Filipino BroadCasting (Boses NG Masa)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

ARALIN 3.

1: Kontemporaryong Panitikan Tungo


sa Kultura at Panitikang Popular

I. Panimula at Mga Pokus na Tanong

Nahihilig ka rin ba sa pagbabasa ng mga pocketbook, magasin at komiks?


Maliban sa mga aklat na isinulat ni Bob Ong, nabasa mo na ba ang mga naisulat nina
Eros Atalia, Ricky Lee, Edgar Samar at Jun Cruz Reyes? Eh, ang mga nakakikilig na
Textstory ni Marcelo Santos sa Facebook, nabasa mo na? Paano naiiba ang
tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng
transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular?
Bakit kailangang basahin ang mga popular na babasahin ng kabataan? Malalaman mo
ang mga sagot sa mga tanong na ito sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral.

II. Ang Mga Aralin at Ang Saklaw Nito:

Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa mga


babasahing popular gaya ng tabloid, komiks, magasin, at kontemporaryong dagli bilang
bahagi ng panitikang popular upang maunawaan mo kung bakit mahalagang basahin
ang mga ito. Narito ang mga aralin na makatutulong upang matamo mo ang
pamantayang pangnilalaman na lilinangin sa araling ito.
ARALIN 3.1: Kontemporaryong Panitikan Tungo sa Kultura at Panitikang
Popular
Aralin 3.1 a. Panitikan: Panitikang Popular na Babasahin
(Tekstuwal Analisis)
 Pahayagan(tabloid)/broad sheet
 Komiks
 Magasin
 Kontemporaryong Dagli
b. Wika: Antas ng Wika
 Pormal
 Di-pormal
 Balbal

III. Mga Inaasahang Kasanayan


Ang sumusunod ang kaalaman at kakayahan na malilinang sa iyo sa pagtalakay
mo sa araling ito.
Mga Kasanayang Pampagkatuto

Kon Pakikinig
temporaryong Naililipat sa isang graphic organizer ang mga
Panitikan
Tungo impormasyong napakinggan (transkoding)

sa  dayagram
Kultura at  grap
Panitikang
Popular  grid

Nailalahad ang sariling pamamaraan sa napakinggang


pahayag, mensahe at teksto

Pagsasalita
Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom na mga
datos sa pananaliksik

Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw,


opinyon at saloobin

Pag-unawa sa Binasa
Nakikilala ang tono ng teksto sa tulong ng mga tiyak na
bahagi nito

Naihahambing ang teksto sa iba pang uri ng teksto batay


sa:

 paksa
 layon
 tono
 pananaw
 paraan ng pagkakasulat
 pagbubuo ng salita
 pagbubuo ng pangungusap
 pagtatalata

Nakagagawa ng mga gawaing magpapatunay sa


mapanuring pagbasa ng teksto gaya ng sumusunod:

 Nakabubuo ng balangkas ng binasang


teksto
 Nakabubuo ng sintesis ng mga kaisipan o
ideyang nakapaloob sa teksto
Nakapagbibigay ng impresiyon sa teksto kaugnay ng
 paksa
 tono
 layon
 estilo at
 gamit ng mga salita.

Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda batay


sa mga nangyayari sa:
 sarili
 pamilya
 pamayanan
 lipunan
 daigdig

Nakapagbibigay ng sariling kuro-kuro at mungkahi


tungkol sa alinman sa mga paksa gaya ng sumusunod:

 HIV and Drug Prevention


 Peace Education
 Karapatang Pambata at Kanilang
Responsibilidad
 Kaligtasan ng Tao, Batas Trapiko at mga
Pilipino

Pagsulat
Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap
ng ideya sa pagsulat tulad ng panayam, brainstorming,
pananaliksik at panonood
 Nakapagsasagawa ng rebisyon kung
kinakailangan
 Nakapagtatala ng mahahalagang
impormasyon

Nababanggit nang wasto ang may-akda, personalidad,


organisasyon o grupo na nagpapatunay sa datos o
impormasyong nagbibigay kredibilidad sa mga kaisipan
at opinyong ipinahahayag sa kaniyang lathalain

Tatas
Nagpapakita ng kaalaman sa pagkakaiba ng pormal at
impormal na Filipino pasalita man o pasulat

Nagagamit ang gramatika/retorika at bokabularyong


Filipino sa pakikipagkomunikasyon, pasalita man o
pasulat
Pakikitungo sa Wika at Panitikan
Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga
natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan

Nagagawa ang mga pang-araw-araw na gawain sa klase IV. Ko


na may kasiyahan at kasiglahan nseptu
wal na
Masigasig na tumutugon sa mga oportunidad sa ibayong
pag-aaral ng wika at panitikan Balangk
as
Naiuugnay sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga Na
natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan rito ang
grapikong
Nagagamit sa angkop na sitwasyon at pangangailangan presentas
ang mga natutuhan sa pag-aaral ng wika at panitikan yon ng
araling ito
Estratehiya sa Pag-aaral na
Naipamamalas ang kakayahang maisaayos ang mga makatutul
impormasyon at talang nalikom mula sa iba’t ibang lawak ong
ng pag-aaral/pananaliksik upang
 Nailalahad nang maayos at mabisa ang nalikom maiplano
na mga datos sa pananaliksik mo ang
iyong
 Nalilikom ang mga impormasyon sa tulong ng mga
mga sanggunian sa aklatan/internet gawain:
Panonood Aralin3.1: Kon
Nagpapamalas ng kakayahang suriin ang teksto o
diskursong napanood
 Nakabubuo ng sariling pananaw tungkol sa isang
napapanahong isyu na may kaugnayan sa Panitikan: Mga
napanood na Babasahin
 Pahayaga
broad shee
 Komiks
 Magasin
 Kontempo
Dagli

Pro
sum
bar
Maaaring sabik na sabik ka na sa ating gagawing pag-aaral. Alamin natin ang
tungkol sa mga babasahing popular gaya ng tabloid, komiks, magasin at
kontemporaryong dagli.

