Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Anarconomy ng Cyber World

May isang bagong salita ngayon na binabantayan ng mga social scientist

at ethnologist, ang Anarconomy. Binuo ang salitang ito ng Copenhagen Institute

for Future Studies na bagong alternatibong mapagkukunan ng mga produkto at

serbisyo na hindi komersyal. Kadalasang libre na nililikha at ipinamamahagi sa

mga network sa pamamagitan ng anarchic principle. Hindi sumasang-ayon sa

“supply and demand” na hanggat mas maraming taong gumagamit, mas

nagiging importante ito. Halimbawa, sa halip na bumili ng Encyclopedia

Britannica, kunin na lang ang impormasyon sa Wikipedia. Sa pag-aaral ng mga

eksperto, ang mga responsable sa ganitong trend ay may pambihirang sense of

altruism, kasi, sila ang lumilikha ng kanilang kakailanganin at nangangailangan

ng kanilang nililikha. At ipinamamahagi nang kung hindi libre ay halos libre.

Nakakaramdam kasi ng sense of accomplishment ang mga ito. Sabi ng

Copenhagen Institute for Future Studies, “self expression is the new

entertainment.”

Malaki ang magiging gampanin nito sa buhay ng mga Filipino, ganun din

sa pedagogy. Share, link, like, tweet, tag, post, re-post at iba pang gagamitin ng

mga estudyante ng masa. Nangangahulugan ito ng mas malawak na

networking site ang pinagsasaluhan sa virtual realiy sa mundo ng teknolohiya.

May mga diskurso sa anyong digital at nagiging kabahagi ka lamang nito kung

nasa loob ka ng paksa ng diskurso.

Dahil sa bilis ng buhay at pinagkakaabalahan ng mga estudyante dahil

hindi lang naman eskwelahan ang kanilang buhay, kinakailangan ng madaliang


pagsasabi, pagpapahayag, pagpapaunawa, pagpapaintindi na ang nasa dulo ay

pagkaunawa. Multi-tasking ibig sabihin maraming window panel na bukas nang

sabay-sabay, twitter, facebook, google, youtube, email at iba pa.

Kung ganoon, nagiging iba na ang pagtingin ng mga kabataan sa iba’t

ibang virtual realities, isang espasyo o lugar na nagbabahaginan at nagsasalo na

may hindi na susulat na patakaran kung paano makibahagi at makinabang. Ang

impormasyon na kadalasan na tingin ng kabataan ay libangan o entertainment

ay bumabaha, nagtatampisaw at nagpapakalunod ang kabataan. Maaring hindi

ang “uri ng impormasyon” na gusto nating matutunan ng mga estudyante ang

nakukuha nila, pero kung titingnan sa isang banda, maari itong magamit na

kakampi sa halip na kaaway.

Sa Bisa ng Postmodernismo

Mahalagang maunawaan ng mga guro sa classroom kung ano ang

pagtingin ng mga mag-aaral sa mga institusyon at iba pang yunit ng lipunan,

istruktura at tradisyon. Ano ang nakikita niya sa loob ng classroom at ano ang

tunay na nagaganap sa tunay na mundo? Dahil mas malaki ang tunay na

mundo at mas mahabang panahon ang ginugugol nya sa dito, mag-iisip ang mga

mag-aaral kung para saan ang mga nangyayari/pinag-aaralan sa loob ng

classroom sa kanyang tunay na mundo at ngayon nga pati sa virtual na mundo.

Bilang isang social theory, ang postmodernismo ay isinilang noong 1968… ang

postmodernismo ay ang nalikha ng pagsasawalang bahala ng henerasyong ito

sa sariling pangmalas nito sa daigdig (ni Heller, Agnes kina Natoli, Joseph at

Hutcheon, Linda 2013).


Dahil bugbog ang mga estudyante sa iba’t ibang doktrina tungkol sa

ganito at sa ganyan ng iba’t ibang institusyon, ano ang kahulugan ng lahat ng ito

para sa mga mag-aaral? Halimbawa, yung kasabihang “Mag-aral kang mabuti,

yan lang ang kayamanan maipapamana ko sa iyo.” Kung makapagsasalita kaya

ang bata, ano kaya ang sasabihin nya?

