Professional Documents
Culture Documents
Filpag
Filpag
G-11 ICT-B
Jose Rizal
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco
Mercado at Gng. Teodora Alonzo.
Marcelo H. del Pilar
Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (30 Agosto 1850 - 4 Hulyo 1896), kilala rin bilang ang
"Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang kanyang
pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Pinalitan niya si Graciano López Jaena bilang patnugot ng La
Solidaridad.
Andre Bonifacio
Si Andrés Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 – 10 Mayo 1897) ay
isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo. Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya
ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang
kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang Pilipino. Kinikilala rin
siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bílang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi
siya opisyal na kinikilala.
Teodoro A. Agoncillo
Si Teodoro A. Agoncillo (1912 – 1985) ay kilala sa mahalagang kontribusyon niya sa pagsulat
ng kasaysayan ng Pilipinas. Nakapagsulat siya ng mahigit na 20 aklat at mga artikulo ukol dito.
Siya ay hinirang bilang isa sa "Ten Outstanding Young Men (TOYM)", ng Junior Chamber of the
Philippines noong 1963 at bilang "Distinguished Scholar of the University of the Philippines"
noong 1968.
Liwayway Arceo
Si Liwayway Arceo ay isang manunulat na Pilipino ngunit bago pa iyan siya ay lumabas noong
panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1944 sa pelikula ng mga malalaking bida
tulad nina Carmen Rosales, Norma Blancaflor, Leopoldo Salcedo at Jose Padilla
Jr ang Liwayway ng Kalayaan na may Ingles na pamagat Dawn of Freedom ng X'Otic
Pictures at Eiga Heikusa Productions.
Brigido Batumbakal
Genoveva Matute
Si Genoveva Edroza-Matute (3 Enero 1915 – 21 Marso 2009) ay isang bantog na
kuwentistang Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na
nagturo ng mga asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.
Narciso Reyes
Narciso G. Reyes (ipinanganak noong 2 Pebrero 1914 sa Tondo, namatay 7 Mayo 1996) ay
isang Pilipinong diplomatiko at awtor.
Macario Pineda
Macario Pineda (10 Abril 1912–2 Agosto 1950) Isang batikang mangangatha sa wikang
Tagalog si Macario Pineda (Ma·kár·yo Pi·né·da). Unang nagsulat si Pineda sa wikang Ingles.
Bs Medina
Si Buenaventura S. Medina, Jr. ay isang Pilipinong manunulat ng higit sa 25 na libro.
Karamihan dito ay mga nobela at libro sa kritisismo. Isa sa mga gawa nito ang Saan Patungo
ang Langay-langayan?.
Faustina Aguilar
Si Faustino S. Aguilar (ipinanganak noong 15 Pebrero 1882 sa Malate, Maynila) ay
isang Pilipinong nobelista, mamamahayag at rebolusyonaryo. Nasa kainitan ng kabataan si
Faustino Aguilar nang dumating dito at sakupin tayo ng mga Amerikano.
Inido Ed. Regalado
Ipinanganak siya noong 19 Marso 1888 sa Sampalok,Manila at anak nina Iñigo Regalado y
Corcueca at Saturnina Reyes. Si Iñigo Ed. Regalado ay tanyag noong sa sagisag na Odalager.
Naging patnugot siya ng pahayagang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ng lingguhang magasin
na Ilang-ilang. Isa siya sa mga Taliba ng panulaan. Kilala siya bilang makata ng pag-ibig. Ang
kanyang mga tula ay natipon sa isang aklat na pinamagatang Damdamin na nagtamo ng unang
gantimpala sa Timpalak Komonwelt noong 1941.
Deogracias A. Rosario
Deogracias A. Rosario is born in Tondo, Maynila on 17 October 1894. He started writing on
1915 in Ang Demokrasya. Year 1917 when he started writing in Taliba.Naging Pangulo siya
ng Samahang Ilaw at Panitik, Kalipunan ng mga Kuwentista at Kalipunan ng mga Dalubhasa ng
Akademya ng Wikang Tagalog. Siya ang kinilalang Ama ng Maikling Kuwentong Tagalog. Ayon
sa mga kritiko, siya ang nagbigay ng tiyak na anyo sa maikling katha bilang isang uri ng
kathang pampanitikan. Nakita sa kanyang mga akda ang palatandaan ng paghihimagsik sa
kinamulatang tradisyon ng maikling kuwento.
Lope K. Santos
Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 – 1 Mayo 1963) ay isang tanyag na manunulat
sa wikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.[1] Bukod sa
pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na Ama ng
Pambansang Wika at Balarila ng Pilipinas.
Alejandro Abadilla
KINILALA ng mga batikang manunulat ang kontribusyon ng Tomasinong si Alejandro Abadilla
bilang “Ama ng Modernistang Panulaang Filipino” sa talakayang ginanap sa sentenaryong
pagdiriwang ng kaniyang kapanganakan noong Marso 10 sa UST Miguel de Benavides Library
Conference Hall.
Lualhati Bautista
Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga
akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kuwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang
akdang-pampelikula.
Francisco Rodrigo
Si Francisco Soc Rodrigo ay isang politiko sa Pilipinas. Ipinanganak sa Bulacan noong 1914.
Nag-aral sa Pamantasang Ateneo de Manila at namatay noong Enero 1998 dahil sa kanser.
Siya ay dating pangulo ng Catholic Action. Hindi siya sang-ayon sa pagkakapasa ng Batas
Republika Blg. 1425 na higit na kilala sa tawag na Batas-Rizal na naglalayong isama sa
kurikulum ng lahat ng kolehiyo sa Pilipinas na pag-aralan ang Noli me Tangere at El
Filibusterismo.
Jose Corazon De Jesus
José Corazón de Jesús (22 Nobyembre 1896-26 Mayo 1932), kilala rin bilang Huseng Batute,
ay isang makatang Pilipino na sumulat ng mga tula sa Tagalog upang ipahayag ang pagnanasa
ng mga Pilipino na maging malaya noong panahon ng pananakop ng Estados
Unidos sa Pilipinas (1898-1946). Tinawag ring "Pepito" noong kanyang kapanahunan.
Francisco Baltazar
Si Francisco Baltazar (ipinanganak na Francisco Balagtas y de la Cruz; 2 Abril 1788—20
Pebrero 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay isang tanyag na Pilipinong makata, at
malawakang itinuturing na isa sa mga pinakadakilang Pilipinong pampanitikan na laureate para
sa kanyang epekto sa panitikang Filipino. Ang sikat na epiko, ang Florante at Laura, ang
kanyang pinakakilalang obra maestra.