Balidasyon NG Kagamitang Pang-Interbensy

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ABSTRAK

Pamagat: Balidasyon ng Kagamitang Pang-interbensyon sa Pagbasa


Para sa Baitang 9 sa Ika-6 na Distrito ng Maynila

Mananaliksik: Lorena S. Club

Programa: Master ng Artes sa Filipino

Institusyon: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Taon: 2014

Tagapayo: DR. JENNIFOR L. AGUILAR

Ang Suliranin

Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay ang makapagsagawa ng

Balidasyon ng Kagamitang Pang-interbensyon sa Pagabasa para sa Baitang 9

Ika-6 na Distrito ng Maynila.

Upang maisakatuparan ang naturang layuning ito, sinikap ng

mananaliksik na tuklasin ang sagot sa sumusunod na tiyak na mga tanong:

1. Ano ano ang antas ng komprehensyon ng mga mag-

aaral sa Baitang 9 ng mga paaralan sa Ika-6 na Distrito

ng Maynila sa nakaraang tatlong panuruang taon?

2. Mayroon bang itinaas o ibinaba sa antas ng

komprehensyon ng mga mag-aaral sa bawat panuruang

taon?

v
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

3. Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang mga

antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral sa bawat

taon at paaralan?

4. Ano ang mungkahing interbensyon ang maaaring gawin

sa pagpapataas ng antas ng komprehensyon ng mga

mag-aaral?

5. Paano tinaya ng mga guro ang mga mungkahing

interbensyon batay sa sumusunod na krayterya?

5.1 Saklaw ng Paksa

5.1.1 Pagsaklaw ng kagamitang pang-

interbensyon sa lawak ng aralin

5.1.2 Kaangkupan ng paksang aralin sa

pangangailangan, kawilihan at antas ng

pang-unawa ng mga mag-aaral

5.1.3 Pagpili at pagdisenyo ng mga aralin sa

pagdebelop ng instruksyon, kasanayan,

proseso (pag-unawa,

aplikasyon,pagsususri)

5.1.4 Pagsukat sa inaasahang kaalamang

matatamo ng mga mag-aaral sa

pamamagitan ng pormatibong gawain

vi
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

5.1.5 Kalinawan at kapayakan ng wikang

ginamit sa paglalahad ng mga gawain

5.2 Organisasyon

5.2.1 Paglalahad ng mga gawain mula sa

madali patungo sa mahirap na gawain

5.2.2 Tiyak, malinaw,maikli at nauunawaan

ang pagkakalahad ng mga panuto

5.2.3 Ang pagkaguhit sa mga larawan at

paggamit ng mga halimbawa ay

nakatulong sa pagkatuto.

5.3 Wika at Estilo

5.3.1 Kaangkupan ng mga talasalitaan / mga

salitang ginamit

5.3.2 Paggamit ng tamang haba lamang ng

mga salita at talasalitaan

5.3.3 Paggamit ng tamang haba lamang ng

pangungusap

5.3.4 Kalinawan ng mga detalye

5.3.5 Kaangkupan ng mga istruktura, estilo at

pormat sa inaasintang antas

5.4 Nilalaman

vii
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

5.4.1 Kasapatan ng mga tanong sa pagsukat

ng dimensyong batay sa kognitibong

pagkatuto

5.4.2 Kasapatan ng mga gawain upang

matamo ang mga sumusunod na

kasanayan

a. Pagbibigay himuha o palagay

b. Pagsagot sa mga tanong tungkol sa

binasa

c. Paglalarawan sa tauhan

d. Pagbibigay reaksyon sa binasa

e. Pagsusunod-sunod ng mga

pangyayari

5.4.3 Kabuluhang Gamit

5.4.3.1 Ang pagkabuo sa kagamitang pang-

interbensyon ay maaaring ituro at

gamitin

5.4.3.2 Pagbibigay ng pagkakataon sa

pagpapaunlad at patuloy na paglinang

ng kasanayan sa mapanuring pag-iisip

ng nabuong kagamitang pang-

interbensyon.

viii
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

5.4.3.3 Nakatutulong sa pagbuo ng konsepto,

pag-unawa at kasanayan sa proseso

ng pagbasa ang nabuong kagamitang

pang-interbensyon.

5.4.4. Ilustrasyon / Mga Larawan

5.4.4.1 Paggamit ng malinaw na ilustrasyon /

larawan upang maipahayag ang

kaisipang kaugnay ng kasanayang

idinidebelop.