 Kayamanan na pala ito, ba’t pa ako mag-aaral pa


 Kung kayamanan itong mamanahin ko (yung pag-aaral), ba’t ang daming
nagtapos, mahirap pa rin
 Di ba ang pamana, hindi naman pinaghihirapan? Kusang ibinibigay?

Ano ang Tanawing Postmodern?

Excremental culture (Baudrillard), Isang katawan na walang menudensya

(Artaud), isang “negatibong espasyo” (Krauss), isang “purong implosion”

(Lyotard), isang “pagtanaw sa malayo” (Barthes), mekanismo ng pag-iwas

(Serres) o isang pagtutol-politikal

The Postmodern Scene (Excremental Culture and Hyper-Aesthetics)

Arthur Kroker at David Cook (2012). Therefore, mauunawaan natin na ang

postmodernismo ay ang pagkuwesntyon sa loob at labas ng mga kahon o

doktrina. Kung mauunawaan natin ang paraan ng pag-iisip sa daigdig ng mga

estudyante, maiintindihan natin na hindi naman talaga sila lubusang

nagrerebelde. Na ang “okay lang ako” at ang “okay ka lang?” ay manipestasyon

ng paghahanap ng sariling espasyo at daigdig na pinipilit pang sakupin ng mga

hindi maipaliwanag ang silbing tuntunin ng mga institusyon.

Ang postmodernismo ay isang kultural na pagkilos (di bilang isang

ideolohiya, teorya o programa) na may simpleng ganap na mensahe: pwede


lahat. Di ito isang islogan ng rebelyon, o ang postmodernismo ay isang

pagrerebelde… ang pahayag na pwede lahat ay maaring basahin bilang “hayaan

mo akong di magrebelde sa anumang bagay pagkat sa pakiramdam ko ay

kumpleto naman ako at kumportable (ni Heller, Agnes kina Natoli, Joseph at

Hutcheon, Linda 2013). Hindi porket may “bale, tas, at saka, yun” ay hindi ko na

alam kung paano ko ipapahayag ang sarili ko. Na hindi porket hindi ako

sumagot sa “buong pangungusap” ay bastos na ako.

Walang duda, ngunit sa bawat iba’t ibang paraan, ang pagsasainstitusyon

ng mataas na modernismo sa ganitong panahon, ang paglipat mula sa

oposiyonal tungo sa kalagayang gahum ng mga klasiko ng modernismo, ang huli

ang sumakop sa mga unibersidad, museo, art gallery network at foundation, ang

asimilasyon, sa ibang pananalita, ng iba’t ibang mataas na modernismo, sa

canon at ang mga sumusunod pa na pagbabawas sa kanila na sa pakiramdam

ng ating mga ninuno ay nakaririmarim, iskandaloso pangit, di nararapat, immoral

at di makalipunan (Lodge 2013)).”

Dahil hindi masagot ng mga nasa institusyon o poder ang kanilang mga

tanong, hindi rin maipaliwanag ng mga ito ang lohika o kabuluhan ng

pinaggagagawa, naghahanap ang kabataan ng otoridad sa labas ng sirkulo ng

otoridad. Si Bob Ong ay mahusay na manunulat. Hindi porket mahilig sa heavy

metal ay adik na. Cool si Harry Potter, hindi lahat ng bampira at werewolf ay

masama, hindi porket nagpi-flip top ay puro murahan lang ang ginagawa, hindi

porket nagpa-planking ay sumasamba na kay Satanas etc.


Sa mga social networking at iba pang mga tulad nito nakikita nila ang

sagot. Hindi nagdadamot ng sagot, hindi sila pinagagalitan dahil hindi nila alam

ang sagot. At higit sa lahat, naiintindihan nila sa wikang kanilang araw-araw na

ginagamit.

