Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Perstaym

Lakbay Sanaysay na Isinulat ni Christine Joyce L. Layug

Sa unang pagkakataong paglayag sa

himpapawid sa pook kung saan tiyak na

masasaksihan ang nagsisi-gandahang tanawin ay

kasabikan ang namutawi sa aking damdamin.

Kasabikang dulot ng kagustuhang umeskapo sa

ilang araw ng pagpapagal sa pag-aaral at

pagtatrabaho. Kasama ang aking pamilya, kami

ay nagdesisyong mag liwaliw at dahil sa ilan sa parteng Luzon na ang aming napuntahan gaya ng

Baler, Palawan, Ilocos at Bataan ay nag desisyon kami na maranasang makapagbakasyon ng

ilang araw sa parteng Visayas, sa CEBU.

Masasabi kong sa lahat ng aming mga napuntahan upang magliwaliw, ang Cebu ang

aking pinaka nagustuhan. Hindi lamang sa may magagandang tanawin ito kung madaming mga

aktibidad na pwedeng gawin dito tulad ng Island Hopping, Rappeling, Caving, Scuba Diving,

Spelunking at ang pinakagusto ko sa lahat ay ang Canyoneering kung saan pinaka nag enjoy

kaming magpapamilya.

Matapos ang isang oras at sampung

minuto ng biyahe namin sa himpapawid, hindi

pa man nakakaalis ng palapagan ay sinalubong

na kami ng mga babaeng may katutubong suot at

sumasayaw ng “Surtido Cebuano,” isa sa mga


Kuha mula sa kwartong aming tutuluyan
sikat na katutubong sayaw sa Cebu.
Matapos ang 45 minutong biyahe,

narating namin ang J. Park Hotel & Resort kung

saan kami magche-check – in. Magagandang

tanawin, swimming pools, outdoor activities at

mga kakaibang padulasan ang nakakaakit sa

lugar na ito. Kapansin-pansin ding halos mga


Larawang kuha sa J. Park Hotel kasama ang aking pamilya.

taga-ibang bansa ang mga turista, katunayang ito ay dinaragsa at tinatangkilik ng sinuman.

Isa sa mga tinatangkilik dito ay ang giant slides na

pinakatampok sa nasabing hotel na maging ang aking buong pamilya

ay sinubukan ito at siyempre hindi ako magpapatalo kaya sinubukan ko

ito sa kabila ng panginginig ng aking katawan dulot ng nerbyos ngunit

sa huli ay nasiyahan ako kaya hanggang sa apat na beses ay nasubukan

ko. Hanggang gabi ay nagtampisaw kami sa mga swimming pool at

dagat. Nakapagsagawa rin kami ng mga outdoor activities tulad ng bon

fire, volleyball at live band na siyang nagbigay kulay sa gabi naming pamamalagi sa hotel.

KAWASAN FALLS CEBU CANYONEERING

Kinabukasan, naghanda kaming lahat at binaybay

ang lalawigan ng Alegria kung saan matatagpuan

ang Kawasan Falls, ang pinakasikat na tagpuan

kung saan isinasagawa ang Canyoneering na

maituturing kong pinakamalupit sa lahat ng


Unang bahagi ng aming paglalakbay sa
matatalim na bato. adventure namin sa Pilipinas.

Pagtunton namin sa nayon ng Alegria, nag antay kami ng ilang mga taga lalawigan na

gugustuhing maging tour guide sa aming paglalakbay na ito. Makikita sa tagpuang iyon ang mga
bahay kubo na may nakapaligid na mga kawayan. Nag abot kami ng 1,500 pesos na masasabi

kong napakasulit sa limang oras na paglalakbay bago matunton ang Kawasan Falls.

Ang paglalakbay ay nagsimula sa mabato-batong daan ngunit bago naming ipagpatuloy

ang paglalakbay ay ipinasuot muna sa amin ang mga life vest at helmets at kami ay nanalangin

para sa aming seguridad. Ang aming tour guide na si Mang Miguel ay parang spiderman dahil sa

pagiging liksi sa pagtalon at pag tawid sa mga madudulas at matatalim na bato.