V. Panimulang Pagtataya

Crossword Puzzle
Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay sa
pagsagot. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Gabay sa Pagsagot

1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista. (pababa)


2. Pahayagan ng masa. (pahalang)
3. Kuwentong higit na maikli sa maikling kuwento. (pahalang)
4. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon (pahalang)
VI . Yugto ng Pagkatuto

Alamin

Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila


ng modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil,
nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na ang
kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks, magasin, at dagling
katha ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyunal na uri ng
panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan at kaalamang
teknikal ang panitikang popular. Simulan na natin ang pag-aaral nang sa ganoo’y
malaman mo kung paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang
popular? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino
tungo sa panitikang popular? Bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular?

Sa tulong ng Sarbey-Tseklist, nais kong malaman kung alin sa mga babasahing


popular ang kilalang-kilala mo at binabasa ng kabataang tulad mo. Sa pamamagitan
nito, nakatitiyak akong maihahambing mo ang mga babasahing popular na ito sa mga
tradisyunal na anyo ng panitikan na pinag-aralan mo sa Modyul 1 at 2 sa huling bahagi
ng araling ito.

GAWAIN 3.1.a : Sarbey-Tseklist


Lagyan mo ng tsek (/) ang mga babasahing popular para sa iyo. Pagkatapos,
iayos ang mga ito nang paranggo batay sa naging resulta. Lagyan ng bilang 1-4 ang
bawat kahon. Pinakamataas ang bilang 1 samantalang ang bilang 4 ang
pinakamababa. Gawin sa papel. Gayahin ang format
Pahayagan Komiks Magasin Mga Aklat
Broadsheet ___ Aliwan ___ Liwayway ___ Mga Aklat ni
___ Inquirer ___ Pantastik ___ Yes! Bob Ong
___ Florante at
___ Manila Bulletin ___ Halakhak ___ FHM
Laura
___ Philippine Star ___ Pugad Baboy ___ Candy ___ Noli Me
___ Business ___ Super ___ T3 Tangere
Mirror ___ Manhwa ___ Men’s Health ___ Mga Aklat ni
___ Manila Times Korean ___ Metro Eros Atalia
___ Aklat-
Tabloid Comics ___ Entrepreneur
Kalipunan
___ Abante ___ Archie ___ Cosmopolitan ng mga Tula
___ Taliba ___ Marvel ___ Good ___ Teksbuk
___ Pilipino Mirror ___ Japanese Housekeeping ___ HorrorBooks
___ Pilipino Star Manga ___ Antolohiya ng
Maikling
Ngayon ___ Captain
Kuwento
___ Tempo America ___ Kalipunan ng
Dagling
Katha
___ Bibliya

RANGGONG AYOS

Pahayagan (tabloid/ broad sheet) LEYENDA


Komiks 1 ------------------------------------- Pinakapopular sa
akin
Magasin 2 ------------------------------------- Popular sa akin
3 ------------------------------------- Di-masyadong
Kontemporaryong Dagli popular sa akin
4 ------------------------------------- Hindi popular sa
akin

GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha

Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist, nais


kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sa
pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon ng
hinuha. Pagkatapos ng araling ito saka mo dugtungan ang kasunod na mga pahayag
na nasa labas ng kahon.

Sa aling palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na uri


ng panitikan ay
____________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng ____
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil


_____________________________________________________________

Ngayo’y naunawaan ko na, ________________________


_____________________________________________________
_____________________________________________________
Nabago ang aking paniniwala sa ___________________
_____________________________________________________

Bilang patunay na nauunawaan mo na ang nilalaman ng araling ito, ikaw ay


inaasahang makagagawa ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang
kalagayan ng isang barangay. Ipagpatuloy mo lang ang pagsagot sa mga gawaing
inihanda para sa iyong pag-unawa.

Paunlarin
Ang bahaging ito ay makatutulong sa iyo upang maunawaan mo
ang mahahalagang konsepto sa aralin. Huwag kang mag-alala gagawin nating
magaan ang pagpoproseso ng iyong pag-unawa. Tutulungan kitang alamin kung paano
naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon ng
transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang popular?
At bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular? Maligayang araw ng pag-
unawa!

Napakaraming popular na babasahin sa kasalukuyan ang kinagigiliwang


basahin. Nariyan ang mga tabloid, komiks, magasin, at mga kontemporaryong dagling
katha. Magsimula tayo sa tabloid.
PAHAYAGAN (tabloid)
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa
pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan hanggang
bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating paligid. Isa na
ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at
bahagi na ng ating kultura. Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez
mula sa kaniyang blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid.

Tabloid: Isang Pagsusuri


William Rodriguez II
“Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama't
ilan dito ay Ingles ang midyum.”

Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya


lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga
bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon
at naiulat na rin sa radyo.May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di
naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may
epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.

Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong
hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di kaya'y sumagot
ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga
tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay
pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum.
Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa
tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't
tinagurian itong 'sensationalized journalism.' Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng
dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa masamang balita?

Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid


ang nagsi-circulate sa bansa.

