Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANG PAPEL NG LIPUNAN

SA KABATAAN

8 DEC

By: Eunice Erika S. Garcia


Ano nga ba ang kahalagahan ng lipunan sa buhay ng kabataan? Ang bawat tao ay nabibilang sa isang pangkat
o grupo ng mamamayan na nagkakaisa sa sariling kultura, tradisyon at paniniwala. Mula sa kapanganakan ng
tao ay ipinapakilala na ang kapaligirang kanyang kagigisnan at sa pagtanda niya’y lipunan ang may malaking
kontribusyon sa paghubog ng kanyang personalidad at pagkatao.

Ang mga kabataan, sa kanilang pagtanda ay nagiipon ng mga kaalaman at iba’t ibang impormasyon na
maaaring maging kapaki-pakinabang sa kanilang buhay. Ang pagiging mausisa ay natural lamang ngunit
kadalasan, lalo na kung walang tama at mabuting patnubay, ang paguusisa ay nagdudulot ng kapusukan at
pagiging mapageksperimento ng kabataan.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng lipunan sa buhay ng mga kabataan. Lipunan ang isa sa mga
aspetong bumubuo sa kung paano ang nagiging pagtanaw ng kabataan sa kanilang sarili at sa mga taong
nakakasalamuha nila.
Lipunan ang nagdidikta kung ano ang tama, mali, mabuti at hindi. Sa murang pag-iisip ng kabataan,
wala pa silang sapat na kakayahang mawari kung ano ang naaayon at ang hindi katanggap-tanggap.
Responsibilidad ng komunidad na kinabibilangan ng bawat isa na gabayan ang kabataan sa kanilang mga
desisyon upang hindi sila maging sakit ng lipunan.

Marami ang nagsasabing sakit nga sa ating lipunan ang mga kabataan sa kasalukuyan, ngunit kung
susuriing mabuti, sila pa nga ang biktima. Nakababahala ang dumadaming kaso ng pangaabuso at pagpapabaya
sa kabataan.

Ang mga kabataang nagkalat sa kalye, na sa murang edad ay natututo nang magnakaw at pumasok sa
trabahong may kinalaman sa pagbebenta ng sarili ay dulot ng juvenile delinquency o ang kapabayaan ng mga
iresponsableng magulang sa kanilang mga anak. Ang napakaraming kaso ng child laborers ay sumasalamin sa
pagsasawalang-bahala ng lipunan sa mga karapatan ng kabataan.
Bilang mga miyembro ng iisang lipunan, marapat lamang na bigyang-halaga at pangalagaan natin ang mga
kabataan. Mayroong mga batas tulad ng Republic Act 9231 na nagsusulong ng mga karapatan nila na dapat
nating isaalang-alang.
Patnubay hindi lamang ng sariling pamilya ngunit maging ng lipunan ang kailangan ng kabataan upang hindi
sila maligaw ng landas at sa halip ay maging pag-asa pa ng pagsulong ng kalagayan ng lipunan.
Rate this:

6 Votes
Related
ABORSYON (takot. kahihiyan. kasalanan.)
Batang ina ka na, Nag-iisa ka pa, Paano na? Paano na?
Kasapi ako sa SMP(Samahan ng Malalamig ang Pasko)

 COMMENTS3 Comments
 CATEGORIESUncategorized
← Young Mother and Baby’s health is at RISK..
SUPPORT FROM THE FAMILY IS A MUST FOR THE YOUNG, NEW FAMILY TO BE SUCCESSFUL →

