Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

TAKDANG

ARALIN
SA
FILIPINO
Ipinasa ni:
Karen Joan Sardan

Ipasa ni:
Sir Dimas Calasagsag
Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo
Isa ang nobelang El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal sa mga natatanging akda na naisulat at
tumatak sa kasaysayan ng rebolusyon at pagkilos ng lahing Pilipino. Kasunod ito ng naunang
nobelang Noli Me Tangere na nailimbag noong Pebrero 1887 sa Berlin, Germany. Nang taong
din iyon, nagpasya si Rizal na bumalik sa Pilipinas makalipas ang limang taon ng paglalakbay at
pag-aaral sa Europa upang muling makapiling ang kaniyang pamilya at makapaglingkod sa
kaniyang bayan bilang isang manggagamot. Ngunit dahil sa kontrobersiyang dala ng kaniyang
unang nobela na naipakalat na rin sa Pilipinas, napilitan siyang lisanin ang bansa at muling
maglakbay sa Europa dahil sa mga banta sa kaniyang buhay at kaligtasan ng kaniyang pamilya.

Dulot ng kaniyang mga namalas na pagbabago’t mga suliranin sa kaniyang bayan dahil sa
mapang-aping pamamalakad ng mga ganid na prayle, muling sumikdo ang pagnanais ni Rizal
na lumaban sa pamamagitan ng kaniyang panulat. Pinaniniwalaang sinimulan niyang isulat ang
ilang bahagi ng kaniyang ikalawang nobelang El Filibusterismo na may saling “Ang
Paghihimagsik” noong Oktubre 1887 habang siya ay nagpapraktis ng kaniyang panggamot sa
Calamba, Laguna. Nang dumating siya sa London, gumawa siya ng maraming pagbabago sa
banghay ng kuwento nito.

Kasabay ng kaniyang pagsusulat para sa nobelang ito ay ang balita ng mga paghihirap na
dinaranas ng kaniyang mga kamag-anak sa Pilipinas dahil pa rin sa kontrobersiyang dala ng
diumano’y subersibo o rebolusyonaryong Noli Me Tangere. Ginawa niya ang malaking bahagi ng
nobela sa kaniyang paglalakbay sa Paris, Madrid, at Brussel. Dulot ng paghihirap ng kalooban at
iba pang suliranin gaya ng usaping pinansiyal, hindi agad nailimbag ang aklat, bagaman
natapos niya ang inisyal na manuskripto nito noong Marso 29, 1891 sa Biarritz, France.

Sa tulong ng isang kaibigan mula sa Paris, na si Valentin Ventura, naisakatuparan ang


pagpapalimbag ng aklat na ito. Ngunit dahil limitado lamang ang tulong na kaniyang
maaasahan mula sa mga kaibigan, napilitan si Rizal na ibaba ang bilang ng kabanata ng El
Filibusterismo sa tatlumpu’t walong kabanata. Malayo ito sa animnapu’t siyam na kabanata ng
Noli Me Tangere. Naipalimbag niya ito sa pinakamurang palimbagan na kaniyang natagpuan sa
Ghent, Belgium noong Setyembre 22, 1891. Dahil sa malaking utang na loob at kasiyahan,
ibinigay ni Rizal ang orihinal na manuskripto ng nobela sa kaibigang si Valentin Ventura.
Ibinigay niya ito kalakip ang isang nilimbag na kopya na may sariling lagda.

Pinadalhan din ni Rizal ng mga kopya ng kaniyang nobela ang matatapat na mga kaibigang sina
Dr. Ferdinand Blumentritt, Marcelo Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Juan Luna. Pagkatapos
ay ipinadala niya ang ibang kopya sa Hong Kong at ang iba naman ay sa Pilipinas.

‘Di naglaon, isang masamang balita ang nakarating kay Rizal. Nasamsam ang mga sipi ng
kaniyang nobela sa Hong Kong at sinira naman ng mga Espanyol ang mga kopyang nakarating
sa Pilipinas. Ang ilang kopyang naipuslit ang siyang nakapagbigay-sigla sa mga Katipunero
upang labanan ang pamahalaang Espanyol at maibalik ang kalayaan ng Pilipinas.
Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere

Kaligirang Kasaysayan ng Noli Me Tangere


nahon Detalye

Bago ang 1884 Nabasa ni Rizal ang novelang Uncle Tom’s Cabin ni Harriet
Beecher Stowe na naglahad ng pang-aapi sa mga aliping Negro sa
Amerika.

Enero 2, 1884 Mayroong isang pagdiriwang ng mga mag-aaral na Pilipino ng


Central University of Madrid sa Espanya. Nakasama ni Rizal sina
Jaena, Valentin Ventura at ang magkakapatid na Paternos.
Inimungkahi ni Rizal sa kanyang mga kasamang Pilipino sa Madrid
na sumulat sila ng isang novelang hango sa masamang kalagayan
ng mga Pilipino sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng Kastila at
ang lahat ay sumang-ayon. Inimungkahi ni Rizal na pangkat sila
upang mailahad ang lahat ng pananaw.

Ang mungkahi ni Rizal na sumulat “bilang pangkat” ang novela ay


hindi natupad sapagkat ang iba, sa halip na umpisahan ang novela
ay nalihis ang perspektibo at ukol sa babae na ang nais isulat.
Nalulon ang lahat maliban kay Rizal sa sugal at pambabae kaya
napabayaan ang napagkasunduan.

Inumpisahan ni Rizal ang pagsulat sa novela sa Madrid at natapos


ang unang kalahati.

1885 Pagkatapos ng kanyang pag-aara sa CUM, ipinagpatuloy ni Rizal


ang pagsusulat sa novela sa Paris, Fransya kung saan natapos niya
ang kalahati ng ikawalang kalahati ng novela.