GAWAIN 3.1.c: Listing


Napansin mo ba ang pagsusuri sa artikulo tungkol sa tabloid at broadsheet?
Ngayon, ibig kong itala mo ang mga katanggap-tanggap na ideya o pahayag mula sa
artikulo. Isulat sa papel ang sagot.

Mga Katanggap-tanggap na Ideya o Pahayag

1.
2.
3.
4.
5.

Mga Gabay na Tanong:

1. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa sa
broadsheet?

2. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na Internet,


bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng mga pahayagan?

Pagkatapos mong malaman ang ilang konsepto tungkol sa popular na


babasahing tabloid, dumako naman tayo sa isa pang kinagigiliwang basahin, lalo na ng
kabataang tulad mo – ang komiks.

KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman ang komiks
ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na
maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit na
makaapekto nang may lalim. Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa
kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat
ng mga uri (genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling
ekspresyon.

Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang mga bahagi nito.

Kuwadro- Naglalaman
ng isang tagpo sa Pamagat ng
kuwento (frame) kuwento

Kahon ng Salaysay- Larawang guhit ng


Pinagsusulatan ng mga tauhan sa
maikling salaysay kuwento
tungkol sa tagpo
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na
babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at
nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat
at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.

Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga


bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba.

Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit ang
mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa
kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa
palang uri ng mga nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila
ang tapang ng mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming
pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.

Mga larawan mula sa


Philippine Online
Chronicles
Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna-unahang
Pilipino na gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's
Record" sa Europa ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng
bayani mula sa isang popular na pabula sa Asya.

Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa


mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula
dito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946,
Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.

Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng


komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng
murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang
pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa
parehong industriya, ang komiks. Kabilang dito sina Alfredo Alcala, Mar Amongo,
Alex Niño at iba pa.

Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa


panahong ito sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa
Cabral. Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang
hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng
paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya
sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong
2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon
sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng
Pilipinas.

Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng


komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class'
ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.

Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing


pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong
Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip
Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon

nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang

komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang

kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga't ang mga

Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para makabasa-- magpapatuloy ang

eksistensiya ng komiks.”

Nakatutuwang mabasa na kayang-kaya ng mga dibuhistang Pinoy na


makipagsabayan sa buong daigdig sa larangan ng paglikha ng komiks? Ikaw, hindi ka
ba naaakit na maging tulad din nila? Ang kanilang kasanayan sa larangang ito ang
nagbigay sa kanila ng ikabubuhay at katanyagan.

GAWAIN 3.1.d: Guhit-Likhang Kuwento


Subukin mo ang iyong kakayahan na malagyan ng angkop na salitaan ang mga
larawang guhit sa bawat kuwadro ng komiks istrip upang makabuo ka ng isang
kuwento.

Isang araw,
ipinakita at
ikinuwento ng
lola ni Cyrus
ang mga
sumikat na
komiks noon
na siya ang isa
sa mga
dibuhista nito.
Mga Gabay na Tanong: …Wakas.

Mga Gabay na Tanong

1. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks?

2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon at
ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?

Ngayon ay dumako na tayo sa tinatawag na pinakamakulay na popular na


babasahin sa kasalukuyan – ang magasin. Ituloy mo lamang ang pagbabasa at
gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga gawain upang lalo mo pang maunawaan
ang araling ito.

MAGASIN

Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa


Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga
nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga
Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago
pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay
talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin
ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang
produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan,
naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento
upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-
ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay
nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang
mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
4.Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay
palaging bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na
detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu
hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan.
Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa.
7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu
ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang,
mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya
ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.

Talagang napakalayo na nang narating ng magasin sa Pilipinas. Magmula sa


Liwayway hanggang sa mga popular ngayong magasin.

GAWAIN 3.1.e: Kontra-Saliksik


Sa bahaging ito, nais kong magsagawa ka ng sarili mong pananaliksik sa mga
guro sa inyong paaralan kung anong popular na magasin ang binabasa nila. Gamitin
mong gabay sa pananaliksik ang kasunod na balangkas na nasa ibaba. Gawin sa
papel.

Pamagat:_______________________________________

Mga Natuklasan sa Naunang Mga Natuklasan sa Isinagawang


Binasang Pananaliksik Pananaliksik

KONGKLUSYON
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_
____________________________________________________________
Mga Gabay na Tanong ____
____________________________________________________________
____
1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tabloid, komiks, at magasin sa isa’t
____________________________________________________________
isa? ____
____________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, paano nakatutulong
____ ang mga babasahing ito sa pag-unlad
ng iyong pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan?

Binabati kita sa matiyaga mong pagbabasa at pagsagot sa mga gawain. Ngayon


naman, dumako na tayo sa pinakatampok na popular na babasahin na ituturo sa iyo ng
modyul na ito – ang kontemporaryong dagli. Basahin at unawain ang teksto.
Pagkatapos, sagutin ang inihandang mga tanong at gawain.

KONTEMPORARYONG DAGLI

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling


kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang
pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang
maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli
sina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus,
Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, at Lope K.
Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot
ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na
pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930.
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol
at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga
manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Español dahil
hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit
patula ang himig.

Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at


nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang pagpapalathala ng dagling
nasa ilalim ng sagisag-panulat
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni
Tolentino para sa antolohiyang “Ang Dagling Tagalog: 1903-1936” ang tumatalakay
sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan.
Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding
ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang
lumalaban sa mananakop na Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap
na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid
o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa
pahayagan, at telebisyon. Aniya, “na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na
dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at katawagan—anekdota, slice-
of-life, day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng
kwento sa media).”

