Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Kuneho at ang Pagong

Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong.


Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at
nilibak.
"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang
mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa.
Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na
nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho.
"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang katawan ko, hindi
mo ako matatalo."
Lalo lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka
lamang," wika ni Kuneho.
"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa ituktok ng
bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.
Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni
Pagong. Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang
karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan
oras na matalo niya ito.
Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop. Si matsing ang nagbilang para
sa pag-uumpisa ng paligsahan.
"Handa na ba kayo".
Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!".
"Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing.
Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumoisahan.
Mabilis na nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay
naroroon na siya sa paanan ng bundok.
Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay
pagong.
Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan
siya ng mga nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga
ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon.
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa
kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni
pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan
tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng makarating an siya sa
kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.
Patuloy nman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa
marating niya ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na
mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik. Nilampasan niya ito at
nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng
kanilang karera.
Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok,
subalit hindi pa din makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli
paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng matanaw si
pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.
Naunahan na pala siya.

You might also like