Postmodernists, who were rightly enthusiasts for ‘liberating’ ethical and

political doctrines, were at the same time immensely dependent on the

extraordinary prestige of these new intellectual authorities, whose influence was

not a little sustained by their heavy reliance upon a neologizing jargon, which

imparted a tremendous air of difficulty and profundity to their deliberations and

caused great difficulties to their translators. -- Christopher Butler--

POSTMODERNISM-- A Very Short Introduction (Oxford University Press 2002)

Ang Pagtatagpo ng Anarconomy at Postmodernismo:

Dahil sharing sa virtual reality/cyber space, pamamahagi nang libre ang

kaalaman, ang entertainment ay kaalaman at ang kaalaman ay entertainment,

samantalang ang postmodernismo ay pagkwestyon sa mga doktrina ng mga

institusyong pilit hinahanapan ng kabuluhan ng mga mamamayan, marapat na

pag-aralan kung paanong mapaghahalo ang dalawang sangkap na ito para may

bagong luma at lumang bagong putaheng maihahain sa mga istratehiya ng

pagtuturo.

1. Paggamit ng social networking sites para lumuikha ang mga mag-aaral ng


kanilang sub-group para sa nobela. Sa dami ng mga tauhan at kawing-
kawing na mga pangyayari, maaring bigyan ang bawat estudyante ng
kani-kaniyang tauhan. Halimbawa, sa planong pagtatayo ng Akademya ng
Wika, ano kaya ang magiging comment ni Padre Damaso, ni Padre Salvi,
ni Pilosopong Tasyo, ni Maria Clara, at iba pa. Sino ang mag-like? Sino
ang magta-tag. Kung sakaling mag-invite si Maria Clara ng ‘friend’ kay
Padre Damaso, ano kaya ang gagawin ni Padre Salvi para mapansin?
2. Ang Pick-up Lines ay mabuting istratehiya sa mga kwento o seleksyong
may kinalaman ang pag-iibigan, pagkakaibigan at iba pa.
Hal: Crisostomo Ibarra: Nalulungkot ka ba?
Maria Clara: Bakit?
Crisostomo Ibarra: Nag-iisa ka kasi sa puso ko!
Maria Clara: Prayle ka ba?
Crisostomo Ibarra: Bakit?
Maria Clara: Hindi halatang nagsisinungaling ka!
3. Flip Top- Ito ang pinaka-Balagtasan ng mga estudyante sa ngayon.
Kayang kaya nilang pagtalunan ang isang paksa kaugnay ng aralin sa
paraang tugmaan na masaya, mabilis at insightful. Tiyakin nga lang na
magbigay ng guide para malaman ng mga mag-aaral ang kanilang
hangganan.
4. Bloggwriting- mainam na estratehiya ito para makapagsulat ang mga
mag-aaral sa pinakakumportableng paraan na alam nila ngunit
maikakarga ng blog ang aralin sa wika man at panitikan. Kung sa wika,
mainam na mag-pokus lamang sa isang aralin. Kung pang-uri,
ipakuwento sa kanila kung ano ang paborito nilang computer/online
games/shops dati, ngayon at ano kaya ang magiging istura ng mga ito sa
hinaharap.
5. Video Upload- gamit ang kanilang cellphone, pwedeng ang 2-3 minutes
na skit o dula-dulaan na highlight ng kwentong tinatalakay, o pagsasadula
ng tula o sanaysay ay mai-record at maipa-upload. Pwedeng magkaroon
muna ng rehearsal, practice ng linya bago ang aktwal na pagkuha gamit
ang mga cellphone.
6. Manga-Anime- paniguradong may sariling interpretasyon ang mga mag-
aaral na mahusay sa paggawa ng Manga-Anime halaw sa mga tauhan sa
mga kwento o seleksyon. Mas mainam kung yung may mga maaksyong
tagpo tulad ng Impeng Negro, Ang Kalupi, ang eksena sa El Fili na
itinakas ang lampara etc.
7. Teaser/Commercial- Kung gagawing pelikula ang isang akda, paano nila
ito gagawin? Isang 30 seconder na teaser para sa isang pelikula na
magsasabi kung tungkol saan ang mapapanood. Mas mainam kung may
kasama itong poster.
8. Bigkas-Salita- Mainam ito sa pagtuturo ng pagpapalawak ng
pangungusap. Ang background music na may swabeng bagsak at ritmo
ay sasabayan ng pagbigkas ng mga salita mula sa simple hanggang
masalimuot na pangungusap.

