Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 26

Cristian C.

Teja page 2

10-Alexandrite

Mamahayag ng ‘Ang Dalubwika’ ng PSBS, pumangalawa sa DIISSPC

Pumangalawa sa ginanap na District II Secondary Press Conference (DII-SSPC) na idinaos sa Judge


Feliciano Senior High School (JFSHS) ang mga mag-aaral sa pamamahayag ng ‘Ang Dalubwika’ ng
Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan (PSBS) noong ika-1 ng Agosto 2018.

Tagumpay na nakakuha ng karangalan ang mga batang mamamahayag ng Ang Dalubwika na sina
Kristine Rivera (10-Alexandrite) na nagkamit ng unang pwesto sa Pag-uulo at Pagwawasto ng balita,
Allen Keurt Dela Cruz (10-Alexandrite) nanguna sa Pagsulat ng Pitak/kolum at ika-pitong pwesto sa
pagsulat ng Pangulong Tudling,Cristian Teja(10-Alexandrite), ikalawang pwesto sa paglalarawang
tudling at ika-apat na pwesto sa pagsulat ng pangulong tudling,Cristine Rabe(10-Alexandrite) ika-apat
na pwesto sa pagsulat ng balita. Angelica Marie Salonga(10-Amber) ika-apat na pwesto sa pagsulat ng
pitak/kolum ,Patrick Tataro(9-Barium) ika-apat sa pagkuha ng larawan, Gwen Marie Rondina(9-Argon)
ikalimang pwesto sa pagsulat ng agham, Katrina Vicente(9-Barium) ikalimang pwesto sa pagkuha ng
larawan, Abegail Raymundo(10-Alexandrite) ika-pitong pwesto sa pagsulat ng balitang isports, Paul
Traballo(8-Agility) ika-pitong pwesto sa pagsulat ng agham, John Aaron Legson (10-Amber)ika-pitong
pwesto sa paglalarawang tudling. Marniel Salvador(9-Argon) ika-walong pwesto sa paglalarawang
tudling, Sarah Bigtas(10-Amber) ika-walong pwesto sa pagsulat ng pangulong tudling, Patrick John
Regaspi(10-Alexandrite) ika-siyam na pwesto sa pagsulat ng pitak/kolum at Alessandra Jongco (9-Argon)
bilang ika-10 pwesto sa pagkuha ng Larawan.

Kampeon naman ang Filipino Collaborative and Desktop Publishing Team na kinabibilangan nina Kristine
Rivera,Abegail Raymundo,Princess Palapar,Cristian Teja,Patrick Regaspi,Airon Paul Ugbamen, at Neil
Llorente na kapwa galing sa seksiyong Alexandrite na nguna rin sa pinakamahusay sa pahina ng
Lathalain,Isporta at sa 'pag leley out'.Pumapangalawa rin ang TV Broadcasting Team nina Yza Sabio(10-
Amber),Justin Jarce(9-Argon),Angela Narvasa(9-Argon),at Joseph Lalo(9-Argon).Pumangatlo namaa ang
Radio Broadcasting Team nina John Lester Saluta(10-Alexandrite),Joanna Marie Rizo(10-Alexandrite),
Jose Virgillo Domingo(10-Alexandrite),Apple Palma(9-Argon),Cristy Valdez(9-Barium),Angel Cuazon(10-
Beryl) at Alex Cartilla (9-Krypton) na pumapangalawa sa pinakamahusay sa larangan ng "Best
Script","Best Infomercial","Best Anchor","Best News Presenter" at " Technical Application"

Sa kabuuan, nasungkit ng mga mag-aaral ng PSBS ang pangalawang karangalan bilang pinakamahusay
sa larangan ng pamamahayag sa buong Distrito Dos (District II). Sumailalim ang bawat mag-aaral na
lumahok sa DIISSPC sa pagsasanay at gabay ni Ginoong Enrico Galang Jr., ang kasalukuyang tagapayo
ng Ang Dalubwika .
Princess Palapar

10-Alexandrite

PSBS,wagi sa DSSPC 2018 page 2

Matagumpay na nag-uwi ng parangal ang mga mag-aarql sa pamamahayag ng Paaralang Sekondarya


ng Bagong Silangan (PSBS) sa isinagawang Division Secondary Schools Press Conference (DSSPC) sa
Paaralang Sekondarya ng Quirino at Paaralang Sekondarya ng San Francisco,noong ika-5 hanggang ika-
10 ng Setyembre 2018.

Nagpamalas ng bukod tanging kagalingan ang isang batang mamamahayag ng Ang Dalubwika. Si Allen
Keurt Dela Cruz(10-Alexandrite) bilang ika-limang puwesto sa Pagsulat ng Ediroryal.

Hindi rin nagpahuli ang mga mag-aaral ng The True Reflection tulad nina Shine Escorial (10-
Alexandrite)at Kim Capulso (9-Argon) bilang ika-pito at ika-siyam na puwesto sa Science
Writing,Charmane Orduña(10-Alexandrite) at Mark Joseph Maquiling (10-Alexandrite) bilang ika-pito at
ika-anim na puwesto sa Photojournalism,at Jhan Ellen Atole(10-Alexandrite) bilang ikalawang pwesto sa
Sports Writing.

Nasungkit din ng English Radio Broadcasting Team at English TV Broadcasting ang ikalaimang puwesto
habang nagwagi naman ng ikalawang puwesto ang English Collaborative and Desktop Publishing ng
paaralan.

