Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SCRIPT FOR BUWAN NG WIKA PROGRAM

Agosto 24, 2018: HUWEBES

VOICE OVER: Inaanyayahan ang lahat sa pagbibigay tahimik; tayong lahat ay tumayo at magbigay puri
sa Poong Maykapal sa pamamagitan ng isang panalangin; ito ay susundan ng pagpupugay sa ating
watawat; sa ating sangay at sa ating paaralan. Lahat ng ito ay bibigkasin sa pamamagitan ng pag-awit
ng Teatrong Pantanghal ng Tapaz National High School.

***********************************************************

VOICE OVER: Ating bigyan ng malakas na palakpakan ang inyong Tagapagdaloy sa programang ito; G.
Joseph Kenn Leonor at Gng. Rubelyn Mae Gicole.

G. Leonor: Mainit na pagpapasalamat sa iyong pagpapakilala; at isang mainit na hapon para sa ating
mga madla. Sadyang napakaespesyal ng araw na ito. Hindi lamang para sa Filipino Department kundi
para sa ating mga Pilipino; para sa ating lahat!

Gng. Rubelyn: Tama ka riyan, G. Leonor. Sapagkat ngayon ay araw ng pagkilala sa sariling atin; at
araw ng pagbunyi sa wika natin. Dahil kagaya ng isang
sabi,_______________________________________.

G. Leonor: Napakamakata nang kasabihang iyan, Gng. Gicole. At dahil diyan, nakakapangningning sa
ating mga mata na makita ang bawat isa sa bulwagang ito; mapaguro man, estudyante o magulang.
Nagpapakita lamang na tayo ay pinag-iisa ng ating wika.

Gng. Rubelyn: Kaya nararapat lamang na sila ay ating batiin. Ano ba’t ating pansinin ang kagalang-
galang; respetado, makata at matipunong ama ng paaralang ito; kaya ating palakpakan ang nag-
uumapaw sa ngiti; ang ating Punong Guro; Dr. Leonardo F. Farillon.

G. Leonor: At syempre; hindi maaaring lagpasan ang nakakasilaw na kagandahan at kagwapuhan ng


ating mga guro na pinangungunahan ng ating mga Head Teachers at Master Teachers.

Gng. Rubelyn: Mga suportadong opisyales ng PTA na pinamumunuan ni Gng. Evangeline Guevarra.

G. Leonor: Mga mapagmahal na mga magulang; at syempre, maaari ba naming marinig ang ingay ng
mga nagsisigalingan at talentadong mga estudyante ng TAPAZ NATIONAL HIGH SCHOOL!

Gng. Rubelyn: Sadyang malakas ang enerhiya sa bulwagang ito, G. Leonor.

G. Leonor: Tama ka riyan G. Gicole; kaya siguro ay hindi na natin patatagalin pa at atin na silang
ewelcome sa okasyong ito. Kaya para sa ating mga madla; ito ang ________

Gng. Rubelyn at G. Leonor: BUWAN NG WIKA 2018 na may temang; “FILIPINO: WIKA NG SALIKSIK”.

Gng. Rubelyn: At sa pagsisimula; ating salubungin ang taong nasa likod ng kaganapang ito; sa
paghahambing; wala nang maitutulad pa sa kanyang pagiging simple subalit nag-uumapaw sa talino;
kagandahang hindi lamang makikita sa panlabas na anyo kundi maging sa panloob din. Ating bigyan ng
kapuri-puring palakpakan, ang ating Gurong Tagapag-ugnay sa Filipino; Gng. Magdalyn Grace Gayas.

(PAMBUNGAD NA PAGBATI)
G. Leonor: Maraming salamat, Gng. Gayas sa isang mapanghikayat na Pambungad na Pagbati. Ngayon
naman; bago natin ipagpatuloy ang ating okasyon ay maaliw muna tayo sa isang Natatanging Bilang na
ipapakita sa atin ng Opisyales ng KAMAGFIL.

(NATATANGING BILANG)

Gng. Rubelyn: Isang patunay na talentado ang TNHS. Maraming salamat sa isang pampukaw antok,
KAMAGFIL. Sa pagkakataong ito, atin namang ibigay ang pagkakataon sa pangulo ng PTA Officers para
sa isang mensahe; ating bigyang palakpakan ang napakaresponsable at walang katulad na si Gng.
Evangeline Guevara.

(MENSAHE)
G. Leonor: (Quote from Ms. Guevarra’s message) Salamat sa inyong mensahe, Gng, Guevara. At bilang
pasasalamat, aming inaanyayahan si G. Farillon para sa pagbibigay sertipiko. Babasahin ko ang nilalaman
ng sertipikong ito (Read the Citation in the certificate).

