Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

“JOSE RIZAL FAMILY TREE”

Sino si Rizal?
Sino nga ba si Rizal? Bakit marami ang bumabatikos sa kanya? Ngunit sa kabila nun,
bakit marami rin ang humahanga sa kanya? Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
alyas Pepe o mas kilala sa tawag na Dr. Jose P. Rizal ay pangpito sa mga anak nila Francisco
Mercado Rizal at Teodora Alonso Realonda na isinilang sa bayan ng Calamba, Laguna noong ika-
19 ng Hunyo taong 1861 at bininyagan ni Rev. Rufino Collantes tatlong araw matapos ang
kanyang kapanganakan. Dahil sa deboto ng Our Lady of Peace and Voyage ang kanyang ina,
pinaniniwalaan na himala ang kanyang pagkakaligtas dahil sa mahirap na panganganak kay
Pepe sa dahilang malaki raw ang ulo nito. Lumaki sa isang marangya, masaya, mapagmahal,
relihiyoso at edukadong pamilya. Nakapag-aral siya sa mga kilalang eskwelahan, gaya ng Ateneo
at UST, at nakakakuha ng matataas na grado. Nagpursigi sa pag-aaral dahil sa pangarap at
hangaring nais makatamtan para sa Pilipinas at sa kadahilanang ang mga naging ka-eskwela
niya ay mga banyagang Espanya na masayadong minamaliit ang kakayanan ng mga tulad niyang
Pilipino.

Naiiba sa lahat ng bayani si Rizal. Kung ihahambing siya kay Bonifacio ay malayung-
malayo ang agwat nila pagdating sa talas ng pag-iisip. Matalino ang ating pambansang bayani.
Katunayan dito ay ang mga nobela at mga akdang ginawa niya na magpahanggang ngayon ay
tinatangkilik pa rin ng mga Pilipino dahil sa kahusayan ng pagkakagawa nito. Mahusay siyang
mag-isip at madaling matuto sa ibat-ibang bagay. Siya ay isang dakilang tao, maraming talento
at likas ang pagmamahal sa bayan. Sa lahat ng bayani sa buong mundo ay bukod tanging ang
buhay niya ang may pinakamaraming naitala sa kasaysayan. Katunayan, hindi sasapat ang isang
araw para pag-usapan ang kanyang buhay. Sa kolehiyo ay isang asignatura ang inilalaan para
pag-aralan ang kanyang buhay sa loob ng isang semestre. Marami pang natatanging katangian
ang ating pambansang bayani. Marami pang mahahalagang bagay ang kanyang nagawa.
Marami pang dapat pag-usapan tungkol sa buhay niya. Pero ang mahalaga sa lahat ay ang
makilala siya bilang isang huwarang Pilipino pagdating sa paglilingkod sa bayan, bilang isang
mamamayan na marunong lumaban sa mga mapang-api sa pamamagitan ng mapayapang
paraan, at isang bayani na karapat dapat sa kanyang kinaluluklukan.

Ang buhay ni Rizal ay isang magandang halimbawa ng pagiging tunay na Pilipino.


Marami siyang ipinamalas na mabubuting katangian na dapat tularan, lalo na ng mga kabataan
sa makabagong henerasyon at hindi man mapapantayan ang mga talento niya at mga
sakripisiyo na ginawa para sa bansang Pilipinas, ang kwento ng kanyang buhay ay magsilbing
inspirasyon o gabay sana para sa bawat isa sa atin.

You might also like