Hal: Astro cigarettes ng Radioactive Sago Project


Para sa tunay na lalake
Para sa tunay na lalakeng hindi natatakot
Para sa tunay na lalakeng hindi natatakot tumalon sa bangin
9. Klasepidia- Mahusay maghanap ang mga estudyante ng trivia, photos,
video at related article sa mga paksang tinatalakay. Maaring maging
proyekto ng buong klase ang paglalagay ng blogpagsae at doon nila
ilalagay ang lahat ng trivia, information at iba pa na may kinalaman sa
mga tinalakay at tatalakaying paksa. Pwede ring ma-upload dito ang mga
video at iba pa na naging bahagi ng pag-aaral. Para itong ensayklopedia
ng buong klase sa subject
10. Diksyo-klase- sa halip na magpakahirap sa talasalitaan na hindi na naman
nagagamit ang mga matatandang salita, hikayatin ang klase na gumawa
ng ebolusyon, klasipikasyon at pagsusuri ng mga salitang natatagpuan sa
mga matatandang seleksyon. Halimbawa, yung salitang text ay postcard
na may drowing noong araw, ano na ito ngayon. Yung tampipi noon,
messenger bag na ngayon. Yung sayawan ay naging disco na naging bar.
Yung kasiyahan na naging happening na naging gig.
11. Map/ang Suri- may mga estudyante na magaling sa math, history,
geography etc. Makaktulong itong mabuti para maintindihan ng klase yung
mga trivia sa seleksyon at magkaroon ito ng kahulugan sa buhay nila
ngayon tulad ng:
a. Kung ang pandesal sa kwentong ganito ay nagkakahalaga lamang
ng ganito noong ganito, magkano na ito ngayon. Gaano kaaki nag
pagbabago
b. Yung binabanggit na ganitong lugar, wala na sa mapa, kasi ang
pumalit dyan ay ganito
c. Yung binabanggit na ganitong lugar, ang dating tawag dyan ay
ganito, at nang palitan ay naging ganito naman
12. Annotation – mga artifacts presentation and explaination for instructional
use of strategies, for evidence, help reflect on your teaching, describes
intentions, goals and purpose of career growth. Present and explain
credentials required by rater and make it easiear for the rater in SAT-
RPMS.
Pagwawakas
Huwag ikabigla kung may mga radikal na opinion at saloobin ang mga
mag-aaral sa iba’t ibang paksa na tinatalakay. Ito kasi ang naabutan nila sa
totoong mundo. Kailangan nga lang na handa at sanay ang guro na matulungan
ang mga mag-aaral na maproseso ang mga ito. Halimbawa, suicide, sex, drugs
at iba pa.
Hindi magiging madamot ang henerasyong ito sa paggawa ng mga
minumungkahing gawain. Bakit? Kasi ginagawa naman talaga nila ito kahit
hindi sinasabi ng teacher. Ibinabahagi nila ito sa iba na may magkakatulad na
interes sa iba’t ibang blog at sites. Matutuwa ang mga mag-aaral kasi yung
interes nila ay nadadala nila sa classroom at ang classroom ay nadadala nila sa
kanilang interes. Ang impormasyon at kasiyahan ay hindi na napaghihiwalay ng
mga mag-aaral. Kung ganoon, sa mga nabanggit na istratehiya ay makakatulong
na maibalik ang classroom bilang isa mga daigdig ng mga mag-aaral at madala
ang mas malawak na daigdig ng mga mag-aaral sa loob ng classroom.
Hindi obligasyon ng mga mag-aaral natin na abutin at pagpasensyahan o
tanggapin na lang basta ang mga nakagisnan nating mundo at mga doktrina.
Tayo ang nasa poder at inaasahang mas may malawak na mundo kesa sa ating
mga mag-aaral.
Dulog Kritikal. Laging may paglilinaw sa mga impormasyong
natatanggap.Handang tumanggap ng mga bagong ideya. Kinikilala ang
pluralistikong perspektiba.Sistematiko ang pagtugon sa alinmang uri ng usapin
Multikultural at Multilingguwal: Mga Paghahanda sa mga pamamaraang
Edukasyong Glokal. Dito nais na maipakita ang perspektiba ng multikultural at
multilingguwal na edukasyon. Maisa-isa ang mga susing konsepto ng
edukasyong multikultural at multilingguwal. Makapagmungkahi ng mga
kagamitan at estratehiya sa pagtuturo sa konteksto ng kritikal na pag-iisip
Kalikasan ng Kultura sa Usapin ng Multilingguwalismo
Itoy Paggamit ng sining, kulturang popular, masmidya atbp.
Kinapapalooban ng paniniwala, pagpapahalaga at kinagawian. Nagtataglay ng
pamilyaridad sa lahat ng miyembro ng isang pangkat-wika. Taglay ang
pagbabago batay sa hinihingi ng panahon. Ang Multilingguwalismo ang Krontak
ng mga indibidwal na may magkakaibang wika Natatamo sa tulong ng
pandarayuhan at sosyal midya kontak.
Pagkalantad sa moderno at post modernong perspektiba
Sino ba ang maituturing na multilingguwal? Mga indibidwal na may kakayahang
gumamit ng higit sa isang wika! Paano natatamo? Aktibo (pasalita at pasulat)
Pasibo (pakikinig at pagbasa) Karanasan mula sa kabataan, Karanasan sa
pangkasalukuyan .

