Isang mapagpala at magandang araw ang bati namin sa inyo.
Buwan ng Agosto, tuwing sasapit
Masarap gunitaing lumaya sa hagupit Mga mananakop sa atin nagmalupit Kasarinlan, ating mga bayani sa atin hatid.
Ngayon nga ating ipinagdiriwang
Buwan ng wika, wikang pagkakakilanlan Muli sa atin iparamdam Wikang Filipino katumbas kayamanan.
Tunay na ang bawat isa sabik na sabik
Sa mensahe’t inspirasyong panauhi’y sa atin hatid Batay sa tamang, Filipino: Wika ng saliksik Buksan ang mga tenga lahat manahimik.
Unang nasilayan itong ating mundo
Taong 1991, ikaapat ng Hulyo Dito rin isinilang sa may Upper Bato Bambang, Nueva Vizcaya, diyan lang sa Sto. Domingo
Bunga ng suyuan ng yumaong G. Cesario Carpio Liborio
At ng mapag-arugang, Gng. Wilma Angya-an Balanti na mapanuyo Napakagandang nilalang, isang bagong tao Sumibol sa tahanang pagmamahalan ang bumuo. Nagsalok ng karunungan sa Vista Hills, paaralang elementarya Masipag, masigasig, Valedictorian nakamit niya Tumuntong sa mataas na paaralan Pinarangalan bilang Salutatorian
Kolehiyo ay binuo sa Bambang NVSU
Batsilyer sa Edukasyong Pangsekundarya, nagpakadunong sa Filipino Hirap at pagtitiis bunga’y karangalan sa leeg isinabit Sa kaniyang pagtatapos inani’y Cum Laudeng malupit.
Sa kasalukuyan isang gurong huwaran
Inspirasyon ng kabataan sa may Sta. Cruz Pinkian Mga kapwa ko mag-aaral, buong Lamoan Heto na ating salubungin ng masigabong palakpakan G. Miller B. Liborio, panauhing pandangal sa ating pagdiriwang.