Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MGA KULTURA AT TRADITION NG MGA

PILIPINO
PAGMAMANO

Ang pagmamano ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang paggalang sa


nakatatanda. Tinutukoy nito ang pagkuha sa kamay ng nakatatanda at paglapat nito sa noo, sabay
ang pagsabi ng mano po. Madalas itong ginagawa bilang pagbati sa pagdating o bago umalis.
Maagang itinuturo sa mga bata ang pagmamano bilang isang tanda ng paggalang.

BAYANIHAN

Ang bayanihan ay isang katagang Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na maaaring tumukoy
sa isang komunidad. Ang salitang bayanihan ay tumutukoy naman sa pagkakaisa ng isang
komunidad para sa isang layunin.
PAGDIRIWANG NG PISTA

Ang pista ay isa sa mga malalaking pagdiriwang na ginugunita bawat taon sa iba’t ibang dako ng
Pilipinas. Tampok dito, saan mang lugar sa kapuluan, ang mga makukulay na parada, mga
katutubong seremonya, sayawan, paligsahan, at masasaganang handaan. Ang panahon ng
kapistahan ay isa rin sa mga pinaka-inaabangang pagdiriwang na patuloy na dinarayo ng mga
turista taun-taon.

BAGONG TAON

Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito
bago maghating-gabi ng Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan
pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong
sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family reunion. Dito ipinapakita ang
pagbubuklud-buklod ng pamilya.
SIMBANG GABI

Ang Simbang Gabi ay isang kinaugaliang pagdaraos ng Santa Misa sa Pilipinas tuwing panahon
ng Kapaskuhan.

FLORES DE MAYO

Ang Flores de Mayo ay ang pista ng bulaklak na ipinagdiriwang ng mga Filipino sa buong
buwan ng Mayo bilang pagbibigay parangal kay Birheng Maria. Bawat isang araw sa buong
buwan ng Mayo ay naghahandog ng bulaklak kay Maria para sa kaniyang taglay na huwarang
kalinisan at kabutihan.
PO AT OPO

Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at


"Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng
kuya, ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.

BARONG AT SAYA

Ang Baro't Saya ay ang pambansang kasuotang pambabae ng Pilipinas na binubuo ng manipis at
binurdahang pang-itaas, at palda o saya na makulay at kadalasang guhitan.
CARIÑOSA

Ang Cariñosa (o Karinyosa) ay isang magiliw na sayaw ng magkaparehang babae at lalake na


animo'y nasa aktong nagliligawan. Taong 1992 nang palitan nito ang Tinikling bilang
pambansang sayaw ng Pilipinas.

ARAW NG PATAY/UNDAS

Ang Araw ng mga Kaluluwa, o All Souls' Day sa Ingles, ay ang pag-alaala sa mga
mananampalayatang sumakabilangbuhay. Ang pagdiriwang ng mga Romano Katoliko ay
nakabatay sa doktrina na ang mga kaluluwa ng mga mananampalataya sa kanilang kamatayan ay
hindi pa nalilinis sa mga kasalanang mortal.
IPINASA NI: LEO S. LABAYOG

IPINASA KAY: RECHELL GRAGASIN

You might also like