Persepsiyon sa Multikulturalismo at Multilingguwalismo. Unibersalisasyon


(impluwensiya tungo sa pagkakaisa) Relatibismo (pagtanggap ng iba)

Konsepto ng Ugnayang Kultural sa Edukasyon Multilingguwal


Asimilasyong Kultural, Akulturasyon, Akomodasyong Kultural, Pluralismo
Bikulturalismo,

Yugto ng Ugnayang Kultural sa mga Mag-aaral. Euphoria, Pagkagitla


Adaptasyon 2 Mahalagang Salik na Dapat Tasahin. Salik Sikolohikal , Salik
Sosyokultural
Ang Salik Sikolohikal dito ang Paghanga at Pagbibigay-papuri (Self-

esteem) Motibasyon (Motivation) Pananabik (Excitement) Saloobin (Attitudes

of the Learners) Proseso ng Pagtatamo ng Wika (Language Acquisition

Process) Estilo ng Pagkatuto (Learning Styles) Estratehiya (Learner Strategies)

Ang Salik Sosyokultural Estado ng wika, Sistema ng Pagpapahalaga,

Kultural na Padron

Mga Inaasahan sa mga Guro sa Multikultural na Klasrum

1. Kontekstuwalisasyon ng Wika

2. Modipikasyon sa Wika

3. Repetisyon

4. Paggamit ng iba’t ibang midya

Mga Estratehiyang Instruksiyonal

1. Pamamahalang Pangwika

2. Paggamit ng Unang Wika

3. Paggamit ng Pagpapalit-wika

4. Kaayusan ng Klasrum

Kagamitang Pampagtuturo sa Multikultural na Klasrum: Dulog Glokal

1. Helicopter Technique - Ang teknik na ito ay makatutulong sa mga mag-

aaral na maiarte ang karakter na kanilang binasa sa kwento o kaya

naman ay isang tula. Tinawag itong helicopter technique dahil ang guro

ang siyang magpapaikot-ikot para sa mahikayat ang mga mag-aaral na

maisagawa ito.

Paraan:
1. Lumikha ng entablado sa loob ng klasrum gamit ang masking tape.

Gawin itong hugis parisukat. Ito ang magsisilbing lugar kung saan

aarte ang mga mag-aaral.

2. Ang naturang entablado ay eksklusibo lamang para sa mag-aaral

na nakatakdang umarte at makipag talastasan.

3. Magtawag ng mag-aaral na siyang aarte ng paborito nilang

karakter sa kwento. Malaya rin silang papiliin kung sinong karakter

ang nais nila. Kung tula naman, magsagawa muna ng rehearsal

para sa kinakailangang emosyon.

2. Komersiyal Pantelebisyon - Pinakamainam na pambukas na gawain

lalot higit magkakakilala na ang mga mag-aaral. Napaghuhusay nito ang

kooperatibong pakikilahok ng mga mag-aaral.

