Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ikalawang Gawaing Pampangkat

Mga Panuto:

1. Binubuo ang proyekto ng tatlong bahagi:


a. Abstract
i. Sa pamamagitan ng isang hanggang dalawang talata na nasa pagitan ng 150 at
250 na salita, talakayin ng bahagya ang magiging laman ng inyong pag-aaral.
Talakayin ng bahagya ang layunin ng papel at kung bakit mahalaga ang
pananaliksik ninyo sa pag-aaral ng kasaysayan sa Pilipinas.

Hal.

Sa nakalipas na maraming taon, alam natin na wikang Ingles ang


ginagamit na midyum sa pagtuturo ng matematiks sa lahat ng antas ng
pag-aaral. Kahit na noong nagkaroon ng direktiba ang DECS tungkol sa
angkop na midyum para sa pagtuturo ng iba't ibang asignatura, Ingles
pa rin ang napiling midyum para sa pagtuturo ng matematiks. Subalit
hanggang sa ngayon, wala pa ring resulta ng pananaliksik na
nagpapatunay na talagang dapat na Ingles ang gamiting midyum sa
matematiks at wala pa ring malaking pagbabago sa antas ng pagkatuto
ng mga mag-aaral ng matematiks; gayundin, wala ring matibay na
batayan na kapag Ingles ang gamit sa pagtuturo, maganda ang atityud
ng mga mag-aaral sa matematiks.

Ngayon, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga guro at mga


mananaliksik ay ang posibleng epekto ng paggamit ng wikang Filipino
bilang midyum sa pagtuturo ng matematiks. Ayon sa karanasan ng
mananaliksik na ito at ng ilan pang guro sa matematiks, kung
dumarating ang mga pagkakataong di maunawaan ng mga magaaral ang
kanilang aralin na itinuro sa wikang Ingles, ito ay ipinapaliwanag nil a sa
wikang Filipino. Dahil dito medaling naiintindihan ng mga mag-aaral ang
kanilang aralin, bukod sa nagiging kawili-wili pa sa kanila ang pag-aaral
ng matematiks.

b. Mga Tanong sa Pananaliksik


i. Sa pamamagitan ng isang maikling talata, talakayin ang mga tanong na nais
sagutin ng papel. Tandaan: higit na mainam na ang simula ng mga tanong ay
bakit o paano, upang bigyan ng pagkakataon na mailabas ang personal na tindig
ng pangkat ukol sa mga isyung pangkasaysasyan na nais nilang talakayin sa
papel.
Hal.:

Layunin ng papel na ito na tugunan ang kritikal na isyung pangkasarian


sa medisina sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismong Kastila. Nais nitong
sagutin kung bakit dominante ang kababaihan sa tradisyunal na medisina noong
prekolonyal na panahon at tuklasin kung paano nagbago ang kalagayang ito sa
ilalim ng kolonyalismong Kastila.

c. Balangkas ng Papel
i. Sa bahaging ito itatala ang inaasahang balangkas ng papel. Ipakita ang mga
paksang tatalakayin sa papel at sa pagkakasunod-sunod sa pagtalakay. Ang nasa
ibaba ay halimbawa lamang, maaaring higit pa dito ang nilalaman ng inyong
paksa.

Hal.

I. Ang sining sa Panahong Prekolonyal


a. Tatalakayin ng bahaging ito ang mga elemento ng sining sa panahon bago dumating ang
mga Kastila. Kasamang tatalakayin dito ang epekto ng pulitika at ekonomiyang
prekolonyal sa pagkakabuo ng mga awit, tula, bugtong at iba pa na magiging bahagi ng
prekolonyal na sining.
II. Ang pananakop ng mga Kastila at ang pagpapalaganap ng kulturang kolonyal
a. Tatalakayin ng bahaging ito ang transisyon mula sa prekolonyal na sining patungong
kolonyal na kultura. Kasama sa tatalakayin ang paglalapat ng Katolikong kultura sa mga
kolonisadong pamayanan at ang mga elemento ng pag-aangkop mula sa mga katutubo.
III. Ang sining sa panahon ng mga llustrado
a. Sa bahaging ito susuriin ang mga pagkakaiba ng sining sa pananaw ng mga Ilustrado sa
kolonyal na sining sa Pilipinas. Titignan din dito kung ano ang mga aspeto ng sining ng
mga Ilustrado na may diwa ng nasyunalismo

Sa dulong bahagi ng papel itala ang mga batis na nakita na at gagamitin para sa inyong papel.
Siguraduhin na nakabukod ang mga ito ayon sa pagiging primary o segundaryang batis nito. Gamitin ang
pormat ng Turabian.

You might also like