Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ang Noli Me Tángere[1] ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa.

Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang "huwag mo akong salingin (o hawakan)". Sinipi ito
mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus kay Maria Magdalena na "Huwag mo akong salingin
sapagkat hindi pa ako nakaaakyat sa aking ama.". Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin nito
sa Ingles ay Social Cancer. Sinundan ito ng El Filibusterismo.

Kasaysayan
Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taóng gulang siya. Makasaysayan ang
aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-
tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang
nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat
sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon.
Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at
natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang
serbisyo bilang tagapayo at tagabasa.
Ang nobela ni Rizal ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito
ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang
kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde.
Bumuo ng kontrobersiya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal
sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong
ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya
na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal.
Mahihinuha ang persekusyon sa kaniya sa liham ni Rizal sa Leitmeritz:


Gumawa ng maraming ingay ang libro ko; kahit saan, tinatanong ako ukol rito. Gusto nila akong
gawing excommunicado dahil doon... pinagbibintangan akong espiya ng mga Aleman, ahente
ni Bismarck, sinasabi nila na Protestante ako, isang Mason, isang salamangkero, isang abang
kaluluwa. May mga bulong na gusto ko raw gumawa ng plano, na mayroon akong dayuhang
pasaporte at gumagala ako sa kalye pagkagat ng dilim ... ”
Mga Pangunahing Tauhan
Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang nag-aral sa Europa;
nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan
ng San Diego.

Maria Clara
Si Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya
ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.

Padre Damaso
Si Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya
matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara.

Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan
ni Maria Clara.

Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan at ang
mga suliranin nito.

Sisa, Crispin, at Basilio


 Si Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit.

 Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego.
Pilosopo Tasyo
Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at maalam na matandang tagapayo ng marurunong
na mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag na baliw dahil hindi maunawaan ng mga
mangmang ang katalinuhan niya.

Donya Victorina
Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing nagpapanggap na
mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang
lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng "kalidad" sa pangalan niya.

Ibang Tauhan
 Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi
kay Maria Clara.
 Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng
Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
 Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dáting abandera na may malaswang bibig at pag-
uugali.
 Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap
ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
 Alfonso Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na
napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
 Don Filipo - tenyente mayor na mahilig magbasá ng Latin
 Señor Nyor Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayô ng paaralan.
 Lucas - kapatid ng táong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
 Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
 Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
 Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.
 Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
 Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon
si Ibarra.
 Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman
kung kaya nataguriang erehe.
 Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
 Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan
 Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
 Mang Pablo - pinúnò ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
 Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitán ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama
ni Sinang
 Tenyente Guevarra - isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng
tungkol sa kasawiang sinapit ng kaniyang ama.
 Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng
ama.
 Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
 Albino - dáting seminarista na nakasáma sa piknik sa lawa.

Buod ng aklat na Noli Me Tangere


Silipin din: Talaan ng mga Kabanata sa Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tangere ni Jose


Rizal
 Buod ng Nobela
 Mga tauhan
 Buod ng Bawat Kabanata:

 1: Isang Pagtitipon
 2: Si Crisostomo Ibarra
 3: Ang Hapunan
 4: Erehe at Pilibustero
 5: Pangarap sa Gabing
Madilim
 6: Si Kapitan Tiyago
 7: Suyuan sa Isang
Asotea
 8: Mga Alaala
 9: Mga Bagay-bagay
sa Paligid
 10: Ang Bayan ng San
Diego
 11: Mga Hari-harian
 12: Todos Los Santos
(Araw ng mga Patay)
 13: Mga Babala ng
Bagyo
 14: Si Tasyo: Pilosopo
o Baliw?
 15: Ang mga Sakristan
 16: Si Sisa
 17: Si Basilio
 18: Mga Kaluluwang
Naghihirap
 19: Mga Kapalaran ng
Isang Guro
 20: Ang Pulong sa
Tribunal
 21: Kwento ng Isang
Ina
 22: Mga Liwanag at
mga Anino
 23: Ang Pangingisda
 24: Sa Gubat
 KnK: Elias at Salome
 25: Sa Bahay ng
Pilosopo
 26: Bisperas ng Pista
 27: Sa Takipsilim
 28: Mga Liham
 29: Kinaumagahan
 30: Sa Loob ng
Simbahan
 31: Ang Sermon
 32: Ang Kabriya
 33: Malayang Pag-iisip
 34: Ang Tanghalian
 35: Usap-usapan
 36: Unang Ulap
 37: Ang Kaniyang
Kataas-taasan
 38: Ang Prusisyon
 39: Si Donya
Consolacion
 40: Karapatan at
Kapangyarihan
 41: Dalawang
Panauhin
 42: Ang Mag-asawang
de Espadaña
 43: Mga Balak
 44: Pagsusuri ng
Budhi
 45: Mga Inuusig
 46: Ang Sabungan sa
San Diego
 47: Ang Dalawang
Senyora
 48: Hiwaga
 49: Tinig ng mga
Inuusig
 50: Ugat ni Elias
 51: Mga Palitan at
Pagbabago
 52: Baraha ng mga
Patay at ang mga
Anino
 53: Ang Mabuting
Araw Ay Nakikilala sa
Umaga
 54: (Pagbubunyag)
 55: Malaking Sakuna
 56: Sabi-sabi at Kuro-
kuro
 57: Vae Victis! (Ay,
ang mga Natalo!)
 58: Isinumpa
 59: Pambayan at mga
Pansariling Kapakanan
 60: Ikakasal Si Maria
Clara
 61: Pagtakas
Hanggang Lawa
 62: Nagpaliwanag si
Padre Damaso
 63: Noche Buena
 64: Epilogo