Paraan:

1. Pumili ng limang mag-aaral na mangunguna sa gawain.

2. Hayaan silang lumikha ng 1 minutong komersiyal na magpapakilala

sa pamagat ng isang kwentong binasa nila.

3. I-require sila na bumuo ng islogan (batay sa aral na kanilang

mapupulot).

4. Sa pagpaplano, maaaring manggaya ng isang sikat na komersiyal

gayon din ng artistang gumanap dito.

5. Mahusay na ipakita ito sa klase.

6. Talakayin ang binasang kwento.


3. Suring-Video - Karaniwan na ang panonood ng video ay isang

pasibong gawain para sa mga mag-aaral. Subalit ang suring-video ay

isang aktibong pamamaraan tungo sa mabisang pakikisangkot ng mga

mag-aaral sa talakayan.

Paraan:

1. Pumili ng video na nais maipanood sa mga mag-aaral (maaaring

dokumentaryo o isang nobelang naisapelikula).

2. Bago ipanood, sabihin sa klase na kailangan nilang kritikal na suriin

ang kanilang panonoorin sa pamamagitan ng pagtugon sa

sumusunod:

- katotohanan ng pinanood

- praktikalidad

- hindi malilimutang eksena

- daloy ng pinanood

- aplikabilidad sa kanilang sitwasyon

3. Simulan nang ipanood ang video.

4. Magsagawa ng focus-group-discussion (8-10 miyembro).

4. Malakas na Pagbasa - Ang malakas na pagbasa ay tumutulong sa

mga mag-aaral na makapagpokus ang kanilang isipan, makadebelop ng

katanungan at makilahaok sa talakayan. Nagagawa nitong maging tiyak at

kongkreto ang talakayan.

Paraan:

1. Pumili ng isang tula na nais ipabasa nang malakas sa klase.


2. Ipakilala ang kaligiran ng tula sa klase bago pa man to ipabasa

nang malakas.

3. Pumili ng mag-aaral na may sapat na lakas ng boses.

4. Sa pagbabasa, siguraduhing nakahanda na rin ang video na

kukuha sa tagabasa.

5. Bigyan ng tagubilin ang tagabasa hinggil sa kinakailangang

emosyon ng tula.

6. Ipakita ang video, kung kinakailangan ng pag-uulit, gawin ito. Kung

maaari, iba naman ang pagbasahin ng tula.

5. Ano ang Balita - Ang estratehiyang ito ay isang paraan upang

mahikayat na makisangkot ang mga mag-aaral sa paksang tatalakayin

bago pa man magsimula ang klase. Isang paraan din ito upang higit na

mapalawak ang kanilang kaalaman.

Paraan:

1. Mabigay ng takdang aralin hinggil sa mga balita, artikulo, editoryal

at iba pa na may kaugnayan sa isyung sosyal.

2. Igrupo ang klase at hayaan silang talakayin kung ano ang dala

nilang kainte-interes na balita.

3. Hayaan ang bawat grupo na piliin kung alin ang

pinakakinainteresan nilang paksang napag-usapan.

4. Hayaan itong iulat ito sa klase ng kanilang kinatawan.

Maaari itong gamiting panimulang estratehiya sa pagtalakay ng

mga nobela o maikling kwento na tumatalakay sa mga isyung panlipunan.


Nang sa gayon, makita nila ang kaugnayan nito sa isa’t isa. (Realismo at

Fictional)

6. Computer-Generated Visuals – aPormula: Kabuuang haba ng

pagsasalita + 1 = ?

b. Typeface: Sans serif (Helvetica, Arial, Optima at iba pa)

c. Typesize:

Biswal Pamagat Teksto


Transparencies 30-36 pt. 18-24 pt.
CGV 30-36 pt. 18-24 pt.
Slides 24 pt. 14-18 pt.

