Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lihim na Pagtingin Salamat, salamat sa pagbibigay ng ligaya sa buhay ko.

ni G.A.L.O. Ayoko naman pangunahan sa desisyon si kupido

Dahil kung maging tayo man sa huli, tayo talaga.


Mga salita at katagang nais sambitin
Pero kung hindi sana mahanap mo ang kaligayahan sa
Sa taong matagal nang laman ng aking damdamin. iba.

Mahirap? Oo sa simula, pero kakayanin

Dahil umaasa ako sa huli na magiging akin ka din.

Paasa? Hindi ka naman ganun,

Umasa? Wala naman sigurong masama dun.

Basta ang alam ko lang sa ngayon dito ako masaya,

Lalo na’t pag nandyan ang ‘yong presensya, aking sinta.

Masaya ako ng walang dahilan,

Nami-miss kita pero wala akong karapatan.

May mga pagkakataon ngang gusto kitang lapitan,

Pero sa bawat pag hakbang, kaba ang nananaig at


nararamdaman.

Ikaw, Ikaw ang depinisyon ko ng salitang bituin,

Bituin sa kalangitan na kay hirap abutin.

Sa sobrang hirap mong tansyahin

Hindi tuloy kita kayang akitin.

Maraming babaeng nagkakandarapa sayo,

Sino ba naman ako para magustuhan mo

Di hamak na simpleng babae lang naman ako

Pero sana mapansin mo din naman ang presensya ko.

You might also like