May handaan sa bahay ni Don Santiago de los Santos. Maraming handa, dumalo ang mga kaibigan at
kakilala ng Don. Nagsidalo rin pati na ang mga táong hindi inimbita, simbolo ng isang sakít sa lipunan
(ang gatecrashing). Masaya ang lahat sa nasabing pagtitipon. Kayá lámang ay nauwi sa pagtatalo ang
pagsasaya ng iba, tulad ng nangyari kina Padre Damaso at sa tenyente ng guwardiya sibil. Talo pa nila
ang mga walang pinag-aralan. Dumating mula sa Europa si Crisostomo Ibarra, anak ng namatay na si
Don Rafael. Hinangaan siya at binati ng maraming panauhin sa bahay ni Kapitan Tiago. Nagulat si
Crisostomo Ibarra sa pagtatakwil ni Padre Damaso sa kaniyang pag-aalala nang lapitan siya ni
Tenyente Guevarra at purihin niyon ang kaniyang ama.
Masaganang hapunan ang inihanda ni Kapitan Tiago bílang pasasalamat sa Mahal na Birhen sa
pagdatíng ni Crisostomo Ibarra mula sa Europa. Ang ilang panauhin ay humanga kay Ibarra sa
pagsasalaysay nito. Marami ang namasid at nagbigay ng palagay tungkol sa kalagayan ng mga
bansang nalakbay na niya. Ang opinyon ni Padre Damaso ay pagsasayang lámang ng salapi ang
gayon. Nainsulto si Ibarra sa ipinahayag ng datíng pari sa kaniyang bayang San Diego. Umalis siya
nang hindi pa tapos ang hapunan.
Isinalaysay ni Tenyente Guevarra kay Crisostomo Ibarra ang naging dahilan ng pagkakabilanggo at
pagkamatay ni Don Rafael. Dahil sa pagtatanggol ni Don Rafael sa isang batang laláki na gustong
saktan ng artilyero ay naitulak niya iyon. Nabagok ang ulo ng artilyero. Hindi na yaon muling natauhan
at tuluyan nang namatay. Hinúli ng pulisya si Don Rafael Ibarra. Tumagal ang paglilitis ng kaniyang
usapin hanggang sa namatay na siya sa loob ng bilangguan nang may sakit. Sa tinuluyang silid ni
Crisostomo Ibarra ay iba-ibang pangitain ang nakita niya sa kaniyang isipan. Naging abalang lubha ang
kaniyang pag-iisip sa malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng kaniyang ama. Hindi na tuloy niya
napag-ukulan ng pansin ang mga tanawing makapagpapaligaya sa puso.
Mauuri ang mga táong naglalarawan sa pagkatao ni Kapitan Tiago. May humahanga at natutuwa sa
kaniya. May namimintas at naiinis. May mga nasusuklam dahil sa kaniyang mga pandaranas at
katusuhan sa negosyo. Salapi ang ginagamit niya sa pagliligtas ng kaniyang kaluluwa. Marahil ay dahil
sa pag-aakalang mabibili niya pati na ang Diyos. Ngunit, ano man ang kapintasan ni Kapitan Tiago ay
sinasabing mahal na mahal niya ang anak na si Maria Clara kahit na hindi niya ito kamukha. Inakala ng
mga kamag-anak ni Kapitan Tiago na gawa ng paglilihi sa mga santol ng asawa niyang si Donya Pia
ang pagka-mestisa ni Maria Clara. Sinasabi ring ang donya ang isa sa mga dahilan ng lubhang
pagyaman ng Don.
Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa kasintahan niyang sa Maria Clara sa bahay ni Kapitan Tiago sa
Binondo. Sinariwa nila ang mga alalala nila noong sila ang bata pa, ang alaala nila sa dahon ng
sambóng. Ipinakita rin ni Ibarra ang tuyong dahon ng sambóng na itinago niya. Samantala, ay isang
matandang pari sa kanilang korporasyon ang dinalaw ni Padre Sibyla. Nasabi ng paring may sakít na
kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat namumulat na ang
isipan ng mga tao sa katotohanan kinabukasan ay Todos Los Santos o Araw ng mga Patay. Kailangan
niyang umuwi sa San Diego upang dalawin ang libing ng kaniyang amang si Don Rafael Ibarra.
Nasisiyahang pinanood ni Ibarra ang mga nadaraanan niyang mga tao’t bagay-bagay sa mga
lansangan at mga pook na binagtas ng kaniyang karwahe mula sa Binondo. Itinulad niya ang mga iyon
sa mga naobserbahan niya sa kaniyang paglalakbay sa mga bansa sa Europa. Nasabi niyang higit na
mauunlad ang mga bansa sa ibayong dagat kaysa sa sarili niyang bayan. Nakita niya rin ang isang
karwaheng hinihila ng kalabaw na simbolo ng mabagal na pag-unlad ng Pilipinas. Kinausap ni Padre
Damaso si Kapitan Tiago tungkol sa isang mahalagang bagay na sila pa lámang ang nakakaalam.
agkasuyo ang masasaya at malulungkot nilang karanasan. Dahil sa matamis nilang pag-uulayaw ay
muntik nang malimutan ni Ibarra na. Dáting isang maliit na nayon lamang ang bayan ng San Diego.
Mayaman ito sa anking mga bukirin at lupaing pinag-aanihan ng palay, asukal, kape, at prutas na
naipagbibili sa iba pang mga bayan. Bukod sa ilog na parang ahas gubat sa gitna ng luntiang bukid ay
angkin pa rin ng San diego ang isang gubat na nagtatago ng maraming alamat. Isa na rito ang kuwento
ukol sa mga ninuno ni Crisostomo Ibarra.
Dadalawa ang talagang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Sila’y ang kura ng kinatawan ng
Papa sa Batikano, at ang alperes na kumakatawan sa mga tauhang sa halip na mag-utos ay siyang
inuutusan. Bagamat magkaaway, hindi nila ito pinakikita sa taumbayan, bílang tanda ng kanilang
pagkapropesyonal. Dumalaw si Crisostomo Ibarra sa libingan. Hinananap nila ng kasamang katulong
ang puntod ng kaniyang amang si Don Rafael, ngunit hindi nila iyon natagpuan. Isinalaysay ng
sepulturéro ang kahilahilakbot na nangyari sa bangkay ng Don dahil sa utos ng “Malaking Kura". Nilisan
ni Ibarra ang libingan na gulong-gulo ang isip. Diniinan niya sa balikat ng kurang si Padre Salvi nang
nakasalubong niya ito sa pag-aakalang iyon ang humamak sa bangkay ng kaniyang ama. Sinabi naman
nito na ang totoong gumawa nito ay ang pumalit sa kaniya, si Padre Damaso. Kakaiba sa karaniwan
ang mga kilos at paniniwala ni Pilosopong Tasyo. Kaya may mga nagbabansag sa kaniyang pilosopo at
may nag-aakala ring siya ay isang baliw. Sa mga ipinahayag niyang kaisipan ay mapupunang
makasiyensiya, makatao, at maka-Diyos ang kaniyang mga paniniwala sa búhay.

