Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

1

Kasanayang Linggwistika at Komunikatibo:


Teorya at Praktika sa Pagtuturo at Pagkatuto

Patrocinio V. Villafuerte
A. Panimula

Napatunayan sa maraming naisagawang pananaliksik na humigit-kumulang sa


3,000 wika sa daigdig ay may siyam na pamilya ng mga wika. Ang pamilyang kasama ang
Pilipinas ay ang Austronesian o Malayo Polynesian na sumasaklaw sa maraming wika na
matatagpuan sa mga bansang nasa Timog Silangang Asia gaya ng Indonesia, Malaysia at
iba pa.
Batay sa dami at porsyento ng populasyon ng Pilipinas na gumagamit ng Filipino,
Itinuturing na mga pangunahing wika ang Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pangasinan, Bicol,
Hiligaynon, Waray o Samar-Leyte, Capampangan, Maranao at Maguindanao.
Ang mga wikang nabanggit ay may mga diyalekto. May Tagalog-Bulacan, Tagalog-
Rizal, Tagalog- Batangas, Tagalog-Marinduque, Tagalog-Quezon, Tagalog-Cavite, Tagalog-
Nueva Ecija, at iba pa. May Cebuano-Cebu, Cebuano-Bohol, Cebuano-Surigao, at iba pa.
May Hiligaynon , Ilonggo, Kinaray-A, Cuyunon, Palaweño, at iba pa. Iba rin ang Bicol-Naga,
Bicol-Legazpi, Bicol-Catanduanes, Bicol-Sorsogon, Bicol Iriga, at iba pa. May Ilocano-Abra,
Ilocano-Ilocos, Ilocano-Cagayan, Ilocano-Ibanag, at iba pa.

B. Komunikasyon

Ang sining ng komunikasyon ay nakaugnay sa gawi at prosesong pangkaisipan ng


sinumang nais matuto. Ang pakikinig at pagbasa ay ay aktibong anyo ng komunikasyon sa
pamamagitan ng mga ito ay nagkakaroon ng kaalaman ang bawat isang nais matuto. Taglay
ng dalawang ito ang mga kasanayang dapat taglayin ng tagapakinig at tagabasa.
Nagkakaiba ang dalawang ito sa lugar na nakukuhanan ng impormasyon. Ang tagabasa ay
humahanap ng lugar na kakikitaan niya ng impormasyon samantalang kontrol ng
tagapagsalita ang lugar na paghahatiran ng kanyang impormasyon sa tagapakinig.

Samantala, ang pagsasalita at pagsulat ay mahalagang elemento rin ng


komunikasyon. Ang mga ito’y nanganagailangan ng mga batayang kasanayan sa pag-
oorganisa ng mga salita at ideya sa makahulugang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Ang mga ito’y nakatutulong sa mabilis na proseso ng pagpapaunlad ng
bokabularyo at paglinang ng komprehensyon.

1. Kahulugan ng komunikasyon:

1.1 Ito’y itinuturing na sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng


impormasyon, ideya at kaalaman ng isang tao sa kanyang kapuwa.
1.2 Ito’y proseso ng paghahatid ng mensahe o pagpapalitan ng idcya,
impormasyon, karanasan at mga saloobin.
1.3 Ito’y isang prosesong daynamiko, tuloy-tuloy at nagbabago.
1.4 Ito’y isang mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-unawaan.
1.5 Ito’y pasalita o pasulat na pagpapahayag o pagpapabatid ng iniisip o
nadarama sa isang paraang mabisa at kalugod-lugod.
1.6 Ito’y isang prosesong transaksyonal na kumakatawan sa apat na katangian:

1.6.1 akto, kaganapan, at kilos


1.6.2 integral na elemento
1.6.3 nagbabago
1.6.4 kumikilos ang taong kasangkot

2. Anim (6) na komponent ng komunikasyon:

PATROCINIO V. VILLAFUERTE
2

2.1 konteksto. Ito ang kalagayan kung saan magagandang komunikasyon:


pisikal, sosyal, historikal, sikolohikal at kultural.
2.2 partisipant. Ito’y tumutukoy sa mga taong nag-uusap.
2.3 mensahe. Nagaganap ang komunikasyon sa pamamagitan ng
paghahatid at pagtanggap ng mensahe.
2.4 tsanel. Ito ang rutang dinaraanan ng mensahe.
2.5 pagkakaroon o kawalan ng ingay. Ito ang nakakasagabal sa pagbabahagi ng
pakahulugan.
2.6 pidbak. Ito ang tugon sa isang mensahe.

3. Mga tungkulin ng komunikasyon:

3.1 Matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan.


3.2 Mapataas at mapanatili ang pagkilala sa sarili.
3.3 Matugunan ang obligasyong panlipunan.
3.4 Malinang ang pakikipag-ugnayan.
3.5 Makipagpalitan ng impormasyon.
3.6 Makaimpluwensya ng ibang tao.