Sa kabuuan,nagkamit ng ikalimang puwesto ang mag-aaral ng Pamamahayag sa PSBS at nag-uwi ng


walong tropeyo,anim na medalya at mga sertipiko mula sa iba't ibang kategorya.
Aira Victoria C.Cacpal

10-Alexandrite

Curfew sa Bagong Silangan ,pinaigting page 5

Mahigpit nang pinagbabawalan ang mga kabataang menor de edad na pagala-gala at matulog sa
lansangan nang walang kasamang nakakatanda dis oras ng gabi sa Barangay Bagong Silangan.

Matapos aprubahan ng House Commitee on Welfare of Children noong Setyembre 27,2017 ang
panukalang pagpapatupad ng curfew sa mga bata lalo na ang mga menor de edad sa bansa,naging
agresibo agad ang mga namumuno sa bawat lungsod upang maisakatuparan ito sa kanilang lugar.

Ayon kay Quezon City 4th Distict Representative Helen Tan,layunin nito na mapanatili ang mga bata sa
pamamagitan ng House Bill 894 o Disciplinary Hours for Minor Act. Kaya nais ng namumuno ng
barangay Bagong Silangan na si Kap.Crisell "Beng" Beltran na paigtingin ang ordinansang ito lalo na sa
mga kabataang menor de edad dahil nasasangkot ang ilan sa mga ito sa mga krimen na nangyayari
tulad ng paggamit ng pinagbabawal na gamot,pagtambay,pagkakaroon ng away sa lansangan at
pagnanakaw.

Nag-uumpisa ang pag-iikot ng mga kawani ng barangay alas 10 ng hating gabi hanggang alas kwatro
ng madaling araw upang masiguro na walang nang kabataan ang nasa labas upang maiwasan at
mabantayan ang kanilang seguridad.

Ayon sa isa sa mga kawani ng barangay na si Mr. Allan Limson nakasaad sa ordinansa na may paruda
ang lalabag dito.Base sa panukala,ang nga batang mahuhuli ay kinakailangang sumailalim sa
counseling kasama ang magulang upang makalabas pa ito.

Sa pangalawang pagkakataon,may kaukulang bayad na 5,000 kasama sa paglaya at ang huli mga
magulang na ang mananagot. Sa pangatlong paglabag,makukulong ang magulang o guardian ng nahuli
dahil ng nahuli dahil sa kawalan ng pagdidisiplina sa bata. Pinagbabawalan din sa panukalang ito na
bawal gumamit ng dahas ang mga awtoridad na nanghuhuli sa mga bata.
Gabasa,Marriane Joy R.

10-Alexandrite

Pagsasaayos ng Retaining Wall, walang katiyakan kung kailan matatapos page 5

Patuloy na pagsasaayos ng Retaining Wall sa mga ilog sa Brgy. Bagong Silangan ang isa mga proyekto
ng City Government na patuloy pa ring isinasaayos ng ating Kapitana Beng Beltran,ngunit walang
katiyakan kung kailan ito matatapos.

May mga lugar pa rin sa Brgy. Bagong Silangan ang hindi pa tapos sa pagsasaayos at pagpapataas ng
Retaining Wall sa mga ilog,isa sa mga lugar na ito ang sa Area 5 na inaasahang matatapos sa mga
susunod na buwan.

"Ongoing parin po ang pagtataas ng Retaining Wall kasi ang Retaining Wall ay may higj yan para yung
tubig hindi na pumasok sa mabababang area",pahayag ng Desktop Officer.

Sinumulan ito noong 2010 nang maupo sa puwesto si Kapitana Beng Beltran na siyang nag request sa
City Government,sa pagsasaayos at pagpapataas ng retaining wallbsa mga ilog sa barangay.

Ayon sa Desk Officer ng Brgy. Bagong Silangan,hindi niya masasagot kung magkano na ang ginastos sa
pagtatayo at pagpapataas ng retaining wall sa mga ilog pero aniya kumpyansa siya na malaki ang
maitutulong nito sa ating barangay lalo na sa mga nakatira sa mabababang lugar.
Rabe,Cristine P. Monica Del Rosario

10-Alexandrite

Pasiklaban ng mga mag-aaral sa TLE month,idinaos page 4

Nagpasiklaban ang mga mag-aaral ng Bagong Silangan Highschool sa iba't ibang patimpalak noong TLE
month nitong buwan ng Hulyo na may temang "Ugaliing magtanim,sapat na nutrisyon aanihin."

Ilan sa mga patimpalak na pinagtunggalian ng mga mag-aaral,ang Poster Making Contest na


pinagwagian ni Kate Godines;Poem Making Contest na pinagwagian naman ni Alysa Jane
Tugade;Veggies-Salad Making Contest na pinagwagian nina Hannah Rose Sevillana at Rio Serra
P.Amado;Cake Decoration Contest na pinagwagian ni Josef Earl P. Lalo at Nutri-Jingle Contest na
pinagwagian ng 15 na miyembro ng ika-pitong baitang mula sa iba't ibang seksyon.

Pinasimulaanan ang mga nasabing patimpalak sa isang misa na dinaluhan ng mga TLE teacher at ng
mga mag-aaral.

Ayon kay Maam Louela V. Ragusta,Coordinator ng Nutrition Month at adviser din ng TLE Club .Aniya
naging matagumpay ang naging pagdiriwang ng TLE Month dahil sa iba't ibang patimpalak.

Dagdag pa ni Maam Ragusta hindi pa niya masasabi kung ano ang magiging sunod na hakbangin ng TLE
Department gayunman sinabi rin niyang mayroon pang dapat i-improve.

