Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Ang mga Paglalakbay ni Marco

Polo

Ang The Travels of Marco Polo ("Ang mga


Paglalakbay ni Marco Polo") ay ang
karaniwang pamagat sa Ingles ng aklat sa
pagbibiyahe ni Marco Polo na binansagang Il
Milione (Ang Milyon) o Le Livre des
Merveilles (Ang Aklat ng mga Kahanga-
hanga). Isa itong libro mula sa ika-13 siglo na
isinulat ni Rustichello da Pisa halaw sa mga
kuwento at tala niMarco Polo. Ito ay
naglalarawan ng mga paglalayag ni Marco Polo
sa Silangan, kabilang ang Asya, Persiya, Tsina,
atIndonesya, sa pagitan ng mga taong 1271 at
1298, at kilala rin bilang Oriente
Poliano at Paglalarawan ng
Daigdig(Description of the World).
Naging isa itong tanyag at popular na libro, kahit
pa man noong ika-14 na siglo. Sinasaad ng libro, di umano, ang naging kahalagahan
ni Marco Polo sa kaharian ng pinuno ng Mongol na si Kublai Khan. Subalit,
napagtatalunan pa rin ng mga kasalukuyang iskolar ang katotohanan sa likod ng
talang ito. At ang iba nga ay nag-aalinlangan sa kung si Marco Polo ay totoong
nakapaglayag sa kaharian o maaaring nag-uulit lamang ng mga kuwentong kanyang
narinig mula sa ibang manlalakbay. [3] Isinulat ang libro sa wikang Old French o
Lumang Pranses ni Rustichello da Pisa, isang manunulat ng mga akdang romantiko o
kuwento ng pag-iibigan, na napabalitang sumusulat mula sa mga naikuwento ni Marco
Polo noong nakabilanggo sila sa Genoa matapos ang pagkakadakip mula sa isang
barko. [4] Ang librong "The History of the United States" ("Ang Kasaysayan ng
Estados Unidos") ni William B. Guitteau noong 1937 ay nagbibigay ng ganitong
paliwanag, "Kasunod ng muli niyang pag-uwi, nabihag si Marco Polo sa Genoa at
naibilanggo; at upang mapalipas ang panahon sa piitan ay isinulat niya ang mga
kuwento ng kanyang mga paglalakbay. Unang nailimbag ang libro noong taong 1477;
ito ay binasa at masusing sinuri ni Christopher Columbus, at ang kopya na kung saan
naglalaman ng mga puna ng batikang maglalayag ay matatagpuan pa rin sa
Columbian Library sa Seville."

You might also like