Mga Nobela ni Jose


Rizal

 Noli Me Tangere
 El filibusterismo
 Makamisa

Mga sakristan sa simbahan ng San Diego sina Basilio at Crispin. Gabi na’y nasa kampanaryo pa ang
magkapatid. Ayaw siláng pauwiin ng sakristan mayor hangga’t hindi nila naililitaw ang salaping
(tatlumpu't dalawang piso) ibinibintang sa kanila na ninakaw ni Crispin. Pinag-uusapan ng magkapatid
ang nararapat na gawin para makauwi na sila sa kanilang ina nang dumating sa kampanaryo ang
sakristan mayor. Kinaladkad niyang pababâ si Crispin at pinagsabihan si Basilio na huwag munang
umuwi, lampas alas diyes na raw siya ng gabí makauuwi. Ang sinasabing curfew ay alas nuwebe lang
ng gabí.
Maraming katangian si Sisa, mabuti at masamâ. Nakaimpluwensiya nang malaki sa asawa ni Sisa ang
nasasabing mga katangian. Sa pamamagitan ni Sisa ay nailantad ni Dr. Rizal ang mabubuti at
masasámang katangian ng babaing Pilipina. Hindi maitatanggi na ang masasamáng kaangkinan ay
nagbubunga rin ng masamâ.
Sa pag-uwi ni Basilio mula sa kumbento ay sinita siya ng guardia civil. Nagtatakbo siya nang takót lalo
pa nga’t hindi niya naintindihan ang itinanong ng Kastila. Pinaputukan siya at nadaplisan ng bála sa
noo. Binalak niyang iwan ang pagsasakristan at pumasok na lámang bílang pastol kay Crisostomo
Ibarra. Ipinagtaka ng mga namamahala sa pista ang hindi pagpapahalik sa kanila ng kamay ng pari.
Samantala, napabilang si Sisa sa mga nagdurusang kaluluwa nang malámang wala sa kumbento ang
susunduin sana niyang anak na si Crispin. Gayon na lámang ang pagkabahala ni Sisa. Naipayak siya
sa kusina ng kumbento kaya’t ipinagtabuyan siya ng kusinero.
Nagtanong si Crisostomo Ibarra sa guro ng paaralan sa San Diego ng tungkol sa problema sa
edukasyon. Isinalaysay ng guro ang iba’t ibang problema pa rin ang kahirapan ng mag-aaral at
kakulangan sa mga kagamitan sa pagtuturo. Nakabibigat pa sa lahat ng ito ang kawalan ng kalagayan
ng guro sa kaniyang pagtuturo at ang wikang gamit sa panturo.
May púlong sa tribunal ng San Diego. Mga namumuno sa mga nayon at bayan ang nagpupulong.
Adyenda ng pagpupulong ang mga gagawing pagdidiriwang para sa pista ng San Diego. Naging mainit
ang pagtatalo sa mga mungkahing iniharap, lalo na ang ukol sa balak na iminungkahi ni Don Filipo.
Gayunama’y pinagtibay ang mungkahi ng isang karaniwang kasapì. Nang nagkakasundo na ang lahat
tungkol sa idaraos na mga pagdiriwang ay saka ipinaalam ng kapitan na hindi maisasagawa ang
pinagkasunduan ng dalawang partido sapagkat iba ang gusto ang kura para sa pista. Si Sisa ay hinúli
ng dalawang guardia civil dahil sa hindi natagpuan ang dalawa niyang anak na pinagbintangang
magnanakaw. Gayon lámang ang hiya ni Sisa nang dalawang oras siyang makulong sa kuwartel ng
mga sundalo. Pinalaya naman siya ng alperes pagka't pakana lámang daw ng kura ang pagsusuplong
kay Sisa. Maraming pangyayaring pinatindi ng pagkakakita ni Sisa sa duguang kapirasong damit ni
Basilio – ang siyang ngging dahilan ng kaniyang tuluyang pagkabaliw.
Dumating na sa San Diego sina Maria Clara at Tiya Isabel. Halos magkapasabay na pumunta sa bahay
ng dalaga sina Ibarra at padre Salvi. Gayunpaman ay nagbatian ang dalawa. Inanyayahan ni Ibarra si
Salvi sa piknik na gagawin sa gubat ng mga magkakaibigang binata at dalaga sa San Diego. Tinanggap
ng pari ang paanyaya. Nagmamadaling nagpaalam si Ibarra sa kasintahan upang ihanda ang mga
kailangan sa piknik. Sa daan ay isang laláki ang kumausap sa kaniya. Natupad ang kahilingan ni Maria
Clara kay Ibarra na magpapiknik sa kanilang mga kaibigan. Dalawang bangkang malaki ang
pinangayan ni Ibarra. Ang mga ito ang ginamit nilang magkasáma sa pangingisda ng kanilang
pananghalian at sa pagtawid sa lawa patungo sa gubat na pagpipiknikan. Ang kasayahan ng
magkakaibigan ay pinalungkot sandali ng inawit ni Maria Clara. Nabahiran din iyon ng pangamba nang