"Sa ngayon wala pa pero kung ako ang tatanungin at sa department namin,sa pangkahalatan,wala pa
namang mga suggestions.Pero kung ako ang tatanungin ---- marami.Kase sa nakikita ko sa activity
ngayon may mga kailangang i-improve tapos may mga kailangan namang activity na dapat hindi naman
nandoon tapos may mga dapat idagdag,so hindi ko pa masasabi king ano-ano yung mga yon,depende
kasi sa tema ng Nutrition Month yun." , ani niya.

Tinapos ang TLE Month sa isang 'symposium' na isang seminar tungkol sa Nutrition Month at
Culminating Activity na dinaluhan ng mga guro at mag-aaral na pinangunahan ng TLE Department.
Gabor,Shaira

Rabe,Cristine P.

Anti-street dogs,cats sa Bagong Silangan,pinaigting page 5

Pinaigting ng Barangay Bagong Silangan ang isinasagawang panghuhuli sa mga aso at pusang pagala-gala
sa mga lansangan ,alinsunod sa RA 9482 o Anti-Rabies Act na pinatupad ng pamahalaan.

"Walang oras,walang araw,kapag nag-report ang taong bayan na sa gabi,sa madaling araw na maraming
aso ang gumagala,nag-iikot kami." Ito ang pahayag ni Romeo Tongha,58 anyos,isa sa mga kawani ng
barangay at siya ring nangunguna sa panghuhuli sa mga hayop.Aniya,pinatupad ang ordinansang ito
upang pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan mula sa mga insidenteng napapabalita dulot ng
mga hayop sa lansangan.Itu-turn over ang mga nasabing hayop sa Animal Impound Center ng City
Veterenary Department of Quezon City matapos mahuli.

Ayon sa Departamento ng Lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon binibigyan ng tatlong araw ang mga
may-ari ng mga nahuhuling aso't pusa sa lansangan bago ito ipaampon sa mga taong kwalipikadong
umampon o patayin na lamang sa makataong paraan na alinsunod sa RA 8485 o ang Animal Welfare
Act.Sinasabing ang angkop na pagpatay sa mga stray animals,ang agarang pagpapawala ng malay upang
hindi na nito maramdaman ang sakit o patayin na lamang sa makataong paraan na alinsunod sa RA 8485
o ang Animal Welfare Act.

Sinasabing ang angkop na pagpatay sa mga stray animals,ang agarang pagpapawala ng malay upang
hindi na nito maramdaman ang sakit. Kinokonsidera ng Phillipine Animal Welfare Society(PAWS) at iba
pang mga humane societies at animal welfare na ang barbiturate injection ang pinakamabuting paraan
ng euthanasia.

Binigyang diin din ng PAWS ang isyung ito na walang aso at pusang gala,at walang kailangan
hulihin/ilagay sa pound at i-euthanize kung walang may-ari na pabaya. Pinahayag nila ito sa kanilang
web page patungkol sa 'mercy killing' o euthanasia sa mga aso't pusang nasa lansangan at sa mga
inabandonang hayop,na pibapatupad sa iba't ibang parte ng bansa.
Dagdag pa ng PAWS sa kanilang Frequently Asked Questions (FAQ) na kung bakit kailangan i-euthanize
ang mga nasabing hayop sa pound. Sinabi nilang hindi shelter na handang mag-alaga ng aso sa
pangmatagalang panahon ang pound. Sapagkat maliit lamang ang budjet nito. Kung kaya't kapag
napuno ang pound wala silang choice kundi gawin ang mercy killing. Kaysa naman sa ipagsiksikan ang
160 aso aa mga selda na sadyang pang 30 na aso lamang.

Sa kabilang banda ang mga nagnanais namang bawiin ang kanilang mga alaga,mayroon silang tatlong
araw na palugit bago iturn-over sa nasabing impound center ang kanilang mga alaga. Kung kaya't
makipag-ugnayan sa barangay at may multang 500 pesos.Habang ang mga nagnananais namang i-
surender na lamang ang kanilang mga alaga,makipag-ugnayan na lamang din sa barangay para sa iba
pang detalye.
Regaspi,Patrick

Oath-taking ceremony, pinasanayaan sa PSBS page 2

"Being a leader is not about prestige and status,it's about reaponsibility and services"-Joy Belmonte

Isa sa naging pahayag ni Vice-mayor Joy Belmonte sa naganap na Oath-taking ceremony sa Paaralang
Sekondarya ng Bagong Silangan (PSBS) noong ika-4 ng Agosto taong kasalukuyan.

Dinaluhan ang nasabing programa ng mga guro,Central Parent Teacher Association (CPTA) sa
pangunguna ng kanilang pangulo na si Judith Q. Basa,Supreme Student Government (SSG) na
pinangunahan ni Martin Tampal,pangulo ng nasabibg organisasyon at iba pang opisyales sa bawat
asignatura.

Dumalo rin ang ibang opisyales ng Lungsod Quezon kagaya ni Konsehal Roderick Paulate,at ang mga
kakandidato sa darating na eleksiyon 2018.

Dahil sa naging pahayag ni V.M Belmonte nagkaroon ang mga opsiyales ng lakas ng loob na
maglilingkod sa sarili,kapwa't bayan at maging mabuting lider ng bansa.

