Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Sining 4

June 13, 2018

I. Layunin:
1. Natatalakay ang kasuotan at palamuti ng pangkat-etniko sa isang pamayanang kultural sa
bansa.
2. Nakakalikha ng sariling disenyo ng isang katutubong kasuotan.
3. Naipagmamalaki ang kagandahan ng kasuotan ng mga pangkat-etniko sa pamayanang
kutural sa pamamagitan ng pagsusuot ng likhang sining
na kasuotan. (A4EL-IIb)

II. Paksang-Aralin
Elemento ng Sining: Hugis at Kulay
Kagamitan : lapis, manila paper, gunting, watercolor, crayon

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
A.1. Balik-aral
Ipatukoy ang foreground, middle ground, at background sa sumusunod na
larawan.

A.2. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng mga batang Pilipino na may iba’t ibang
palamuti sa katawan. Ipatukoy ito sa mga bata at ipalarawan ang katangian ng
mga palamuti sa kaniyang katawan.
(Hal. kuwintas, hikaw, damit, singsing, at iba pa.)

B. Panlinang na Gawain
B.1. Paglalahad
Sabihin sa mga bata na ang bawat pamayanang kultural ay may kani-kaniyang
kasuotan at palamuti. Ang bawat pook o komunidad ay may produktong likhang-sining
na maipagmamalaki ng kanilang mamamayan dahil sa taglay na kagandahan at
pambihirang uri nito. Ipakita ang makukulay na kasuotan at palamuti ng pangkatetniko.

B.2. Pagtalakay
Tboli
Ang mga T’boli ay makikita sa Cotabato sa Mindanao. Pangangaso, pangingisda, at
pangunguha ng mga prutas sa kagubatan ang kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema
ng kanilang pagsasaka. Naghahabi sila ng tela para sa damit na ang tawag ay t’nalak na
hinabi mula sa hibla ng abaka. Sila ay tanyag sa kanilang kasuotan at palamuting kuwintas,
pulseras, at sinturon na yari
sa metal at plastik. Ang kuwintas ay yari sa maliliit na butil na tinuhog. Karaniwang kulay
ng mga butil ay pula, itim, at puti. Ang kuwintas na ito ay nilalagyan ng palawit na yari sa
tanso. Nangingibabaw sa mga kulay na ginagamit ng T’boli ang pula, itim, at puti. Ipasuri
sa mga bata ang hugis at kulay na makikita sa mga
disenyong kasuotan at palamuti ng mga pangkat-etniko. Pag-usapan ang larawan at ang mga
makikita rito.

Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit sa paningin kung maganda


ang pagkakadisenyo ng mga elemento ng sining tulad ng hugis at kulay. Ang paggamit ng
overlap ay nakatutulong upang makatawag pansin ang isang disenyo. Ang overlap ay ang
pagpapatong-patong ng mga hugis at bagay sa larawan. Nagagawa nitong maipakitang
gumagalaw ang isang larawan at makatotohanan sa pamamagitan ng tamang proporisyon.
Nakatutulong din ang pagpili ng kulay sa kagandahan ng disenyo. Ang paggamit ng
matitingkad na kulay kasama ang mapusyaw na kulay ay nakatutulong upang mapansin ang
hugis o bagay sa larawan.

Itanong sa mga bata kung anong hugis at kulay ang makikita sa larawan. Paano nagiging
maayos sa paningin ang pagkakaayos ng hugis at kulay? Hayaang magbigay ang batang sariling
kaisipan tungkol sa pagkakaiba ng ayos ng mga bagay sa larawan.

2. Gawaing Pansining
(Sumangguni sa GAWIN.)
3. Pagpapalalim ng Pag-unawa
Itanong:
Paano nagiging kaakit-akit ang mga disenyong pangkat-etniko?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Ang paggamit ng pagpapatong patong ng mga hugis (overlapping) at matitingkad na
kulay ay nakatutulong upang maging kaakit-akit ang disenyo sa paglikha ng disenyo ng
kasuotan
(Sumangguni sa TANDAAN.)
2. Repleksyon
Paano mo maipagmamalaki ang mga kasuotan at palamuti ng pangkat-etniko sa mga
pamayanang kultural sa ating bansa?

IV. Pagtataya
(Sumangguni sa SURIIN.)
Ipasuot sa mga bata ang kasuotan na kanilang ginawa at magkaroon ng munting parada sa loob
ng silid-aralan.

Itanong:
1. Ano ang mga kulay na kasuotan na maganda sa paningin?
2. Ano-anong hugis ang magandang gamitin sa bawat disenyo?
3. Ipatukoy ang mga overlap sa disenyo ng kanilang kasuotan.

V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng disenyong kasuotan ng iba pang pangkat-etniko. Gumupit sa magasin o kumuha
ng larawan sa internet at idikit sa kuwaderno.

You might also like