Elemento NG Tula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

ELEMENTO NG

TULA

Ipinasa kay:

Prof:Angeles E.Ysmael

Ipinasa ni:

Shiela Mae M. Yaran


ELEMENTO NG TULA

Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay,


hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at
ipinahahayag sa pananlitang may angking aliw-iw

1.Sukat

2.Saknong

3.Tugma

4.Kariktan

5.Talinhaga

6.Anyo

7.Tono\Indayog

8. Persona

9.Aliw-iw

1.SUKAT

Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na


bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan
ng pagbasa. halimbawa: isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig
MGA URI NG SUKAT

1.Lalabindalawahin –

Hal.

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad

Sa bait at muni, sa hatol ay salat

2.lalabing-animin –

hal.

Sai-saring bungangkahoy,

hinog na at matatamis

Ang naroon sa loobang

may bakod pa a paligid

3.Lalabingwaluhin –

Hal.

Tumutubong mga palay,gulay at

maraming mga bagay

Naroon din sa loobang may

bakod pang kahoy na malabay


Ang mga tulang mgay lalabingdalawa at labingwalo ay may
sesura o hati na nangangahulugang saglit na paghinto ng pagbasa
o pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig.

Halimbawa:

Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw

Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin

Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga panaginip

Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y / Pag-ibig, Pg-ibig!

Noong panahon ng Hapon, may tulang dinala rito ang mga


Hapones. Ito ang tinatawag na Haiku , na may limang pantig
lamang sa loob ng isang saknong at Tanaga na may pitong pantig
sa loob ng isang saknong.

1. Wawaluhin –

Halimbawa:

Isda ko sa Mariveles

Nasa loob ang kaliskis

2.Saknong

Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may


dalawa o maraming linya (taludtod).

2 linya - couplet
6 linya - sestet

3 linya - tercet

7 linya - septet

4 linya - quatrain

8 linya - octave

5 linya – quintet

Ang couplets , tercets at quatrains ang mada- las na ginagamit sa


mga tula.

3.TUGMA

Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa


tuluyan. Sinasa -bing may tugma ang tula kapag ang huling pantig
ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha
itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa
tula ng angkin nitong himig o indayog.

MGA URI NG TUGMA

1.Tugma sa patinig (Ganap)

Hal. Mahirap sumaya

Ang taong may sala

Hal.

Kapagka ang tao sa saya’y nagawi


Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang


patinig sa loob ng isang saknong o dalawang magkasu- nod o
salitan.

Hal.

a a a

a a b

a b a

a b b

2. Tugma sa katinig (Di-ganap)

a. unang lipon – b,k,d,g,p,s,t

Hal. Malungkot balikan ang taong lumipa s

Nang siya sa sinta ay kinapos-pala d

b. ikalawang lipon – l,m,n,,ng,r,w,y

Hal. Sapupo ang noo ng kaliwang kama y

Ni hindi matingnan ang sikat ng ara w

4.KARIKTAN

Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang


masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at
kawilihan. Pinagsama-sama ng mga katangiang nagpapatingkad
sa katangiang ng tula at pumupukaw sa mayayamang
imahinasyon ng mambabasa.

Halimbawa:

maganda – marikit

mahirap - dukha o maralita

5.TALINHAGA

Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa


bagay na binabanggit. Ito’y isang sangkap ng tula na may
kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.

Hal: nag-agaw buhay ,nagbababnat ng buto

ANYO NG TULA

1.Malayang taludturan

Isang tula na isinulat nang walang sinusunod na patakaran


kung hindi ang anUmang naisin ng sumusulat. .Ito ay ang anyo ng
tula na ipinakilala ni Alejandro G. Abadilla

2. Tradisyonal na tula

Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga


salitang may malalim na kahulugan.

3.Blangkong berso -May sukat na walang tugma

4. Walang sukat na may tugma


5.Mga katutubong tula

diona - Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo


ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at
may isahang

tanaga - Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na


binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada
saknong na may isahang tugmaan.

dalit - Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng


walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at
may isahang tugmaan

6.Anyo

Porma ng tula.

7.Tono/Indayog

Diwa ng tula.

8.Persona

Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong


panauhan

9.Aliw-iw

Indayog sa pabigkas sa taludtod o ritmo.Ito ay isang uri ng


sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa
iba’t-ibang anyo at estilo.Pinagyayaman nito sa pamamagitan ng
paggamit ng tayutay.

You might also like