Naging maayos ang programa ng pasinayaan ito ng punong guro na si Modesto Villarin,kasama ang
mga guro sa nasabing paaralan.
Rivera, Ma. Kristine

2nd Quarter NSED ginanap; PSBS nakiisa page 3

Isa ang Paaralang Sekundarya ng Bagong Silangan (PSBS) sa mga paaralang lumahok sa naganap na
2nd Quarter Nationwide Simultaneos Earthquake Drill (NSED) sa pangunguna ng National Disaster Risk
Reduction and Management Council (NDRRMC) at Regional DRRMC noong ika-21 ng Hunyo 2018.

"Marami tayong dapat i-improve sa nga areas para matuto ang mga participants sa Earthquake
Drill.Ang isa sa mga dapat i-improve rin diyan ay una,ang participation ng mga teachers at students at
ikalawa ang skills ng mga safety providers syempre",ani ni G. Romuli A. Solayao Sr.,Head ng School
DRRMC ng PSBS.

Paliwanag niya,isa sa mga dapat pang pagbutihin sa pagsasagawa ng nasabing drill,ang partisipasyon
at kasanayan ng mga guro sa pagbibigay ng paunang lunas mula sa paggamit ng spine board,kaalaman
sa bandaging at pati na rin ang kaligtasan sa tubig lalo pa't ang Barangay Bagong Silangan ay madalas
na binabaha.

Dagdag pa ni G. Solayao,mahalaga ang pagsasagawa ng Earthquake Drill upang masiguro ang


kaligtasan at kahandaan hindi lamang ng mga mag-aaral kundi pati na rin sa lahat ng kawani ng
paaralan para sa pinaghahandaang 'The Big One',ayon sa Philippine Institute of Volcanology and
Seismology (PHILVOCS).

Sinabi rin ni G.Solayao na mayroong mga kagamitang pangkaligtasan na ibinigay ng Quezon City
Division Office (QCDO) na lagi nilang pinag-aaralang gamitin.

Sa kabuuan,maganda ang naging takbo ng Earthquake Drill,walang aksidenteng naitala at mahigpit


kumulang 95 pursyento ng populasyon sa paaralan ang nakilahok.
Jarce, Angelina Jovel

20% Student Discount, Ikinatuwa ng mga estudyante Overloaded na tricycle, inusisa

Aprobado ang mga estudyante sa Barangay Bagong Silangan sa Lungsod Quezon, sa ipinatupad na
20% Student Discount.Bagamat, marami ring mga estudyante ang nagrereklamo sa overloaded na
tricycle.

Karamihan sa mga estudyante sa barangay ang nag ko-comute papunta sa eskwelahan na galling pa sa
Veterans at Payatas ang karamihan sa mga estudyante,kaya kinakailangan pang sumakay ng tricycle
para makarating sa paaralan.

Ayon sa Memorandum Circular no. 2017-024 na pinatupad ng Land Transportation Franchising and
Regulatory Board (LTFRB) na naglalayong magkaroon ng 20% student discount ang binibigay ng lahat ng
public utility vehicles sa bawat mga estudyante kahit wala itong pasok. Ito ay umano na pagbabawas ng
20% diskwento sa pamasahe para lamang sa mga estudyante.

Pinaalala rin ng LTFRB na 24/7 ang pagbibigay ng student discount sa mga estudyante.

“Kahit holiday, kahit Sunday, kahit Saturday, 24/7, 365 days po, kahit bakasyon, kahit sembreak, kahit
Christmas break, binibigay ho ang student discount,” ayon kay Atty. Aileen Lizada, LTFRB Board Member
na kanyang pinahayag mula sa 24 Oras ng GMA News TV.

“Ang pagpapatupad ng 20% student discount ay napakalaking tulong sa mga katulad kong
estudyante na maliit lang ang baon at sino ba namang estudyante ang aayaw rito?” Ayon kay Nicole Irish
Platilla, isang estudyante.

Mabigat ang maiging parusa sa mga lalabag na tsuper sa oras na lumabag ito batay sa nakasaad na
batas. Sa 1st Offense, 5,000 ang babayaran ng operator o driver ng tricycle, isang buwan na pagkaka-
impound ng sasakyan at 10,000 ang penalty sa 2nd Offense at sa 3rd Offense umabot ng 15,000 na
babayaran at kanselasyon ng prangkisa.

Isa rin sa mga idinadaing ng mga estudyante lalo na sa elementarya ang pagsasakay ng overloaded.
Sabi nga nila, para silang sardinas na nagsisiksikan sa sasakyan at ito rin ang dahilan ng pagkakaroon ng
aksidente sa kalsada.

“Ang penalty sa overloading ay 500. Doon naman sa allowing passengers to ride on top and outside of
sidecar that is 200. Kapag naman malimit na itong ginagawa o ilang beses na siyang na a-apprehend,
pwede nang irekomenda ng aming tanggapan sa tricycle franchising board na makansela ang prangkisa
nya.”,saad ni Jerry Foronda, Senior Transport Officer ng Quezon City Hall na kanyang pinahayag mula sa
24 Oras ng GMA News TV.

“Mas maganda talaga ho’ pag video kasi lahat ng ebidensya na kailangan namin to have a case is
already there,” ayon kay Atty. Lizada “Give a statement. You post it sa LTFRB Citizen Enforcer sa
Facebook account or ‘yung twitter account na @ltfrb. If you want the case to proceed, kailangan lang ho
naming mayroong formal complaint.” Dagdag pa nya.

Alba,Sebastian

Biscante,Jonathan page 1

SARDO sa PSBS,tinutuldukanp

Isa sa 10 mag aaral ng Paaralang Sekondarya Ng Bagong Silangan (PSBS) ang kabilang sa Student at
Risk of Dropping Out o SARDO.