(PAGBIBIGAY SERTIPIKO)
G. Rubelyn: Ngayon naman, isa pang panauhin ang pumarito sa atin; kaya ating tawagin si Gng.
Josefina Castillon; Master Teacher 1 at guro sa Filipino 8 upang ipakilala sa atin ang ating Panauhing
Tagapagsalita.

(PAGPAPAKILALA NG PANAUHING TAGAPAGSALITA)


(MENSAHE NG PANAUHING TAGAPAGSALITA)

G. Leonor: (Quote from the speaker’s message) Salamat sa isang mensaheng puno ng inspirasyon na
siguradong maiiwan sa kaisipan ng bawat isa, Gng. Floro.

G. Rubelyn: Ngayon; bilang pagpapasalamat at pagbibigay pugay sa ating Panauhing Tagapagsalita;


atin muli siyang tawagin kasama ng ating Punong Guro at Head Teachers sa pagbibigay sertipiko at
token. (READ THE CITATION)

G. Leonor: Ito na. Ito na ang pinakahihintay nating lahat sa oras na ito. Ang pinakainaabangan ng lahat.

G. Rubelyn: Tompak ka riyan, G. Leonor. Tayo nga ay nasa Ikalawang Bahagi na ng ating programa;
kung saan iba’t-ibang patimpalak at talento ang ating matutunghayan.

G. Leonor: Kaya wag na nating patagalin pa at atin nang simulan

BOTH: ANG PALIGSAHAN.

G. Rubelyn: Kung handa na kayo ay handa na rin ang ating mga taong magbibigay puntos at
kailangang pahangain ng ating mga kalahok sa ating mga patimpalak. Walang iba kundi an gating mga
hurado. At upang sila ay ating lubos na makilala; ating salubungin si G. Rita Sheila Palomar sa
pagpapakilala.

(PAGPAPAKILALA NG MGA HURADO)

G. Leonor: Handa na ang ating mga hurado at siguradong kapwa na nagsisitakbuhan ang bawat
kabadong dibdib n gating mga kalahok; at upang mas maintindihan at mabigyang impormasyon ang
lahat sa bawat patimpalak na ipapakita sa hapong ito; atin munang tawagin sina Bb. Lady Jo Villance at
Gng. Argielyn Katipunan para sa Pagbasa ng mga Pamantayan at Panukatan.

(PAGBASA NG PAMANTAYAN AT PANUKATAN)

Gng. Rubelyn: Maraming salamat, mga maririkit na Binibini. Ngayon ay atin nang simulan ang
paligsahan sa pamamagitan ng PAGBIGKAS NG TULA.

CONTEST PROPER:
-Pagbigkas ng Tula
-Deklamasyon
-Dagliang Talumpati
-Sabayang Pagbigkas

G. Leonor: At natapos na nga ang ating paligsahan. Ngayon ay atin nang pasalamatan ang mga
respetadong hurado sa pamamagitan ng pagbibigay sertipiko; muli ay aming tinatawag an gating Punong
Guro at mga Head Teachers. (Read the Citation)

Gng. Rubelyn: Alam naming kayo ay nagmamadali at nagagalak nang makilala ang mga nanalo sa
paligsahang ito; subalit bigyan muna natin nang oras ang ating mga opisyales sa pagverify ng mga
resulta. At habang kayo ay naghihintay, tayo muna ay making sa isang VOCAL SOLO na ihahandog sa
atin ni __________.

G. Leonor: At dumating na nga ang takdang panahon. Ngayon ay amin nang tatawagin ang mga nanalo
sa bawat paligsahan sa hapong ito; pero bago yan, tawagin muna natin sina Gng. Gayas, Gng. Castillon
at Gng. Fabayos sa pagbibigay parangal sa ating mga kalahok. Sisimulan namin sa PAGBIGKAS NG TULA
..

(PAGTAWAG SA MGA NANALO AT PAGGAWAD NG KARANGALAN)

G. Rubelyn: Isang pagbati para sa mga nanalo sa ating paligsahan. Ngayon naman ay ibigay natin ang
pagkakataong ito upang pakinggan ang ama ng ating paaralan, Dr. Leonardo F. Farillon, para sa kanyang
Pangwakas na Mensahe.

(PANGWAKAS NA MENSAHE)

G. Leonor: Maraming salamat G. Farillon. At dito nga nagtatapos ang ating programa. Kaya huling
habilin; “WIKANG ATIN, IPAGMALAKI..

Gng. Rubelyn: Tangkilikin,

G. Leonor: At mahalin. Wikang Filipino, atin ito!”

Gng. Rubelyn: Ako si Gng. Rubelyn I. Gicole na nagsasabing, _____________


G. Leonor: At ako si G. Joseph Kenn Leonor

Both: Maraming salamat at humayo na.

You might also like