ANG DAGLI SA KASALUKUYAN

Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa


Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang
nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash
fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng
magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa
mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng
kuwentuhan.
Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong Paspasan” na
pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala ang
“Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at Pamatay)” ni
Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang
“samu’t saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil simple lang
ang paggamit ng wika.” Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga
dagli ni Jack Alvarez na may pamagat na "Ang
Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez
ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa maliit
at partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng
bansa.

Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan,


pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles.
Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros
"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at
reporter ay may malaking ipinagkakaiba.”
"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.”

"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.”

"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa


pahayagan."

(Sampagita, 8 Nobyembre 1932)

Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan na hinango sa flash


fiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde Jr., isang manunulat, mula sa
isang pulong ng lupon ng manunulat sa Pilipinas ay pinagtatalunan din kung ano ang
itatawag sa higit na pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang “Mga Kuwentong
Paspasan,” na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang
sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang
dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa
Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa Flash Fiction. Nang magpanukala si
Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde Jr. ang Kislap, Kuwentong
ISang igLAP. Kung kaya ang naging bunga ng pag-uusap ay naisulat at nailathala ang
aklat na “Kislap” ng manunulat na si Abdon M. Balde Jr. Ang aklat na ito, ayon sa
manunulat ay kalipunan ng mga kuwentong maaaring umabot, maaaring hindi, ngunit
hindi hihigit sa 150 salita.

Narito ang isang halimbawa ng KISLAP ni Abdon Balde Jr. na umabot sa 116
na salita.

HAHAMAKIN ANG LAHAT


Abdon M. Balde Jr.

(Sangguniin ang aklat na 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr., p. 29 na inilathala ng


ANVIL PUBLISHING, INCORPORATED upang mabasa ang kabuuan ng dagling
katha)

Matapos ang pagkakalathala ng 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr. Sinundan


naman ito ng pagkakalathala ng “Wag Lang Di Makaraos” ni Eros Atalia na
kinatatampukan ng kaniyang 100 Dagli. Ayon sa manunulat, halos tatlong taon din
niyang isinulat ang aklat. Mas nahirapan siyang isulat ito kaysa sa mga nauna niyang
aklat na nalathala.
Narito ang isang Dagling Katha ni Eros Atalia mula sa pahayagang Pilipino
Mirror na nalathala noong Oktubre 29, 2012. Una itong nailathala ng Visual Print
Enterprises noong Disyembre, taong 2011.

SKYFAKES
Eros Atalia
(Sangguniin ang aklat na “WAG LANG DI MAKARAOS” na inilathala ng Visual
Print Enterprises upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha)

Mga Gabay na Tanong/Gawain

1. Sa tulong ng Concept Map, itala ang hinihinging mga impormasyon kaugnay ng


binasang teksto.

Mga Katangian
Layunin ng ng Naunang
Naunang mga Dagling Katha
Dagling Katha

Mga
Unang
Katawaga
2. Sa pamamagitan ng Dayagram na Paghahambing at Pagtutulad, suriin ang
nilalaman ng dalawang Dagli na iyong nabasa batay sa paksa, tono, layon,
estilo, at gamit ng mga salita. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

HAHAMAKIN ANG LAHAT SKYFAKES


Abdon M. Balde Jr. EROS ATALIA

Paano Nagkakatulad?

____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
Paano Nagkaiba?

___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
___________________________ ___________________________
3. Sa tulong ng T-Chart, ibigay ang mga kaisipang taglay ng bawat akda at iugnay
ito batay sa mga nangyayari sa sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at daigdig.
Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

HAHAMAKIN ANG LAHAT SKYFAKES


Abdon M. Balde Jr. EROS ATALIA

Kaisipan: Kaisipan:

1. sarili: 1. sarili:
2. pamilya: 2. pamilya:
3. pamayanan: 3. pamayanan:
4. lipunan: 4. lipunan:
5. daigdig: 5. daigdig:

4. Gamit ang 3-2-1 Chart, Itala ang mga natuklasan, kapaki-pakinabang na


kaalaman, at tanong nasa iyong isipan hanggang sa ngayon magmula sa unang
gawain hanggang sa huling gawain sa aralin.

3-2-1 CHART

3. Mga Natuklasan

2. Mga Kapaki-pakinabang na Kaalaman


1. Mga Katanungang Nasa Isipan Hanggang sa Kasalukuyan

5. Sa tulong ng Three Minute Pause, Ilahad ang sariling kongklusyon, paniniwala,


pagbabago sa sarili at bisa ng mga akda hindi lamang sa sarili kundi sa
nakararami.

1. Kongklusyon 2. Paniniwala 3. Pagbabago sa sarili

6. Pansinin ang paggamit ng mga salita ng dalawang manunulat, Ano ang kapuna-
puna sa paggamit nila ng wika sa kanilang akda?

7. Magbigay ng mga tiyak na patunay mula sa akda tungkol sa paggamit nila ng


wika. Sino ang gumamit ng pormal, di- pormal at balbal na wika?

Mahusay! Ngayon ay unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin.


Upang lubos mong maunawaan ang araling pangwika sa ating aralin, narito ang isang
kaugnay na teksto (pabula) basahin at suriin ang wikang ginamit ng manunulat.
Maligayang pagbabasa!

GAWAIN 3.1.f: Pahina ng Pagkilala (Pagbasa o Pakikinig)


Basahing mabuti ang teksto. Pansinin ang ginamit na wika ng manunulat.