pumasok sa baklad na unang pinangisdaan ang isang buwaya. Sa nasabing sitwasyon ay iniligtas sa
kapahamakan ni Ibarra ang pilotong sumasagwan ng bangka ng kanilang sinasakyan. Sa gubat idinaos
ang masaganang pananghalian na inihanda ni Crisostomo Ibarra para sa mga panauhing inanyayahan;
sina Padre Salvi at ang alperes o tenyente ng guardia civil. Nagturu-turuan sa pananagutan ang
dalawang batang sakristan. Namagitan sa kanila si Ibarra nang hindi na lumala pa ang pagkakakitan ng
dalawa. Kinaawaan ng mga nagsisipagpiknik si Sisa na nakarating sa gubat sa pagpapalabuy-laboy.
Binalak ni Ibarra na ipagamot si Sisa at ipahanap ang dalawang anak niyon. Sa pagtatapos ng piknik ay
dumating naman ang sarhento ng mg guardia civil. Hinanap nila ang piloto na Elias ang pangalan dahil
sa pagkakagulpi niyon kay Padre Damaso at dahil din sa pagkakahulog ng tenyente sa luba na puno ng
putik.
Isang kubo sa tabi ng batis ang tinungo ni Elias, o piloto, pagpanggaling niya sa piknik. Ang kaibigan
niyang dalaga, si Salome, ang naninirahang mag-isa sa nasabing kubo. Hindi malubos ang pag-iibigan
ng dalawa dahil sa kahirapan nila ni Salome ang kanilang magiging anak, kaya’t hindi niya pinigilan ang
dalaga sa balak niyang paglayo upang manirahan sa mga kamag-anak niya sa Mindoro.
Sinadya ni Crisostomo Ibarra ang bahay ni Pilosopong Tasyo upang humingi ng payo tungkol sa balak
niyang pagtatayo ng paaralan sa San Diego. Unang ipinayo ni Pilosopong Tasyo ang paglapit ni Ibarra
sa kura upang isanguni ang plano. Bukod dito kailangan paring sumangguni ang binata sa iba pang
makapangyarihan sa bayan. Sa simula’y tinutulan ni Ibarra ang gayong mga payo. Ikinatwiran niyang
mabuti ang kaniyang layunin kaya’t tiyak na magtatagumpay sa tulong ng ilang matitinong tao sa bayan.
Ipinaalaala ni Pilosopong Tasyo kay Ibarra na hindi maaaring makibagay sa pari at iba pang
makapangyarihan ang binata, ipinayo ni Pilosopong Tasyo na isaisantabi na muna iyon ang balak sa
pagpapatayo ng paaralan. Abala ang lahat sa paghahanda para sa pista ng San Diego. Natatangiang
mga pagkain ang inihanda sa malalakí at maliliit mang bahay. Ang kasiglahan ay higit na kapansin-
pansin sa mga lansangan sinabitan ng mga papel na iba-iba ang kulay at pinaparadahan ng mga banda
ng musiko. Bukod sa paghahanda ng mga pagkain ay naghahanda rin pa sa isang malakasang sugalan
ang mayayaman. Tila tampok ng pista ang pagsisimula ng paggawa para sa ipinatayong paaralan ni
Crisostomo Ibarra. Gayon na lámang ang paghanga ng marami sa binata dahil sa kapakipakinabang na
proyekto niyon. Tanging si Pilosopong Tasyo ang hindi malubos ang kasiyahan gawa ng kung anong
pangitain niya. Kagabihan ng bisperas ng pista sa San Diego ang kagandahan ng dalaga. Tumingkad
ang gayong kagandahan dahil sa anyang taglay na kabaitan at kagandahang-loob. Pinaunayan ito ng
iba’t ibang mga pangyayaring naganap sa kanilang pamamasyal.
Dalawa sa nasabing sulat ang nagbabalita at naglalarawan ng maulay na selebrasyon para sa pista ng
San Diego gayong bisperas pa lámang. Makikita ang mga kapintasan ng mga Pilipino sa gayong
paglalarawan. Ang isa ang isa pang sulat para kay Ibarra na mula kay Maria Clara. Punong ng pag-
aalaala at hinampo ang sulat ng dalaga. Araw ng pista sa San Diego. Masasasihan ang iba-ibang bagay
na ginanap bilang selebrasyon sa pista. Mga bagay na sa palagay ni Pilosopong tasyo ang mga
pagmamalabis na lalo lámang nagpapahirap sa bayan, ngunit taon-taon ay pilit na ipinagagawa sa mga
Pilipino para mapagtakpan ang paghihirap ng bayan. Ni walang naipasok na pagbabago ang isang
pinúnong Pilipino na tulad ni Don Filipo, pagkat halimbawa siya ng mga pinúnong dinidiktahan ng mga
dayuhan.
Nasa loob na nga simbahan ang mga mamamayan ng San Diego, ang mayayaman at mahihirap, ang
pinúnong bayan at magbubukid. Masikip sa loob ng simbahan kaya’t sarisaring dama sa búhay ng tao