5.4.4.2 Kaangkupan ng ilustrasyon sa bawat

aralin

5.4.4.3 Panghihikayat at pagbibigay kawilihan

sa mga mag-aaral ng mga ginamit na

ilustrasyon/ larawan.

5.4.4.4 Pagpili at pagdedesenyo ng mga

ilustrasyon para higit na madebelop

ang kasanayan sa pagbasa.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa deskriptibong metodolohiya

ng pananaliksik. Naniniwala ang mananaliksik na ang ganitong uri ng dulog ang

ix
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

magsisilbing daan tungo sa tumpak, kongkretong pagpapaliwanag ng mga

nakalap na datos mula sa mga respondente ng pag-aaral.

Sa pamamagitan ng deskriptibong uri ng pananaliksik, higit na

natugunan ang kahingian ng mga inilatag na suliranin at nailahad sa

pinakadetalyadong paraan ang mga nakalap na datos kaugnay ng pag-aaral.

Paglalarawan ng Ginamit na Populasyon sa Pag-aaral

Ang mga respondente ng isinagawang pananaliksik ay binuo ng mga

guro, dalubguro, puno at nanunungkulang puno ng mga paaralang sangkot sa

pag-aaral maging ng superbisor ng Seksyon ng Sekondaryang Filipino sa

Dibisyon ng Maynila. Inalam din ang demograpikong profayl ng mga

respondente. Binuo ng tatlumpu at anim (36) na babae at pitong (7) lalaki na

may kabuuang apatnapu at tatlo (43) na mga eksperto ang nagtaya sa

nabuong kagamitang pang-interbensyon.

Paraang Ginamit sa Pangangalap ng Datos

Ang unang hakbang na isinagawa ng mananaliksik ay ang pangangalap

ng datos sa iba’t ibang silid-aklatan maging sa internet para sa mga datos na

kailangan. Sumunod ay ang paghingi ng pahintulot sa Tagapamanihala ng mga

Paaralang Lungsod sa Maynila upang makalikom ng datos sa mga

koordineytor sa Filipino Ika-6 na Distrito maging sa superbisor para makuha

ang tatlong taong resulta ng pagsusulit sa maunawang pagbasa sa Baitang 9

x
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

at ang mga programang pang-interbensyon na isinagawa o isinasagawa sa

bawat paaralang sakop ng pag-aaral. Panghuli ay ang paglalabas ng

talatanungan para sa pagtataya sa binuong kagamitang pang-interbensyon sa

pagbasa.

Instrumento ng Pananaliksik

Unang ginamit na instrumento ng pananaliksik na ito ang sekondaryang

datos ng tatlong taong resulta ng Pangwakas na Pagsusulit sa Maunawang

Pagbasa sa Baitang 9.

Nagsagawa din ng panayam ang mananaliksik sa mga gurong sakop ng

pag-aaral upang mabatid ang mga programang pang-interbensyon sa pagbasa.

Gumamit din ng talatanungan ang mananaliksik upang mataya ang

binuong kagamitang pang-interbensyon sa pagbasa. Ginamit ang tseklist na

hinalaw mula sa pag-aaral ni Miranda (2003) sa pagtataya ng kagamitang

pang-interbensyon sa pagbasa na minodipika batay sa pag-aaral na isinagawa

ng mananaliksik. Sinunod ang iskalang Likert bilang panukat sa mga

katugunan ng mga respondente na may mga kaukulang tumbas na puntos.

Marka Interpretasyon Pagpapakahulugan

5 – Lubhang kasiya-siya (Ipinapakahulugan nito

na naabot ang 100% krayterya

ng iminungkahing kagamitang

pangkasanayan sa pagbasa)

xi
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

4 – Kasiya –siya (Naabot ang 75-99 % krayterya)

3 – Kainaman (Naabot ang 25-74% krayterya)

2 – Mahina (Naabot ang 1-24% na krayterya)

1 – Mahinang-mahina (Hindi naabot ang kraytirya)

Tinukoy din ng mananaliksik ang kabisaan ng pagtataya sa inihandang

kagamitang pang-interbensyon sa pagbasa sa pamamagitan ng pagkuha ng

weighted mean ng bawat kraytirya. Para sa tiyak na interpretasyon, itinakda

ang sumusunod na iskala:

Antas Interpretasyon Simbolo

4.50-5.00 = Lubhang Kasiya –siya (LKS)

3.50-4.49 = Kasiya-siya (KS)

2.50-3.49 = Kainaman (K)

1.50-2.49 = Mahina (M)

1.00-1.49 = Mahinang-mahina (MM)

Lagom

Nilayon ng pananaliksik na sagutin ang mga tiyak na katanungang Ano-

ano ang antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral sa Baitang 9 ng mga

paaralan sa Distrito 6, Dibisyon ng Maynila sa nakaraang tatlong panuruang

taon?, Mayroon bang itinaas o ibinaba sa antas ng komprehensyon ng mga

mag-aaral sa bawat panuruang taon?, Mayroon bang makabuluhang

pagkakaiba ang mga antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral sa bawat

xii
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

taon at paaralan?, Ano ang mungkahing interbensyon ang maaaring gawin sa

pagpapataas ng antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral?, Paano tinaya

ng mga guro ang mga mungkahing interbensyon batay sa sumusunod na

krayterya: Saklaw ng Paksa (Pagsaklaw ng kagamitang pang-interbensyon sa

lawak ng aralin; Kaangkupan ng paksang aralin sa pangangailangan, kawilihan

at antas ng pang-unawa ng mga mag-aaral; Pagpili at pagdisenyo ng mga

aralin sa pagdebelop ng instruksyon, kasanayan, proseso [pag-unawa,

aplikasyon, pagsusuri]; Pagsukat sa inaasahang kaalamang matatamo ng mga

mag-aaral sa pamamagitan ng pormatibong gawain; at, Kalinawan at

kapayakan ng wikang ginamit sa paglalahad ng mga gawain), Organisasyon

(Paglalahad ng mga gawain mula sa madali patungo sa mahirap na gawain;

Tiyak, malinaw, maikli at nauunawaan ang pagkakalahad ng mga panuto; at,

Ang pagkaguhit sa mga larawan at paggamit ng mga halimbawa ay nakatulong

sa pagkatuto), Wika at Estilo (Kaangkupan ng mga talasalitaan/mga salitang

ginamit; Paggamit ng tamang haba lamang ng mga salita at talasalitaan;

Paggamit ng tamang haba lamang ng pangungusap, Kalinawan ng mga

detalye; at, Kaangkupan ng mga istruktura, estilo at pormat sa inaasintang

antas), Nilalaman (Kasapatan ng mga tanong sa pagsukat ng dimensyong

batay sa kognitibong pagkatuto; at, Kasapatan ng mga gawain upang matamo

ang mga sumusunod na kasanayan: Pagbibigay hinuha o palagay, Pagsagot

sa mga tanong tungkol sa binasa, Paglalarawan sa tauhan, Pagbibigay

reaksyon sa binasa, at, Pagsusunod-sunod ng mga pangyayari) , Kabuluhang

xiii
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Gamit (Ang pagkabuo sa kagamitang pang-interbensyon ay maaaring ituro at

gamitin; Pagbibigay ng pagkakataon sa pagpapaunlad at patuloy na paglinang

ng kasanayan sa mapanuring pag-iisip ng nabuong kagamitang pang-

interbensyon; at, Nakatutulong sa pagbuo ng konsepto, pag-unawa at

kasanayan sa proseso ng pagbasa ang nabuong kagamitang pang-

interbensyon), at Ilustrasyon/Mga Larawan (Paggamit ng malinaw na

ilustrasyon/larawan upang maipahayag ang kaisipang kaugnay ng kasanayang

idinidebelop; Kaangkupan ng ilustrasyon sa bawat aralin; Panghihikayat at

pagbibigay-kawilihan sa mga mag-aaral ng mga ginamit na ilustrasyon/larawan;

at, Pagpili at pagdedesenyo ng mga ilustrasyon para higit na madebelop ang

kasanayan sa pagbasa)?.

