Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buod

Si Jim Dillingham Young at ang kaniyang kasama sa buhay na babaeng si Della ay isang nakababatang
mag-asawang may labis na pag-ibig sa bawat isa, subalit hindi nila halos maabot ang halaga ng arkila para
sa kanilang apartamentong may iisang silid lamang dahil sa labis na kalagayang pangkabuhayan. Isa itong
tirahang katabi ng nakaangat na riles ng tren. Para sa Pasko, nagpasya si Della na ibili si Jim ng isang
tanikala para pinahahalagan nitong orasang pambulsa na bigay pa ng ama nito. Nagkakahalaga ng
dalamwampung dolyar ang tanikala. Para makalikom ng salaping may ganoong halaga, ipinaputol ni Della
at ipinagbili ang kaniyang pinahahalagahang mahabang buhok na umaabot sa kaniyang tuhod. Ibinenta niya
ito sa tagagupit para magawang peluka ng ibang tao. Samantala, nagpasya naman si Jim na ipagbili ang
kaniyang orasan para maibili si Della ng magandang mga pangkat ng suklay na yari pa sa mga kabibe ng
pawikan, para magamit ni Della sa kaniyang mahabang kayumangging buhok. Bagaman kapwa sila
nalungkot dahil nawalan ng saysay ang kanilang mga alay para sa isa't isa, nakuntento namang ang bawat isa
sa mga natanggap nilang mga handog, dahil kumakatawan ang mga ito sa kanilang pagmamahalan bilang
mag-asawa. Mas nakahihigit ang kanilang 'di-makasariling pag-ibig sa isa't isa kaysa kanilang mga ari-
arian.[3]

Kaugnayan sa Tatlong Mago


Ang Ang Handog ng mga Mago ay kaugnay ng salaysay sa Bibliya hinggil sa tatlong haring mago na
matatagpuan sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 2: 1-12). Ang mga Mago ang nagalay ng mga handog sa
Batang Hesus noong natagpuan nila ito sa isang sabsaban sa Belen ng Judea sa Jerusalem.[4] Ang
matatalinong mga taong ito ang nagpasimula o nagimbento ng sining ng pagbibigayan ng mga regalo. Sa
kaniyang maikling kuwento, itinuring ni O. Henry ang dalawang mag-asawa bilang dalawang "marurunong
na mga kabataan" - hindi mga hangal o mangmang - ng makabagong panahon na isinakripisyo ang
pinakamahalaga at pansarili nilang mga ari-arian. Katulad sila ng mga Mago ng Bibliya na maaaring
isinaisip na maaari rin nilang ipagpalit ang dala nilang mga alay para kay Hesus kung sakaling magkapare-
pareho sila ng mga dinala. Para sa may-akda ng maikling kuwento, sina Jim at Della ang pinakamarunong sa
lahat ng mga taong nagbigay at tumanggap ng mga aginaldo.[3]

Mga sanggunian
1.

 Pete's Tavern, Frommers.com


  O'Henry and The Gift of the Magi LiteraryTraveler.com
  "The Gift of the Magi ni O. Henry, katabi ng talambuhay ni Henry, O., sa pahina 110-113". The New
Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.

4.  Abriol, Jose C. (2000). ""Pagsamba ng mga Mago" at "Pagtakas sa Ehipto (nina Jose, Maria, at
Hesus)," salaysay at mga tala sa pahina 1433". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo
A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.

Mga kawing panlabas

Ang Wikisource ay may orihinal na tekstong kaugnay ng lathalaing ito:


The Gift of the Magi

 The Gift of the Magi ni O. Henry, mula sa Auburn.edu


 Pagbasa ng "The Gift of the Magi" na may teksto at mga tala (MP3), mula sa Transpacificradio.com
 Aklat na napakikinggan na may kasamang teksto ng The Gift of the Magi, mula sa Loudlit.org
 Aklat na napakikinggan na may teksto ng The Gift of the Magi, mula sa Librivox.org

Kategorya:

 Maikling kuwento
 Panitikan ng Estados Unidos
 MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO-10 KONSEPTO : Ang sinumang nagmamahal
nang tunay at tapat ay handing ialay ang pansariling kaligayahan alang-alang sa kasiyahan ng taong
minamahal. I . Layunin: Sa pamamagitan ng isang maikling kwento, 85% ng mga estudyante ay
inaasahang: 1. nahihinuha ang ibig iparating ng akdang/kwentong itatalakay; 2. nahahalintulad ang
mga tauhan na inilarawan sa akda sa tatlong haring Mago. 3. naisasalaysay ang mga pangyayari sa
akda sa pamamagitan ng grapikong presentasyon. II. Paksa A. Tema: Aginaldo ng mga Mago B.
Sanggunian: Ambat, Vilma C. et al.( 2015), Panitikang Filipino, 3 rd Floor, Bonifacio Building.,
DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600. C. Kagamitan: Aklat,Kopya ng
kwento, projector, laptop D. Pagpapahalaga: Ang tunay na pag-ibig ay pagpapakasakit. III.
Pamamaraan A. Paghahanda Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral 1. Panalangin - Tumayo ang lahat
para sa ating panalangin -(Tatayo) tayo at na pangungunahan ni Bb. Kinkito. manalangin… Amen..

 This preview has intentionally blurred sections. Sign up to view the full version.

You might also like