Debate Abortion Euthanasia

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Teorya ng Pagtanggap

- ang interpretasyon ng tao sa kanilang nakikita at naririnig mula sa kanilang kapaligiran ay ayon
sa kanilang mga napagdaanan at kulturang kinalakhan.

Sa modernong panahon itinutulak na ang mundo ng globalisasyon, laganap na ang

paggamit ng iba’t ibang uri ng midya, lalo na ang spreadable midya. Nagsilabasan na rin ang ang

iba’t ibang sanga ng wika na nagging bahagi na ng panibagong alon ng kultura. Ayon sa aming

obserbasyon, pagmamasid at pagsusuri ay nabuo naming ang Teorya ng Pagtanggap, ito ay kung

saan ang interpretasyon ng tao sa kanilang nakikita at naririnig mula sa kanilang kapaligiran ay

ayon sa kanilang mga napagdaanan at kulturang kinalakhan.

Hindi maikakaila na nakakaapekto sa isang tao ang pagpapalaki at kuluturang kinagisnan

sa mga interpretasyong kanyang ginagawa bilang ito ang syang nagsisilbing batayan sa personal

nitong moralidad. Unang patunay ay ang paglitaw nito sa ilalim ng pananaw na ito tulad ng

Affective Stylistics ni Stanley Fish na may paniniwalang ang isang mambabasa ay isang indibidwal

na may kabatirang linggwistika sapagkat nakaimbak sa kanyang isipan ang sintaktika at semantika

na kinakailangan sa pagbabasa. Sa teorya ng pagtanggap matatagpuan ang puwang na kung saan

maididiin na ang kahulugan ng akda ay hindi iisa o dadalawa na maaaring magkaroon ito ng

maraming kahulugan. Masasabing ang iskima ay dataing kaalaman na taglay ng isang mambabasa

na kanyang nadadagdagan habang lumilipas ang panahon kung kaya’t nagkakaroon ng integrasyon

sa kaalamang taglay niya bunga ng pagbabasa. Pangalawa ay ang paglabas ng iba’t ibang uri ng

opinyon sa spreadable midya, ang mga pagkakaibang iyon ay dulot ng mga pagkakaiba ng

background at kulturang kinagisnan. Pangatlo ay ang pagbibigay-kahulugan ni Edward Taylor sa

kahulugan nito ay binigyang-diin niya ang malawak na sakop nito sa lente ng etnograpiko.

Nakaugat sa ating kasaysayan ang kung anong mayroon tayo ngayon sa ksalukuyan tulad ng ating
mayamang kultura ngunit sa pagdating ng modernong panahon ay kinakailangan sumabay sa

pagbabago ang ating kultura at ang naging bunga nito ay ang mga tinatamasa natin ngayon sa

ilalim ng kulturang popular. Ngunit nagkakaron ng ilang tunggalian kapag ang mga babasahin ay

madalas na nagmumulas sa sentro sapagkat ang mga manunulat ay madalas ditto nagmumula.

Pang-apat ay ang pagkaka iba ng mga programang napapanuod at tinatangkalik, bawat isang

programa sa telebisyon o sa radio ay nakaka apekto sa pananaw ng bawat tao para sa mga susunod

nitong papanuorin, kaya’t kung ano man klaseng programa ang napapanuod o naririnig ng isang

tao simula pa man nung bata ay siya ring huhubog para sa mga opinyong kanyang ipapaskil sa

mga susunod pang programang kanyang mapapanuod. Ang huling patunay ay bagama’t nasa

iisang bansa man ang mga tao ay di mapagkakaila ang pagkakaiba ng wikang ginagamit sa pang-

araw araw, nariyan rin ang mga lenggaweheng pang rehiyon na kung saan ay makikita ang

pangmalawakang pagkahati sa bansa, lumabas din ang iba’t ibang uri ng sanga ng wika tulad ng

jejemon na siyang nagging parte ng kulturang popular sa modernong panahon.

You might also like