Gayundin, nilayon nitong magsagawa ng balidasyon ng kagamitang

pang-interbensyon sa pagbasa para sa Baitang 9 sa Ika-6 na Distrito ng

Maynila na binuo ng mananaliksik ayon sa mga kasanayang nakapaloob sa

Philippine Secondary School Learning Competencies at sa mga araling batay

sa K to 12 kurikulum. Dumaan sa face validity ang binuong kagamitan para sa

pagtataya ng kabisaan. Gamit ang talatanungan na inihanda ng mananaliksik,

nagsagawa ng pagtataya ang mga kalahok sa pag-aaral. Naging kalahok sa

pagtataya ng kagamitang pang-interbensyon ang tatlumpu at tatlong (33) guro,

tatlong (3) dalubguro, anim (6) na puno at umaaktong puno ng kagawaran, at

isang (1) superbisor na aktuwal na nagsuri at nagbigay ng puna/komento sa

nabuong kagamitang pang-interbensyon.

xiv
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong paraan sa pananaliksik na

tumutukoy sa pagtamo ng mga katotohanan na salig sa nangingibabaw na

kalagayan o mapalitaw ang isang tiyak na kaugnayan ng paksa sa

kasalukuyang penomena o kaganapan. Ang pangunahing layunin sa paggamit

ng pamamaraang deskriptibo ay upang mailarawan ang kaligiran ng isang

kaganapan sa panahon ng pananaliksik at upang makita sa higit na malalim na

bahagi ang dahilan ng isang partikular na penomena.

Natuklasan

Sa isinagawang pag-aaral ng mananaliksik hinggil sa paksang

Balidasyon ng Kagamitang Pang-interbensyon sa Pagbasa para sa Baitang 9

sa Ika-6 na Distrito ng Maynila natuklasan ang mga sumusunod:

1. Na sa Talahanayan 1, inilahad ang demograpikong profayl ng mga

respondente na may kabuoang bilang na apatnapu’t tatlo (43) saan

pinakamarami ang babae na may bilang na 36 o 83.72%, ang mga edad na

mula 46-50, 41-45, 36-40, at 26-30 ay pare-parehong nakakuha ng anim na

sagot sa 13.95% na siyang pinakamataas sa talahanayan sa ilalim ng edad,

ang pinakamahabang bilang ng taon ng pagtuturo ay apat (4) at pababa na

may bilang na 10 o 23.26%, at, ang posisyon ng trabaho ay nasa Teacher 1

ang pinakamarami na may bilang na 16 o 37.21%.

xv
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

2. Na sa Talahanayan 2, inilahad ang lahat ng Pampublikong Paaralan

sa Elementarya, Ika-6 na Distrito sa Maynila at ang kabuoang bilang ng mga

mag-aaral na pinabasa sa Baitang 6 sa panuruang taon 2011-2012, at

labintatlong (13) bahagdan o apatnaraan tatlumpo at walong (438) mag-aaral

ang kabilang sa Frustration o pagkabigong antas.

3. Na sa Talahanayan 3, ipinakita ang lahat ng Mataas na Paaralan sa

Ika–6 na Distrito sa Maynila at ang kabuoang bilang ng mga mag-aaral na

pinabasa sa Baitang 7 sa panuruang taon 2012-2013, at mas mababa ang

kabuoang bilang ng mga mag-aaral na kumuha ng pagsusulit kaysa sa

nakaraang panuruang taon, na nabawasan ng animnapu at siyam (69) na mag-

aaral mula sa tatlong libo, tatlong daan, dalawampu’t dalawa (3,322) na bilang

ng panuruang taon 2011-2012, na gayunman ay walang (0) mag-aaral ang

napabilang sa frustration o pagkabigong antas.

4. Na sa Talahanayan 4, ipinakita ang lahat ng Mataas na Paaralan sa

Ika–6 na Distrito sa Maynila at ang kabuoang bilang ng mga mag-aaral na

pinabasa sa Baitang 8 sa panuruang taon 2013-2014, na may isang bahagdan

(1%) o tatlumpo at apat (34) na mag-aaral sa kabuoang tatlong libo’t tatlumpo

at siyam (3,039) na kumuha ng pagsusulit ang napabilang sa frustration o

pagkabigong antas.

5. Na sa Talahanayan 5, nakatala ang mga programang pang-

interbensyon sa maunawang pagbasa na tinaya ng mga guro ayon sa kabisaan

ng kanilang paggamit na ipinakita sa resulta ng mga pagsusulit na niranggo ng

xvi
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

mananaliksik at ang remedial reading ang nanguna sa ranggo na sinundan ng

pinatnubayang pagbasa (guided reading) at know want learned (KWL) na

parehong nasa 2.5 na puwesto, pumang-apat ang pinatnubayang pagbasa at

pag-iisip o directed reading thinking activity (DRTA), ang pagtatalaga ng

reading corner/center sa loob ng paaralan at pag-uulit sa pagbasa na parehong

nasa 5.5 na puwesto, pampito naman ang relasyon tanong sagot at sinundan

ng magkapares na pagbasa o paired reading, ang each one teach one ay

pumansiyam at huli sa ranggo ang semantic word map.