4. Mga simulaing sinusunod ng komunikasyon:

4.1 Ang komunikasyon ay may layunin.


4.2 Ang komunikasyon ay patuloy na nagaganap.
4.3 Ang mga mensahe sa isang transaksyon ay nag-iiba-iba.
4.4 Ang komunikasyon ay isang pakikipag-ugnay.
4.5 Ang komunikasyon ay natututuhan.

5. Mga pangangailangan ng komunikasyon:

5.1 Ang gamit ng wika


5.2 Ang anyo ng wika
5.3 Ang kagyat na pagtugon
5.4 Ang kaangkupan ng sasabihin
5.5 Ang paksa

6. Dalawang uri ang komunikasyon:

6.1 Berbal. Ito’y pasalita o pabigkas na pagpapahayag.


6.2 Di berbal. Ito’y mga kilos ng katawan at kalidad ng tinig sa mga mensaheng
berbal sa pakikipagtalastasan.

B. Wika

1. Kahulugan ng Wika

1.1 Sistema ng mga tunog, arbitraryo na ginagamit sa komunikasyong pantao


(Hutch).
1.2 Paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar para sa
isang partikular na layunin na ginagamitan ng berbal at biswal na signal para
makapagpaliwanag (Bouman).
1.3 Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura (Gleason).

2. Mga Katangian ng Wika

2.1 Ang wika ay tunog.


2.2 Ang wika ay arbitraryo.

PATROCINIO V. VILLAFUERTE
3

2.3 Ang wika ay masistema.


2.4 Ang wika ay sinasalita.
2.5 Ang wika ay nagbabago.
2.6 Ang wika ay malikhain.

3. Mga Terminolohiya sa Pagkatuto ng Wika

3.1 Idyolek – Kabuaan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao.


3.2 Dayalek – Sinasalita ng mga tao sa heograpikong komunidad.
3.3 Sosyolek – Sinasalita ng mga tao sa isang lipunan.
3.4 Barayti ng wika - Higit na masaklaw na konsepto kaysa sa tinatawag na estilo ng
wika.
3.5 Register - Baryasyon ng wika batay sa gamit.
3.6 Filipino - Katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
3.7 Lingua franca - Pangalawang wika na hindi katutubo na palasak na ginagamit
sa pakikipagtalastasan.

C. Gramatika / Linggwistika

1. Pangungusap

1.1 May dalawang bahagi ang pangungusap: simuno / paksa at panaguri

Simuno / Paksa: Si Pangulong Obama ng America ay dumating sa Pilipinas.


Panaguri: Ilegal ang pagbabawal sa pagdaraos ng rali.

1.2 May apat na uri ayon sa gamit: paturol o pasalaysay, pautos, patanong at
padamdam.

Paturo: Ipinagbawal ng kahahalal na Pangulong Duterte ang pag-


iinterbyu sa kanya ng media.
Pautos: Sumama ka sa rali sa Mayo Uno, pakakainin ka na ay babayaran
ka pa.
Patanong: Umuunlad pa ang pag-aaral ng mga batang nag-aaral sa ilalim
K-12 Kurikulum?
Padamdam: Aba, kilala na ang mga nagtataksil sa bayan!

1.3 May iba’t ibang kayarian ang pangungusap: payak, tambalan at hugnayan

Payak: Isang ideya lamang ang ipinahahayag. May paksa at panaguri.


Hal.: Ang patatas ay mayaman sa Bitamina C, B at iron.

Tambalan: May dalawang diwa o ideya ang ipinahahayag na maaaring


magkatulad, magkasalungat o may pagpipilian.

Hal.: Halos walang taba ito at mababa lamang ang taglay


nitong calorie.
Masustansya ang patatas ngunit bihira ang nagkakagusto rito.
Sasama ka ba o maiiwan?

Hugnayan: Binubuo ng isang malayang sugnay at isang di-malayang


sugnay:

Hal.: Tag-init at tag-ulan lamang ang mga panahon


sa Pilipinas samantalang apat sa mga bansang
kanluranin tulad ng Estados Unidos at Europa.

PATROCINIO V. VILLAFUERTE
4

Tandaan: Ang di malayang sugnay ay sinisimulan sa mga


pangatnig na na, nang. kung, samantala, kapag,
kaya, dahil sa, kahit, sapagkat, atb.

2. Pangngalan: Pasalitang simbolo na ang tinutukoy ay tao, hayop, bagay, pook at


pangyayari.