ang mapapanood. Saisari din ang mararamdaman. Si Padre Salvi ng nagmisa at naging kapuna-puna
ang madalas sa pagkawala niya sa tono ng kaniyang binigkas at kinakanta. Sa maraming pangyayari ay
naipamalas ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang katatawanan sa pagsulat. Punóng-punô ng mga tao ang
simbahan ng San Diego. Maganda ang simula ng sermon ni Padre Damaso. Hinangaan ng marami ang
sermon lalo na ng mga paring naunang nagsermon. Naga-alaala ang mga iyon na mahigitan ni Padre
Damaso sa pagsesermon. Ngunit mga “barbaro” tuloy sila sa paningin niyon. Lumalabas na tila nasang
ang buong umaga ni Padre Damaso sa pagsesermon. Isang laláking may maputlang mukha ang
nagprisenta sa namamahala ng pagpapatayo ng paaralan. Naprisinta siyang magtayô ng panghugos na
gagamitin sa sermonya sa paglalagay ng pulok na bato sa itatayong paaalan sa San Diego. Mukhang
namang matibay at matatag ang itinayo niyang paghugos. Ngunit sa hindi malámang dahilan ay bigla
iyong nagiba at bumagsak nang si Ibarra na ang nasa hukay sa katapat ng panghugos. Kataka-taka na
ang laláking nagtayô ng panghugos ang nabagsakan niyon, at hindi si Ibarra. Dumalaw sa tahanan si
Ibarra si Elias. Muli niyang pinaalalahanan ang binatang mag-ingat sa mga kaaway niyon. Sa pag-
uusap nina Elias at Ibarra ay pinagtakpan nitong huli. Ang matatayog ng mga aisipang ipinahayag ng
kahaap. Naunawaan ni Ibarra na lalong tumindi ang pananalig ni Elias sa Diyos nang mawalan iyon ng
tiwala sa tao. Subalit ninais niyang maligtas sa kapahamakan si Ibarra para sa kapakanan ng bayan.
Maayos ang simula ng handaan. Sagana sa pagkain. Masigla ang lahat. Pinasuan ng munting pag-
aalala ang ilang makapangyarihan sa pagdating ng telegramang mula sa gobernado-heneral. Gayon pa
man ay nagpatuloy ang kasiglahan, subalit muling nauntol sa pagdating ni Padre Damaso. Dinugtungan
niyon ang mga pagpaparungit na sinimulan sa anyang sermon sa simbahan. Nang banggitin niyang
muli ang tunkol sa alaala ni Don Rafael Ibarra ay hindi na nakapagpigil si Cisostomo Ibara. Galít na galít
na hinarap ng binata ang pari.
Kumalat ang balita tungkol sa nangyari kina Ibarra at Padre Damaso sa handaan. Bawat grupo ng
mamamayan ng San Diego ay iba ang nagging palagay sa dapat o hinda dapat ginawa ni Ibarra at ng
pari. Bawat isa’y humuhula rin sa iba pang mangyayari dahil sa naganap sa dalawa. Ang mahihiap na
magbubukid ang higit na nalulungot at nag-aalaala dahil sa maaaring hindi na matuloy ang pagpapatayo
ng paaralan. Hindi na rin maaaring makapag-aaaral ang anilang mga anak. Pati sina Kapitan Tiago at
Maria Clara ay napasamâ o naapektuhan sa nangyari kina Padre Damaso at Ibarra. Naeksumulgado si
Ibarra. Pinagbilin naman si Kapitan Tiago na putulin ang relasyon niyon kay Ibara at iurong na ang kasal
nina Maria Clara at Ibarra. Iniluluha ni Maria Clara ang nanganganib na pag-iibigan nila ng binat.
Pinoproblema naman ni Kapitan Tiago ang malaking halagang utang niya kay Ibarra na kailangang
bayaran niya kaagad kung puputulin niya nag elasyon sa sana’y mamanugangin niya.
Dumating ang goberndor-heneral sa San Diego. Maraming humarap sa kaniya upang magbigay-galang.
Isa na rito si Ibara na sadya niyang bayan at sa mga makabgong ideya nito sa pamamalakad sa bayan.
Hinangad niyang matulungan ang binat, ngunit sinabi niyang maaaring hindi niya iyon laging
magagawa. Inakit niyang manirahan si Ibarra sa Espanya sapagkat nanghihinayang siya sa binata.
Hindi naipagsaya sa araw ng kapistahan ng San Diego si Donya Consolacion. Pinagbawalan siyang
magsimba ng kaniyang asawa sa ikinahihiya siya niyon. Nag-iisa sa kanilang bahay si Donya
Consolacion habang nagsasaya ang karamihan sa mga mamamayan, kaya’t si Sisa ang napagbalingan
niya at pinaglupitan.
Isa pang pagdidiriwang para sa kapistahan ng San Diego ang ginanap sa plasa. Ito’y ang
