Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Ang talaarawan ay kalipunan

ng mga bugto-bugtong o baha-


bahaging sulatin na nakasulat at
nakaayos sa sunod-sunod na petsa
o araw.
Mahal kong Talaarawan,
Maganda at maayos naman ang
aking umaga ngayon dahil maaga
akong nakapunta sa paaralan.Pero
bago ako pumasok sa paaralan,
naligo muna ako, nagbihis ng
maayos, nagsuklay ng buhok,
kumain at nagsisipilyo ng ngipin.
Pagkatapos kong magsipilyo ng
ngipin ay hinatid ako ng papa ko
sa paaralan. Pagdating ko sa
paaralan ay bigla nalang sumakit
ang ngipin ko. Kaya uminom agad
ako ng gamot upang mawala agad
ang sakit ko sa ngipin.
Sa tanghalian naman ay masaya
kaming nagkainan sa "BBQ-han"
at pagkatapos ng kainan namin ay
dumiretso agad kami sa silid-
aralan namin. Nag-aaral din ako sa
paksa namin sa Ingles dahil
magkakaroon kami ng pagsubok o
pagsasanay. At iyan ang mga
ginagawa ko sa araw na ito.
Nagmamahal,
Shekainah
1. Sino ang nagsulat ng talaarawan?
2. Ano ang unang ginawa ni
Shekainah bago pumasok sa
paaralan?
3. Sino ang naghatid sa kanya sa
paaralan?
4. Ano ang nangyari kay Shekainah
ng siya ay nasa paaralan na?
5. Saang subject nagkaroon ng
pagsubok o pagsasanay si
Shekainah?
a. Anu-ano ang mga makikita natin
na detalye sa talaarawan?
b. Sino ang gumagawa ng
talaarawan?
c. Bakit tayo sumusulat ng
talaarawan?
TALAARAWAN NI TINA
Setyembre 16 – Sabado
Maagang kaming gumising na mag-
anak. Nagtungo kami sa “Olango
Island” upang dalawin ang aming
lolo at lola. Sumakay kami sa
Bangka patungo roon. Sinundo kami
nina lolo at lola sa may daungan ng
mga Bangka.Tuwang-tuwa sina Lolo
Joaquin at Lola Dalena nang kami’y
Makita. Nagmano ako at si Kuya Joel
sa lahat ng mga tiyo at tiya naming
naroon. Pagdating sa bahay nila
kaagad kaming pinakain ng
inihandang Tinolang Bangus at
Ginisang Talong para sa aming
almusal.Isinama kami sa dagat
upang manghuli ng isda at iba pang
lamang-dagat.
Nagpunta rin kami sa kanilang
hardin sa likod-bahay at namitas
kami ng mga gulay at mga
prutas.Nang umuwi kami sa
“mainland” hindi naming halos
madala ang isang basket ng
sariwangmga isda at mga gulay.
Ipinamigay namin sa aming mga
kapitbahay ang iba.
1. Sino ang sumulat ng talaarawan?
2. Sino ang gumising nang maaga?
3. Sino ang lolo ni Tina?
4. Sino ang kanyang lola?
5. Ano kaya ang naramdaman ng
mga bata nang nakita nila ang
kanilang lolo, lola, mga tiyahin at
tiyuhin?
6. Ano ang sinakyan nila patungong
“Olango Island”?
7. Anu-ano ang inihanda para sa
kanilang almusal?
8. Bakit hindi sila magkandadala
nang sila’y umuwi sa “mainland”?
9. Ano ang ginawa nila sa iba nilang
dalang isda at mga gulay?
10.Kung kayo si Tina, ipamimigay
n’yo rin ba ang inyong dala? Bakit?
11. May karanasan ba kayo katulad
ng kay Tina? Maari mo rin bang
isalaysay ito.

You might also like