Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ang Dapat Mong Malaman Tungkol

sa Pagtitipid sa Enerhiya
I-play

Oras 0:00
Loaded: 0%
Progress: 0%

Duration 0:00
I-mute

NAKADEPENDE tayo sa enerhiya para mapainit at mapalamig ang ating

bahay, mapaandar ang ating sasakyan, at magawa ang marami sa ating
pang-araw-araw na gawain. Pero sa buong mundo, ang mga tao ay may
mabibigat na problema pagdating sa enerhiya.

Para kay Gary, na taga-South Africa, “ang tumataas na presyo ng

gasolina” ay isang malaking problema. Nababahala naman si Jennifer, na
taga-Pilipinas, tungkol sa maaasahang mapagkukunan ng enerhiya, dahil
sa “madalas na pagkawala ng kuryente.” Si Fernando naman, na taga-El
Salvador, ay “nangangamba sa puwedeng mangyari sa ekolohiya.” Sa
maraming lugar sa buong daigdig, nagiging dahilan ng polusyon ang
pinagmumulan ng enerhiya.

Kaya baka maisip mo, ‘Paano ko kaya mahaharap ang mga problemang
ito sa enerhiya?’

Puwede nating gamitin sa matalinong paraan ang enerhiya.

Makikinabang tayo kung titipirin natin ito. Kung babawasan natin ang
pagkonsumo sa enerhiya, bababà ang bayarin natin. Mapoprotektahan
din natin ang kapaligiran, at hindi tayo makadaragdag sa lumalaking
pangangailangan sa enerhiya.
Talakayin natin ang tatlong bagay kung saan magagamit ang enerhiya sa
mas matalinong paraan: bahay, transportasyon, at pang-araw-araw na
gawain.

BAHAY
Magtipid sa paggamit sa mga kasangkapang gaya ng heater at air-
con. Sa isang pag-aaral na ginawa sa isang bansa sa Europa, natuklasan
na ang pinakamatipid na paggamit ng enerhiya sa loob ng isang taon ay
kapag ibinaba nang kahit dalawang digri ang thermostat sa panahon ng
taglamig. Sang-ayon diyan si Derek, na taga-Canada. “Nagsusuot ng
pangginaw ang pamilya namin sa halip na itodo ang heater, kaya
nakatitipid kami sa enerhiya,” ang sabi niya.

Angkop din ang paraang iyan sa maiinit na klima. Binawasan ni Rodolfo,

na taga-Pilipinas, ang paggamit ng air-con sa pamamagitan ng tamang
pagsi-set ng thermostat nito. Bakit? “Nakatitipid kami sa bayarin at sa
enerhiya,” ang sabi niya.

Panatilihing nakasara ang mga bintana at pinto.* Makatitipid tayo sa

enerhiya kung hindi natin hahayaang makalabas ang init o lamig.
Halimbawa, kung nakabukas ang pinto sa malamig na panahon, mas
malaking enerhiya ang kakailanganin para mapainit ang isang gusali.

Bukod diyan, ang ilang tao ay mas nakatipid sa enerhiya sa pamamagitan

ng pag-i-install ng mas magagandang insulasyon at energy-efficient na
mga bintana.

Gumamit ng ilaw na mas matipid sa enerhiya. “Sa halip na gumamit

ng ordinaryong bombilya, gumagamit kami ng mga bombilyang matipid
sa enerhiya,” ang sabi ni Jennifer, na nabanggit na. Ang mga ilaw na mas
matipid sa enerhiya ay karaniwan nang mas mahal. Pero dahil mas
mababa ang konsumo nito sa enerhiya, mas makatitipid ka.
TRANSPORTASYON
Hangga’t posible, gumamit ng pampublikong sasakyan. “Sumasakay
ako ng tren o nagbibisikleta papasok sa trabaho kapag kaya ko,” ang
sabi ni Andrew, na taga-Great Britain. Sinasabi ng aklat na Energy: What
Everyone Needs to Know na “halos tatlong beses na mas mataas ang
konsumo sa enerhiya ng mga kotse kada isang pasahero kumpara sa
konsumo ng mga bus at tren.”