3 Responses to “ANG PAPEL NG LIPUNAN SA KABATAAN”

1.
rhea meiJune 10, 2014 at 8:18 am #

Rate This
:)
REPLY

2.
maricar platinoJune 14, 2015 at 7:45 am #

Rate This
pasikot sikot ang pagpapaliwanag
REPLY

3.
maricar platinoJune 14, 2015 at 8:49 am #
0

Rate This
maraming pasikot sikOt
REPLY

Leave a Reply

…INTRODUCTIONS…

 About
 Eunice Erika Garcia
 Jessa Monica Perez
 Maria Edfrel R. Haboc

---THE ARTICLES---

 theteenagemom
o Fetus dumped near Quiapo Church on Christmas Eve
o “PUSH” by Sapphire, will surely touch your heart
o Sex on public in Boracay!
o Ako At Ang Serye Ng Librong Twilight
o one memorable vacation
o Kasapi ako sa SMP(Samahan ng Malalamig ang Pasko)
o SEX AND PREGNANCY: Reserve it After MARRIAGE, It’s forbidden to happen at an EARLY AGE..
o FROM MY OWN POINT OF VIEW- ON RH BILL
o SUPPORT FROM THE FAMILY IS A MUST FOR THE YOUNG, NEW FAMILY TO BE SUCCESSFUL
o ANG PAPEL NG LIPUNAN SA KABATAAN
ANG PAPEL NG LIPUNAN
SA KABATAAN

8 DEC

Ano nga ba ang kahalagahan ng lipunan sa buhay ng kabataan? Ang bawat tao ay nabibilang sa isang pangkat
o grupo ng mamamayan na nagkakaisa sa sariling kultura, tradisyon at paniniwala. Mula sa kapanganakan ng
tao ay ipinapakilala na ang kapaligirang kanyang kagigisnan at sa pagtanda niya’y lipunan ang may malaking
kontribusyon sa paghubog ng kanyang personalidad at pagkatao.

Ang mga kabataan, sa kanilang pagtanda ay nagiipon ng mga kaalaman at iba’t ibang impormasyon na
maaaring maging kapaki-pakinabang sa kanilang buhay. Ang pagiging mausisa ay natural lamang ngunit
kadalasan, lalo na kung walang tama at mabuting patnubay, ang paguusisa ay nagdudulot ng kapusukan at
pagiging mapageksperimento ng kabataan.

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng lipunan sa buhay ng mga kabataan. Lipunan ang isa sa mga
aspetong bumubuo sa kung paano ang nagiging pagtanaw ng kabataan sa kanilang sarili at sa mga taong
nakakasalamuha nila.
Lipunan ang nagdidikta kung ano ang tama, mali, mabuti at hindi. Sa murang pag-iisip ng kabataan,
wala pa silang sapat na kakayahang mawari kung ano ang naaayon at ang hindi katanggap-tanggap.
Responsibilidad ng komunidad na kinabibilangan ng bawat isa na gabayan ang kabataan sa kanilang mga
desisyon upang hindi sila maging sakit ng lipunan.

Marami ang nagsasabing sakit nga sa ating lipunan ang mga kabataan sa kasalukuyan, ngunit kung
susuriing mabuti, sila pa nga ang biktima. Nakababahala ang dumadaming kaso ng pangaabuso at pagpapabaya
sa kabataan.

Ang mga kabataang nagkalat sa kalye, na sa murang edad ay natututo nang magnakaw at pumasok sa
trabahong may kinalaman sa pagbebenta ng sarili ay dulot ng juvenile delinquency o ang kapabayaan ng mga
iresponsableng magulang sa kanilang mga anak. Ang napakaraming kaso ng child laborers ay sumasalamin sa
pagsasawalang-bahala ng lipunan sa mga karapatan ng kabataan.
Bilang mga miyembro ng iisang lipunan, marapat lamang na bigyang-halaga at pangalagaan natin ang mga
kabataan. Mayroong mga batas tulad ng Republic Act 9231 na nagsusulong ng mga karapatan nila na dapat
nating isaalang-alang.
Patnubay hindi lamang ng sariling pamilya ngunit maging ng lipunan ang kailangan ng kabataan upang hindi
sila maligaw ng landas at sa halip ay maging pag-asa pa ng pagsulong ng kalagayan ng lipunan.
About your
touch
vacation
these heartSex
adsFetus dumped
on publicnear
in Boracay!Ako
Quiapo Church
At Ang
on Christmas
Serye Ng Librong
Eve“PUSH”
Twilightone
by Sapphire,
memorable
will surely

You might also like