Ang Talangkang Nakaharap Lumakad


(pabula)
Jayson Alvar Cruz
Usap-usapan sa baryo Talangkukay ang kakaibang pag-iisip at ikinikilios ni

Mokong Talangka. Hindi siya palakibo at madalas na hindi nakikihalubilo sa

iba pang talangka sa kanilang baryo. Madalas lamang siyang natatanawan sa kaniyang

bintana na nagbabasa, umiinom ng kape at nagsusulat. Minsan, isang batang talangka

ang nagkainteres na usyosohin kung ano ang ginagawa ni Mokong Talangka. Mula sa

maliit na butas sa dingding ng

bahay ni Mokong Talangka ay sumilip ang batang talangka. Laking pagtataka ng

batang talangka nang marinig niyang tila may kausap si Mokong Talangka.

Batid ng lahat sa baryong iyon na mag-isa na lamang sa buhay si Mokong Talangka.

Ang pagtatakang ito ng batang talangka ay napalitan ng pagkatulala at pagkagulat

sapagkat ang kausap ni Mokong ay ang mismo nitong sarili habang nakaharap sa

salamin. At ang lalong ikinagimbal ng batang talangka ay nang makita nito ang

kakaibang paglakad ni Mokong Talangka, paharap na katulad ng ibang hayop at hindi

patagilid kagaya ng ibang talangka sa kanilang baryo.

Umugong ang bulung-bulungan sa baryo Talangkukay matapos na ipagkalat ito

ng batang talangka. Nagtaasan ang kilay ng mga purok lider na talangka sa baryo.

Nagtawanan naman ang mga istambay na talangka sa kakaibang paraan ng paglakad ni

Mokong Talangka.

“Nababaliw na siguro si Mokong, palibhasa’y hindi sumasali sa mga usap-

usapan dito sa ating baryo. Parati lamang kaharap ang kaniyang mga aklat,” wika ng

isa sa mga purok lider na nasa umpukan.

“Kaawa-awang nilalang, maagang pinanawan ng bait,” pambubuska ng isa pang

talangka.
Laking gulat ng mga talangka sa umpukan nang makitang nagbukas ng pinto si

Mokong Talangka. Tila patungo ito sa kanilang kinaroroonan. Nagulat ang karamihan

nang makitang paharap nga na maglakad si Mokong at hindi patagilid.

“Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?” Tanong ni Mokong sa mga naroong lider

talangka sa kanilang baryo.

“ Oo! Eh ano naman sa iyo ngayon kung ikaw ang pinag-uusapan namin?”

Pagtataray ng isang babaeng talangka.

“Nais kong linawin ang kumakalat na masamang mga balita laban sa akin. Ako’y

walang ginawang masama laban sa inyo. Tahimik lamang ako at ninanais

na makapag-isa. Tama kayo. Napapansin ninyo akong nagsasalitang mag-isa sa aking

bahay, ito ay dahil sa nais kong buhayin ang mga letra sa aking mga naisusulat.

Naniniwala ako na walang saysay ang isang panulat kung hindi ito maririnig at

maiparirinig. Natuwa naman ako dahil may isa sa inyo dito ang nagkaroon ng interes

sa aking mga ginagawa. Marahil siya ang nagbalita sa inyo nito. Tungkol naman sa

aking kakaibang paraan ng paglalakad na taliwas sa inyong nakaugaliang paglakad,

ipagpaumanhin ninyo, hindi sa nais kong maging kakatwa sa karamihan. Hindi ko

lamang ibig na umayon sa lakad na patagilid. Batid ko na mauunawaan n’yo rin ako

balang-araw, sa tamang panahon at pagkakataon.” Mahinahong paglilinaw ni Mokong

Talangka.

Saglit na natulala ang karamihan. Muling bumalik si Mokong Talangka sa

kanyang bahay. Nabuhayan na lamang ang mga talangka nang maipinid na ni Mokong

ang pinto ng bahay nito.

“Hu, ang akala mo’y kung sinong marunong. Siya lang ang magaling. Siya lang

ang mahusay”. Galit na winika ng isang purok lider na talangka.


“At may sinasabi-sabi pang mabuti’t may nagkainteres sa kaniyang ginagawa.

Walang may interes sa kaniyang mga ginagawa kundi ang sarili niya lamang,” inis na

tinig ng isa pang purok lider na talangka.

Lingid sa kaalaman ng lahat ng talangka ay narinig ni Mokong ang lahat ng

masasakit na salitang binitiwan ng mga kabaryo niyang talangka. Naisip

bigla ni Mokong na paano naging lider ang mga ito gayong walang kakayahang mag-

isip para sa kanilang sarili, paano pa kaya ang kanilang mga nasasakupan?

Isang araw, habang nagmamasid ang batang talangkang si Tikang sa butas ng

bahay ni Mokong, nagulat si Tikang dahil mula sa kanyang likuran ay may kung sino

ang kumalabit dito. Si Mokong Talangka. Nagimbal sa kahihiyan

si Tikang Talangka. Pinahupa ni Mokong ang kaba at kahihiyan ng batang talangka.

Inalok niya itong pumasok sa kaniyang bahay.

Namangha si Tikang talangka sa dami ng aklat na naipon ni Mokong talangka.

Maayos na nakasalansan ito sa bawat dingding ng bahay. Patong-patong sa maliit na

mesa ang mga magasin at pahayagan. Kapansin-pansin din ang nakasubong papel sa

makinilya ni Mokong talangka.

“Maaari mong hawakan at basahin ang nakikita mong mga aklat. Ang maiibigan

mo ay maaari mo nang iuwi sa inyong tahanan.” Marahang alok ni Mokong talangka.