Planuhin ang iyong biyahe. Kung paplanuhin mo ang iyong biyahe,

mababawasan ang biyahe na kailangan mong gawin. Kaya makatitipid ka
sa enerhiya, panahon, at pera.

Si Jethro, na taga-Pilipinas, ay nagtatakda ng halagang gagamitin niya

para sa gasolina buwan-buwan. “Dahil dito, mas naipaplano ko ang
biyahe ko.”

PANG-ARAW-ARAW NA GAWAIN
Bawasan ang dami ng mainit na tubig na ginagamit mo. Ayon sa
isang pag-aaral, “ang mga water heater sa mga residensiyal ay
kumokonsumo nang halos 1.3% ng kabuoang enerhiyang nagagamit sa
mga lunsod sa Australia o nang 27% ng kabuoang enerhiyang
nagagamit sa mga bahay.”

Kung babawasan natin ang paggamit ng mainit na tubig, makatitipid

tayo sa enerhiya. Sinabi ni Victor, na taga-South Africa: “Hangga’t
posible, binabawasan namin ang paggamit ng mainit na tubig sa
paliligo.” Ayon sa siyentipikong si Steven Kenway, ang hindi masyadong
paggamit ng mainit na tubig ay may tatlong pakinabang: nakatitipid sa
enerhiya at tubig, nakatutulong sa mga kompanyang nagsusuplay ng
tubig at enerhiya, at bumababa ang bayarin ng bawat pamilya.
Huwag kalimutang patayin o bunutin sa saksakan ang mga
kagamitan. Kasama rito ang ilaw at mga kasangkapang de-kuryente,
gaya ng TV at computer. Kahit nakapatay na, marami sa mga ito ang
kumokonsumo pa rin ng enerhiya kapag nasa standby mode.
Iminumungkahi ng ilang eksperto na bunutin ang mga ito sa saksakan o
gumamit ng saksakan na may on-and-off switch para mas makatipid.
Sinunod ito ni Fernando, na nabanggit na, “Pinapatay ko ang mga ilaw at
binubunot sa saksakan ang mga kasangkapang hindi ko ginagamit.”

Wala tayong gaanong kontrol sa halaga ng enerhiya o sa pinsalang

naidudulot sa kapaligiran ng pagpo-produce nito. Pero puwede nating
gamitin sa matalinong paraan ang enerhiya. Humahanap ang mga tao sa
buong daigdig ng paraan para magawa iyan. Totoo, kailangan ng
pagsisikap at pagpaplano para makatipid sa enerhiya, pero sulit naman
ang mga pakinabang. Sinabi ni Valeria, na taga-Mexico, “Nakatitipid ako
sa gastusin, at napoprotektahan ko ang kapaligiran.”

Alam Mo Ba?
Ang Bibliya ay may mga prinsipyo na tutulong sa iyong magamit ang
mga likas-yaman sa matalinong paraan.

 Juan 6:12: Sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Tipunin ninyo ang
mga natirang pira-piraso, upang walang masayang.”

Ano ang mga puwede mong gawin para maiwasan ang pag-aaksaya?

 Filipos 2:4: “Itinutuon ang mata, hindi lamang sa personal na kapakanan

ng inyong sariling mga bagay-bagay, kundi sa personal na kapakanan
din ng iba.”

Paano nakaaapekto sa kapuwa mo at sa inyong komunidad ang mga

ginagawa mo?
Summer na naman, siguradong ang buong pamilya ay nagpaplano na magbakasyon sa malayo-layo sa city.
Pero ang iba ay nag-iisip-isip dahil nga sa kasalukuyang presyo ng gasolina. Sa isang banda, sa aking palagay,
kailangan ng pamilya ang konting bonding time. Gumastos man nang kaunti ay sulit naman ang kapalit sa ika-
iige ng samahang pampamilya. Ating tingnan kung paano natin ma-o-optimize ang gamit ng ating gasoline.
Ang mga sumusunod na tips ay makakatulong nang malaki kapag ating sinuma ang ating matitipid pagdating
sa gas:

