Aralin3 Tekstong Impormatibo

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 41

ARALIN 3

Tekstong
Impormatibo:
Para sa Iyong
BALIK-TANAW
 Sa

milyong impormasyon na makikita sa social media,


mahalaga ang matalas na pagtukoy ng isang
mambabasa kung ang impormasyong nababasa ay
tunay o huwad. Isang mahalagang kakayahan sa
pagbasa ang diskriminasyon ng datos, kung saan
tinutukoy kung makatotohanan o hindi ang isang tiyak
na impormasyon, o kaya ay kung makabuluhan o hindi
kailangang pagtuunan ng pansin. Ibahagi ang isang
karanasan kung saan pinaniniwalaan ang isang
impormasyong nabasa sa Facebook o Twitter ngunit
kalaunan ay natuklasang hindi naman pala totoo. Iscreen shot at i-print ang
larawan, mensahe, o paskil na
nakuha sa anomang social media site at idikit ito sa
papel o notebook.
LUSONG-KAALAMAN
 Alalahanin

ang isang pinakabagong


napagkinggan, napanood, o nabasa,
maging ito man ay lokal, pambansa,
o pandaigdig. Isulat ang buod ng
balita at ilagay ang mahahalagang
impormasyong naaalala sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong sa talahanayan. Ibahagi ito
sa klase.
 Paksa ng Balita:
Tanong
Sagot
1. Ano ang nangyari?
2. Sino ang mga
kasangkot?
3. Saan nangyari?
4. Kailang nangyari?
5. Paano nangyari?
Matutunghayan sa susunod na aralin
ang anyo, katangian, at kalikasan ng
isang tekstong impormatibo at iba’t
ibang uri nito. Magbibigay rin ito ng
gabay sa mabisang pagbasa ng
GAOD-KAISIPAN
TEKSTONG IMPORMATIBO: PARA SA IYONG
KAALAMAN
Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay
tinatawag ding ekspositori, ay isang anyo ng
pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at
magbigay ng impormasyon. Kadalasang
sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano,
kailan, saan, sino, at paano.
Pangunahing layunin ng impormatibong teksto
ang magpaliwanag sa mga mambabasa ng
anomang paksa na matatagpuan sa tunay na
daigdig.
Kaiba sa piksiyon, naglalahad ito ng kuwento ng
 Ang

ilang tiyak na halimbawa ng


tekstong impormatibo ay
biyograpiya, mga impormasyon na
matatagpuan sa diksyunaryo,
encyclopedia, o almanac, papelpananaliksik sa mga journal,
siyentipikong ulat, at mga balita sa
diyaryo.
 Mahalaga

ang pagbabasa ng mga


tekstong nagbibigay ng impormasyon
sapagkat napauunlad nito ang iba
pang kasanayang pangwika gaya ng
pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng
mahahalagang detalye,
pakikipagtalakayan, pagsusuri, at
pagpapakahulugan ng impormasyon.
 Ayon

kina Jeanne Chall, Vicki Jacobs,


at Luke Baldwin (1990) sa kanilang
pananaliksik sa “The Reading Crisis:
Why Poor Children Fall Behind,” ang
kakulangan sa pagtuturo ng mga
tekstong impormatibo ay nagdudulot
ng pagbaba sa komprehensiyon o
kakayahang umunawa ng ganitong
teksto ng mga mag-aaral.
 Kapag

hindi nasanay ang mga


mag-aaral sa pagkatuto mula sa
mga impormatibong teksto sa mga
unang baitang ng elementarya,
itinatakda nito ang husay nila sa
pagbasa pagdating ng ikatlong
baitang.
 Ipinakikita nitong mahalaga ang
pagbasa ng mga tekstong
 Upang

mas madaling maunawaan ang


anomang tekstong impormatibo, kadalasang
gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang
pantulong upang gabayan ang mga
mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t
ibang impormasyon.
 Kabilang dito ang talaan ng nilalaman,
indeks, at glosaryo para sa mahahalagang
bokabularyo, mga larawan at ilustrasyon,
kapsyon, o iba pang uri ng palatandaan para
sa mga larawan, graph, at talahanayan.
 Mahalaga

ang katumpakan ng nilalaman


at mga dataos sa isang impormatibong
teksto. Bukod sa katumpakan, mahalaga
rin na napapanahon ito at makatutulong
sa pag-unawa tungkol sa isang
mahalagang isyu o usaping panlipunan.
 Upang masiguro ang katumpakan ng
datos, mahalagang sumangguni sa mga
babasahin at iba pang pagmumulan ng
datos na mapagkakatiwalaan.
 May

iba’t ibang uri ng tekstong


impormatibo depende sa
estruktura ng paglalahad nito.
 Ang mga estrukturang ito ay sa
pamamagitan ng pagtalakay ng
sanhi at bunga, paghahambing,
pagbibigay-depsinisyon, at
paglilista ng klasipikasyon.
Sanhi at Bunga.
 Ito

ay estruktura ng paglalahad na
nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay
ng mga pangyayari at kung paanong
ang kinalabasan ay naging resulta ng
mga naunang pangyayari.
 Sa uring ito, ipinaliliwanag ng
manunulat ang malinaw na relasyon sa
dalawang bagay at nagbibigay ng
pokus sa kung bakit nangyari ang mga
bagay (sanhi) at ano ang resulta nito
(bunga)

You might also like