Akda Sa Pagbasa

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Level I

Unang Taon

ANDRES BONIFACIO. ISANG INSPIRASYON

Ang kasabihang “Ang kahirapan ay hindi sagabal sa kadakilaan”, pinatotohanan ni Gat


Andres Bonifacio. Isang anak ng maralitang mag-asawang taga-Tondo sina Andres at mga
kapatid ay namuhay ng isang kahig, isang tuka. Di tulad ng ibang bayani, siya ay hindi gaanong
nakapag-aral. Dahil sa maagang pagkaulila, mag-isa niyang isinabalikat ang pagtataguyod sa
kanyang mga kapatid sa pamamagitan ng pagtitinda at pamamasukan. Ang kakapusan niya ng
salaping pampaaral sa sarili ay dahilan ng di niya pagpa-patuloy ng pag-aaral. Subalit dahil sa
tiyaga sa pagbabasa at kusang pag-aaral sa sarili ay nagawa niyang paunlarin ang kanyang
isipan. Karanasan din ang naging pangunahing guro ni Andres upang mapatatag ang kanyang
damdamin at pagkatao

Naging Supremo siya ng Katipunan. Isang organisasyong itinatag niya upang labanan ang
kaapihang nararanasan niya at ng kanyang mga kababayan sa kamay ng mga dayuhang Kastila.
Kasama niya rito ang maraming mga Filipinong higit pa ang pinag-aralan sa kanya.

Nagmula sa abang kalagayan, ang ngalang Andres Bonifacio, ngayon ay dinakila at


iginagalang. Ginugunita siya ng sambayanang Filipino dahil sa inspirasyong kanyang ibinigay sa
lahat.
Level II
Unang Taon
MAYROON BA TAYONG K?

Uso sa mga pahayag ngayon sa daigdig ng mga artista ang pagtatanong ng “Mayroon ba
Siyang K?”, sa mga baguhan. Ang “K” ditto ay pinaikling karapatan, na itinutumbas sa
pinagsama-samang ganda, galling at talino sa pag-arte. Mula sa daigdig ng mga artista, dumaloy
ang pangungusap na ito sa lahat ng bibig, nagpasalin-salin at nagpalipat-lipat.

Maitatanong natin tuloy ngayon ito. Bilang isang lahi, mayroon ba tayong “E” na
maipagmamalaki? Ano ba ang panama natin sa iba? Mayroon nga ba?

Mayroon, Mayroon tayong K!


Umpisahan matins a isang K. Kagandahan. Maganda ang mga bansa natin. Narito pa rin
ang mga makapigil hiningang tanawing nilikha ng Diyos para sa atin. Ang Banawe, ang Bulkang
Mayon, Taal, Talon ang Pagsanjan, dalampasigan ng Boracay, Hundred Islands, at mga iba pang
pook pasyalang nagpatunay sa ating Panginoon ng isaisip niya kung ano ang ilalagay sa bansang
ito. Kagandahan. Ang dalagang Pilipina ay itinampok at tinanghal bilang mga diyosa ng
kagandahan. Si Gloria Diaz, Margie Moran, Melanie Marquez at iba pa. Silang lahat ay
nagpatunay na mayroon tayong K.

Isusunod natin ang isa pang K. Kakayahan. Ang lahing Pilipino ay hindi nagpapahuli sa talino sa
alin mang larangan. Madalas namumukod tangi tayo sa ating mga kapitbahay na Asyano.
Inilalampaso ng mga Pilita Corales, Dulce, Ivy Violan at Regine Velasquez ng mga iyan sa
kakayahan sa pag-awit. Sa tanghalang naman, pati prinsesa at prinsipe ng Inglatera ay tumayo
upang palakpakan si Lea Salonga sa kanyang pagganap sa Miss Saigon, isang dulang musical sa
London. Filipino ang imbentor ng sasakyang ginamit ng mga astronot na lumapag sa buwan
noong 1969. Noon at ngayon, mayroon tayong K.
Level III
Unang Taon
ANG KABATAAN BILANG TAGAGANAP SA
LARANGAN NG PAGBABAGO

Kasanayan sa Pagbasa: Mabigyan ng kahulugan at magamit sa pangungusap ang ilang Pananalita


Kasanayan sa Wika: Matiyak kung alin ang pangungusap, parirala at sugnay
Kahalagahang Pangkatauhan: Magkaroon ng matibay na pananalig sa Diyos

UNANG APO . . .

Hindi na nagisnan ni Aling Concha si Nina nang umagang iyon, kaya ng dumulog sa
agahan ang kanyang anak na si Turing ay din a niya napigil ang sarili na magtanong; “Bakit,
saan naroon si Nina?”

