Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI-WESTERN VISAYAS
Schools Division of Iloilo
CABATUAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL

MASUSING BANGHAY -ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


(Mga Kontemporaryong Isyu)

January 29, 2018

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamayaan at


pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang
maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Ang mga mag-aaral; ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng


pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling
pamayanan.

C. KASANAYAN SA PAGKATUTO

a. Natatalakay ang pagkabuo ng mga karapatang pantao batay sa Universal Declaration of


Human Rights at Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas.

D. TIYAK NA LAYUNIN

1. Natatalakay ang kasaysayan ng karapatang pantao.

2. Naipaliliwanag ang pagkabuo ng mga karapatang pantao batay sa Universal Declaration of


Human Rights.

3. Natutukoy ang mga karapatang pantao ayon sa Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas

II. NILALAMAN

A. Paksa:
Universal Declaration of Human Rights at Bill of Rights.

III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO

A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro: 352-360
2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral: pp. 369-380
B. Iba pang Kagamitan: Laptop, Telebisyon, Powerpoint Presentation

1
IV. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating Tatayo ang mga mag- aaral at mananalangin.
panalangin.
2. Balik- aral
Mag balik-aral muna tayo, sa nakalipas
na aralin ay tinalakay natin ang tungkol
sa konsepto at katuturan ng
pagkamamamayan.
Tanong: Ano ang ibig sabihin ng Ang pagkamamamayan ay ugnayan ng isang
pagkamamamayan? indibidwal at estado.
Tanong: Sa anong artikulo ng 1987
saligang batas n gating bansa makikita Artikulo IV.
ang pagkamamamayan o citizenship?
Tanong: Ano ang dalawang uri ng Likas o katutubo at Naturalisadong
mamamayan? mamamayan.

Very Good!

B.Paglinang na Gawain
1.Pagganyak
Bago natin tuloyang simulan ang ating (Manonood)
bagong aralin, panoorin muna ninyo ng
tahimik ang maikling video.

Gabay na Tanong:
a. Tungkol saan ang Mga Karapatang Pantao
maikling video?
b. Anu-ano ang mga Karapatang mabuhay, at karapatang magsalita.
karapatang pantao na
ipinakita sa video?
c. Magbigay pa ng ibang
karapatang pantao, o
mga karapatan nyo
bilang mag-aaral.

2.Paglalahad
Ang ating bagong aralin ay tungkol sa
kasaysayan ng karapatang pantao,
Universal Declaration of Human Rights
at Billo of Rights.

3.Pagtalakay
Maraming pagkakataon na nababasa sa
mga pahayagan, naririnig sa radyo,
napanonood sa telebisyon, at napag-
uusapan ang paksa tungkol sa
karapatang pantao. Kung bibigyan ka ng
pagkakataong magtanong sa mga taong
iyong masasalubong kung ano ang ibig
sabihin ng karapatang pantao, iba’t
ibang sagot ang iyong makukuha. Ito ay
dahil sa iba’t ibang karanasang
humubog sa kanila batay sa
kinaaanibang relihiyon, uri ng kultura at
lipunang kanilang kinabibilangan.

2
Tanong:
Para sa inyo ano ang ibig sabihin ng Ito ang karapatan ng mga tao sa isang bansa.
karapatang pantao?

Ang konsepto ng karapatang pantao ay


nagmula pa noong sinaunang panahon
hanggang sa mabuo ang Universal
Declaration of Human Rights ng United
Nations noong 1948.

539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng


Persia at kaniyang mga tauhan ang
lungsod ng Babylon. Pinalaya niya ang
mga alipin at ipinahayag na maaari
silang pumili ng sariling relihiyon.
Idineklara rin ang pagkakapantay-pantay
ng lahat ng lahi.

Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder


na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.”
Tinagurian ito bilang “world’s first
charter of human rights.”

Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa


karapatang pantao ang iba pang
sinaunang kabihasnan tulad ng India,
Greece, at Rome.
Ang mga itinatag na relihiyon at
pananampalataya sa Asya tulad ng
Judaism, Hinduism, Kristiyanismo,
Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay
nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa
moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad
ng tao at tungkulin nito sa kaniyang
kapwa.