• Unang-una ay kinakailangan na ating i-analyze ang ating driving habits. Ang pagkakaroon ng pagbabago sa
mga ito ay makatutulong sa pagtitipid ng gas. Kailangan na ugalin na mag-brake sa tamang paraan. Dapat
nating malaman na ang sasakyan ay kumukunsumo higit ng gas kapag ito ay nag-a-accelerate. Kinakailangan
na maging smooth ang ride upang magkaroon ng improvement sa mileage. So, ibig sabihin, hindi ka pabigla-
bigla sa tapak ng gas pedal at di rin pabigla-bigla ang pag-brake.

• Kung may available na parking sa malilim or shaded area, doon iparada ang sasakyan. Bakit? Unang-una,
kapag nagparada ka sa malilim, ang iyong sasakyan ay 10-20% na cooler kapag sumakay ka. Hindi mo
kailangan na buksan kaagad ang iyong air conditioning system na makakakunsumo ng mas maraming gas.
Pangalawa, kapag nasa initan ang sasakyan, ang gasoline sa iyong tangke ay nag-e-evaporate sa taas ng
tangke kaya nababawasan ito.

• Hindi nare-realize ng karamihan, pero pag tiningnan ninyo ang trunk ng inyong sasakyan, makikita ninyo na
maraming bagay na nakakarga pero hindi ninyo kailangan. Ang karagdagang load ay nakakadagdag din ng
konsumo ng gasoline. Siyempre, pag mas mabigat, mas kailangan ng puwersa. Para magkaroon ng puwersa,
kailangan ng mas maraming gasoline. Stick to what is necessary, lalo na kapag nabiyahe.

• Kapag kailangan mong maghintay nang medyo matagal, mas maige na patayin muna ang makina.
Halimbawa kung kailangan mong tumigil sa railroad, sa may kahabaan na traffic or kung nagwi-withdraw ng
pera sa ATM. Anytime na hindi ka makaka-andar sa loob ng isang minuto o higit pa, makabubuti na turn-off
muna ang makina.

• Maging mahinahon sa pagmamaneho. Stay within the legal limit. Kapag mas mabilis ka, nag-i-increase ang
tinatawag na “drag” o wind resistance at, natural, nadadagdagan ang fuel consumption. Tandaan na “mas
mataas ang tinatahak ng inyong speedometer needle, mas bumababa ang needle ng fuel gauge.”

• Magkaroon ng pre-planning sa inyong driving route. Hindi ibig sabihin na pag sinabi ng GPS na shortest
route, eh, fuel efficient na kung lagi ka namang tumitigil. Iwasan ang heavy traffic at maraming traffic lights.

• Mas makabubuti na bago mag-long drive ngayong summer, na-tune-up ang inyong sasakyan. Malaki ang
matitipid kapag bagong palit ang inyong mga spark plugs, filters (air & fuel at cabin). Makabubuti rin na ipa-
wheel alignment ang inyong mga gulong dahil kapag di naka-align ang mga gulong, pigil ang takbo ng
sasakyan at, natural, mas kailangan na mas malakas na puwersa upang mapatakbo at mas malakas sa
gasoline. Siguraduhin na na-inflate ang inyong gulong sa specified level.

Magawa natin ang ilan sa mga nabanggit na tips, ito ay makakatulong na sa atin upang makatipid sa gas.
Maligayang paglalakbay mga kabayan!

Ron Urbano is a Certified Red Seal Mechanic.

1. Pagbabawas ng paggamit ng mainit na tubig

Ang mainit na tubig ang dahilan sa halos 25% ng karaniwang pambahay na bayaring
pang-enerhiya. Kabilang sa mga paraan upang mabawasan ito ay ang paglalaba ng
mga damit sa malamig na tubig at paghihintay hanggang dumami ang labahin,
pagpapaandar lamang ng dishwasher kapag puno na ito, pagkakabit ng showerhead na
mahina ang daloy ng tubig, (sa maikling panahon ay makakatipid kayo) at gawing
maikli ang sa pagsa-shower.