Ayon sa mga guro ng bawat baitang na nagmumula sa Guidance Teachers , ang may mataas na
porsiyento na kabilang sa SARDO ay mula sa ika-walong baitang na tinatayang nasa 29 katao at
pumapangalawa naman Ang ika-pitong baitang na may bilang na 27 katao.

Pumapangatlo naman ang ika-siyam na baitang na may bilang na 12, habang sa ika-10 baitang naman
ang may pinakamababang bilang ng sardo na nasa walong katao.

Ayon sa guro ng Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) at Guidance Teacher na si Gng. Mae Bucad, ang
ilan sa mga dahilan kung bakit napapabilang ang mga estudyante sa kaso ng SARDO ay ang problema sa
pamilya, kakulangan sa pera at kawalan ng interes sa pag-aaral.

Mga lalaking estudyante ang madalas na napapabilang sa ganitong uri ng kaso at ito ay nasa edad 12-
15 taong gulang.

“Aaminin ko na isa ako sa mga nagcucutting classes dati sa kadahilanang wala akong ganang pumasok
sa klase. Pero nang sabihin sa akin ng Guidance Teacher na once na mag cutting classes ulit ako, ibabalik
nila ulit ako sa Grade 9 level at nais ko ring makapagtapos ng pag-aaral para sa aking ina.” Ayon kay Jack
Nicole Fenis, ika-9 Iron.

Isa sa mga aksiyon na ginagawa ng PSBS, pinupuntahan ng adviser ang bahay ng kanyang estudyante
upang alamin ang dahilan at pangalawa, bibigyan ng opsiyon ang mga estudyante na ilang beses na
bumabalik sa kanilang lebel at sila ay inaanyayahan na pumasok sa Alternative Learning System (ALS).

Sa kabuuan, nag tatagumpay ang paaralan sa pagliligtas sa mga kabataang nagiging biktima ng SARDO
ngunit hindi parin mawawala ang mga kabataang hindi pinalad at pinili paring ma drop at tumigil nalang.
Kailangan nating matutunang ipagpatuloy dahil hindi pa dito nagtapos ang hamon ng ating buhay.
Keil,Miriam Angelica page 4

RPMS sa mga paaralan,inilunsad

Inilunsad ng Department of Education ang bago nilang programa na Results-Based Performance


Management System o mas kilala sa tawag na RPMS.

Sa programang ito ng Deped,ang kakayahan ng isang guro ang pinakatinututukan.Tinitignan ditto ang
performance ng isang guro sa loob ng 10 buwan o isang buong school year.

Kasama rin ditto ang dalawang uri ng forms,katulad ng Office Performance Commitmnet and Review
Form (OPCRF) na para sa mga head ng departments at Individual Performance Commitment and Review
Form na para naman sa lahat ng guro mula sa Teacher 1 hanggang Master Teacher.

Kasama rin sa proramang ito ang obserbasyon .Kinakailangang maobserbahan ang isang guro ng walong
beses sa isang buong taon.Dahil may apat na quarter o grading sa isang school year,kailangang
maobserbahan ang isang guro ng dalawang beses bawat grading.Pre-observation ang tawag sa unang
pag-oobserba,kung saan mga komento lamang ang matatanggap ng guro at Final-observation kung saan
gagraduhan nan g mga taga-obserba ang guro.

Kung maaalala natin,nabawasan ng 15 minuto ang oras ng bawat asignatura sa loob ng tatlong Biyernes
nitong buwan ng Agosto at Setyembre.Kung saan pumapasok ng 6:00 hanggang 10:00 ng umaga ang
mga estudyante sa ika-pito at ika-siyam na baitang habang 2:00 hanngang 5:40 ng hapon ang oras ng
pasok ng mga estudyante sa ika-walo at ika-10 baitang.At dahil ito sa ibang seminar para sa programag
RPMS.

Ayon kay Sir Erick Manibog na Teacher 1 ng Math Dpartment,mas nadadagdagan ang trabaho ng mga
guro dahil sa RPMS,ngunit mas matutulungan nitong maging epektibo ang mga gurong tulad niya.
Sinusuportahan ng RPMS abf Deped’s Vision at Deped’s Mission.Sinusupurtahan din ito ang
implementasyon ng k-12 Curriculum. Sa kabuuan nakapukos ang programang ito sa paghahatid ng mas
magandang serbisyo para sa mga pilipinong mag-aaral.

Palma, Apple page 4

2 guro at mga mag-aaral ng PSBS,wagi sa pandistritong laban

Wagi sa pandistritong patimpalak sa agham, ang dalawang guro at tatlo na mga mag aaral ng
Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan(PSBS).

Naiuwi nina Bb. Melanie Marfil at Gng. Lourie May Ruivivar ang unang puwesto sa kategoryang
Teacher's Improvisation habang nagkamit naman ng ikalawang puwesto sa kategoryang Student's
Improvisation sina John Mark Madjos mula sa 8-Agility, Trisha Kate Garcellano mula sa 9-Argon at Mark
Joseph Maquiling mula sa 10- Alexandrite na naganap noong ika-17 ng Setyembre taong 2018 sa
Paaralang Sekondarya ng Commonwealth.

Binigyan ng mga materyales na illustration board, colored paper, bond paper, scatch tape, yarn, paper
cups, cutter, scissors at popsicle stick ang dalawang guro na sumali sa kategoryang Teacher's
Improvisation kung saan nakabuo sila ng modelo ng chemical waste, industrial waste at mrf na
tumatalakay sa paksang effects of climate change.