“Maaga po siyang lumakad, Inay! Bilin daw po ng Tiya Erning, ay lumakad na lamamng
siya ngayong umaga papunta klinika. Mabuti raw po para kay Nina ang maglakad, magpatagtag.
Magaan daw po ang panganganak, “tugon ni Turing.”

Eh, bakit hindi yata siya nag-agahan? usisa pa rin ni Aling Concha.

“Hinid na nga, doon na lamang daw po sa kabilang bahay. Kasi’y maaga raw pong
darating ang kanyang mga pasyente. “May mga susukatan daw po ng pustiso at ang iba ay
bubunutan. Sabado po kasi ngayon, maraming nakaiskedyul.

Hindi na kumibo si Aling Concha. Nakiramdam na lamang siya kay Turing. Alam niyang
nagbibilang na lamang ng araw ang nasa sinapupunan si Nina, kaya kahit anong oras sa loob ng
linggong iyon ay maaaring isilang ang sanggol.

Walang anu-ano’y kumiriring ang telepono. Nilapitan ito ni Turing. Pagkababa ng


telepono’y nagwika ito; “Inay, ang Ninang po iyon. Sabi po’y dadalhin na nila si Nina sa ospital.
Masakit na raw po ang tiyan.”

“Ha . . . akala ko’y sa ikalabingwalo pa ng buwang ito? Adose lang, ah. Kung sabagay
ang nanganganay ay maaaring mapaaga o mapahuli ng isang lingo, “dugtong na rin ni Aling
Concha.

“Kung gayon, Inay, ay din a ako papasok. Ipakitawag na lang sa FEDCOM na ako’y
pumunta sa ospital, “bilin sa ina at tuluyang nanaog.

Naiwan si Aling Concha na nag-iisa sa bahay. Noon unti-unting nagbalik sa kanyang


isipan ang mga tagpo sa Bunot Lake Resort sa San Pablo City. Silang magkakaibigan ay
nagkatuwaang pahula kay Frank sa pamamagitan ng baraha. Sa unang bunot ay nagwika ito ng:
may anak po ba kayong nagdadalangtao?”
“Wala sagot ni aling Concha na nakangiti,” Kung gayon po’y manugang,” patuloy ni
Frank sabay suksok ng baraha. “At maraming perang tatapon! Pahawakan po ninyo ang inyong
manugang sa pinakamahusay na gynecologist,” dugtong pa niya.

“Ah sa bagay iyon ay lubos ang aking paniniwala na magaling an gaming gynecologist.
Hindi siya iba sa amin. Galing siya sa Amerika. Pitong taon taon siyang nagpakadalubhasa sa
panganganak aya una ang Diyos at pangalawa siya’y naluwalhati ng makaraos. Sali ni Aling
Concha.

“Ngunit ito po ang maipapayo ko sa inyo, “Apat o tatlong araw bago dumating ang petsa
ng kanyang panganganak ay dalhin na ninyo siya sa pagamutan. Tiyakin ninyong lahat ang
pangunahin at makabagong kasangkapan sa panganganak ay naroon. Sa medaling sabi’y well-
equipped,” patuloy pa rin niya.

Kaya nga di mapakali si Aling Concha sa pagkaalis ng anak. Di siya tuloy magkandatuto
sa pagluluto ng kanilang pananghalian. Ang tinig ni Frank ang para niyang naririnig.
Gayunpaman, di siya nawawalan ng tiwala sa Maykapal. Makararaos ang kanyang manugang ng
maluwalhati sa tulong niya.

Sa labor room, yaot dito si Nina. Akay-akay siya ni Turing. Nang tumindi ang hilab ay
pinasok na siya sa delivery room.

Hindi maupo, ni matayo si Turing. Kung maari nga lamang makapasok doon ay gagawin
niya. Walang anu-ano’y nakita niyang nasa stretcher si Nina. Eeksreyin daw sabi ng kanyang
Tiya Erning. Kinabahan lalo si Mang Turing . . . . at maya-maya’y may pinalalagdaan sa kanya
ang nars. . . isang katibayang nagbibigay-pahintulot na pumapayag siyang ma-Cesarian
Operation si Nina. Nilagdaan niya iyon kapagdaka pagkat bawat saglit ay mahalaga. Kailangang
maluwalhating maisilang ang nasa sinapupunan ni Nina.

Pag talikod ng nars, sinabayan naman niya ng panhik. Nasok siya sa maliit na kapilya ng
ospital. Di pa halos natatapos ang pagdarasal ng rosaryo’y may kumakalabit na sa kanya.
“Mister, lalaki po.” Noon lang siya nakahinga nang maluwag. Naala-ala niya ang kanyang Inay
na nalalaman niyang labis ding nababahala, kaya noon di’y tinawagan niya sa telepono; Inay!
May apo na kayo. Unang apo, isang sanggol na lalaki.”

You might also like