Noong 1215, sapilitang lumagda si John


I, Hari ng England, sa Magna Carta,
isang dokumentong naglalahad ng ilang
karapatan ng mga taga-England. Ilan sa
mga ito ay hindi maaaring dakpin,
ipakulong, at bawiin ang anumang ari-
arian ng sinuman nang walang
pagpapasiya ng hukuman. Sa
dokumentong ito, nilimitahan ang
kapangyarihan ng hari ng bansa.

Noong 1628 sa England, ipinasa ang


Petition of Right na naglalaman ng mga
karapatan tulad nang hindi pagpataw ng
buwis nang walang pahintulot ng
Parliament, pagbawal sa pagkulong
nang walang sapat na dahilan, at hindi
pagdeklara ng batas militar sa panahon
ng kapayapaan.

Noong 1787, inaprubahan ng United


States Congress ang Saligang-batas ng

3
kanilang bansa. Sa dokumentong ito,
nakapaloob ang Bill of Rights na
ipinatupad noong Disyembre 15, 1791.
Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga
karapatang pantao ng lahat ng
mamamayan at maging ang iba pang
taong nanirahan sa bansa.

Noong 1789, nagtagumpay ang French


Revolution na wakasan ang ganap na
kapangyarihan ni Haring Louis XVI.
Sumunod ang paglagda ng Declaration
of the Rights of Man and of the Citizen
na naglalaman ng mga karapatan ng
mamamayan.

Gawain 1
Human Rights Declared
Magsaliksik tungkol sa mahahalagang
probisyon ng sumusunod na
dokumentong naglalahad ng mga
karapatang pantao. Isulat ang mga
probisyong nakapaloob sa bawat
dokumento sa pangalawang kolum. Mga Nakapaloob
Dokumento na
Karapatang
Pantao
1.Cyru’s Cylinder
(Silindro ni Cyrus)
2. Magna Carta
3. Petition of Right
(Ang Petisyon ng
Karapatan)
4. Declaration of
US Independence
(Ang Deklarasyon ng
Kalayaan ng Estados
Unidos 1776)
5. Declaration of
the Rights of Man
and of the Citizen
(Deklarasyon ng
mga Karapatan ng
Tao at ng mga
Mamamayan 1789)
6. The First
Geneva
Convention (Ang
Unang Convention sa
Geneva 1864)
 Silindro ni Cyrus

Cyrus- nagpatupad ng mga batas sa


karapatang pantao sa wikang Akkadian
na nakaukit sa hinulmang luwad na
hugis cylinder
- Kauna-unahang hari ng Persia na
nagplaya sa alipin ng Babylonia noong
539 BCE.

4
“ANG LAHAT NG TAO AY MAY
KARAPATANG PUMIL NG RELIHIYON AT
MARAPAT ITURING NA KAPANTAY NG
IBANG LAHI”

Cyrus Cylinder- pinakamatandang talang


pangkasaysayan at kauna-unahang
kalipunan ng mga batas sa karapatang
pantao.

 Magna Carta (1215)

Magna Carta o “Great Charter” – nilagdaan


ng Hari ng Inglatera noong 1215,
nakapaloob rito ang karapatan ng
simbahan na maging Malaya mula sa
pakikialam ng pamahalaan, karapatan sa
lahat ng mamamayan na magmayari at
magmana ng ari-arian at mabigyan ng
proteksiyon laban sa mapaniil
napagbubuwis.

Karapatan ng mga balo (widow) na


magmay-ari at makapili na hindi na
muling mag-asawa.

Makatwirang proseso (due process) sa pagdinig


ng kaso at pagkapantaypantay sa mata ng
batas.

 Ang Petisyon ng Karapatan

Sa pangunguna ni Edward Coke,


ipinadala ng English Parliament kay
Haring Charles I ng England ang
Petisyon ng Karapatan noong 1628.
Apat na Prinsipyo
a. Walang pagbubuwis nang walang
pahintulot ng Parliamento.
b. Walang sinuman ang maaring
ibilanggo nang walang paghahain
ng akusasyon at pagdinig sa kaso.
c. Walang sundalo ang maaring
kanlungin o patuluying
pansamantala sa tirahan ng
ordinaryong sibilyan o
mamamayan.
d. Ang batas military ay maaaring
ipatupad sa panahon ng
kapayapaan.

 Ang Deklarasyon ng
Kalayaan ng Estados Unidos
(1776)

I s in u la t it o n i T h o m a s
Jefferson.

