Professional Documents
Culture Documents
Feminism o
Feminism o
Teoryang Feminismo
mga babae at lalake ay maging pantay sa pagtatamasa ng mga karapatan sa lipunan. Tulad ng
mga karapatang sosyal, karapatang ekonomiko lalo na sa karapatang politikal. Bilang isang
teoryang pampanitikan ay may layunin ito na maunawaan ng mga tao o ng mga mambabasa ang
di pagkapantay-pantay ng mga babae sa mga lalake. Subalit ang mga feminista o mga feminist sa
Ingles at tinatawag ding mga tagapagtaguyud ng teoryang ito ay naniniwala na ang panitikan ay
hindi nyutral at wala itong kinikilingan sapagkat ito ay produkto ng panlipun at kulturang
ng panitikan at awtor sa punto de vista ng isang babae, ito ay kung ano ang pagkakaintindi o ano
ang mga opinyon nga mga mababasa sa isang akdang nabasa, ngunit sa teoryang feminismo ito
ay naka pokus sa punto ng mga kakabaihan sa isang akda. Sa pagsusuri nito ay binigyang tugon
ang mga kadalasang imahe at papel ng mga babae sa isang akda, ang papel na ginagampanan ng
mga babaeng karakter at kung ano ang mga temang ikinakabit sa kanila. Ang kritisismo sa mga
kababaihan bilang manunulat dito nakikita ang magiging reaksyon ng mga mambabasa sa mga
karakter na ginagampanan ng isang babae sa akda kung ano ang magiging opinyon niya sa mga
imaheng ipinakita o ipinapahiwatig ng awtor sa mga karakter na babae at kung ito din ba ay
makapukaw sa kanyang kaisipan o damdamin halimbawa, maaring ang isang akda ay naisulat sa
modernong panahon na halos lahat ng mga kababaihan sa panahong yaon ay ang mga isinusuot
na damit ay pawang masesexy at halos makikita na ang pusod at mga sobrang maliliit na shorts
ngunit ang karakter na babae sa akda ay pawang nagsusuot ng mga mahahabang saya o di kaya
ng susuot pa rin ng mala-maria klara na mga damit dahil sa ang babae sa akda ay sinusunod niya
ang kanyang nakagawiang kultura at maari din na ito ang nagisnan niyang kaugalian sa kanyang
magulang at naipasa sa kanya. Maari ding halimbawa na ang isang babae ay hindi nagpapaputol
ng kanyang buhok sapagkat sa kanilang paniniwala o kultura ay bawal ito dahil sa maaring sa
pagputol ng kanyang mga buhok ay ang isa itong pagtataksil sa kanilang mga panginoon o di
kaya sa kanilang kultura. Sa kababaihan naman bilang isang manunulat dito ay maaring tingnan
ng isang manunulat ang imahen ng isang babae, ano ang magiging imahe ng babae sa kanyang
akda, o pagpapakalarawan, paano niya ilalarawan ang karakter ng babae, o ano ang magiging
gagampanan na niya sa kwento o ano mga magiging gawain ng mga babae sa llod ng isang adka
ngunit maari din ilantad ng isang manunulat ang pikalilim o ang mga de kahong mga imahe ng
mga babae sa akda na maaring mabuo sa mga panlipunan, kultural, pulitikang pamamalakad,
kasarian.