Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Developmental Stages of Learning ni Jean Piaget

Ang Cognitive Development ay isang comprehensibong teorya tungkol sa uri at pag unlad ng
pag-iisip ng tao. Ito ay unang nadiskubre ng isang Swiss Developmental Psychologist na si
Jean Piaget. Layunin ng teoryang ito na malaman ang likas na pagkatuto ng tao at kung paano
ang tao makakuha, makagawa, at kung paano ito gamitin. Tinawag ito ni Jean Piaget na
Developmental Stage Teory.

Para kay Piaget, ang Cognitive Developmetal ay isang progresibong proseso ng pag-iisip ng
tao. Naniniwala siya na ang mga bata ay kayang gumawa at bumuo ng pag-iintindi sa kanyang
kapaligiran base sa kanyang nalalaman at naiintindihan. Bukod pa rito ang cognitive
development raw ang sentro sa pag-iisip ng tao at nakasalalay sa lengguwahe ang pagkatuto at
pangunawa ng tao na makakuha sa pamamagitan ng cognitive development.

Ayon sa Sikalogo na si Piaget, ang progreso ng mga bata ay makikita sa pamamagitan ng isang
serye na may apat na yugto ng kognitibong pag-unlad. Ang bawat yugto ay minarkahan
sapamamagtan ng pagbabago sa kung paano maiintindihan ng mga bata ang mundo.
Naniniwala si Piaget na ang mga bata ay tulad ng maliit na mga siyentipiko at sila ay aktibo
upang subukang galugarin at bigyang kabuluhan ang mundo.

Sapamamagitan ng kanyang obserbasyon sa sarili niyang mga anak, nakabuo si Piaget ng


isang yugto ng teorya sa intelektwal na pag-unlad ng mga bata na may apant na natatanging
mga yugto- ang sensorimotor na yugto mula kapanganakan hanggang sa edad 2;
preoperational yugto mula sa edad 2 hanggang sa edad 7;concrete operational mula ad 7
hanggang edad 11 at ang formal operational yugto na nagsisimula sa pagbibinata at
sumasaklaw sa pagiging matanda

You might also like