“Talaga po!” Ang bait n’yo pala. Akala ko po kasi ay salbahe kayo dahil wala

kayong kinakausap sa ating lugar. Sabi po kasi ng mga magulang ko,

huwag daw po kaming lalapit sa bahay ninyo dahil nababaliw na po raw kayo.” Sunod-

sunod na nawika ni Tikang.

“Tikang, ang pakikipag-usap at pakikisalamuha sa ibang tao ay hindi masama

subalit paano ako makikitungo sa kanila kung ako naman ay hindi nila nauunawaan?

Sinubukan ko na dati na makipag-usap sa mga purok lider ng ating baryo. Nagbigay

ako ng mga mungkahi tungo sa pag-unlad ng buhay ng mga kababaryo natin. Ngunit,
ano ang naging reaksiyon nila sa nais kong mga pagbabago? Kabaliwan daw at nalalayo

sa katotohanan ang aking mga ipinagsasasabi. Magmula noon, hindi na ako lumahok sa

anumang pagtitipon at

pulong na ipinatatawag sa baryo natin. Namuhay akong mag-isa kapiling ang mga

aklat at ang aking panulat. Dito sa loob ng bahay ko ibinuhos ang

naiisip kong magiging solusyon sa krisis at matagal na problema nating mga talangka

sa baryo Talangkukay,” paliwanag ni Mokong talangka.

“ Isa na lamang po, bakit po paharap ang inyong paraan ng paglalakad?” pag-

uusisa ni Tikang.

“Dahil ayaw kong patangay na lamang sa agos, sa kulturang kinamumuhian ko

sa asal nating mga talangka. Dahil sa iisang paraan ng paglalakad natin, nagkakaroon

ng hilahan kapag may dumarating na panganib sa ating baryo. At kung may nauuna

namang mag-isip na isang talangka sa karaniwang talangka ay ganoon din ang

ginagawa nila, hinihila. Ayaw ko nang ganoong kultura. Kaya magmula noon ay pinag-

aralan ko ang lumakad nang paharap at hindi patagilid.” Dugtong ni Mokong Talangka.

Gabi na nang makauwi si Tikang sa kanilang bahay. Agad siyang inusisa

ng kaniyang mga magulang. Nang malaman na nanggaling ito sa bahay ni Mokong

talangka ay pinagalitan ito. Ipinagtanggol naman ni Tikang si Mokong at sinabing mali

ang mga paratang nila, mabait at maginoo ang sinasabing

nababaliw na si Mokong. Dahil sa sinabi ni Tikang, nag-init ang ulo ng ama nito at

agad na pinulong ang ibang kasamahang talangka. Nilusob nila ang bahay ni Mokong.

“Walang kahihiyan ang Mokong na iyan. Nilalason ang isip ng anak ko.

Tinuturuang magrebelde sa amin. Kailangang mawala sa landas natin ang talangkang

iyan.” Galit na wika ng ama ni Tikang.

“Lumabas ka Mokong! Harapin mo kami dito!” Sigaw ng ina ni Tikang.


Nakaakma na ang lahat ng sandata ng mga talangkang nasa harap ng bahay ni

Mokong nang biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan.

“Mga kasama, nariyan na ang mga taong nananalakab. Takbo!” Sigaw ng isang

purok lider.

Nagsipanakbuhan ang mga talangka. Nag-uunahan. Ang ibang maliliit na

talangka ay naiwan sapagkat hinihila ng ibang kasamahang talangka. Naipit naman

ang iba. Laking tuwa ng mga mananalakab sapagkat napakarami nilang nahuling

talangka. Wala halos natira sa lipi ng talangka sa baryo Talangkukay

maliban kay Mokong Talangka na dahil sa paharap ang nakaugaliang paglalakad ay

naiba ng direksiyon mula sa nagtakbuhang kababaryo. Ikinalungkot ni Mokong ang

nangyari sa ibang kasama. Mula sa kalayuan ay may narinig siyang pamilyar na tinig,

isang kababaryo niyang talangka ang umiiyak. Si Tikang. Agad niyang tinungo ang

kinaroroonan ng humihikbi. Natuwa naman si Mokong nang makita niya si Tikang

gayundin naman ang batang talangka.

“Ngayon po ay nauunawaan ko na kung bakit paharap ang paraan ng paglalakad

ninyo”, nawika ni Tikang.

“Salamat Tikang. Ngayon, bubuo tayo ng bagong henerasyon ng mga talangka

sa ating baryo. Isang henerasyon na may busilak na kalooban na walang halong inggit

sa kalooban”. Marahang tugon ni Mokong Talangka.

GAWAIN 3.1.g: Pahalaganitik

Bigyang-halaga ang pabulang binasa sa pamamagitan ng PAHALAGANITIK.


Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang mabuo ang kaisipan sa loob ng frame.
Gawin sa papel. Gayahin ang pormat.

Ang Katibayan ng Pagpapahalaga


Inihahandog para sa akdang

Ang Talangkang Nakaharap Lumakad


(pabula)

Dahil sa taglay nitong mensahe tungkol sa ____________________


______________________________________________________.
Nagkaroon ng pitak sa aming puso ang maiiwan nitong kaisipan na
______________________________________________________

Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

Mga Gabay na Tanong

1. Anong antas ng wika ang ginamit ng manunulat sa akda? Patunayan sa


pamamagitan ng pagbibigay ng mga tiyak na bahagi mula sa akda.