Nakapaloob rito ang kalayaan ng 13

5
kolonya mula sa British Empire.

Pagbibigay karapatan sa indibidwal at


karapatan sa rebolusyon

 Ang Saligang Batas ng


Estados Unidos (1789)

Nangangalaga sa kalayaan sa
pamamahayag, relihiyon, pagpulong, at
petisyon.

Pagbabawal sa hindi makatwirang


paghalughog at pagdakip, malupit na
kaparusahan, pamimilit sa
pagkakasangkot ng sarili.

 DEKL ARAS Y O N N G
M G A K A R A P A T A N NG TAO
AT NG MAMA MAYAN, 1789

Lahat ng mamamayan ay pinagkalooban


ng karapatan at kalayaan sa ari-arian,
seguridad at pagtutol sa paniniil.

 Ang unang kombensyon sa


Geneva, (1864)

Noong 1864, isinagawa ang


pagpupulong ng labing-anim na
Europeong bansa at ilang estado ng
United States sa Geneva, Switzerland.
Kinilala ito bilang The First Geneva
Convention na may layuning isaalang-
alang ang pag-alaga sa mga nasugatan
at may sakit na sundalo nang walang
anumang diskriminasyon.

Analisis
Tanong:
Bakit mahalaga ang mga binanggit na
dokumento sa pag-unlad ng
konsepto ng karapatang pantao?

UNIVERSAL DECLARATION OF
HUMAN RIGHTS

Noong 1948, itinatag ng United Nations


ang Human Rights Commission sa
pangunguna ni Eleanor Roosevelt,
asawa ng yumaong Pangulong Franklin
Roosevelt ng United States. Sa
pamamagitan ng naturang komisyon,
nilagdaan at ipinatupad ang
dokumentong tinawag na Universal
Declaration of Human Rights .

Malugod na tinanggap ng UN General


Assembly ang UDHR noong Disyembre

6
10, 1948 at binansagan ito bilang
“International Magna Carta for all
Mankind.” Sa kauna-unahang
pagkakataon, pinagsama-sama at
binalangkas ang lahat ng karapatang
pantao ng indibiduwal sa isang
dokumento. Ito ang naging pangunahing
batayan ng mga demokratikong bansa
sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-
batas.

Umabot nang halos dalawang taon bago


nakumpleto ang mga artikulong
nakapaloob sa UDHR. Sa Preamble at
Artikulo 1 ng UDHR, inilahad ang likas
na karapatan ng lahat ng tao tulad ng
pagkakapantay-pantay at pagiging
malaya. Binubuo naman ng mga
karapatang sibil at pulitikal ang Artikulo
3 hanggang 21. Nakadetalye sa Artikulo
22 hanggang 27 ang mga karapatang
ekonomiko, sosyal, at kultural.
Tumutukoy naman ang tatlong huling
artikulo (Artikulo 28 hanggang 30) sa
tungkulin ng tao na itaguyod ang mga
karapatan ng ibang tao.

(Ipapakita ang ilan sa mga nilalaman ng


UDHR)

Naging sandigan ng maraming bansa


ang nilalaman ng UDHR upang
panatilihin ang kapayapaan at itaguyod
ang dignidad at karapatan ng bawat tao.
Naging inspirasyon din ang deklarasyong
ito sa maraming opisyal ng pamahalaan
at mga mambabatas upang magkaroon
ng mas mabuting pamumuhay ang tao.

BILL OF RIGHTS
Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill
of Rights ng Konstitusyon ng ating
bansa ay listahan ng mga pinagsama-
samang karapatan ng bawat tao mula sa
dating konstitusyon at karagdagang
karapatan ng mga indibiduwal na
nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18
(1), at 19.
Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014),
may tatlong uri ng mga karapatan ng
bawat mamamayan sa isang
demokratikong bansa.

