Tag Puan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panimula

Sinimulan ni Arceo ang maikling kwento sa pamamagitan ng paglalantad ng


pagpapakahulugan sa pamagat mismo. Sa simula pa.lamang ay ipinaliwang na niya kaagad ang
kahulugan ng Pamagat. Ang Uhaw ang tigang na lupa ay binigyang kahulugan sa pamamagitan
ng anak na uhaw sa pagmamahal ng kanyang pamilya.

Papataas na Aksyon
Sa bahaging ito ang kawilihan ng kwento ay makikita sa pangungulila ng anak sa
pagmamahal ng kanyang mga magulang. Ang kasiglahan ng kwento ay sa pamamagitan ng
paglalarawan ng anak sa pananabik niya na magkaroon ng masaya at magandang pamilya,
maging ang pagkakaroon ng kapatid ay binanggit din.

Kasukdulan
Sa isang liham nabuksan ang isang paksa o suliranin. Sa pamamahlgitan ng liham
mahihinuha sa kwento na may hadlang sa kaligayahan ng ama at ng ina kung kayat ganun na
lamang ang lungkot na nakaukit sa mukha ng ina. Sa pamamagitan din ng isang larawan mas
naintindihan ng anak ang mga pangyayari na isinalaysay sa kwento.
"Huwag padala sa simbuyo ng iyong kalooban, ang unang tibok ng puso ay hindi pag-ibig
tuwina."
Kung papansinin ang linyang ito mahihinuha na ang dahilan ng kalungkutan ng ina. Kung
gagalugarin ang linya ay makikita ang tunay na dahilan ng kalungkutan ng ina.

Kalakasan – ang pag aalaga ng kanyang ina sa kanyang amang maysakit kahit na ito ay nasasaktan.

Wakas – pagkawala o pagyao ng ama.

You might also like