Samantala nakalikha naman ng Adventure of Laughtop ang mga mag aaral na lumahok sa kategoryang
Students Improvisation gamit lamang ang Zesto Box, straw, scatch tape, colored paper, paper plate,
yarn, chips, folder, glue sticks, plastic cups at popsicle stick na mayroong paksang electricity and use of
electricity.

Natapos na ring lumaban sa pangsangay na patimpalak ang dalawang guro na nagkamit ng ika-apat na
puwesto sa anim na distriktong kanilang nakalaban saSan Juan Sumulong High School noong ika-2 ng
Oktubre taong 2018.
Boc, Jam Mica Marie

PSBS, handa na sa pagpapagawa ng Senior High

Hinihintay na ng maraming kabataan at mga magulang ang pagpapatayo ng Senior High Academic
Building sa Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan (PSBS) na papangunahan ni Dr. Modesto G.
Villarin ,ang punong guro ng PSBS at Senior High Person Baby Lyn P. Castillo,ang Head ng AP
Department.

Ayon daw umano sa update report ng Quezon City,may proyekto pa raw na kailangang tapusin ang
enhinyero na nakatalaga sa pagpapagawa ng nasabing Senior high Building kaya’t hindi pa ito
nauumpisahan pero kung titignan sa progress of improvement,mayroon na tayong mga materyales.

“It’s supposed to be withn this year pero wala pa itong tiyak na petsa kung kalian mag-uumpisa”,saad ni
Gng. Castillo.

Samakatuwid,nagsulong nan g mga alintuntunin ang mga guro sa bawat baiting para sa mga
estudyante upang mapaalalahanan at makaiwas sa mga nagbabantang aksidente habang pinapagawa
ang Senior High Academic Building.

Samantala,napagkasunduan nan g punong guro at iba pang mga guro ang mga racks na iaalok nila
kapag naipatayo na ang nasabing building ntulad ng Technical-Vocational livelihood (TVL),nakapaloob
ditto ang Information Communication Technology (ICT),drafting pastry,baking at iba pa.Maaari ring
isama rito ang Accounancy Business and Management (ABM).

Ayon pa kay Gng. Castillo,inaasahan na ang bilang ng mga estudyanteng magtatapos sa ika-10
baitang,ang siya ring bilang ng mga estudyante na mag-aaral ditto para sa ika-11 na
baitang.Tinatayang 30 na estudyante ang mayroon sa bawat silid-aralan.
Sa kabila ng lahat ,nais lamang na makipagsabayan at saluin ng PSBS ang mga estudyante kaya’t
naisipan magpatayo ng Senior High School Academic Building at sa kadahilanang ang PSBS na lamang
ang walang Senior High sa lahat ng paaralan sa District 2.

Villareal,Pauline

Mga Benepisyaryo ng 4Ps sa PSBS page 5

Karapatan ng bawat isa ang makapag-aral kaya’t inilunsad ang edukasyon para sa lahat. Ngunit sa kabila
nito marami pa rin ang mga hindi nakakapag-aral dulot ng kahirapan.

Isang magandang kinabukasan ang sinisikap na maibigay ng pamahalaan sa mga lubhang mahihirap na
pamilya sa pamamagitan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Pamilya (4Ps) na kilala rin sa tawag na
Conditional Cash Transfer. Pinamamahalaan ang programang ito ng ahensya ng Department of Social
Welfare and Development (DSWD).

Malaki ang bilang ng mga estudyanteng benepisyaryo nito katulad na lamang sa Paaralang Sekondarya
ng Bagong Silangan (PSBS). 228estudyante ang nasa ika-pitong baitang,305 sa ika-walong baiting,276 sa
ika-siyam na baiting at 208 naman sa ika-10 baitang.Sa kabuuan mayroong 1017 mga estudyanteng
benepisyaryo ng 4Ps sa PSBS.

Katuwang ng DSWD ang Department of Education (Deped), kung saan ito ang nagmo-monitor ng
attendance ng estudyante.Sa loob ng isang buwan kinakailangang dalawa hanngang apat na araw
lamang ang maaari nilang pagliban sa klase.

Ani ni Gng. Irna Torremoro,isang guro sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao,” Mahirap lamang sa
pagmomonitor kung mahiyain at di pumapasok sa eskwuwela ang estudyante.”

Upang maging isang benepisyaryo kinakailangang kabilang sa mahihirap na sambahayanan base sa


talaan o listahan,hanggang tatlo lamang na bata sa isang pamilya ang maaaring makakuha ng cash grant.
Layunin nito na masira ang siklo ng kahirapang naipapasa sa bawat henerasyon at nakapagbibigay ng
tulong pinansyal upang mapabuti ang kalusugan,nutrisyon at edukasyon ng mga batang may edad 18
taong gulang pababa.

“Nakatutulong ito ng sobra saakin,lalong lalo na sa aking pag-aaral,nabibili ko ang mga kailangan kong
gamit para sa aking pag-aaral’,iyan ang sabi ng mag-aaral na si Shandrea Biglete na isang benepisyaryo
ng 4Ps.aniya hindi lamang sa kanya nakakatulong ito kundi maging sa kaniyang pamilya.

Ayon naman sa kanyang ina na si Geraldine Biglete,” Malaki ang naitutulong ng 4Ps sa akin unang una na
sa mga pangangailangn ng aking mga anak na dati ay hindi ko maibigay,natutugunan na ito ngayon.”