2. Naging mabisa ba ang paggamit ng wika ng manunulat upang maipahayag niya


ang kaniyang saloobin o paniniwala? Patunayan.
3. Mahalaga ba ang antas ng wika sa pasalita o pasulat na komunikasyon?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Alam mo ba…

Kabilang sa Antas ng Wika ang 1. Balbal 2. Kolokyal 3. Diyalektal/ Lalawiganin 4.


Teknikal at 5. Masining

Sa araling ito, bibigyang halaga ang pagtalakay sa promal, di-pormal, at balbal na antas
ng wika.

ANTAS NG WIKA

Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Di-pormal at sa loob ng

bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang pambansa, pampanitikan at

Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal naman ay lalawiganin, kolokyal at balbal.

Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang Pormal, Di pormal at ang

Balbal
1. Pormal – Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng mga aklat, mga

panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa mga

paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay gumagamit ng

bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa pang-araw-araw na

usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na binubuo ayon sa mga

panuntunang gramatikal.

2. Di-Pormal – Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple lang ang

bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi lamang. Tinatanggap dito

ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit ng mga

panghalip na “ako” at “mo.” Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din- rin, daw-

raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at kolum sa mga diyaryo na parang

nakikipag-usap lamang sa mambabasa ay kadalasang gumagamit ng mga wikang di-

pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan.

Halimbawa nito ay ang salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha

o hiram sa ibang wika na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa

buhay. Kung ito’y hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa paggamit.

Binabati kita! Ngayon ay natapos mo na ang bahaging Paunlarin.

Pagnilayan at Unawain

Nakatitiyak na ako na taglay mo na ang mahahalagang


konseptong nais kong maunawaan mo sa tulong ng mga
tanong at gawaing iyong napagdaanan. Ipagpatuloy lamang ang ipinamamalas na sipag
at tiyaga sa pagtugon sa mga gawain sa araling ito. Nakatitiyak ako na alam mo na kung
paano naiiba ang tradisyunal na uri ng panitikan sa panitikang popular? Bakit nagkaroon
ng transpormasyon mula sa tradisyunal na panitikang Pilipino tungo sa panitikang
popular? At bakit kailangang basahin ang mga babasahing popular? Subukin ko nga.
GAWAIN 3.1.h : Malikhaing Pagsulat
Gamit ang iyong mga natutuhan sa araling ito, subuking humalaw ng iba’t ibang
uri ng babasahin mula sa diyalogo gamit ang malikhain at mapanagutang gamit ng wika
(pormal).

ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA


Jayson Alvar Cruz

Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang maranasan ang

kaniyang mga nababasa sa komiks tungkol sa kaunlaran ng Maynila. Ibig niyang

makita ang nagtatayugang mga gusali. Gusto niyang malakaran ang naglalakihang mall.

Gabi na nang makarating sa Maynila si Boyet. Sinundo siya

sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang tumambad sa

kaniya. Nanikip ang kaniyang dibdib matapos makababa ng bus.

BOYET: “Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang napakarami ng

kalat.”

TIYO: “Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay

dito sa Maynila? Halika’t ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng

bahay.” Sa kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang

pangkat ng mga kabataan.

BINATILYO 1: “Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!”

BINATILYO 2: “Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako

kanina. Buti na lang, may karga si Tuklaw na tobats, naka-

jam ako kahit konti.”

BINATILYO 3: “Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts na

ko eh.”

BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata.

Inginuso ang naglalakad na estudyante. Maya-maya’y

biglang naglaho ang tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya


ang impit na tili ng dalagitang estudyante.

Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng

kaniyang tiyuhin.

TIYO: “Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mo

na sila.”

BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan niya

tayo.

TIYO: “Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.”

Nagpatuloy sila sa paglalakad, may sumalubong sa kanilang mga

babae. Nakapustura at puno ng kolorete ang mga mukha nito.

BABAE 1: “Boss, short time? 500 lang.”

TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) “Hindi, ipinapasyal ko lamang ang

pamangkin ko.”

BOYET: “Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang

pananamit?”

TIYO: “Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila

nasadlak sa ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa

Maynila.” Labis na naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa

kaniyang paligid. Marami siyang katanungan sa kaniyang isip.

Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng

kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang

binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng

kaniyang tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng

pader. Sunod-sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena

ng pulis. Tumayo na sila. Paroo’t paritong nagtatakbuhan ang mga

tao. Sa wakas, narating na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin.


Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na

kasalukuyang himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit,

masikip at may kung anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni

Boyet.

BOYET: Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba

kayo babalik sa probinsiya? Wala ba kayong balak na doon

palakihin ang mga pinsan ko?

TIYO: Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit naririto ang trabaho ko,

wala akong magawa Boyet, wala.

Ngayon pagkakataon mo na upang patunayan na talagang nauunawaan mo na


ang mahahalagang konsepto sa araling ito. Gaya ng ating napag-usapan sa unahang
bahagi subukin mong humalaw ng iba’t ibang akda gamit ang malikhain at
mapanagutang wika (pormal) mula sa mga pangyayari sa diyalogo batay sa hinihingi ng
mga kahon sa ibaba: Maaari kang gumamit ng ibang papel sa bahaging ito.

BALITA Artikulo (Sanaysay)

KOMIKS DAGLING KATHA (Hanggang 150 salita)

BINABATI KITA! Matagumpay mong nasagutan ang mga gawain sa bahaging


Pagnilayan at Unawain ng araling ito. Mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol
sa mga babasahing popular sa kasalukuyan. Gayundin, natutuhan mo na ang
kahalagahan ng malikhain at mapanagutang paggamit ng wika sa pamamagitan ng
pag-unawa sa iba’t ibang antas ng wika. Natitiyak ko na sa tulong ng mga gawain na
naisagawa mo ay higit na lumawak at lumalim ang iyong pag-unawa. Paalala lamang
na muli mong balikan ang Kahon ng Hinuha at dugtungan mo na ang huling pahayag
sa labas ng kahon upang matiyak mo kung nauunawaan mo talaga ang araling ito.
Kinopya ko ulit ito para sa iyo.