pagtatahanghal ng stage show. Sarisaring kilos at katangian ng iba-ibang uri ng tao ang
maoobserbahan sa dulaan. Maaming tao ang naligalig ngunit iba-iba ang dahilan ng kanilang
pagkakabalisa. Kaya’t ang magarbong pagdiriwang ay nagwakas sa kaguluhan. Hindi makatulog si
Ibarra dahil sa iba-ibang kaisipang gumugulo sa kaniya kaya’t inumaga siya sa pagtitimpla ng kung ano-
anong kemikal sa kaniyang aklatan. Naabala siya sa pagdating ni Elias na nagbabalita sa kaniya ng
patungo nito sa Batangas at pagkakasait ni Maria Clara. Buong pusong pinasalamatan ni Ibarra si Elias
sa pagiging maalalahanin niyon. Kabaligtaran ng gayong kilos ang ipinamalas niya sa ikalawang
panauhin dahil sa nahalata niyang pangunguwarta niyon. Malungkot noon sa bahay ni Kapitan Tiago
sapagkat may sakít si Maria Clara. Dahil dito ay naipatawag si Dr. Tiburcio de Espadaña, na asawa ni
Donya Victorina, upang siyang tumingin kay may Maria Clara. Naging magasawa ni Don Tibucio at
Donya Victorina pagkat natugunan ng bawat isa sa kanila ang magkaiba nilang mahigpit na
pangngailangan. Mahuhulaan nang hindi kasiya-siya ang kanilang pagsasama dahil sa nasabing
dahilan ng pagkakasal nila sa isa’t isa. Isang bagong tauhan ang nakilala sa kabanatang ito, si Alfonso
Linares na inaanak ng bayaw ni Padre Damaso. Naging administrado sana siya ng mga ari-arian ni
Donya Victorina ung totoo lámang pinamalita niyong pagdadalantao.
Labis na ikinalungkot ni Padre Damaso ang pagkakasakit ni Maria Clara. Nahalata ng mga táong
nakapaligid sa kaniyang pagkabalisa. Tila nalibang lamang siay nang aunti nang ipakilala sa kaniya ni
Donya Victorina ang binatang Kastilang si Alfonso Linares. Waring nag-iisip si Pade Damaso nang
makilala niya ang inaanak ng kaniyang bayaw na ipinagbilin sa kaniya sa sulat nito. Samantala,
takangtaka si Lucas nang sigawán siya at ipagtabuyan ni Padre Salvi nang ibinalita niya rito ang
pagbibigay sa kaniya ni Ibara ng limadaang pisong bayad-pinsala. Nabinat si Maria Clara pagkatapos
makapangumpisal at iba- iba ang hatol ng mga taong nakapaligid sa kaniya inihanda ni Tiya Isabel si
Maria Clara sa isang mabuting pangungumpisal na muli. Siyang-siya si Tiya Isabel sa naitang pagluha
ng dalaga pangkat nangangahulugan iyon ng pagsisisi ayon sa kaniya.
Isang matandang lalaking dating kumupkop kay Elias ang kasalukuyang nagtatago sa mga abundukan
sapagkat siya ay naging rebelde laban sa pamahalaang Kastila. Natagpuan siya ni Elias sa kaniyang
pinagtataguan at pinakiusapang magbagong-búhay. Ipinaliwanag ni Elias na may mapakikiusapan
siyang isang mayamang binata para maging tagpagsalita nila sa Cortes sa Espanya tungkol sa mga
karaingan ng mga mamamayang naaapi sa Pilipinas tulad ng matandang lalai, Tandang Pablo.
Pinagduduhan ni Tandang Pablo kung papanigan ang mga naapi ng binata sapagkat iyon ay mayaman,
at ang mga mayayaman ay walang hangarin kundi ang lalong magpayaman. Ang sabong ay bahagi na
ng kultura ng mga Pilipino. Sa sugal na ito ay makiita ang katangain at kapintasan ng mamamayang
Pilipino. Hindi lang paglilibangan ang nagaganap sa sabungan. Makikita rin na isang pook tiong
panangyayarihan ng iba-ibang klase ng pandaraya at pakanâ. Para itong baying kaikitaan ng mga táong
nagsasamantala at pinagsamantalahan.
Namasyal sina Donya Victorina at Don Tiburcio sa mga hayag na lansangan ng San Diego.
Nakakahawak pa ang donya sa asawa at may pagyayabang na mababakas sa kaniyang anyo. Kay,
gayon na lamang ang kaniyang pagkainis nang hindi siya pansinin ng mga táong nakasalubong, lalo na
nga ng komandante. Nagyayâ na tuloy siyang umuwi. Nag-away sila ni Donya Consolacion nang
mapatapat silang mag-asawa sa bahay ng komandante. Dahil sa nangyayaring pagkampi ng
komandante kay Donya Consolacion ay pinagbantaan ni Donya Victorina si Linaes na ibubunyag niya