Nang makita namin ang ilog sa unang pagkakataon, lahat kami ay

namangha dahil kahit kailan ay hindi pa ako nakakita ng ilog na kulay

turquoise blue na nangangahulugang napakalinis ng tubig. Ang aming

mga tour guide ay nagsisipag-sigawan na kami ay tumalon. Ninenerbyos

ako lalo pa’t sa unang pagtalon namin ay malalim na agad ang aming

tatalunan samantala ang aming mga tour guide ay nagsipag-backflipped

pa sa ilog at matapos non ay nag pumilit akong tumalon at di ko

matatanggi na sobra akong natakot.

Matapos ang ilang oras ay natunton na namin sa wakas ang

kawasan falls at hindi pa natatapos ang lahat dahil sa talon na iyon

na may taas na 30 talampakan ay maari mong subukan na tumalon.

Ito ang pinakamataas na talon na pwede mong maranasan kapag

ikaw ay magcacanyoneering sa Cebu.

Pagkatapos subukan ng aking kuya at mga ate na tumalon sa

Kawasan Falls ay mag nag-aantay nang kubo na nakalutang sa ilog


Selfie muna bago manginig sa
nerbyos! at doon ay may mga nakahapag nang pagkain para sa amin. Isa sa

mga inihanda ay mga lutong bahay tulad ng Sinigang na Hipon, Inihaw na Bangus, Danggit at

Kinilaw at para sa meryenda ay natikman namin ang katutubong pagkain ng mga Cebuano na

nakuha raw nila sa mga Intsik, ang “Siomai sa Tisa” na sabi ni Mang Miguel ang Tisa ay isang
barangay sa Cebu at maging ang tinatawag nilang “Ginabut,” ang kakaiba nilang bersyon ng

chicharong bulaklak kung saan may pinalamanang baga ng baboy. Natitiyak kong hindi ko

malilimutan ang karanasang ito na hindi lang dahil sa nakasama ko ang aking pamilya kundi

nasaksihan din namin ang kamangha-manghang tanawin na nilikha ng Diyos.

Narito ang ilan pang mga larawan:


Sayaw Tagumpay

Replektibong Sanaysay na Isinulat ni Christine Joyce L. Layug

Muling sinubok ang katatagan at kaisahan naming magkakaklase nang inanunsyo sa amin

na magkakaroon kami nang kinakailangan na siya rin namang magiging final exam sa

asignaturang Pisikal na Edukasyon.

Mula sa halos isang buwan na pag-eensayo, bugbog sa katawan, gabi-gabing pag-uwi,

uhaw, pagod, sunod-sunod na gastusin, pangangaral mula sa aming mga guro, mga pagsubok

tulad ng nawalan kami ng malaking halagang pera at dagdag pa ang sermon ng aming mga

magulang ang inabot ng karamihan sa amin. Naranasan din naming ang hindi pagkakaunawaan

sa ensayo na hindi naman maiiwasan dahil dala na rin ng puyat at pagod ngunit ang aming mga

mga isipan ay nakatuon parin sa hangarin naming magtagumpay sa aktibidad na ito. Isa rin sa

nagging inspirasyon naming ay walang iba kundi magdulot ito ng kasiglahan at kasiyahan sa

aming mga magulang ngunit hindi pa rin nawawala sa kanila ang pag-aalala sa amin lalo na

kapag ginagabi kami ng uwi at ang ilan sa aming mga kaklase ay napakalayo pa ng uuwian

ngunit sa kabila ng kanilang pag aalala ay ganun din naman ang suporta sa amin ng pagmamahal

at pagmamalasakit. Isa pa sa mga mabubuting bagay na naidulot ng aktibidad na ito ay

napatunayan naming na kahit na may iba’t ibang grupo kami ng kaibigan ay makikitaan pa rin

kami ng pagkakaisa bilang nasa iisang pangkat at hindi rin naming malilimutan na tumawag sa

Ama sa iisang tinig upang ang lahat ng mga ginugol namin ay magbunga ng pagtatagumpay

sapagkat yun ang aming pananampalataya na mababalewala ang lahat ng sakripisyo kung wala

ang pagtulong Niya.