Uri ng mga Karapatang Pantao


1. Natural
-Mga karapatang taglay ng
bawat tao kahit hindi ipagkaloob
ng Estado.
-Karapatang mabuhay, maging

7
malaya, at magkaroon ng ari-
arian.
2. Constitutional Rights
- Mga karapatang ipinagkaloob at
pinanga-ngalagaan ng Estado.
a. Karapatang Politikal-
Kapangyarihan ng mamamayan
na makilahok, tuwiran man o
hindi, sa pagtatag at
pangangasiwa ng pamahalaan.
b. Karapatang Sibil – mga
karapatan na titiyak sa mga
pribadong indibidwal na maging
kasiya-siya ang kanilang
pamumuhay sa paraang nais
nang hindi lumalabag sa batas.
c. Karapatang Sosyo-ekonomik –
mga karapatan na sisiguro sa
katiwasayan ng buhay at pang-
ekonomikong kalagayan ng mga
indibiduwal.
d. Karapatan ng akusado – mga
karapatan na magbibigay-
proteksyon sa indibidwal na
inakusahan sa anomang krimen.
3. Statutory
- Mga karapatang kaloob ng
binuong
batas at maaaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong
batas.
- Karapatang makatanggap ng
minimum wage.

ANG KONSTITUSYON NG
REPUBLIKA NG PILIPINAS 1987,
ARTIKULO III.
SEK. 1. Hindi dapat alisan ng buhay,
kalayaan, o ariarian ang sino mang tao
nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni
pagkaitan ang sino mang tao ng pantay
na pangangalaga ng batas.
SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-
bayan na magkaroon ng kapanatagan sa
kanilang sarili, pamamahay, papeles, at
mga bagay-bagay laban sa hindi
makatwirang paghahaluglog at
pagsamsam sa ano mang layunin ay
hindi dapat labagin, at hindi dapat
maglagda ng warrant sa paghalughog o
warrant sa pagdakip maliban kung may
malinaw na dahilan na personal na
pagpapasyahan ng hukom matapos
masitasat ang mayhabla at ang mga
testigong maihaharap niya sa ilalim ng
panunumpa o patotoo, at tiyaking
tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at
ang mga taong darakpin o mga bagay
na sasamsamin.

8
SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang
pagiging lihim ng komunikasyon at
korespondensya maliban sa legal n
autos ng hukuman, o kapag hinihingi
ang naiiba ng kaligtasan o kaayusan ng
bayan ayon sa itinatakda ng batas.
(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano
mang layunin sa alin mang hakbangin sa
paglilitis ang ano mang ebidensya na
nakuha nang labag dito sa sinusundang
seksyon.
SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng
batas na nagbabawas sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o ng
pamahayagan, o sa karapatan ng mga
taong-bayan na mapayapang
magkatipon at magpetisyon sa
pamahalaan upang ilahad ang kanilang
mga karaingan.
SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng
batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o
nagbabawal sa malayang pagsasa-gamit
nito. Dapat ipahintulot magpakailanman
ang malayang pagsasagamit at
pagtatamasa ng pagpapahayag ng
relihiyon at pagsamba nang walang
pagtatangi o pamimili. Hindi dapat
kailanganin ang pagsusulit panrelihiyon
sa pagsasagamit ng mga karapatang
sibil o pampulitika.
SEK. 6. Hindi dapat bawahan ang
kalayaan sa paninirahan at ang
pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga
katakdaang itinatadhana ng batas
maliban sa legal n autos ng hukuman. Ni
hindi dapat bawahan ang karapatan sa
paglalakbay maliban kung para sa
kapakanan ng kapanatagan ng bansa,
kaligtasang pambayan, o kalusugang
pambayan ayon sa maaaring itadhana
ng batas.
SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan
ng mga taong-bayan na mapagpabatiran
hinggil sa mga bagay-bagay na may
kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa
mga opisyal na record, at sa mga
dokumento at papeles tugkol sa mga
opisyal na Gawain, transaksyon, o
pasya, gayon din sa mga datos sa
pananaliksik ng pamahalaan na
pinagbabatayan ng patakaran sa
pagpapaunlad ay dapat ibigay sa
mamamayan sa ilalim ng mga
katakdaang maaaring itadhana ng batas.
SEK. 14. (1) Hindi dapat papanagutin
sa pagkakasalang criminal ang sino
mang tao nang hindi sa kaparaanan ng
batas.
(2) Sa lahat ng mga pag-uusig criminal,

