante ang

nagtipon ng utang bago nila matanto kung ano ang

nangyayari, at maaaring mahirap na simulan ang paghuhukay

ng kanilang paraan sa utang kapag nakapagtapos sila.

At ayon naman kay Valérie Vierstraete ay nagbigay

siya ng isang halimbawa, itinatag na ang mga problema sa

pananalapi ay nakakatulong sa pag-drop, ngunit hindi

malinaw kung gaano ang iba't ibang mga pamamaraan para sa

pagtustos sa mga postecondary na edukasyon impluwensiya ng

pagtitiyaga at tagumpay sa akademiko. Ilan lamang ito sa

mga opinyon na nakuha namin sa pananalisik kaya’t

makakatulong ito hindi lamang samin kundi sa mga mag-aaral.


Kaugnay na Literatura

. Ang literaturang ito ay nakatuon sa isang balita

patungkol sa Kakulangang Pinansyal kung bakit lumilipat ang

mag-aaral na nasa pribadong paaralan papunta sa

pampublikong paaralan

Ayon sa Brgy. Saksi sa kanilang pag-iinterview sa isang

mag-aaral na kaya daw siya lumipat ng paaralan ay dahilan

sa pagtaas ng matrikula sa kanilang paaralan. Kahit sino

man sa indibidwal ay gustong pumasok ng naaayon sa sapat

nilang kakayahan upang maiwasan ang problemang pinansyal.


Bibliyograpiya

Charles & Russel (2009) Krises Pang Pinansyal

https://free.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fpagtulog-

1lam.blogspot.com

Charles & Russel (2009) Krises Pang Pinansyal

https://free.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fpagtulog-

1lam.blogspot.com
KABANATA III
METODO NG PANANALIKSIK

Tinatalakay sa kabanatang ito kung paano ang pamamaraang

gagamitin, alamin ang populasyon ng ika-sampung baitang at

kung paano ang paraan ng pagpili ng kalahok sa Pambansang

Mataas na Paaralan ng Del Gallego.

Pamamaraang Gagamitin

Ang pag-aaral na ito ay naisagawa ng pananaliksik ukol

sa aming paksang napili. Ang mga datos na aming nakalap ay

mula sa sarbey-kwesyoner na sinagutan ng apatnapu (40) na

respondent mula sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Del

Gallego. Nangalap ang mananaliksik ng impormasyon, balita,

artikulo, at mga literatura mula sa Internet na nakatulong

sa aming paksa para mapaunlad pa ang aming kalinangan at

ito ang nagsilbing gabay sa aming pag-aaral.


Populasyon

KASARIAN

32.5

67.5
BABAE

LALAKI

Pigura 3. Populasyon

Layunin ng pananalisik na ito na alamin ang kabuan ng

respondyente sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Del Gallego.

Ito ay ang kabuan na napagkasunduan na bilang ng respondente

na makikita sa Pigura 3. labing tatlong (13) na lalake at

dalawampu’t pito (27) na babae o halos apatnapu (40). Ito ang

pinili namin upang mapadali ang aming pananaliksik na

gagawin. Nagbigay kami ng mga sarbey-kwestyuner na tig-

sasampu kala silid aralan na konektado sa aming paksa at

samakatuwid naging matagumpay kami sa aming ginawa.


Paraan ng Pagpili ng Kalahok

Ang mananaliksik ay gumamit ng Random Sampling

Technique. Sa estadistika, ang Random Sampling (SRS) ay ang

pinakapangunahing pamamaraan sa pagpili. Ito ay isang

probabilidad na paraan ng pagpili kung saan lahat ng mga

maaaring maging subset na binubuo ng ‘n’ na elemento na

nakuha mula sa ‘N’ na elemento sa populasyon ay may pantay-

pantay na pagkakataon na mapili. Lahat ng elemento sa

populasyon ay may pare-parehong probabilidad na mapabilang

sa isang sample.

Ang Random Sampling ay pinili ng mga mananalisik

bilang asignatura. Ang mga mananaliksik ay sumubok na

magkaroon ng sampol na magpapakita sa kanila ng

representasyon ng populasyong saklaw ng pag-aaral.

Diskripsyon ng Respondente

Ang mananaliksik ay nag-obserba sa aspektong pisikal

karamihan sa respondente ay maayos, maitsura, tahimik, may

kanya-kanyang aralin na ginagawa, masyadong abala sa

paggawa ng mga task, masayahin at magalang o may respeto sa

iba.
Instrumento

Sa pananaliksik na ito ang instrument na aming

ginagamit para makapangalap ng datos ay ang pamimigay

ng sarbey kuwestyuner at ag pagpapasagot nito sa mga

respondyente. Sa ganitong paraan ay makakakalap kami

ng mga impormasyon.

Paraan ng pangangalap ng datos

KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DATOS

Talahanayan 1
Nakararanas ka ba ng kakulangan sa
pinansyal?
MINSAN
15%
MADALAS
15%
OO
68%

HINDI
3%

Talaahanayan 2

OO
32%

HINDI
MINSAN 5%
55%

MADALAS
8%

Talahanayan 3
Sales

1st Qtr
2nd Qtr
3rd Qtr
4th Qtr

You might also like