Tao Hayop Bagay Pook Pangyayari


Pauleen tandang eroplano lungsod kaarawan
guro kalakian pisara Davao City pulong
magbubukid Bitsang saranggola Nabua eleksyon
ama Tagpi lampara Bacoor kasalan
kapatid Muning bundok PNU binyagan

2.1 Ang Klasipikasyon ng Pangngalan

2.1.1 Klasipikasyong Pansemantika

2.1.1.1 May diwang panlahat


2.1.1.2 May diwang hindi panlahat
2.1.1.3 Tahas - Tumutukoy sa bagay na materyal: hayop, gamot,
puno, kasangkapan, atb.
2.1.1.3.1 Palansak –Tumutukoy sa pangkat ng iisang uri
lamang: buwig, kumpol, hukbo, tumpok
2.1.1.3.2 Di palansak - Tumutukoy lamang sa bagay na
Isinasaalang-alang: papaya, sundalo,
gulay, bulaklak, atb.
2.1.1.4 Basal - Ang tinutukoy ay ang hindi materyal kundi diwa o
kaisipan: pag-ibig, pag-asa, kalayaan, katarungan, atb.

2.1.2 Klasipikasyong Pangkayarian

2.1.2.1 Batay sa kayarian: payak, maylapi, inuulit at tambalan

Payak maylapi Inuulit tambalan


gubat kagubatan gubat-gubatan tsaang-gubat
langit kalangitan langit-langitan hulog-langit
bantay bantayan bantay-bantayan bantay-salakay
bayan kabayanan bayan-bayan anak-bayan

2.1.2.2 Ang Tambalan

Tambalang Di Ganap Tambalang Ganap


balikbayan kapitbahay
alay-kapwa bahaghari
dalagang-bukid hampaslupa
bahay-kalapati dalagambukid

3. Panghalip: Panghalili sa pangngalan

3.1 Panghalip Panao

Panauhan Palagyo Paukol Paari

PATROCINIO V. VILLAFUERTE
5

Isahan
Una ako ko akin
Ikalawa ikaw, ka mo iyo
Ikatlo siya niya kanya
Dalawahan
Una kita, kata natin atin
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila
_______________________ ____________ __________ _________
Maramihan
Una kami namin amin
Ikalawa kayo ninyo inyo
Ikatlo sila nila kanila

3.2 Panghalip Pamatlig

3.2.1 Panghalip prominal: anyong ang, anyong ng at anyong sa


3.2.2 Panghalip na patulad: gaya nire - ganire, gaya niyan – ganyan
3.2.3 Panghalip panlunan: iyan, niyan, diyan, hayan, nariyan. atb.

3.3 Panghalip Panaklaw: Sumasaklaw sa kaisahan, dami o kalahatan ng


tinutukoy: isa, iba, anuman, alinman, lahat, atb.

3.4 Panghalip na Pananong: Kaganapang pansimuno ang gamit ng mga ito:


sino - sino-sino, ano - ano-ano, alin - alin-alin

4. Pandiwa

4.1 Pokus ng pandiwa: tagaganap, layon, ganapan, tagatanggap, gamit, sanhi


at direksyon.

Tagaganap: Sino ang sumulat ng Himno ng Pateros?


Layon: Ipamili mo ang natitirang pera ko.
Ganapan: Pinagtapunan nuila ang basurahan.
Tagatanggap: Ipagluto ninyo ang may-kaarawan ng pansit at puto.
Gamit: Ipinanghalo ko ang kutsara sa ulam kasi walang sandok.
Sanhi: Ikinalungkot niya ang pagkawala ng kanyang aso.
Direksyon: Pinuntahan nila ang bagong gusali.

4.2 Aspekto ng pandiwa: perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo

Perpektibo: Ang kilos ay nasimulan na at natapos na.


Imperpektibo: Ang kilos ay napasimulan na ngunit hindi pa natapos.
Kontemplatibo: Ang kilos ay hindi pa nasisimulan.

4.3 Kaganapan ng pandiwa: Ang bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay


ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang
paksa ng pangungusap.

4.3.1 Kaganapang tagaganap: Kinain ni Lolo ang natirang pagkain.


4.3.2 Kaganapang layon: Kumain si Lolo ng natirang pagkain.
4.3.3 Kaganapang tagatanggap: Nagsimba ako para sa kaluluwa ni Ama.
4.3.4 Kaganapang kagamitan: Binungkal ko ang lupa sa pamamagitan ng
asarol.
4.3.5 kaganapang sanhi: Nakapagnegosyo siya dahil sa lotto.

PATROCINIO V. VILLAFUERTE
6

5. Pang-uri: Nagsasaad ng katangian o uri ng tao, bagay, lunan atb.

5.1 Uri ayon sa kayarian:

Payak: Sariwa ang hangin sa lalawigan.


Maylapi: Masigasig si Brienz gaya ng pinsan niyang si Aegan.
Inuulit: Gandang-ganda ako sa mukha ng batang iyan.
Tambalan: Lakad-pagong ang paglalakad ni Mark Terry.

