Hindi pa man dumarating ang mga dayuhan, tayong mga Pilipino ay
may sarili ng pamamaraan ng pamumuhay. Ang mga Pilipino ay
sadyang may angking kakayahan upang makalikha ng mga bagay na angkop sa sitwasyon – lalong lalo na upang mabuhay. Makikita itong sibilisasyong itinatag ng ating mga ninuno sa klase ng buhay, arkitektura, pananamit, edukasyon, mga kagamitan, tradisyon at iba pa. Ngunit, ang pinakapinahahalagahan nating mga Pilipino ay ang edukasyon. Masasabing mayaman ang ating kultura hindi pa man tayo nasasakop ng mga dayuhan. Picture Tayong mga Pilipino ay tunay na magagaling makitungo sa ating kapwa. Isa iyan sa espesyal na katangiang ating tinataglay. Makikita ito sa paraan pa lamang kung paano tayo tumanggap ng bisita. Sa abot ng ating makakaya, sinusubukan nating aliwin ang ating mga bisita sa pamamagitan ng pagbibigay ng makakain, pakikipagkwentuhan at marami pang iba. Ang mga Pilipino ay kilala rin sa pagiging malinis. Araw-araw na naliligo sa ilog ang karamihan sa ating mga ninuno. Nililinis nila ang kanilang mga ngipin gamit ang mga prutas. Gumagamit na rin sila ng pabango at ng gugo para sa buhok noon. Pati ang kanilang mga tahanan ay maayos at malinis. Ang mga Pilipino noon ay mapagkakatiwalaan at tapat. Marunong silang tuparin ang kanilang mga pangako
Dbokasyong Pagpapalaganap at Pagmamalaki Sa Mga Akdang Pilipino Na Tumatalakay Sa Katutubong Kulturang Mga Pilipinong Magagamit para Sa Proyektong Panturismo NG Bansa