Balewala ang pagod at lahat ng mga sakripisyo nang magbunga ang aming pagpapanata.

Nagkamit ng natatanging pagtatagumpay matapos naming magtanghal sa cheerdance. Ang

pagtatagumpay na ito ay inaalay namin sa aming pangkat bilang STEM – A, sa aming mga guro

na patuloy na nagmamalasakit, sa aming mga magulang na walang sawang nagmamahal at higit


sa lahat, ang lahat nang ito ay kapurihan na ibinabalik namin sa Panginoong Diyos na Siyang

tumugon at tumulong sa amin.


Yumao kong Ama

Larawang-Sanaysay na Isinulat ni Christine Joyce L. Layug

Maswerte ang mga batang lumaking may ama

Lalo na kung ginabayan at inalaga an sila

Di katulad kong ni minsan ay hindi ko maalala

Tanging sa mga lit rato ko na lamang nakikita

Mula sa pagmamahal mo sa aming mag – iina

Mula sa pagmamalasakit mo sa iyong nasasakupan

Hanggang sa pangangalaga sa Kaniyang kawan

Ay magiting kang nanindigan sa iyong karapatan

Sa pagiging mong kabiyak

Hanga ang mga nakakasaksi sa inyo ni mama

Dahil marami ang suliraning inyong sinalunga

Patuloy na magkatuwang ninyong hinarap


Ang iyong pagiging ama sa amin

Ay kailanma’y di mapaparam

Payo at pagsaway itatanim sa aming puso

At ito ay aming lalakaran tungo sa kaligtasan

Kaya pangako ko naman sa iyo

Itutuloy ko ang iyong nagging takbo

Tatanggapin ang biyayang ministeryo

Magiging mabisang katuwang ng isang katulad mo

At tatapusing matuwid ang takbuhin kong ito.


Martial Law: Patayin ang Nakaraan

Posisyon Papel na Isinulat ni Christine Joyce L. Layug

Isa sa mga pinaguusap-usapan at pinagkakaguluhan magpasa hanggang ngayon ay ang

usapin sa martial law. Mga ralihistang kabataan pa ang mga nangunguna para ipaglaban ang

kanilang hinanaing ukol sa karahasan ng nakaraan. Bago ko simulan ang lahat, ano nga ba ang

martial law? Ayon sa Merriam Webster, sinasabi na nasa militar ang kapangyarihan na

manipulahin ang isang lugar. Kailan ba ipinatupad ni Pangulong Marcos ang batas militar sa

Pilipinas?

Sa bisa ng Proclamation No. 1081 na nilagdaan ni Marcos, ipinatupad ang batas militar sa

buong Pilipinas. May mga nagsasabing nilagdaan ni Marcos ang proklamasyon Setyembre 17 o

Setyembre 22, 1972, ngunit Setyembre 21, 1972 ang petsang nakasaad sa dokumentong

nilagdaan ng dating pangulo. (Philippine History & Its Culture)

Napapaisip din ako kung ano nga ba ang mga ipinaglalaban lalo na ng mga kabataan

ngayon ukol sa martial law kung wala naman sila sa panahong iyon? Nagtataka ako kung bakit

galit na galit ang mga ralihistang kabataan na naglalaan pa ng oras para lang sa mga

kadahilanang wala namang nakalaan na ebidensya para sa kanilang pilit na ipinaglalaban. Aking

natunghayan ang ilang mga pahayag ng mga katandaan sa isang balita, na tila mga nagtataka

kung bakit ganun ang mga kabataan ngayon, sila’y nagwewelga at ang iba ay wala namang alam

kung bakit nga ba sila nagwewelga, maging ang mga batang paslit ay makikita mong kasama ng

mga taong ralihista sa daan. Hindi pa man sila ipinapanganak noong panahong iyon, pero puno

sila ng galit lalo na kay Ex-President Ferdinand Marcos. Sinisisi nila si Marcos dahil sa mga

masasamang karahasan ng kanilang mahal sa buhay na inabuso at pinatay sa panahong iyon.