GAWAIN 3.1.b: Kahon ng Hinuha

Matapos mong matuklasan ang resulta ng isinagawang sarbey-tseklist, nais


kong ibigay mo ang iyong hinuha tungkol sa mahahalagang tanong sa araling ito sa
pamamagitan ng pagdurugtong sa mga hindi tapos na pahayag sa loob ng kahon ng
hinuha. Dugtungan ang kasunod na mga pahayag na nasa labas ng kahon.

Sa aking palagay, ang kaibahan ng panitikang popular sa tradisyunal na


uri ng panitikan ay
________________________________________________
__________________________________________________________

Sa aking palagay, ang pagbabago sa panitikang popular ay bunsod ng


__________________________________________________________
__________________________________________________________

Nalalaman ko na kailangang basahin ang panitikang popular dahil


__________________________________________________________

Ngayo’y naunawaan ko na, ______________________________


_____________________________________________________
_____________________________________________________

Nabago ang aking paniniwala sa _________________________


_____________________________________________________

Alam kong handa ka na para sa susunod na bahagi. Sa mga natutuhan mong


mga araling pampanitikan at pangwika ay natitiyak kong kayang-kaya mong maisagawa
ang Inaasahang Produkto- ang makabuo ka ng isang literary folio na sumasalamin sa
kasalukuyang kalagayan ng isang barangay. Bago iyan, nakatitiyak ako na
makatutulong sa iyo ang karagdagang kaalaman na ito tungkol sa Inaasahang Produkto
– ang paggawa ng literary folio.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA


NG LITERARY FOLIO
Sa pamamagitan ng pakikiisa ng bawat isa sa inyong klase ay makabubuo kayo
ng isang literary folio na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang barangay.
Narito ang mga dapat isaalang- alang sa paggawa nito.

1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng inyong
literary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo, konsepto ng
pabalat ng aklat at kinakailangang mga larawan.

Halimbawa:

Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales


Lungsod ng Mandaluyong

KALSADA-PASADA
(Mga Akdang Napulot sa Kalsada)

Literary Folio 2012

2. Sumulat ng Panimula, Pasasalamat at Paghahandog sa unahang bahagi


ng inyong literary folio.

3. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang koleksiyon ng mga
akdang pampanitikan na isinulat ng bawat isa. Sikaping mauri ang bawat isa sa
bahaging ito upang madaling makita ng mambabasa kung tula, maikling kuwento, dula
at iba pang akdang pampanitikan.

4. At ang pinakatampok sa literary folio ang koleksiyon ng iba’t ibang akdang


pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa inyong klase na dumaan sa
proseso ng pag-eedit.

Ngayong nalaman mo na ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng literary


folio Nakatitiyak ako na magiging matagumpay ang iyong gagawing produkto.
Ilipat

Ang layunin mo sa bahaging ito ay mailipat ang mahahalagang konsepto na


iyong natutuhan sa tunay na buhay. Ikaw ay bibigyan ng mga gawain na magpapakita
ng iyong pag-unawa sa mahahalagang konsepto na natamo mo sa araling ito.
Gamiting gabay ng inyong pangkat ang sumusunod na pamantayan.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
A. Malikhain
B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap)
C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunang
ginagalawan)
D. Pormal at responsable ang gamit ng wika
E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita at
bantas)

LEYENDA
20 – 25………………………………………………... Napakahusay
15 – 20 ………………………………………………. Mahusay
10 – 15 ………………………………………………. Katamtamang
Husay
5 – 10 ………………………………………………. Hindi mahusay
0 – 5 ……………………………………………….. Nangangailangan
ng rebisyon

Binabati kita! Matagumpay mong naisakatuparan ang mga gawain sa Aralin 1 ng


modyul na ito! Sa pamamagitan ng mga gawain na iyong naisakatuparan, nagkaroon ka
na ng mas malalim na pag-unawa sa ilang kontemporaryong uri ng panitikan.
Natuklasan mo na ba kung ano ang pinagkaiba ng tradisyunal na uri ng panitikan sa
kontemporaryong anyo nito? Bakit hindi mo subuking tayain ang iyong mga natutuhan?

VI. Pangwakas na Pagtataya


Isulat ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

___________1. Isang grapikong midyum ng mga salita at larawan ay


ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
___________2. Ang tawag sa mga kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang
2,000 libong salita.
___________3. Ito ay naglalaman ng mga maikling kuwento at sunod-sunod
na mga nobela.
___________4. Binubuo ito ng mga salitang ginagamit lamang sa pang-araw-
araw na usapan.
___________5. Salitang tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa
ibang wika na binago ang anyo upang maiakma sa paggamit.

Sa susunod na aralin, bibigyan natin ng pansin ang mundo ng broadcast media.


Aalamin natin kung ano ang papel na ginagampanan ng radyo at telebisyon sa
pagbabagong anyo ng panitikan at kung paanong ang ating napakikinggan at
napanonood ay nagkakaroon ng malaking bisa sa ating kamalayan sa mahahalagang
kaganapan sa ating lipunan? Pagkatapos sagutan ang ilang mga tanong sa Panimulang
Pagtataya para sa Aralin 3.2. Ipagpatuloy mo na ang iyong pag-aaral.

You might also like