ang lihim ng binat kapag hindi niyon hinamon ng duwelo ang komandante. Dumating na muli sa San
Diego si Ibarra pagkatapos ng ilang araw na pag-aasikaso sa kaniyang kaso. Napatawad siya sa
pagkaeskandalo ng mismong arsobispo. Kaagad niyang dinalaw si Maria upang ibailta iyon. Ngunit tila
may namagitang hindi pagkakaunawaan sa dalawa dahil sa dinatnan ni Ibarra si Linares sa bahay ni
Kapitan Tiago. Samantala, nagtaká si Ibarra nang Makita niyang nagtatrabaho si elias kay Maestor Juan
gayong wala iyon sa talaan ng mga manggagawa.
Dumating si Ibarra sa tipanan nila ni Elias. Habang namamangang patungo sa kabilang bayan ay sinabi
ni Elias kay Ibara ang mga karaingan ng mga manghihimagsik. Inakala ni Elias na makatulong si Ibaa
sa pagpapaating sa nasbing mga kanilang palagay ni Ibarra tungol sa guardia civil at oporasyong ng
mga prayle. Matapos na maibulalas ni Elias ang kasaysayan ng kaniyang angkan. Nagulumihan si
Ibarra sa kaniyang nairinig na alupitan ng tao sa kapwa tao. Hiniling ni Elias kay Ibarra na manguna iyon
sa pagpapaating ng mga karaingan ng mamamayan sa pamahalaang Kastila sa Espanya upnag
magkaroon ng pagbabago sa pamamalakad ng pamahalaang sa Pilipinas. Tumanggi si Ibarra sa pag-
aakalang hindi pa napapanahon ang gayong kahilingan. Ipinasya ni Elias na tupain ang ipinangako niya
ay Kapitan Pablo.
May mga nagbagong-kilos sa ilan sa mga tauhan sa nobelang ito. Hindi pa matukoy ang dahilan ng ilan
din sa mga pagbabagong ito, lalo na ang may kinalaman kina Maria Clara at Padre Salvi. Ngunit
kapuna-punang hindi nakabubuti para kay Maria Clara ang mahiwagang nangyari sa kaniya. Palihim na
nagtungo si Lucas sa sementeryo upang katagpuin ang ilan pang laláki. Pinagbilinan ni Lucas ang mga
iyon sa dapat isigaw sa paglusob sa kuwartel at sa kumbento. Sinundan ni Elias si Lucas, at inalam niya
ang dahilan ng pagtatagpo-tagpo sa sementeryo. Ngunit napilitan siyang iwang mag-isa doon si Lucas
nang makaharap na sila sapagkat natalo siya sa suhal sa baraha.
Pinagtatalunan ng mga manang sa San Diego ang bilang ng kandilang may sinding kanilang nakita o
kunwari’y nakita nagdaang gabi. Iba-iba rin pakuhulugan ang kanilang ibinigay sa gayong pangyayari.
Samantala ay hindi ang mga kaluluwa sa purgatoryo ang paksa ng usapan nina Pilosopo Tasyo at Don
Filipo, kundi ang pag-unlad na sinasang-ayunan ng mga Heswita at hinahangaan sa Pilipinas, bagama’t
tatlundaang taon na itong luma sa mga bansa sa Europa. Ayon kay Padre Salvi ay natuklasan niya sa
pamamagitan ng isang babaeng nangumpisal sa kaniya ang isang malaking sabwatan laban sa
pamahalaan at simbahan. Pinuntahan ng kura ang komandante at isinumbong niya ang kaniyang
natuklasan. Pinagpayuhan niyang magiangat at mahinahon sa pamaraan ang punò ng guardia civil para
madakip at mapagsalita ang mga may-pakana. Naghiwalay ang dalawang makapangyarihan na kapwa
umaasa sa tatamuhing pag-asenso sa tungkulin at parangal. Samantala, natuklasan naman ni Elias ang
pangalan ng táong siyang ugat ng lahat ng kasawian ng kaniyang mga kaanak.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinagabihan. Ngunit papások pa lámang siya sa bulwagan ay
umalingawngaw na ang sunod-sunod ng mga putúkan mula sa kabayanan. Takot at kalituhan ang
naghari sa mga nasa tahanan ni Kapitan Tiago, matangi kay Ibarra. Nanaog siyang natitigilan. Nang
makabalik siya sa kaniyang bahay ay naghanda siyang para sa pag-alis, subalit inabutan siya ng mga
papeles ni Ibarra, pagkat sinunog ni Elias ang kaniyang bahay. Hindi iilang pala-palagay o sabi-sabi
tungkol sa naganap na tungkol sa putúkan ang kumalat sa kabayanan kinaumagahan. Inilantad ng
gayong pangyayari ang kalikasan ng pagkatao ng mamamayan. Mapupunanag walang nagging
mabuting palagay sa nangyari. Ang isa pang napapabalita ay tungkol sa nagbigting laláking may pilat sa
bakurang malápit kina Sister Pute. Isang nag-anyong magbubukid ang napansing nangingilala sa