9
ang nasasakdal ay dapat ituring na
walang sala hangga’t hindi
napapatunayan ang naiiba, at dapat
magtamasa ng karapatang magmatwid
sa pamamagitan ng sarili at ng abogado,
mapatalastasan ng uri at dahilan ng
sakdal laban sa kanya, magkaroon ng
mabilis, walang kinikilingan, at hayagang
paglilitis, makaharap ang mga testigo at
magkaroon ng sapilitang kaparaanan
upang matiyak ang pagharap ng mga
testigo at paglitaw ng ebidensya para sa
kanyang kapakanan. Gayon man,
matapos mabasa ang sakdal, maaaring
ituloy ang paglilitis kahit wala ang
nasasakdal sa pasubaling marapat na
napatalastasan siya at di makatwiran
ang kanyang kabiguang humarap.
SEK. 15. Hindi dapat suspindihin ang
pribilehiyo ng writ of habeas corpus
maliban kung may pananalakay o
paghihimagsik, kapag kinakailangan ng
kaligtasang pambayan.
SEK. 16. Dapat magkaroon ang lahat
ng mga tao ng karapatan sa madaliang
paglutas ng kanilang mga usapin sa
lahat ng mga kalupunang
panghukuman, malapanghukuman, o
pampangasiwaan.
SEK. 17. Hindi dapat pilitin ang isang
tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.
SEK. 18. (1) Hindi dapat detenihin ang
sino mang tao dahil lamang sa kanyang
paniniwala at hangaring pampulitika.
(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang
anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban
kung ang kaparusahang pataw ng hatol
ng pagkakasala.
SEK. 19. (1) Hindi dapat ipataw ang
malabis na multa, ni ilapat ang malupit,
imbi o di-makataong parusa, o ang
parusang kamatayan.

Gawain 2
Hahatiin ko kayo sa limang pangkat.
Unawain ang sumusunod na panuntunan
sa pagsasagawa ng human diorama.
May mga ibat-ibang scenario akong
ipapabunot sa inyo, batay sa inyong
nabunot gumawa ng isang larawan na
nagpapakita nito (estatwa). Ang lider ng
bawat pangkat ang siyang
magpapaliwanag ng inyong ginawa.
o Kung ika’y dinarakip
o Kung ang iyong bahay ay (Isasagawa ang Human Diorama)
hinahalughog
o Kung ikaw ay nililitis
o Kung ikaw ay pipili ng sussunod

10
na opisyal ng pamahalaan
o Kung ikaw ay nakakulong

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang mga karapatang pantao na
binigyang-diin sa mga ipinakitang
diorama?
2. Paano napangalagaan ang
kapakanan ng mga mamamayan batay
sa mga ipinakitang situwasiyon sa
diorama?
3. Kung taglay ng mamamayan ang
kanilang mga karapatan batay sa UDHR
at Konstitusyon ng Pilipinas, ano ang
nararapat nilang gawin upang higit na
mapakinabangan ito?

C.Pangwakas na Gawain
1.Paglalahat
Bilang paglalahat, ano ang iyong
nabuong konklusyon tungkol sa pag-
unlad ng karapatang pantao sa iba’t
ibang panahon?

2.Paglalapat
Tanong: Bilang isang mag-aaral bakit
mahalaga ang pagkakaroon ng batas
para sa mga karapatan ng bawat
indibidwal/karapatang pantao?

3.Pagpapahalaga
Tanong: Paano mo pahahalagahan ang
iyong mga karapatan bilang isang
mamamayan n gating bansa?

V. PAGTATAYA (Formative)

I.

Panuto: Bigyan ng mga hakbangin o solusyon ang ibat-ibang scenario na nagpapakita ng


paglabag sa karapatang pantao (2pts).

1. OFW sa Kuwait na minamaltrato ng amo.


2. Hinahalughog ang loob ng bahay kahit walang search warrant.
3. Taong pinagbibintangan na wala namang sapat na ebidensya.
4. Mga mahihirap na may sakit, hindi binibigyan ng sapat na medikal atensyon sa ospital.
5. Magulang na binubugaw ang sariling anak kapalit ng malaking halaga.

II.

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kasaysayan ng karapatang pantao mula 539 BCE
hanggang 1789 (10pts).

11
VI. TALA (REMARKS)

VII. PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.


B. Bilang ng mag-aaral na nagangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan sa tulong ng aking cooperating
teacher?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
kong guro?

Prepared by: JORILYN P. LEGAYADA


Grade 10- Student Teacher

Checked by: _JOYCE DUREZA_


Cooperating Teacher

Noted by: MARIANNE G. BASTIERO__


Head, Social Studies Department

12

You might also like