Professional Documents
Culture Documents
Robot
Robot
Robot
FROE ROGUIS
Dahan-dahan kong hinaplos ang mga bago kong de-metal na laruan.
Robot, espada, baril-barilan, beyblade, at mga sasakyang de remote
control. Subalit ang pinakagusto ko sa mga ito ay ang Robot. Pwede mo
itong utusan at ito’y susunod, pakilusin kung kailan mo gusto, kayang
magbuhat ng mabigat at higit sa lahat nag-iiba ang porma nito. Nagiging
kotse ito, nagiging korteng aso, depende kung anong anggulo mo gusto.
Pinakamahal ito sa lahat ng padala sa akin ni daddy, dahil ito daw ang
pinaka-latest na robot ng The Transformers, na hindi pa dumadating sa
Pilipinas kaya ako palang talaga ang may ganitong laruan. Mariin ang
pagkakaukit ng mga letrang MADE IN SAUDI ARABIA.
“Oh ano Kiko, nagustuhan mo ba ang mga padala kong laruan?” sabi ng
boses sa telepono.
“Opo daddy.”
Ah, buti nalang, ang daddy ko hindi namumulot, bumibili siya ng pechay,
at nakakakain ng nilagang baka, sa isip-isip ko ulit.
“Pechay ang pinupulot namin, ‘yun lang ang nagkalat sa palengke, kahit
bulok na pinipili nalang namin yung tangkay, pwede pang pagtiyagaan
kainin, ang iba’y mahal na ang presyo. Wala na kaming pera kaya din a
namin kaya bumili. Minsan nakakakain kami ng nilagang baka kapag
dumadalaw sa amin ang nagboluntaryong Pilipinong nurse. Nakalagay
sa itim na plastic ang pinagsama-samang pagkain. Kahit tira-tira sa
ospital ang mga nilagang baka na iyon, ang mahalaga nalalamanan ang
aming sikmura.. Tuwing madaling araw namin inaabangan ang
pagdating ng nurse, dahil pinagbabawal ang pagtulong na ginagawa
niya, tinatakas lang kasi niya sa ospital ang mga binibigay sa amin.
Naiiyak nga ako sa tuwing maaalala ko yun, nag-aagawan talaga kami sa
pagkain dahil gutom na gutom,” dagdag pa ng manong. “Nang
isinalaysay naming ang kalagayan namin sa agency naming yung
nangayari sa amin doon, nagalit ang agency naming dahil nagpapadala
pala sila ng food allowance para sa aming OFW, saan napunta ang
budget na ‘yon!”
Nakakatawag pa sa amin ang daddy ko kaya sigurado ako hindi siya isa sa
mga kinukulong.
Ang daddy ko, kailan siya uuwi? Bakt hindi namin nalaman ang tunay na
kalagayan niya sa Saudi? Hindi pala pinupulot ang perang pinapadala
niya sa amin.. Akala ko isang karangalan sa pamilyang Pilipino ang
magkaroon ng kaanak na OFW, pero parusa pala… Akala ko ba bayani
silang tinuturing ng ating pamahalaan? Bakit hindi sila matulungan?
Kailan kaya siya ulit tatawag? Noong nakaraang buwan pa siya huling
tumawag ah..