Pero alam ba natin ang nasa likod ng mga masasamang balita tungkol sa martial law? Mahilig

tayong bumatikos kapag nabalitaan natin na masama nga ang dulot ng isang bagay. Yung tipong

lahat gagawin maipaglaban lang ang nais ipaglaban. Ano ba ang magandang naidulot ng martial
law? Dahil nga mahilig tayong mag generalize, makita lang natin ang isang mali sa isang bagay,

para sa atin mali na lahat.

Sa katunayan, marami ang magandang naidulot ng martial law, nakita natin kung paano

naging disiplinado ang mga Pilipino sa panahong iyon dahil sa panahon ngayon kulang na

kulang tayo pagdating sa disiplina, pero dati napatino ang mga Pilipino at talagang mapipilitan

silang maging matinong tao. Isa sa magandang proyektong nagawa ni Ex-President Marcos ay

ang mga daan upang mapadali ang ruta ng bawat probinsya. Nabawasan ang kriminalidad.

Lumaki ang produksiyon ng agrikultura. Nabawasan ang mga trahedya. At ang ating ekonomiya

ay napaganda, sa panahon ni Marcos, ang katumbas ng piso ay isang dolyar pero sa panahon

ngayon ay umabot na ng mahigit P50.00 ang isa ng dolyar.

Balikan natin kung ano ang martial law. Ito ang pagmamanipula ng militar sa ating bansa

dahil nasa kanila ang kapangyarihan na manipulahin tayo. Ang kapangyarihan ay nasa Presidente

lamang at siya lamang ang may karapatan sa lahat, maging sa pagsusumite ng mga agarang batas

noong panahong iyon. Hindi ko ikakaila na maraming namatay at maraming nakaranas ng mga

pang-aabuso sa panahon ng batas militar ni Pangulong Marcos dahil inabuso ang kapangyarihan

na mayroon ang nakatataas. Ngunit nakita ba natin ang mga magagandang epekto ng

pagpapatupad ng martial law sa ating bansa? At dahil nga naging biktima tayo ng karahasan,

iniisip na natin lahat ng masamang bagay ukol sa martial law, hindi natin kayang tanggapin na

kayang baguhin ng martial law ang nabubulok na sisitema ng ating bansa kaya patuloy pa rin

tayong naghihirap at nagdudusa sa mga umuusbong pa na suliranin ng ating bansa dahil nalason

na tayo ng galit at poot ng nakaraan. Iba na ang noon sa ngayon, hindi porket naging masama

ang naidulot ng batas militar noon ay masama na rin ang maidudulot ng martial law ngayon.

Magtiwala tayo sa namumuno dahil nangangako naman siya na lahat ay maisasaayos.

Ang iba namang kabataan mahilig makisangkot sa gulo na hindi naman dapat nila

kasangkutan. Hindi naman sila nabuhay noong panahong iyon pero mas marami pa silang
hinanaing at reklamo kaysa sa mga biktima ng nakaraan. Sa totoo lang, masyadong mababaw

ang isip nating mga Pilipino tungkol sa mga kaaway, tama nga si Gen. Luna sa kaniyang sinabi

na, hindi Amerikano o anumang dayuhan ang kaaway natin, kundi ang ating mga sarili o tayong

mga Pilipino mismo. Mahilig tayong pumuna sa mga nakikita natin na hindi nakikita kung ano