6. Na sa Talahanayan 6, inilahad ang Paraan ng Pagsasagawa ng

Mungkahing Interbensyon na Remedial Reading.

7. Na sa Talahanayan 7, ipinakita ang kinalabasan ng pagsusuri sa mga

datos na nakalap sa tatlong taong resulta ng Pagsusulit sa Maunawang

Pagbasa ng mga mag-aaral na sa kabuoang siyam na libo, anim na daan at

labing-apat (9,614) na mag-aaral, tatlong libo, limampu at siyam (3,059) o

tatlumpu’t isa punto walumpu at limang bahagdan (31.85%) ang nasa

Malayang Antas o Independent; anim na libo, pitumpu at apat (6,074) o

animnapu at tatlo punto dalawampu at apat na bahagdan (63.24%) ang nasa

antas Pampagkatuto o Instructional; at pitong daan, pitumpu’t dalawa (472) o

apat na bahagdan punto siyamnapu at isa (4.91%) ang nasa antas Pagkabigo

o Frustration. Mapapansin na pagsapit ng mga mag-aaral sa Baitang 7, walang

(0) mag-aaral ang napabilang sa pagkabigo o frustration na antas.

xvii
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

8. Na sa Talahanayan 8, ipinakita na mas mataas ang critical value na

5.14 kaysa sa computed value na 0.007564 gamit ang ANOVA (Analysis of

Variance) at nagsaad na walang makabuluhang pagkakaiba ang mga antas ng

komprehensyon ng mag-aaral sa bawat taon at paaralan.

9. Na sa Talahanayan 9, inilahad ang niranggong resulta ng pagtataya

ng mga kraytirya sa kagamitang pang-interbensyon ayon sa Saklaw ng Paksa

at nanguna ang pagpili at pagdisenyo ng mga aralin sa pagdebelop ng

instruksyon, kasanayan, proseso (pag-unawa, aplikasyon, pagsusuri) na may

kabuoang mean na 4.63 at may interpretasyon na Lubhang kasiya-siya(LKS);

sumunod ay ang Pagsaklaw sa kagamitang pang-interbensyon sa lawak ng

aralin at pagsukat sa inaasahang kaalamang matatamo ng mga mag-aaral sa

pormatibong gawain na parehong nakakuha ng mean na 4.51 o Lubhang

kasiya-siya (LKS) ang mga gawain; pang-apat ang kaangkupan ng paksang

aralin sa pangangailangan, kawilihan at antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral

na nakakuha ng 4.33 na mean o kasiya-siya (KS); panghuli sa ranggo ay ang

kalinawan at kapayakan ng wikang ginamit sa paglalahad ng mga gawain na

may kabuoang mean na 4.28 o Lubhang kasiya-siya (KS).

10. Na sa Talahanayan 10, ipinakita naman ang niranggong resulta ng

pagtataya ng mga kraytirya sa kagamitang pang-interbensyon ayon sa

Organisasyon nito, at nanguna ang pagkaguhit ng mga larawan at ginamit na

halimbawa para sa lubhang pagkatuto na may kabuoang mean na 4.72 at may

interpretasyon na Lubhang kasiya-siya (LKS); pumangalawa ang hindi paulit-

xviii
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ulit ang mga gawaing inilahad na may kabuoang mean na 4.58 o Lubhang

kasiya-siya (LKS); sumunod ang paglalahad ng mga gawain mula sa madali

patungo sa mahirap na gawain na nakakuha ng mean na 4.51 o Lubhang

kasiya-siya (LKS); at panghuli sa ranggo ang tiyak, malinaw, maikli at

nauunawaan ang pagkalahad ng mga panuto na nakakuha ng 4.49 na mean o

kasiya-siya (K).