Mga Tiyak na Tuntunin sa Presentasyon ng Teksto.

a. Anim (6) na segundong hagod ng mata

b. Anim (6) na linya bawat slide

c. Apatnapung (40) karakter bawat linya

d. Parirala sa halip na pangungusap

e. Uppercase at lowercase sa halip na all capitals

f. Paggamit ng kulay para sa empasis

Mga Tiyak na Tuntunin sa Paggamit ng Kulay

a. Iwasan ang random na pagpili

b. Tatlo hanggang apat na kombinasyon ng kulay

c. Maging konsistent at tiyak

d. Asul at Berde: Kalmadong emosyon

Pula at Kahel: Masidhing emosyon

e. Matingkad na kulay = Kahirapan sa pagbasa


Instruksyung Pamamaraan sa Pagtuturo Ng Multilinggwalismo

Praktikal na Makrong
Instruksyung Paraan/Proseso Kasanayan
Pamamraan
Maaari Ba  Ang Debate: Ang mga mag-aaral ay may
Tayong Mag- sinusunod na set/rubrik ng mga gabay sa Pagsasalita,
usap" pagpapahayag ng mga nais puntuhin o tukuying Pagsulat/
paksa. Pakikinig
 Ang Talakayan: Ang tagapagturo ay hihikayatin
ang buong klase na mag-isip ng mga
impormasyon o opinyon na may kaugnayan sa
isang partikular na paksa.
 Brainstorming: Ang buong klase ay
ineengganyo na magbahagi ng mga kasagutan
sa isang paksa o mga paksa. Lahat ng nalikom
na sagot ay inirerekord.
 Problem Solving: Ang bawat mag-aaral ay
kumakalap ng ilang kasagutan para sa isang
paksang may suliranin. Gumagamit ng
sistematikong pamamaraan upang alamin kung
alin ang pinakamabuting katugunan sa lahat ng
iminungkahi. Ang trial at error na estratehiya ay
isa sa mga karaniwang ginagamit sa pamimili ng
angkop na kasagutan.
 Round Table na Talakayan: Inaanyayahan ang
bawat mag-aaral na magmungkahi ng mga
ideya ng walang halong takot na sila ay
pagtawanan.
 Panel na Talakayan: Apat o higit pang mag-
aaral ang pinipili upang magsilbing panel. Ang
bawat kalahok ay binibigyan ng pare-parehong
panahon upang maibahagi ang kanilang
paninindigan bago magbigay ng karagdagang
kasagutan at ideya ang buong klase.
 Ang Colloquium: (ay isang talakayan na pwede
mag suggest o magtanong ang mga
manonood/mag-aaral) Ang tagapagturo ay
bumubuo ng panel ng mga eksperto upang
tumugon sa mga katanungang inihain ng ilang
kinatawang mag-aaral.
 Ang Case Study: Ang bawat mag-aaral ay
binibigyan ng partikular na datos na may
kaugnayan sa tao o pangyayari. Ang mga
impormasyon ay ginagamit na basehan para sa
talakayan.
 Ang Kolaborasyon: Ang bawat indibidwal ay
nagsasagawa ng mga pinagkasunduang mga
layunin sa pagitan ng kolehiyong seting at ng
local na paaralan, pangkomunidad na
establisyimento, o day care center.

Tanong-  Ang mga tanong ay dapat malinaw at Pagsasalita,


sagot: mabibigyan ng sapat na panahon upang marinig Pagsulat/
at maunawaan ng mag-aaral. Hanggat maari, Pakikinig
iwasan ang pag-ulit ng mga tanong;
 Ang mag-aaral na may maling sagot ay dapat
mahimok sa pamamagitan ng komentaryong
“halos tama” “medyo tama” Hingin ang
kumpletong sagot;
 Kung tahimik ang isang mag-aaral sa tanong,
lumipat sa iba at sabihing pag-isipan pa niya at
babalikan siya maya-maya.

Basa- Ito ang paraan na nagbabasa ng mga Pagsasalita,


Talakay: pangunahing akda nang baha-bahagi, Pakikinig
pagtalakay at pagpapaliwanag dito. Ito ay
maaaring ilakip sa paraang lektura. Ang
paraang ito ay angkop kung nagnanais
magpalalim sa isang piling bahagi ng akda dahil
ito ay mahalaga at nais tiyakin ang pagsapol sa
punto.
Bigyan ng malinaw na interpretasyon at
paliwanag sa binasang akda.