nga ba ang totoong nangyari. Kahit anong gawin natin kung hindi naman tama ang ipinaglalaban

natin, hindi talaga natin mahahanap ang hustisya na matagal mo ng hinihintay. At kung ang

ipinaglalaban mo ay talagang wala ka namang alam at hindi mo naranasan at malaki ang

posibilidad na wala kang makakamtan na katarungan dahil ikaw mismo hindi mo nalalaman

kung bakit ka naroroon, kung bakit mo ginagawa ang bagay na iyon at kung bakit ka pa

lumalaban kung di mo naman alam kung ano ang ipinaglalaban mo. Masyadong mababaw kung

titingnan natin hindi ba? Wala naman tayong alam pero nakikisangkot pa tayo sa mga bagay na

yun. Sa patuloy na pag-iisip sa multo ng nakaraan, wala ka ng mababago dahil tapos na at

nangyari na. Kung may ipinaglalaban ka man, subukan mo munang tingnan ang totoong

nangyari at hayaan mong maunawaan mo ang kagandahan na naidulot ni Marcos sa

pagpapatupad ng martial law para na rin hindi maging mabigat para sa iyo na kalimutan ang

lahat.

Huwag tayong magpakabulag sa mga bagay na akala natin yun ang katotohanan dahil sa

impluwensya ng ibang tao, palayain na natin ang ating sarili sa kadena ng masamang karahasan

dulot ng mga mapang-abusong tao. Maaaring sasabihin niyo na hindi naman ako nakaranas o

walang nakaranas na mahal ko sa buhay sa panahon ng martial law ng mga karahasan pero

patuloy mo lamang sasaktan ang iyong sarili kung hindi mo pa bibitawan ang bagay na dapat

binitawan na. Hayaan na nating ang Diyos ang maghusga sa tunay na may sala, dahil ang Diyos

lamang ang may karapatan na humusga sa tao. Lahat ng paghihirap ay napagtagumpayanan na at

tinapos na. Huwag rin nating sisihin ang taong akala natin ay siya ang may sala ng lahat, mahirap

humusga kung wala namang ebidensya. Maayos na ang mundo natin ngayon kahit may mga ilan
pa ring natitirang dumi lalo na sa politika pero naniniwala naman ako na ang lahat ay

maisasaayos at maitutuwid na sa mga susunod na panahon.

Nawa makuha rin natin ngayon ang magagandang naidulot ng batas militar at ni Marcos

sa ating bansa upang maibalik natin kung paano naging maayos at maganda ang lahat lalo na ng

pagiging disiplinado ng mga Pilipino. Mamuhay na lamang tayo ng payapa at iwasan ang mga

bagay na magpapalala pa sa problemang kinakaharap ng ating lipunan ngayon.


Talambuhay ni Joyce
Bionote na Isinulat ni Christine Joyce L. Layug

Ika-9 ng Setyembre taong 2000, sa oras na ika-2 at

tatlumpu't dalawa ng hapon nang isinilang ng may-bahay na si

Rowena L. Layug ang kanilang bunsong anak ni Pedro C. Layug

Jr. na si Christine Joyce L. Layug.

Si Joyce ay pang apat sa magkakapatid. Ang kanilang

panganay na kapatid ay si Peter John Layug na may edad 30 na

kasalukuyang may pamilyang nakabukod na at nakapagtapos ng

kursong Business Management, ang pangalawa naman na si Desire

Joyce Layug-Tiomico, 29; ay may asawa na rin na nakapagtapos din ng Business Management at

ang ikatlo na si Cristina Layug, 27; na

nakapagtapos ng Accounting at kasalukuyang

nagtatrabaho sa paaralan bilang Univesity

Secretary kilalang unibersidad sa lungsod ng

Angeles, samantalang si Joyce na lamang ang nag

aaral at kasalukuyang nasa ika-12 baitang sa New

era.