April-June 1886 Sa loob ng mga buwan na ito, tinapos ni Rizal ang novela sa
Wilhelmsfeld, Alemanya ngunit wala pang pamagat.

Disymebre, 1886 Hindi napadalhan si Rizal ng perang panggastos mula sa Pilipinas


kaya siya’y nagutom at nagkasakit. Sa kanyang pagkagutom, siya
ay dumadalo sa mga pagdiriwang nang hindi naman inaanyaya
(gate crasher). Halos nawalan na siya ng pag-asa na mailimbag
ang novela kaya napag-isipang sunugin ito. Salamat na lamang at
dumating si Dr. Maximo Viola, isang dating kamag-aaral na siyang
tumulong kay Rizal sa pagpapalathala ng novela at nagbigay ng
pera upang matugunan ang mga pangangailangan.

Pebrero 21, 1887 Inayos ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng novela upang
mahanda sa paglathala. Napili niya ang bahay-palimbagan
naBerliner-Buchdruckrei-Action-Gesselschaft. Nagpalathala
siya ang 2, 000 sipi sa halaga lamang ng P300.00.

Marso 5, 1887 Habang iniimprenta ang novela ni Rizal, saka lang siya
nakapagdesisyon ng pamagat para dito. Sa kanyang sulat kay Felix
R. Hidalgo, binanggit ni Rizal na hinugot niya ang pamagat na “Noli
Me Tangere” sa Ebanghelyo ni Lucas. Ngunit nagkamali si Rizal sa
pagbanggit ng pinagkunan dahil nakuha niya ito sa Ebanghelyo ni
Juan, Kapitulo 20, versikulo 13-17. Ang bahaging ito bibliya ay
nagsalaysay sa araw ng “Easter Sunday,” ang ikatlong araw ng
kamatayan ni Kristo kung saan nabuhay siya muli at nagkita sila ni
Maria Magdalena: “Huwag mo akong salingan, dahil hindi ko
nakasasama ang aking Ama sa langit.”

Marso 21, 1887 Inilabas na ang novelang Noli Me Tangere ni Rizal sa publiko sa
wikang Kastila.

Mayo 5, 1887 Sinulatin ni Dr. Antonio Ma. Regidor si Rizal. Pinuri ni Regidor ang
novela at inihambing pa sa Uncle Tom’s Cabin at Don Quixote ng
Espanya.

*Nasalin ang novelang Noli Me Tangere sa iba’t ibang wika dahil sa husay nito at natatanging
katangian.

Pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo


Noli Me Tangere

*Nangangahulugang "Huwag Mo Akong Salingin" o "Touch Me Not" (Tumutukoy sa mga


mapang-aping Kastila) na galing sa ebanghelyo ni San Juan Bautista

*Bunga ng pagbabasa niya sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe (Pumapaksa ito sa
pagmamalupit ng mga puting Amerikano sa mga Negro; Maihahalintulad sa pagmamalupit ng
mga Kastila sa mga Pilipino)
*Sinimulan niya sa Madrid habang nag-aaral ng medisina; itinuloy sa Paris matapos ang
kanyang pag-aaral; at tinapos sa Berlin

*Inilimbag sa Imprenta Letre sa tulong ni Dr. Maximo Viola

*May temang nangangarap sa pagbabago; mas lamang ang ganda, pag-ibig at awa

*Ang pangunahing tauhan na si Crisostomo Ibarra ay puno ng pagtitiwala, paghihintay at pag-


ibig

El Filibusterismo

*Nangangahulugang "Ang Pilibusterismo" o "Ang Paghahari ng Kasakiman"

*Isinulat para kay Ferdinand Blumentritt (kanyang kaibigan); Inialay sa GOMBURZA (Tatlong
paring martir na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora)

*Sinimulan sa Calamba, Laguna; itinuloy sa London, kung saan nagkaroon ng maraming


pagbabago upang mas mapaganda ang nobela; muling ipinagpatuloy sa Paris, Madrid, at
Brussels hanggang sa natapos sa Biarritz

*Naipalimbag sa tulong ni Valentin Viola

*Ang kalagayang panlipunan ay inihain sa paglalayong magising ang bayan at maghimagsik,


hindi upang mangarap lamang ng pagbabago

*Ang pangunahing tauhan na si Simoun ay puno ng poot at galit, hindi siya basta-basta
nagtitiwala sa iba

*Naging mas masidhi ang El Filibusterismo dahil na rin sa mga kabiguang nangyari kay Dr. Jose
Rizal habang sinusulat ito (Mula sa pagpapahirap sa kanyang pamilya, hanggang sa
pagpapakasal ng kanyang pinakamamahal sa iba)

Buhay ni Jose P. Rizal


Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa
silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio
Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang
unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna.

Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay
anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay
isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa.

Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo
Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa
ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong
1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa
kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang
Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna.

Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay
isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna.

Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan


Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila
na luntiang bukid.

Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at
talagang nagbabanat ng buto.

Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng
kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak,
kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na
tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan.

Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng
pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan
na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal.

Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay
nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at
notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang
Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.

Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y


Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng
panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5
ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos


ang kursong ito noong 1884 at 1885.

Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat
sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nag-
aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa
sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga
tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang
kasaysayan ng mga baying nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang
makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.

Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere
sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang
bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang
2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa
halagang 300 piso.
Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante,
Belhika noong 1891.

Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang
kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng
pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik.

Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888,
siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng
Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892.

Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay


ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa
bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan,
nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na
kanyang tinuturuan.

Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay


sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan
sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman
ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong
1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas.

Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at
litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.

Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling
Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin.

At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na


Luneta.

You might also like