2. Pagpili ng mahusay na mga kasangkapang pambahay

Ang mga kasangkapang pambahay ay dahilan ng sangkatlo ng inyong bayaring pang-
enerhiya. Kung bibili ka ng bagong fridge, freezer, telebisyon, washing machine, dryer
ng damit, dishwasher o air-conditioner, humanap ng Etiketang Energy Rating—mas
maraming star, mas mababang enerhiya ang ginagamit ng kasangkapan. Ang mga
modelong mas maraming star ay maaaring mas mataas ang halaga, ngunit ang pagpili
ng mas murang produkto na hindi gaanong matipid sa enerhiya ay maaaring mas
magastos sa kalaunan.

3. Mahusay na paggamit ng mga kasangkapang pambahay

Ang 'standby power' na ginagamit ng mga produktong katulad ng mga microwave,

telebisyon at mga gaming console ay dahilan ng 10 porsiyento ng inyong bayarin sa
kuryente. Kung ito ay may maliit na ilaw o orasan—ito ay gumagamit ng enerhiya.
Mababawasan ang mga gastos sa paggamit (ng enerhiya) sa pamamagitan ng
pagpatay sa mga kasangkapan sa saksakan kapag hindi ginagamit, pag-aalis ng mga
fridge at freezer na hindi kailangan, at pagpapatuyo ng mga damit sa sampayan sa
halip na sa dryer.

4. Mahusay na pagpapainit at pagpapalamig

Sa bawat dagdag na digri ng pagpapainit o pagpapalamig, ang enerhiyang ginagamit ay

tumataas nang halos 5 hanggang 10 porsiyento. Para makontrol ang inyong mga
bayarin, i-set ang inyong heating thermostat sa 18–20°C sa taglamig at sa 25–27°C sa
tag-init. Mas makakatipid kung isasara ang mga pintuan sa loob ng bahay at magpainit
o magpalamig lamang ng mga kuwartong inyong ginagamit.

5. Gawing 'draught-proof' ang inyong tahanan

Ang draught-proofing ay mura at madaling paraan upang gawing komportable ang

inyong tahanan at makatipid nang hanggang sangkatlo ng inyong mga gastos sa
pagpapainit at pagpapalamig. Ang pagsasara ng mga puwang na maaaring pasukan ng
hangin sa palibot ng mga pintuan, sahig, bintana at mga skirting board, at paggamit ng
puno ng buhanging 'fabric sausage draught-stopper' ay ilan lamang sa 'do-it-yourself' na
mga opsyon.

Nais ng karagdagang impormasyon at pagtitipid?

Makakakuha ng marami pang praktikal na mga payo ukol sa enerhiya, basura, tubig at pagtitipid
sa biyahe gayundin ng impormasyon ukol sa tulong mula sa pamahalaan sa wikang Ingles sa
website na yourenergysavings.gov.au.
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo at iba pang produktong petrolyo sa mga araw na ito ,
may mga ilang pumupuna kung bakit ibenebenta ng mga kumpanya ng langis ang kanilang produktong
petrolyo sa mataas na presyo sa kasalukuyan samantalang may imbentaryo pa silang natitira na nabili
nila sa mas murang halaga. Ang tanong ng ilan: hindi ba dapat na ubusin muna ng mga kumpanya ng
langis ang kanilang mas murang produktong naiwan sa kanilang imbentaryo nang di
mapagsamantalahan ang publiko?

Ang katanungan na ito ay mukhang makatwiran sa unang tingin. Ngunit napakahalagang maunawaan
kung bakit ang mga bansang tinatawag na may “open markets ” tulad ng Singapore, Hong Kong,
Australia, United States, United Kingdom, France at iba pa ay agad ding nagpapalit ng presyo ng kanilang
mga produktong petrolyo batay sa pangkasalukuyang presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
Halimbawa, sa US at Thailand, araw-araw ang pagpapalit ng presyo ng petrolyo, samantalang sa Hong
Kong at Singapore naman ay lingguhan ang pagpapalit nito. Ang pangunahing dahilan ng ganitong
gawain sa mga nabanggit na “open markets” ay ang pagtataguyod ng “pricing transparency”, ng sa gayon
ay nakikita ng publiko na ang galaw ng presyo sa mga internasyonal na merkado, pataas man o pababa,
ay agad makikita sa mga lokal na merkado.