Palihan o Ang pamamaraang ito ay ginagamit sa maliitang Pagsasalita,


workshop mga pangkat. Isinasagawa ito sa pamamagitan Pagsulat/
ng pagbibigay ng maikling direksyon o case Pakikinig
study sa bawat grupo na malapit sa karanasan pagbasa
nila. Ginagamit ito para sanayin ang mga mag-
aaral sa kolektibong pag-iisip. Ang Palihan o
workshop Ilan pa sa mga pamamaraang
maaaring gamitin at makatutulong upang
mapasigla ang pag-aaral ang tulad ng dula
dulaan, bugtungan, tula, awit, salin awit at iba
pa.
Ang "Words  Ang Presentasyon ng Lektura: Ang nilalaman ng Pagsasalita,
of Wisdom" kurso ay ipinapahayag sa pamamagitan ng Pakikinig
berbal na mga pahayag na idinederakta sa pagbasa
buong klase.
 Ang Magkasalungat na Pananaw: Ginagamit
ang mga makakasalungat na mga pananaw
upang mapalawak ang kritikal na pag-iisip ng
mga mag-aaral.
 Ang “Open-Ended” na Kwento: Isang pangyayari
ang ibinabahagi sa klase na may ekspektasyon
na ang bawat isa ay magbibigay ng tugmang
katapusan para sa kwento.

Pagsasalita,
Pakikinig
pagbasa
All the World  Mimetics: Ang bawat mag-aaral ay ginagaya Pagsasalita,
is a Stage ang galaw o gawi na may kaugnayan sa isang Pakikinig
partikular na bagay, damdamin, o katauhan. pagbasa
 Dula-dulaan: Ang bawat mag-aaral ay
tumutugon sa isang isyu, paniniwala o
pangyayari sa pagpapakita ng pisikal at
sikolohikal na katauhan na may kaugnayan sa
isang partikular na ganap.
 Skit: Ang mga mag-aaral ay gumagamit ng mga
simpleng props sa pagsasawa ng isang patikular
na insidente.
 Improbisasyon: Ang mag-aaral ay nagbibigay
ng reaksyon sa isang sitwasyon, na walang
ideya sa nasabing sitwasyon.
 Sociodrama: May mga grupo ng mag-aaral ang
nagpapakita ng iba pang solusyon sa mga isyu
na may kinalaman sa problemang
pangkomunidad.

"Seeing is  Paskilan: Isang paskil na ginagamit upang Pagsasalita,


Believing" ipahayag ang mga anunsyo, paalala, o mga Pakikinig
na mga biswal na bagay na may kinalaman sa isang pagbasa
Pamamaraan partikular na pangyayari o konsepto.
 Mensahe ng Cartoons: Paggamit ng mga
karikatura sa pagbibigay ng kahulugan sa isang
ideya.
 Mga Gamit at Materyales sa Silid-aralan:
Nakapaloob dito ang iba’t ibang uri ng art,
puzzles, makukulay na bagay, malungkot na
dula, magnetikong dula, mga laruang
edukasyunal, mga instrumentong pantugtog,
agham ekolohiyang mga bagay, paggamit ng
projector, at iba pang gamit na kinakailangan
para sa epektibong pagtuturo.
 Graph o Tsart: Mga grapikong ilustrasyon na
may mga trends at paghahambing.
 Modelo: Mga bagay na ginagamit para sa mas
malalim na eksaminasyon. Pangkaraniwan sa
mga modelo ay madaling gamitin, napaghihiwa-
hiwalay, at muling nabubuo.
 Pamplet, Leaflets o Booklets: Mga bagay na
gumagamit ng magkakatulad na pormat sa
pagbubuod ng impormasyon.

Lektura:  Tiyaking nakaayos na sa pwesto at tahimik ang mga mag-


aaral at ang paningin ng mag-aaral ay nakapokus na sa
harapan o sa guro;
 Magbigay ng kaukulang pansin sa epektibong paggamit ng
boses. Iwasan ang isang tono ng boses. Iayon ang tono ng
boses batay sa nais na bigyang diin ng punto;
 Panatilihing maingat sa pananalita at palagiang magkaroon
ng eyecontact sa mga mag-aaral;
 Gumamit ng simpleng paraan at lengguwahe sa paglalahad
ng prinsipyo upang madaling maunawaan ng mag-aaral;

You might also like