Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LP in Mother Tongue II

October 31, 2018


Miyerkules
I. Layunin: Natutukoy ang pandiwa
Naisasagawa ang salitang kilos
II. Paksa : Pandiwa
Kagamitan : power point presentation
III. Pamaraan:
A. Panimula : Awitin ang awit na may kilos. “ Tumakbo , Tumakbo Ang Aso”
B. Pagmomodelo :
Pagtalakay sa inawit.
Ano ang ginawa ng pusa?, aso? Ibon? Ang pagong?
Gayahin ang kilos nang tahimik.
Dagdagan pa ang pandiwa. Gayahin ang kilos. Tulad ng natutulog, sumasayaw,
nagbabasa, lumalangoy,
Basahin ang mga pandiwa nasa flash cards. Umiiyak, naglilinis, nagsusulat, umiinom
Ano ang napansin niniyo sa mga salitang binasa o isinakilos?
Ano ang Pandiwa? Ang Pandiwa ay mga salitang kilos o galaw. Paulit- ulit na
ipasagot sa mga bata.
Magbigay ng iba pang halimbawa ng pandiwa.
Tandaan: Ang pandiwa ay mga salitang kilos .
C. Ginabayang Pagsasanay:
 Larawan ng salitang kilos at sasabihin ng bata ang kilos. Pagkatapos na tama
ang sagot ay may confirmation na siya ay tama tulad ng good job!
Umupo, bumili, kumain, nagsusuklay, nagkukwentuhan, naglalaro at iba pa.
 Gamitin sa pangungusap ang pandiwa.
 Pangkatang Gawain;
Rosas: Isagawa ang kilos na kukunin sa kahon.
Gumamela : Isulat ang tamang pandiwa sa patlang upang mabuo ang pangungusap.
Sampaguita : Bumunot ng pandiwa at isagawa ito. Huhulaan ng ibang grupo.
Ilang Ilang: Isagawa ang kilos ng mga hayop sa pamamagitan ng awit.
D. Malayang Pagsasanay: Isulat ang tamang pandiwang nasa loob ng bulaklak.
1. _____________ng mahimbing ang pusa. natutulog
2. _____________ ng Pambansang Awit ang mga bata. sumasayaw
3. _____________ ang grupo nina Ziannah. Pandiwa nagsusulat
4. _____________ si Mam sa pisara. umaawit
5. _____________ ng kwento ang mga bata. nagbabasa

IV. Takda : Magdikit ng 5 larawang ng pandiwa sa notebook number 1. Sa ilalim ng larawan ay


sumulat ng pangungusap batay sa kilos ng nasa larawan.

Bilang ng mga batang nakakuha ng score na:

5_ 2_

4_ 1-

3_

Inihanda ni : Gng. Rosemarie D. Suarez -Teacher II-

C. Apostol Elementary School- F Yuseco Street Sta Cruz Manila

District III- Division of Manila

You might also like