5.2 Uri ayon sa kaantasan: lantay, katamtaman at masidhi

Lantay: Tahimik ang lugar na kanyang napiling puntahan.


Katamtaman: Hindi gaanong matulin tumakbo ang bus hindi tulad ng LRT.
Masidhi: Pinakamayaman sa bayan namin ang matandang iyon.

6. Pang-abay: Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at pandiwari.

6.1 Pang-abay na pamanahon: kahapon, kagabi


6.2 Pang-abay na panlunan: dito
6.3 Pang-abay na pamaraan: mabagal maglakad, mabilis magsalita
6.4 Pang-abay na panggaano: busog na, di sumagot kaputok man.
6.5 Pang-abay na pang-agam: marahil, tila
6.6 Pang-abay na panang-ayon: oo, tunay
6.7 Pang-abay na pananggi: huwag, ayaw
6.8 Pang-abay na panulad: lalo, higit na

7. Pang-ugnay: pang-ukol, pangatnig, pang-angkop

7.1 Pangatnig na panimbang: at, saka, at saka


7.2 Pangatnig na paninsay: ngunit, bagaman
7.3 Pangatnig na panubali: pag, kung ikaw
7.4 Pangatnig na pamukod: o, ni
7.5 Pangatnig na panlinaw: samakatuwid, kung gayon
7.6 Pangatnig na panapos: at sa wakas, sa lahat ng ito

C. Lingguwistika

1. Ponolohiya. Ito’y pag-aaral ng makabuluhang tunog. Pnnetiks naman


ang tawag sa sangay na ito ng linggwistika.

2. Tatlong salik sa paglikha ng tunog: (1) pinanggagalingan ng lakas o


enerhiya, (2) artikulador, at (3) resonador

2.1 Pinanggagalingang lakas o enerhiya: Ito’y gumagawa ng pwersa o


presyon na nagpapalabas ng hangin na galing sa baga.
2.2 Artikulador: Ito’y nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng tunog.
2.3 Resonador: Ito’y sumasala at nagmomodipika ng mag tunog
patungong bibig.
3. Ponema ang tawag sa pinakamaliit na makabuluhang tunog ng isang wika.
4. Ang diptonggo ay magkasamang patinig at malapatinig sa loob ng
isang pantig. Halimbawa: aliw, bahay, atb.
5. Ang pares-minimal ay pares ng salitang magkaiba ang kahulugan
ngunit magkatulad ng bigkas maliban sa isang ponema. Halimbawa:
mesa / misa
6. Ang pagbabago ng morpema sanhi ng kaligiran nito ay tinatawag na
pagbabagong morpoponemiko. Ang mga uri ng pagbabagong
morpoponemiko ay ang mga sumusunod:

PATROCINIO V. VILLAFUERTE
7

6.1 Asimilasyon - May pagbabagong morpoponemiko sa paraang


asimilasyon kapag ang tunog ng isang morpema ay naaasimila ng
isa pang morpema. Ang mga uri ng asilimasyon at halimbawa:

6.1.1. Asimilasyong di-ganap:


pang + bahay = pangbahay = pambahay
pang + sundot = pangsundot = pansundot

6.1.2 Asimilasyong ganap


pang + turo = pangturo = panturo = panuro
pang + silip = pangsilip = pansilip = panilip

6.2 Pagpapalit ng ponema - Sa pagbubuo ng salita ay may mga


pagkakataong ang ponemang nasa posisyong inisyal ng salitang
nilalapian ay nagbabago o nagpapalitan. Halimbawa:

ma + dapat = madapat = marapat


tawa + han = tawahan = tawanan

6.3 Pagkalta sng ponema - Ito’y nagaganap kapag ang huling ponema ng
salitang-ugat na hinuhulapian ay nawawala. Halimbawa:

bukas + -an = bukasan = buksan


dakip + -in = dakipin = dakpin

6.4 Metatesis - Ito’y paglilipat ng titik sa loob ng isang binuong salita.


Halimbawa:

talab + -an = talaban = tablan


bukas + -an = bukasan = buksan

6.5 Paglilipat-diin - Sa paggamit ng panlapi ay nakapagpapabago ng diin


ng salita. Halimbawa:

bukas = kinabukasan
dakila = dakilain

7. Wastong Gamit

7.1 ng at nang
7.2 may at mayroon
7.3 kong at kung
7.4 pahirin at pahiran
7.5 punasin at punasan
7.6 walisin at walisan
7.7 namatay at pinatay
7.8 daw / din at raw / rin
7.9 pinto at pintuan
7.10 hagdan at hagdanan
7.11 gitling

PATROCINIO V. VILLAFUERTE

You might also like