Ang kaniyang ama na ministro sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay namayapa noong taong

2004 at nasa edad 3 pa lamang si Joyce noon. Mula sa taong iyon, ang nanay na lamang nila ang

nagtaguyod sa kanilang apat na naging inspirasyon ni Joyce sa kaniyang pagsusumikap sa pag-

aaral. Mula pagkabata ay nakikitaan na ng pagsusumikap sa pag aaral si Joyce dala ng lagi nyang

nakikita ang paghihirap ng kaniyang ina sa paghahanapbuhay para sa kanila. Kaya noong

elementarya ay nakapag tapos si Joyce na may karangalan bilang 8th honor at pagtungtong niya

sa Junior Hayskul ay nakapagtapos siya bilang Valedictorian at hanggang ngayon ay

namamalagi ang kaniyang pagiging achiever.


Naniniwala si Joyce na ito ay hindi bunga ng kaniyang

katangian o sariling karunungan dahil ang pananampalataya niya

ay gawa ito ng Panginoong Diyos dahil bata pa lamang siya ay

tinuruan na siyang maging mapanalanginin na hanggang sa

kaniyang paglaki ay dala dala niya ito. At higit na

ipinagpapasalamat niya ang pagkaraos ng kanilang sambahayan

matapos yumao ang kanilang ama.

Ang mga pagsubok na kanilang nasagupa ay ang nagsisilbi niyang inspirasyon sa

pagharap sa anomang hamon ng buhay at naniniwala siya na hindi man niya makamit ang

kaniyang mga pangarap ay nababatid niyang anomang mangyari ay kalooban sa kaniya ng Diyos

sapagkat ang pananampalataya niya ay mas maganda ang hangarin sa Kaniya ng Diyos kaysa sa

sarili Niyang hangarin.


NEW ERA UNIVERSITY
PAMPANGA BRANCH

Mental Health Awareness


Ika-9 ng Oktubre, 2018
Ika-9 ng Umaga
Multi-Purpose Hall *High School)
McArthur Highway, Barangay Dela Paz
City of San Fernando Pampanga

MGA BAHAGI NG
KATITIKAN O PAKSA GAWA NG
SEMINAR

Bago simulan ang programa ay


humingi muna ng tulong at
Paunang Panalangin Sa pangunguna ng kapatid na
kapayapaan sa pamamagitan ng
Carlo Rulfo.
panalangin sa ikatatagumpay ng
programa.
Pinakilala ang tagapagsalita
maging ang ilang mga
Pagpapakilala sa Tagapagsalita impormasyon ukol sa kaniya tulad Ipinakilala ng kapatid na Carlo
ng kaniyang natapos, Rulfo.
kasalukuyang okupasyon at iba
pa.
Tinalakay ang ilang impormasyon
tungkol sa depresyon upang
Ang tagapagsalita na si Kapatid
Pagtalakay sa Paksa magkaroon ng kamalayan at
na Isaias Db. Reyes II.
makasunod ang mga tagapakinig
sa usapin.

Pagpapanood ng mga Audio Ang mga video ay tungkol sa mga


Ang tagapagsalita na si Kapatid
Video Presentation (AVP) kaso ng depresyong naitala at ilan
na Isaias Db. Reyes II.
pang motivational clips.

Ang tagapagsalita ay nagbigay ng


mga payo sa pamamagitan ng
pagdiskurso tungkol sa terminong
Ang tagapagsalita na si Kapatid
Pagbibigay Payo Grit na nangangahulugang
na Isaias Db. Reyes II.
perseverance at resilience na
siyang dapat taglayin ng mga
mag-aaral.
Ang tagapagsalita ay nagtanong
sa mga tagapakinig tungkol sa
Ang tagapagsalita na si Kapatid
Interaksyon kanilang mga nagging karanasan
na Isaias Db. Reyes II.
dahilan para maging tentatibo ang
mga tagapakinig.
Nagbigay ng ilang talata ng
Ang tagapagsalita na si Kapatid
Pagpapalakas Bibliya ang tagapagsalita bago
na Isaias Db. Reyes II.
matapos ang usapin.