Bawat benepisyaryo mapa estdyante man o pamilya,malaki ang naitutulong ng 4Ps sa kanila. Hindi
lamang tulong pinansyal ang naibibigay nito kundi isang malusog na pangangatawan,maayos na
pamumuhay at magandang kinabukasan para sa mga kapos palad na mga Pilipino.
Remias, Alliyah Aurora Jannriel

Alcohol, smoking ban,pinaigting sa Bagong Silangan page 5

Boc,Jam Mica Marie

PSBS,Nakiisa sa PUSH Challenge

Nakiisa ang Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan (PSBS) sa katatapos lamang na kauna-unahang
People United for Safety and Health (PUSH) challenge na ginanap noong ika-13 ng Oktubre taong 2018
sa Project 8, AMA University.
Bago pa man isinagawa ang PUSH challenge,pinangunahan ni Cng. Marsha Cantos,Grade 8 Mapeh
Teacher,ang paghahanda sa mga 10 Senior Red Cross Youth (RCY) ng PSBS ang nasabing paligsahan
kahit salat na ito sa oras,sa pamamamgitan ng mga natutunan nila sa camping tulad ng
Cardiopulmonary Resuscitation (CPR),bandaging,transferring,atbp. Noong ika-28 hanggang 30 ng
Setyembre taong 2018 sa Batasan Hills National High School(BHNHS)

Nilahukan ang PUSH Challenge ng walong Junior Red Cross Youth Council at v10 Senior Red Cross Youth
Council sa bawat paaralan kabilang na ditto ang PSBS,Commonwealth High School,Lagro High School at
iba pa.

Nabigo mang makuha ng PSBS ang mga karangalan sa naturang paligsahan dala-dala pa rin nila ang
mga ngiti ng tagumpya sa kanilang pag-uwi.

“Kahit natalo man kami sa laban atleast masaya at may natutunan kami,na kailangang tanggapin kung
ano ang para lamang sayo at marami pa naming laban dyan”,ani ni Mark Joseph Maquiling,isa sa mga
miyembro ng Senior RCY Council.

Sipalay,Ivy T.

PSBS,Bagong Pintura

Panibagong mukha ang matutunghayan natin sa Paaralang Sekundarya ng Bagong Silangan (PSBS)
matapos mapinturahan,na sinimulan nnoong taong 2017 ika-4 ng Setyembre at natapos naman ng ika-3
ng Marso ngayong taong 2018 na pinangunahan ng mga Engineering Department at Major
Constructions ang proyekto na may higit kumulang 15 kataong manggagawa.

Naglalayon ito a muling buhayin ang ganda n gating paaralan at upang maging malinis at maaliwalas
ang pag-aaralan ng mga estudyante kaya’t pininturahan ang mga silid-aralan ,bubong mga building
tulad ng SB1,SB2,SB3 at Liban Building.

Naging maayos ang pagsasagawa ng proyektong ito at natapos ito sa takdang oras at panahon.

“Maganda at nagging maaliwalas sa paningin naming mga estudyante ang bagong pinturang paaralan
at nagmukha itong bago.Sana lang po talaga manatili ang pagiging malinis ng dingding at sana hindi na
ito sulatan ng kapwa kong mag-aaral”,ani ni Justine Dauguinod,grade 10,Amber.

Abad, Justine

Besmonte,Ariane

Buwan ng Araling Panlipunan: “United Nation Day, End of Poverty Day” page 4

Ginunita ng mga guro at mga mag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan (PSBS) ang Buwan
ng Araling Panlipunan na may temang “ United Nation Day, End of Poverty Day” na pinangunahan ni
Gng. Marilou Fausto, guro sa AP.
Kabilang sa mga aktibidad na inihandog ng departamento ng AP sa buwan ng Oktubre,ang Poster
Making Contest,Jingle Writing Contest,Essay Writing,Histo-Quiz bee,Debate ,Final Round Histo Quiz at
Mr. and Mrs. UN.

Nitong ika-15 ng Oktubre taong 2018,idinaos ang Mr. and Mrs. UN sa harap ng departamento ng Araling
Panlipunan na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang baitang.Nakapasok sa susunod na round
ang mga mag-aaral katulad nina Jubillee Banquiles,Apciedy Pontillo,Lucia Nicole Patino, Sean Carl
Anthony Sola,Harold Hugno,Janelle Omega at Nikko Mogata,ilan lamang sila sa mga nakapasa sa
susunod na round na gaganapin sa ika-29 ng Oktubre sa Audio Visual Room (AVR).

“Second time na akong nakasali sa Ms. UN.,super na overwhelmed ako kasi hindi kop o inexpect na
makakapsok ako sa official candidates at masaya din ako”,ani ni Panito ng 9-Potassium.

Ayon naman kay Gng. Delia Altura ng AP,layunin ng patimpalak na buhayin muli ang diwa ng mga
nagkakaisang bansa.

Dagdag pa niya paparangalan ang mga mag-aaral na tatanghaling mananalo sa bawat patimpalak sa
45magaganap na Culminating Activity.

Rondina, Gwen Marie

Proyektong pampaganda para sa mga kababaihan sa Bagong Silangan, inilunsad

Isinigawa noong Setyembre 18,2018 ang poryektong "You can be a star" sa pamumuno ni
Konsehala, Star ";Nining" Valmocina,na nagsusulong sa kagandahan at kabuhayan ng mga
kababaihan,partikular na sa mga ina sa Barangay Bagong Silangan.