Importanteng malaman ng publiko na sa Pilipinas, ang mga “refiners” at ang mga “importers” o yung
nag-aangkat ng mga finished product ay may magkaibang lebel ng imbentaryo. Ang mga “refiners” ay
may imbentaryo na mula 40 hanggang 60 araw, samantalang ang mga “importers” ay may imbentaryo
mula 7 hanggang 14 na araw lamang.

Bagamat may imbentaryo pang sapat at pataas ang halaga ng mga produktong petrolyo, gaya ng
kasalukuyang sitwasyon, kapag ibinenta ito ng refiner sa mas mababang halaga, maaaring isipin ng
taong bayan na ito ay “predatory pricing” upang sirain ang kumpetisyon. Sa kabilang dako, kapag
bumababa naman ang presyo ng mga produktong petrolyo, agad na magbababa ng presyo ang mga
importers at ito’y tatapatan naman ng mga refiners dahil ito ang pangunahing katangian ng
kumpetisyon at ang merkado mismo ang magdidikta ng hindi maaring ibenta ang mga produkto sa mas
mataas na halaga. Sinong mamimili ang tatanggap sa isang kalakaran na mas mataas ang presyo ng
produktong petrolyo sapagkat nang bilhin ng mga kumpanya ng langis ang kanilang imbentaryo ay mas
mataas ito kaysa sa kasalukuyang presyo sa pandaigdigang pamilihan? Paano malalaman ng publiko
kung gaano pa karami ang natitirang imbentaryo ng mga kumpanya at kung ilang araw pa silang
maghihintay bago ito magbaba ng presyo? Hindi ba’t maaaring akusahan ang mga refiner ng
pagpapaliban ng pagbaba ng presyo upang kumita ng mas malaki?

Dahil dito, ang pag-presyo sa mga produktong petrolyo ayon sa kasalukuyang halaga nito sa
pandaigdigang pamilihan ang pinaka- makatotohanan , bukas at pinaka-madaling maunawaang paraan
ng pagprepresyo, kaya naman ito ang pamantayan sa “open markets” sa buong mundo.

Sa kasalukuyang panahon, ang pinakamahalagang bagay ay siguruhin at panatilihing sapat ang

“supply”ng langis sa bansa at maibsan ang epekto sa publiko ng pagtaas ng presyo ng mga produktong
petrolyo , lalo na sa mga mahihirap nating kababayan.

Bilang suporta sa pamahalaan, kami sa Pilipinas Shell Petroleum Corporation (PSPC) ay nagdagdag ng
aming imbentaryo na sasapat sa pinakamahabang panahon na 60 araw upang masiguro na hindi
mapapatid ang “supply” ng langis at matutugunan ang mga pangangailangan ng aming mga mamimili,
kahit pa ito’y magresulta sa mas malaking gastos para sa aming kumpanya.
Dagdag pa dito, bilang tulong sa sektor ng transportasyon, nananatiling bukas ang 150 Shell Pepeng
Pasada Club Loyalty at “DOE lanes” na nagbibigay ng diskwento sa mga pampublikong transportasyon,
upang mabawasan ang negatibong epekto na dulot ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Gayundin, patuloy ang aming suporta sa pamahalaan sa kanilang adhikain para sa pagtitipid at
konserbasyon ng enerhiya.

Ngayon ang panahon upang mag-ugnayan at magtulungan, para maging handa ang ating bansa sa
anumang maaaring maganap kaugnay ng mga patuloy na pagsubok dala ng mga pangyayari sa gitnang
silangan at iba pang pandaigdigang kaganapan.

Para sa mga katanungan:

You might also like