11. Na sa Talahanayan 11, nakita ang niranggong resulta ng pagtataya

ng mga kraytirya sa kagamitang pang-interbensyon ayon sa Wika at Estilo, at

nanguna ang paggamit ng tamang haba ng mga salita at talasalitaan na may

kabuoang mean na 4.56 at may interpretasyon na Lubhang kasiya-siya (LKS);

sumunod ang kaangkupang ng mga talasalitaan/mga salitang ginamit na

nakakuha ng mean na 4.51 o Lubhang kasiya-siya (LKS) ang mga gawain;

pangatlo ang kaangkupan ng istruktura, estilo at pormat sa inaasintang antas

na may kabuoang mean na 4.49 o Kasiya-siya (KS); pang-apat ang kalinawan

ng mga detalye na nakakuha ng 4.33 na mean o kasiya-siya (KS); at panghuli

ang paggamit lamang ng tamang haba ng pangungusap na may mean na 3.49

o kainaman.

12. Na sa Talahanayan 12, ipinakita ang niranggong resulta ng

pagtataya ng mga kraytirya sa kagamitang pang-interbensyon ayon sa

Nilalaman, at nanguna ang kasapatan ng mga tanong sa pagsukat ng

dimensyon batay sa kognitibong pagkatuto na may kabuoang mean na 4.60 at

may interpretasyon na Lubhang kasiya-siya (LKS); sumunod ang kasapatan ng

xix
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

mga gawain upang magtamo ang mga sumusunod na kasanayan: a.

pagbibigay hinuha o palagay; b. pagsagot sa mga tanong tungkol sa binasa; c.

paglalarawan sa tauhan; d. pagbibigay reaksyon sa binasa; e. pagsusunod-

sunod ng mga pangyayari na may kabuoang mean na 4.55 o Lubhang kasiya-

siya (LKS).

13. Na sa Talahanayan 13, ipinakita ang niranggong resulta ng

pagtataya ng mga kraytirya sa kagamitang pang-interbensyon ayon sa

Kabuluhang Gamit, at nanguna ang kagaanan at suplementong kagamitan sa

pagbasa ang nabuong kagamitang pang-interbensyon na may kabuoang mean

na 4.77 o Lubhang kasiya-siya (LKS); sumunod ang nagpapalawak sa

pagkawili/interes at pagganyak sa mag-aaral sa mas mataas na pagkatuto ang

binuong kagamitang pang-interbensyon na parehong may kabuoang mean na

4.56 at may interpretasyon na Lubhang kasiya-siya (LKS); pumangatlo ang

pagkabuo sa kagamitang pang-interbensyon ay maaaring ituro at gamitin na

nakakuha ng mean na 4.51 o Kasiya-siya (LKS); pang-apat naman ang

pagbibigay ng pagkakataon sa pagpapaunlad at patuloy na paglinang ng

kasanayan sa mapanuring pag-iisip ng nabuong kagamitang pang-

interbensyon na may mean na 4.49 o kasiya-siya (KS); at panghuli sa ranggo

ay ang nakatutulong sa pagkatuto ng konsepto, pag-unawa at kasanayan sa

proseso ng pagbasa ang nabuong kagamitang pang-interbensyon na nakakuha

ng 4.37 na mean o Kasiya-siya (KS).

xx
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

14. Na sa Talahanayan 14, inilahad naman ang niranggong resulta ng

pagtataya ng mga kraytirya sa kagamitang pang-interbensyon ayon sa

Ilustrasyon/Mga Larawan, at nanguna ang panghihikayat at pagbibigay-

kawilihan sa mga mag-aaral na may kabuoang mean na 4.65 at may

interpretasyon na Lubhang kasiya-siya (LKS); pumangalawa ang kaangkupan

ng mga ilustrasyon sa bawat aralin na may kabuoang mean na 4.63 o Lubhang

kasiya-siya (LKS); pumangatlo ang pagpili at pagdesenyo ng mga ilustrasyon

para higit na madebelop ang mga kasanayan sa pagbasa na nakakuha ng

mean na 4.60 o Lubhang kasiya-siya (LKS); at panghuli ang paggamit ng

malinaw na ilustrasyon/larawan upang maipahayag ang kaisipang kaugnay ng

kasanayang idinidebelop na nakakuha ng 4.51 na mean o Lubhang Kasiya-siya

(LKS).