Panalanging pangwakas at
Sa pangunguna ni Kapatid na
Pansarang Panalangin pagpapasalamat sa matagumpay
Caesar Amandy
na usapin.

Inihanda ni: Pinagtibay ni:

CHRISTINE JOYCE L. LAYUG MS. RIKKA MAE M. DACILLO


Kalihim Opisyal na Tagapamahala
Alamat ng Langgam

Ibinuod ni Christine Joyce L. Layug

Noong unang panahon, sa isang bayan, may isang mag-anak na kilala sa kasipagan.

Magmula sa ama, ina at mga anak. Sila ay maagang nag tatrabaho pagsikat pa lamang ng araw.

Marami ang naiingit sa kanilang kasipagan. Ang kasipagan ng mag anak ay mapapansin sa

tuwina anihan sapagkat masagana ang kanilang ani.

"Sila ang gayahin nyo para umunlad," Saad ng matatanda sa iba

Isang araw, nagkaroon ng labis na tag gutom sa kanilang bayan. Napinsala ng baha ang lahat ng

pananim.Karamihan sa taga doon at hindi nakapag imbak ng makakain. Mabuti na lamang at

may magandang loob ang mag-anak sapagat inihati nila sa mga kababayan ang kanilang naipong

ani.

"Maging aral sana sa lahat ang pangyayaring ito" saad ng ama ng pamilya

"Napakayabang mo naman, nakapag bigay ka lang ng kaunti ay ang dami mo ng sinabi" wika ng

isa

"Walang akong intensyong masama. Ibig ko lang iparating na tayong lahat ay maging handa sa

panahon ng pagsubok"

"Ang sabihin mo ay mayabang ka dahil kailangan pa naming umasa sa inyo" Muling saad ng

lalaki

Natigil na lamang ang diskusyon ng mamagitan ang isang matanda at sinabing

magkasundo na lamang kesa mag away. Hindi inaakala ng lahat na mag bubunga ng trahedya

ang away na yon sapagkat ang lalaking nainsulto ay makitid ang pag iisip. Gumanti ito. Sinunog

nito ang bahay ng pamilya at humantong sa kamatayan ng mga ito. Nagluksa ang buong bayan.
Ilang buwan matapos ang libing ng mag anak, may dalawang matanda ang pumunta sa

nasunog na bahay. Agad nilang napansin ang maliliit na insekto na tila naka hanay at may dalang

butil na inipon sa tirahan nila. Nagkatinginan ang dalawang matanda, alam nilang iyon ay ang

masisipag na mag-anak. Tinawag nila ang mga insekto bilang "Langgam."


Kabanata 45 – Nagtanghal si Donya Maria

Ibinuod ni Christine Joyce L. Layug

Naghandog din si Donya Maria ng isang regalo para sa magkakasal na kayang

magpapasaya sa mga magkakasal. Ang regalo ay isang prasko na may negrito at negrito na

sumasayaw. Nagsasalita din ang mga negrito at negrita na binigay ni Donya Maria, at sinasabi ng

negrito at ng negrita ang mga pinagdaanan ni Don Juan at Donya Maria, at tuwing natatamaan

ang negrito nasasaktan si Don Juan.

Si Donya Maria ay galit na galit kay Don Juan. Kinuha niya ang prasko upang gunawin

ang buong reyno. Bumalik naman ang isip ni Don Juan.

Naghingi siya ng patawad kay Donya Maria. Nagsabi si Donya Leonora sa nangyari.

Sinabi din ni Don Juan na mahal na mahal parin niya si Donya Maria. Ihinandog niya si Leonora

kay Pedro.
Tula na Isinulat ni Christine Joyce L. Layug

Nagsimula tayo sa isang tula

Pinaibig kita sa aking mga salita

Gamit ang papel at tinta ng pluma

Umibig ka sa aking mga kataga

You might also like