nagbigting lalaki. Siya si Elias na nagtungo rin sa kumbento at nagpamisa. Sinabi niya sa sacristan
mayor na ang nasabing pamisa ay para sa isang malápit nang mamatay.
Dalawa sa mga lumusob sa kwartel ang nahuli nang buhay. Sinikap ng komandante/alperes na
imbestigahin sina Tarsilio at Andong. Ipinaghihigante lamang ni tarsilio ang kaniyang amang pinatay sa
palo ng gwardia civil. Wala nang ano mang pahayag na nakuha si tarsilio kahit na nang timbain siya
hanggang sa mamatay. Si Andong na nagkataong nanabihan sa bakuran ng kwartel dahil sa inabot ng
sakit na tiyan ay pinalo at ipinakulong na muli ng komandante. Inilabas sa kulungan ng munisipyo ang
mga bilanggo upang dalhin sa ulumbuyan. Walang malamang gawin ang kaanak ng bilanggo para
makalya ang mga iyon. Tanging kay Ibarra lámang walang nagmalasakit nang gayon. Sa halip ay inulan
siya ng mga bato’t dumi ng kaanak ng mga bilanggo. Isinisisi sa kaniya ang lahat ng nangyaring mga
kapahamakan. Nakarating sa Maynila ang nangyaring kaguluhan sa San Diego na marami at iba-iba na
ang bersiyon. Naging tampulan ng pamumuna ang mga tauhan sa pangyayari. Nangunguna rito sina
padre Salvi at Ibarra. Marami ring ipinaaalam na kalagayan sa mamamayang Pilipino noon ang
nangyari kay kapitan Tinong. Mahuhulaang inggit sa kapwa at hindi lagging ang tunay na dahilan ang
ikinapapahamak ng tao. Kadalasan ding ang inaakalang walang magagawang pinsala ay siyang
nakapagpapahamak sa kapwa.
Ipakakasal ni Kapitan Tiago si Maria Clara kay Liñares, isang kamag-anak ni Padre Damaso, upang
makatiyak siya ng tahimik na pamumuhay. Dahil dito’y nagging paksa ng tsimis ang dalaga. Pati si
Tenyente Guevarra ay naghinala sa kaniya. Ipaliwanag ni Maria Clara kay Ibarra ang tunay na mga
pangyayari na siyang dahilan ng paglalayo nilang magkasintahan. Nagpatuloy sa pagtakas si Ibarra sa
tulong ni Elias. Ipinayo ni Elias sa kasama na mangibang bansa na. Ngunit may ibang balak si Ibarra.
Nais niyang makapaghihiganti sa mga táong nagsadlak sa kaniya sa bilangguan at sa mga humamak
sa kaniyang kapitán. Hindi sinag-ayunan ni Elias ang gayong balak sapagkat maraming walang-malay
ang maaaring madamay. Ipinasiya ni Ibarra ng ituloy ang nasabing balak na hindi kasáma si Elias.
Nagpahatid siya sa bundok, pero natuklasan na ang kaniyang pagtakas at itinugis sila ng patruya at isa
pang bangkang lulan ang mga guardia civil. Tumalon sa lawa si Elias at nagpahabol sa mga tumutugis
upang makalayo ang bangkang kinahihigaan ni Ibarra.
Nabása ni Maria Clara sa pahayagan ang balitang napatay si Ibarra sa tugisan sa lawa. Ipinasya niyang
huwag nang pakasal kay Liñares ito’y ipinaalam niya kay Padre Damaso. Minabuti pa ng dalagang
magmongha pagkat wala na siyang pag-asang mangunita man lámang si Ibarra. Nadama ni Padre
Damaso ang bigat ng pakakasálang nagawa niya sa pakikialam sa pag-iibigan nina Ibarra at Maria
Clara. Ipinagtapat niya sa dalaga ang tunay na dahilan ng gayon niyang panghihimasok.
Bisperas ng Pasko. Napasalamat ang batang si Basilio sa mag-anak na kumupkop sa kaniya sa
kabundukan. Nagpaalam na rin siya upang umuwi sa kanila. Nagpag-alaman niyang nabaliw ang
kaniyang ina at nagpagala-gala sa bayan ng San Diego. Hinanap niya iyon at nang magkita sila’y hindi
siya kaagad nakilala ni Sisa kaya’t muli iyong tumakas. Nakarating ang kaniyang ina sa gubat. Nang
noche buenang iyon ay isa pang wari’y takas din ang dapat gawin ni Basilio. Iba-ibang klase ng
kasawiang-palad ang naganap sa buhay ng mga tauhan ng nobelang ito. Tanging ang
alperes/komandante ng guardia civil sa San diego ang matagumpay na nagbalik sa Espanya at gayon
din naman si Padre Salvi na nataas ng tungkulin. Sarisaring balita ang kumalat kay Maria Clara – mga
balitang hindi napatunayan pagkat nilukuban ng maykapal na pader ng monasteryo ng Sta. Clara.

You might also like