15. Na sa Talahanayan 15, ipinakita ang niranggong resulta ng

pangkalahatang pagtataya ng binuong kagamitang pang-interbensyon, na sa

unang kraytirya, saklaw ng paksa ay nakakuha ng kabuoang mean na 4.45 at

may interpretasyon na Lubhang kasiya-siya (LKS); samantalang ang kraytirya

sa organisasyon ay may kabuoang mean na 4.58 o Lubhang kasiya-siya (LKS);

sa pagkabuo naman ayon sa wika at estilo ay nakakuha ng mean na 4.28 o

Kasiya-siya (KS) ang mga gawain; sa pagkakabuo naman ng nilalaman,

nakakuha ng 4.55 na mean o Lubhang Kasiya-siya (LKS); sa aspeto ng

kabuluhang gamit ay nakakuha ng 4.54 na mean o Lubhang Kasiya-siya (LKS)

ang mga gawain, at ang pinakamataas ang nakuhang mean ay pagkagawa sa

xxi
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

mga ilustrasyon/larawan na may mean na 4.60 o Lubhang Kasiya-siya (LKS)

na resulta.

Kongklusyon

Sa mga natuklasan ng mananaliksik, nabuo ang mga sumusunod na

kongklusyon:

1. Ang komprehensyon ng mga mag-aaral sa Baitang 9 ng mga

paaralan sa Distrito 6, Dibisyon ng Maynila sa nakaraang tatlong panuruang

taon lumabas na nakahihigit ang mga mag-aaral na nasa antas Pampagkatuto

o Instructional.

2. Nagkaroon ng pagtaas o pagbaba ang antas ng komprehensyon ng

mga mag-aaral sa bawat panuruang taon saan ang pinakamataas sa antas na

pampagkatuto o instructional level ay naitala noong panuruang taon 2012-2013

na bahagyang bumaba noong taong 2013-2014; samantala, kapansin-pansin

ang pagbaba ng bilang ng mag-aaral sa pagkabigong antas ng panuruang taon

2011-2012 at panuruang taon 2013-2014.

3. Ang pagkakaiba ng mga antas ng komprehensyon ng mga mag-aaral

sa bawat taon at paaralan ay walang makabuluhang pagkakaiba.

4. Ang Remedial Reading ang pinakamabisang interbensyon na

isinasagawa ng mga paaralang sangkot sa pag-aaral kaya’t ito ang naging

batayan ng mananaliksik upang makabuo ng kagamitang pang-interbensyon sa

pagbasa.

xxii
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

5. Ang nabuong kagamitang pang-interbensyon sa pagbasa ay

maaaring gamitin sapagkat naging lubos na kasiya-siya ang pagtataya ng mga

respondent.

Rekomendasyon

Batay sa mga natuklasan at konklusyon ng pag-aaral ay iminumungkahi

ng mananaliksik ang sumusunod:

1. Magsagawa ng tiyak na pag-aaral sa komprehensyon ng mga mag-

aaral ng Baitang 9 sa mga paaralan ng Distrito 6, Lunsod ng Maynila upang

maibigay ang katiyakan sa antas ng kakayahang umunawa sa binabasa ng

mga naturang mag-aaral at makapaghain ng mga programang panlunas-basa

na nakaayon sa magiging resulta upang mapataas pa ang antas ng

komprehensyon ng mga mag-aaral sa pagbasa.

2. Gamitin ang nabuong kagamitang pang-interbensyon na sadyang

inihanda batay sa kasalukuyang hilig o interes ng mga mag-aaral para sa lalo

pa nilang pagkawili habang nalilinang ang mga kasanayan.

3. Sa pagbuo ng mga kagamitang pang-interbensyon sa pagbasa, higit

na bigyang tuon ang mga layunin ng kasalukuyang kurikulum at mga akdang

gagamitin upang higit na maging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral ang

mabubuong kagamitan.

4. Isaalang-alang din ang kakayahan ng mga mag-aaral na gagamit ng

bubuuing kagamitan upang maging kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral na

siyang pinagtutunan ng nilalaman nito.


xxiii
POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

5. Magsagawa pa ng karagdagang Pag-aaral sa kabisaan ng nabuong

kagamitang pang-interbensyon sa pagbasa.

6. Sa mga administardor ng paaralan, bigyang laya ang mga guro na

gumamit ng sariling kagamitang pampagtuturo upang higit na malinang ang

kasanayan ng mag-aaral ayon sa kanilang pangangailangan.

7. Maging positibo ang pagtingin ng mga puno ng paaralan, puno ng

iba’t ibang kagawaran at ng iba pang nanunungkulan sa paaralan na maaaring

lapitan ng mga nagsasagawa ng pananaliksik upang masigurado ang

kooperasyon ng target na respondente.

xxiv

You might also like