Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Cellphone Policy:

Kayhirap sundin

Ayon sa pag-aaral ng Student Pulse sarbey galing sa Top Hat na 94% ng mga kabataan ang
gustong gumamit ng cellphone para sa pang-akademikong kadahilanan. Pero ayon naman sa
ginawang pananaliksik ni Louis-Philippe Beland at Richard Murphy, na inilimbag ng Centre for
Economic Performance sa London School of Economics na ang pagbabawal ng pagdadala ng
cellphone sa loob ng paaralan ay nakakataas ng lebel ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pag-
aaral. Ayon sa pag-aaral na ito mas nakakaiwas sa gulo ang mga mag-aaral kung walang dalang
mga cellphone sa loob ng paaralan.

Sa aking pag-iikut-ikot sa loob ng kampus at batay sa aking mga nakita, mayroon pa ring
mga mag-aaral ang hirap na sumunod sa patakarang ito. Ang paggamit ng cellphone ay
kadalasan kong nakikita kapag walang guro sa harapan, hindi pa nagsisimula ang klase o di kaya
ay pagkatapos nito. Ito ay ipinapatupad ng paaralan sa kadahilanang gusto ng paaralan ng
mabigyan ng sapat na atensyon ang pag-aaral na walang hadlang o disturbong nakaambang. Ang
pagdadala ng cellphone sa loob ng paaralan ay nakakabahala dahil maraming ng mga Apps
ngayon sa internet ang nakaka-akit sa mga mag-aaral na siyang sanhi ng kawalan ng gana sa
pakikinig o kawalang interes sa pag-aaral.

May mga pagkakataon na ang gadyet na ito ay nakatutulong din para makipag-ugnayan
sa kanilang mga anak sa paaralan. Ngunit hindi rin mapipigilan na ang paggamit nito sa iba pang
mga bagay gaya ng paglalaro o pagbubukas sa mga social networking sites imbis na mag-aral sa
mga leksyon, magbasa ng aklat o kaya ay makipaghalubilo sa ibang mga kaklase.

You might also like