Bandang 10:00 ng umaga ng dumating ang mobile ni Kon.Nining sa Barangay Hall, ng Bagong
Silangan.Naglalaman ito ng kolorete,pulbo,salamin at iba pang gamit pampaganda.
Ayon kay Louijie Arcepe, isa sa mga volunteers ng nasabing proyekto, para sa mga kababaihan at
mga ina sa barangay ang naturang proyekto.Sa pamamagitan nito,natuturuan ang mga kababaihan
partikular na ang mga ina,na di lang umasinso sa pagpapaganda kundi pati na rin sa kabuhayan nila.

Tinatayang 15 stasyon ang nilatag sa covered court ng Bagong Silangan, at may higit 100 ang dumalo
sa naturang programa.Sa bawat stasyon mayroong nakatukang gawain na dapat matutunan gawin ng
mga lumahok.

Inaasahang mas darami pa ang makikinabang sa proyekto. Sa kasalukuyan patuloy itong umiikot sa
mga barangay sa Lungsod Quezon.

Rivera, Ma. Kristine page 4

Bagyong Ompong pinaghandaan:’Pop huts’ maagang inihanda

Dahil sa inaasahang malaks na pagbugso ngulan dulot ng Bagyong Ompong ,maagang itinayo ang mga
‘Pop Huts’ sa Geronimo Park Covered Court sa Barangay Bagong silangan Quezon City (BSQC) noong ika-
13 ng setyembre,Huwebes.
Sa pangunguna ng Bagong Silangan Response Team (BSRT),Quezon City Disaster Risk Reduction and
Management Office (QCDRRMO),Kapitana Crisell “Beng” Belmi Beltran at mga opisyales ng
barangay.Itinayo ang 20 na ‘Pop Huts’ na magsisilbing tahanan ng mga mamamayang kinakailngang
lumikas sa oras ng kalamidad.

Ayon kay EX-O Jie Nicolas Bolano,dapat ay 30 ‘Pop huts’ ang itatayo ngunit nanghiram ang ibang
barangay na binabaha na rin tulad ng Barangay Tatalo at Dona Imelda.

Gawa sa steel frame at iba pang mga materyales ang pop huts na itinayo sa barangay na mayroon ding
pintuan at bintana.Mula sa Australia ang mga ito na binigay bilang donasyon.

Ayon din kay EX-O Bolano,kasya ang apat na pamilya sa isang pop huts kung isa o dalawa lamang ang
mga anak nito at dalawang pamilya naman kung aat pataas ang kanilang mga anak.

Sa tala ng Barangay Bagong Silangan Secretary Office,umabot sa 112 mga pamilya na kinabibilangan ng
1,364 na indibidwal ang lumikas sa kabuuan.Kasama sa mga lugar na pinaglikasan ng mga nasalanta ang
lugar ng Sulyap Village,Tagumpay Village,Bagong Silangan Elementary School (BSES) at Bagong Silangan
High School (BSHS) at iba pang evacuation areas sa Silangan.

Bukod sa mga ‘Pop Huts’,maaga ring isinaayos ng BSRT ang mga CCTV cameras at Warning Devices para
sa seguridad ng lugar.


Biglete, Shandrea ellisse

Balane, Danica

Clean up Drive sa Bagong Silangan, isinagawa page 3

Isinagawa ang 33rd international Coastal Clean up Drive sa buong barangay ng Bagong Silangan
na pinangunahan ni Kapitana Crisell “Beng” Belmi Beltran noong ika-19 ng Agosto taong kasalukuyan

Umabot sa 102 na barangay sa Lungsod Quezon ang nakilahok sa nasabinh Clean up Day na
naglalayong mapalinis at mapangalagaan ang kapaligiran, makaiwas sa mga sakit at lalo na sa sakuna na
gaya ng baha, tulad na lamang sa lugar ng Bagong Silangan na madalas bahain dahil malapit ito sa ilog o
sapa.

“Sana laging ganito ang lugar ng Bagong Silangan, malinis at nagkakaisa ang mga mamamayan
upang linisan ito at mapangalagaan”, saad ni Charmaine Pasquin, isa sa mga mamamayan ng Bagong
Silangan.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mga kawani ng ibat ibang HOA, Youth,


Barangay Employees, at mga boluntaryong mamamayan naisagawa at natapos ng maayos at matiwasay
ang paglilinis sa barangay.

Rizo,Joanna Marie
3 mag-aaral ng PSBS, nagwagi sa Pandistritong Paligsahan sa Buwan ng Wika
Nasungkit ng tatlong mag-aaral ng Paaralang Sekondarya ng Bagong Silangan (PSBS) ang
ikatlong puwesto sa Masining na Pagbasa sa Pandistritong Paligsahan sa Buwan ng Wika na may
temang "Filipino:Wika ng Saliksik" na ginanap sa Paaralang Sekondarya ng Commonwealth (PSC)
noong ika -25 ng Agosto.
Kinilala ang tatlong nagwaging mag-aaral na sina Yvette Allesandra R. Con-ui (8-Agility),
Tricia Garcellano (9-Argon) at Patrick John Regaspi (10-Alexandrite) sa ilalim ng kanilang tagapayo
na si Gng. Austria Matreo.
Nilahukan ng walong paaralan sa ikalawang distrito ang nasabing paligsahan at nakuha ng
Paaralang Sekondarya ng Batasan (PSB) ang unang pwesto at ang ikatlong pwesto naman ay nakuha
ng Paaralang Sekondarya ng Commonwealth (PSC).
Kinilala rin ang tatlong mag-aaral sa pagsasara ng buwan ng wika sa PSBS. Masaya ang
pamunuan ng Psbs sa nauwing karangalan ng tatlong mag -aaral lalo na ang kanilang tagapayong si Gng.
Austria Matreo.

You might also like